Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (B...

By AdiennaMichelle

4.8K 399 65

Elleina Zeal Suarez, ang kakaibang babae na malakas ang dating sa mga lalaki dahil sa kaniyang walang takot n... More

Prologue
Chapter 1 "Dream"
Chapter 2 "Secretly In love"
Chapter 3 "Mistake"
Chapter 4 "First Hug"
Chapter 5 "Riot"
Chapter 6 "First Day of School"
Chapter 7 "Movers"
Chapter 8 "Savior"
Chapter 9 "Good Heart"
Chapter 10 "Her voice"
Chapter 11 "Kiss"
Chapter 12 "Brothers"
Chapter 13 "Laurent"
Chapter 14 "Riding-in-Tandem"
Chapter 15 "Hand to Help"
Chapter 16 "Fever"
Chapter 17 "Duet"
Chapter 18 "Parking lot"
Chapter 19 "Companion"
Chapter 20 "A walk"
Chapter 21 "Diamond"
Chapter 22 "Dinner"
Chapter 23 "Rain"
Chapter 24 "Baider's Family"
Chapter 25 "Laguna"
Chapter 26 "Majayjay Falls"
Chapter 27 "Pure Love"
Chapter 28 "Letter"
Chapter 29 "Perfection"
Chapter 30 "Mission Failed"
Chapter 31 "THE UNEXPECTED"
Chapter 32 "Affection"
Chapter 33 "Jam"
Chapter 34 "Shine"
Chapter 35 "Valencia's Family"
Chapter 36 "Flair's Birthday"
Chapter 37 "At Flair's House"
Chapter 38 "Rocky's Back"
Chapter 39 "THE UNEXPECTED"
Chapter 40 "Pain"
Chapter 41 "Beat"
Chapter 42 "Camarines Norte"
Chapter 43 "THE UNEXPECTED"
Chapter 44 "Sunrise"
Chapter 45 "Forgetting"
Chapter 46 "Death Anniversary"
Chapter 47 "THE UNEXPECTED"
Chapter 48 "Confuse"
Chapter 49 "THE UNEXPECTED"
Chapter 50 "The Hidden POV"
Chapter 51 "Comeback"
Chapter 52 "THE UNEXPECTED"
Chapter 53 "Mother's Heart"
Chapter 54 "Party"
Chapter 55 "Jealous"
MITZ'S NOTE
Chapter 56 "Protect"
Chapter 57 "Smile"
Chapter 58 "Foundation Day"
Chapter 59 "Foundation Day"
Chapter 60 "Abuse"
Chapter 61 "Warning"
Chapter 62 "Dreadful Gang"
Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"
MUSIC COMPOSITION
Chapter 64 "Baider's Secret"
Chapter 65 "A date"
Chapter 66 "Picture"
Chapter 67 "Attempted Kidnap"
Chapter 68 "Friday Night"
Chapter 69 "Pageant"
Chapter 70 "Pajama Party"
Chapter 71 "Revenge 101"
Chapter 72 "Hope"
Chapter 73 "Uncontrollable Anger"
Chapter 74 "1st Anniversary"
Chapter 75 "Second Life"
Chapter 76 "Chocolate"
Chapter 77 "Break Bone Adept"
Chapter 78 "Heartache"
Chapter 79 "THE UNEXPECTED"
Chapter 80 "Delight"
Chapter 81 "PERFECT TWO"
Chapter 82 "Ali's Birthday"
Chapter 83 "FINAL REVENGE"
Chapter 84 "One on One"
Chapter 85 "Dangerous Fighter"
Chapter 87 "Hardwork"
Chapter 88 "Booze"
Chapter 89 "Grand Ball"
Chapter 90 "Limitless"
Chapter 91 "Love surprises you"
Mitz Note

Chapter 86 "True Friends"

28 4 3
By AdiennaMichelle

Elleina Zeal's POV

Nagising ako na nasa tabi pa rin ni Flair. Tiningnan ko ang mukha niya naluha ako nang makita ang kalunos-lunos na hitsura niya. Sugat-sugat ang parte ng katawan niya, putok ang labi, puno ng pasa ang mukha niya, may sugat sa may kilay. Siguradong magmamaktol siya kapag nakita niyang nabawasan ang kagwapuhan niya lalo na kapag nakita niya ang ilong niyang matangos na may sugat.

You still my Mr. Perfect.

Napangiti ako sa isiping iyon. Hinaplos ko ang mukha niya.

"Magpahinga ka muna" mahina kong sabi at dinampian ng halik ang noo niya.

Hinawi ko ang mga kurtinang nandoon. Nakita ko ang katabing kama ay si Lance, sunod si Carme, Arah na binabantayan ni Kil, sunod si Clench, Rev na nasa tabi ay ang nakabantay na si Ali, at ang dulo ay si Kean. Nasaan si Yannie? Baka lumabas lang at bumili ng pagkain.

Lumapit ako kay Lance at naluha wala na sigurong pipigil sa luha ko dahil ang sakit makita ng mga kaibigan kong nakaratay dito ngayon.

Kung napa-aga ba ako ng dating hindi sila nasaktan?

Gustuhin ko mang hawakan ang kamay ni Lance ay hindi ko ginawa dahil may benda ito at sa tingin ko nakasemento yata dahil bali ito.

Magamit niya pa kaya ulit ang kamay niya?

Iyon pa naman ang pinakainiingatan niya dahil 'yon ang kalakasan niya.

Partner...

Matapos ko kay Lance ay kay Carme naman ako pumunta. Wala naman siyang masyadong inabot na sugat maliban sa namumula niyang pisngi na sa tingin ko ay sinapak siya. Binabantayan din siya ng mga doctor dahil sa puso niya.

"Bebs, pagaling ka, okay?" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Saglit ko pang tinitigan ang mukha niya bago ako lumipat kay Arah.

Kawawa naman si Arah napaka-traumatic ng lahat ng pinagdaanan niya magmula sa tatay niya. Wala naman siyang sugat pero ang karanasang iyon ay siguradong nasa isip niya na. Tahimik lang siya madalas pero sobrang dami niya palang pinagdadaanan.

Tumindi ang hagulgol ko nang makita ko ang mga latay sa katawan ni Clench nang sa kaniya na ako pumunta. Namamaga na iyon at puno rin siya ng pasa.

"Wag kang umiyak alam mong hindi ko gusto 'yan. Buhay naman ako, eh" nag-angat ako ng tingin sa kaniya gising pala siya.

"Clench.." niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Don't worry about me. Lumaban ako, pinaglaban ko ang sarili ko dahil alam kong iyon ang gusto mo" lalong tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Salamat dahil matapang ka na ngayon" ngumiti ako sa kaniya. Tinanggal niya ang mga luha kong pumapatak.

"Kumain ka na ba?" natawa ako sa tanong niyang iyon. Puro pagkain talaga!

"Hindi pa. Ikaw ang kumain muna. Ano bang gusto mo?"

"Kahit anong meron diyan gutom na ako" nakangiting sabi niya.

Kinuha ko ang pandesal na nasa sidetable. "Ito muna, bibili ako ng pagkain mamaya"

"Sige" masigla siyang ngumiti at kumain.

"Gusto mo ng kape?" tanong ko habang pinapanood ang matakaw niyang pagkain.

"Ayaw ko. Water lang" sabi ni Clench.

Saglit ko lang siyang pinanood pagkatapos no'n ay kay Rev naman ako pumunta.

Tingnan mo itong taong ito tulog na nga at lahat nakangiti pa din. Halata talaga ang pagiging abnormal niya kahit tulog. Gusto kong matawa pero pinigilan ko dahil nakita ko rin ang bugbog niyang katawan.

"Thank you, Elle. Okay na siya ngayon" sabi ni Ali at saka ngumiti. "Kung hindi dahil saiyo baka kung ano na nangyari sa kanila"

Niyakap ko si Ali. "Hindi ko sila kailanman pababayaan dahil tropa tayo. Tropang nabuo ng dahil sa pagmamahal sa isa't isa"

Lumapad ang ngiti ni Ali kahit pa may tumulong luha sa mata niya.

"Salamat dahil ramdam kong may pamilya ako dito sa Pilipinas" sinserong sabi niya.

"Salamat din sainyo dahil mga totoo kayong kaibigan" niyakap ko muli siya.

Napahinto ako nang tahakin ang huling kama.

Kean..

Tumitig siya sa akin. Kinakabahan man ay lumapit ako at umupo sa tabi niya. Saglit kong tiningnan ang hitsura niya. Katulad nila ay bugbog siya nakataas ang dal'wang paa at may benda. Alam ko na kung bakit iyon ang pinunterya nila dahil iyon lakas niya.

Prince of Flying Kick..

Iyon ang tawag sa kaniya.

"Kumusta ka?" halos walang lumabas sa bibig ko sa tanong kong iyon.

Bakit ba gano'n kahirap kausapin ang ex?

Nakita ko ang ngiti niya. Totoong ngiti na nakapagpatibok ng puso ko noon.

"Is it a dream? Nag-aalala ka sa akin?" lumapad lalo ang ngiti niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Duh! Sinong hindi mag-aalala sa kaniya? Tingnan niya nga sarili niya halos hindi na makilala sa tindi ng inabot niya katulad ni Flair.

"Kung alam ko lang na mag-aalala ka sana nagpabugbog pa ako ng todo" biro niya.

Pinigilan kong hampasin ang braso niya dahil sa biro niya.

"Gusto mo ako na ang bumugbog saiyo?" inis kong sabi.

"No, thanks. Masakit na katawan ko" sabi niya at inginuso pa ang paa niya.

Tiningnan ko iyon. "Kaya mo na 'yan malaki ka na" ngisi ko sa kaniya.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan.

Awkward..

"My beautiful.."

Nanlaki ang mata ko ng banggitin niya iyon. Kailan ko nga ba huling narinig iyon sa kaniya?

Tiningnan ko siya nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Masaya ka ngayon dahil alam kong hindi ka naman magsisisi na si Jave ang minahal mo" ngumiti siya ng pilit.

Tama si Flair. He's not yet get over me.

Gusto kong humingi ng tawad dahil sa nangyari sa aming dal'wa pero hindi ko rin maalis sa akin na sisihin siya dahil siya naman ang may gusto no'n. Masasabi kong siya ay parte nalang ng maganda kong nakaraan.

Akmang hahaplusin niya ang pisngi ko pero nakita kong pinigilan niya at ikinuyom nalang ang palad.

"Fuck.." ngumiti siya at umiling-iling. "Pres are pres" ang panlulumo ay nasa mukha niya pero ang isipin ang bestfriend niya ay kahanga-hanga. "Sorry sa lahat-lahat, Elle. Hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko saiyo sa mga maling desisyon ko sa buhay"

"Shh. Okay na 'yon tapos na at 'wag mong sabihing mali ang desisyon mo dahil may nailigtas kang buhay. Hindi rin kakayanin ng konsensya ko kung may magpapakamatay dahil sa akin"

"Salamat sa pagintindi mo, Elle" tumulo nang tumulo ang luha niya ramdam ko ang sakit. "Ayaw kong itago saiyo na hawak ko pa rin ang pag-ibig ko para saiyo. Nahihirapan ako" muling gumuhit ang sakit sa mukha niya.

Ikinagulat ko man kahit parang alam ko na iyon ay hindi ko nagawang mag-react agad.

"Wag ka sanang guluhin ng nararamdaman ko saiyo. Alam kong si Jave ang mahal mo" tumawa siya kahit lumuluha at umiling-iling pa. "Sa sobrang pagmamahal niyo sa isa't isa baka bukas o sa makalawa maisipan niyo na agad ang magpakasal. Nakikita ko ang kasiguraduhan niyo"

Napangiti ako sa sinabi niya dahil totoo iyon. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Ang mukhang minsan ng nagpakilig sa akin. Ang mukhang nagpaiyak, nagpatawa, nagmahal at ngayon ay ang nanghihingi ng tawad.

Magmula ng minahal ko si Flair hindi ko na naramdaman ang sakit sa puso maliban nalang no'ng mga araw na siya mismo ang nasaktan ko dahil sa mga nangyari. Wala na akong balak pang bitawan siya dahil siya ang nag-iisang impakto ng buhay ko.

"Hindi ka makalimot kasi hinahawakan mo pa rin ang pagmamay-ari na ng iba" makahulugan kong sabi sa kaniya. Tinitigan niya ang mga mata ko. "Bakit hindi mo subukang tingnan ang taong laging nasa tabi mo? Ang lapit niya pero ang layo ng tingin mo" kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Hindi ko mapipilit ang sarili ko, Elle" sabi ni Kean at tinitigan muli ang mukha ko. "pero pipilitin ko para saiyo"

"Salamat" sabi ko at tumayo na.

"You are my one that got away" tatawa-tawang sabi niya sa akin. Napangiti din ako sa sinabi niya. "Sana 'wag mong kalimutan na may isang Kean Patrick Valencia ang nagmahal saiyo sa nakaraan"

"I won't forget you" nangingilid ang luhang sabi ko. "You gave me a happy memories from the past" sinsero kong sabi.

Ang realidad na iyon na naging parte siya ng buhay ko ay totoo. Hindi ko pagsisisihan na minsang minahal ko siya dahil sa mga sandaling iyon nabigyan niya ako ng kaligayahan. Naramdaman ko kung papano alagaan ng isang espesyal na tao. Naramdaman ko kung papano ang mahalin ng isang Kean Patrick Valencia. Ang mga ala-alang nabuo noon ay isang magandang panaginip para sa akin.

Kailangan ko nga lang mabuhay sa totoong mundo dahil mas maganda ito dahil nandiyan si Javen Flair Imperial. Ang lalaking walang ginawa kung hindi bwisitin ako pero iyon ang kumukompleto sa araw ko.

"You are always be my beautiful" tuluyan ng lumuha si Kean. Ang sakit at saya ay naghahalo na sa kaniya.

"Thank you, Mr. Handsome"

Iyon lang at tumalikod na ako sa kaniya naglakad ako pero nagulat nang makita kong nakaupo na si Flair sa kama.

"You are always be my beautiful?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

Tiningnan niya ako ng masama at tumaas ang gilid ng labi.

"Galing mo! Kala ko pagising ko ikaw ang makikita ko nauna mo pang puntahan ex mo" pagmamaktol niya.

Natawa ako sa hitsura niya dahil inis na inis niyang iwinawasiwas ang paa niya sa hangin.

Lumapit ako at yumakap sa kaniya.

"Yan! Gagawa ka nanaman ng ikakaselos ko tapos yayakap ka okay na? Porke alam mo na hindi kita kayang tiisin!" nakanguso niyang sabi.

Hinawakan ko ang mukha niya at dinampian ng halik ang labi niya.

"Suhol!" inis na inis niyang sabi.

Tawa ako nang tawa dahil sa inaasta niya.

"Binisita ko ang mga kaibigan natin kasi siyempre diba? Alangan naman nandito lang ako saiyo" paliwanag ko.

"Eh ano 'yong my beautiful na sinasabi ni Kean?" tanong niya na nakanguso pa din.

"Nag-usap kami at nagpatawaran"

"Hindi ka hinawakan?" naniningkit ang matang tanong niya.

"Muntik na" ngumisi ako at nakita ko ang patiim bagang ni Flair. Nakakatawa siyang asarin.

"Muntik na pero hindi niya ako hinawakan dahil sabi niya 'pres are pres'" lumapad na ang ngiti sa labi niya.

Pabebe boy pa! Ngingiti din pala.

"Sabi ko na nga ba pres are pres!" masigla niya sabi. Iniyakap niya ang kamay sa braso ko at pinaupo ako sa hita niya. Pilit akong tumatayo dahil open ang kama makikita nila kami kapag hinawi ang kurtina.

"Dito ka lang" sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Naramdaman ko ang labi niya sa likod ko at inamoy niya iyon.

"Ang bango mo. Uwi na tayo" sabi niya habang nakapikit.

"Hindi ka pa magaling"

"Ahem" napalingon kami parehas ni Flair at awtomatikong napatayo ako nang makita si Kuya Zeke, Zen, at Zaimon.

"Tsk" masungit na sabi ni Kuya Zen.

"Dito pa talaga kayo sa hospital nag-gagaganiyan? Huh? Princess?" pang-aasar ni Kuya Zeke.

"Inggit ka lang" mataray kong sabi.

"Kung meron man dapat mainggit ay itong dal'wa 'yon hahaha" pang-iinis ni kuya Zeke kay kuya Zen at Zaimon.

"I'm engage with my profession" masungit na sabi ni Kuya Zen.

"Kapag ako nagka-girlfriend mas sweet pa sa dal'wang 'yan!" paninigurado ni Kuya Zaimon.

Lumapit silang tatlo sa amin. Nag-usap sila at nagtatawanan.

Close na talaga sila?

Tiningnan ni Kuya Zen ang lagay ni Flair.

"Bebs!" napalingon ako sa tumatakbong si Carme.

"Hey! Don't run 'di ka pa nga okay!" saway ko.

Yumakap siya sa akin. "Thank you! Sabi ko na nga ba hindi mo kami papabayaan!" tuwang-tuwa niyang sabi.

"We are so happy to have you in our life" sinsero niyang sabi halos maiyak ako.

"Sa nangyari nakita kong tayong lahat ay.." ngumiti siya ng todo.

"True friends!"

Continue Reading

You'll Also Like

99.2K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
5.6K 120 35
Hera Margareth Fuentes dreams to be a Cardiothoracic Surgeon, she wanted to save other people from their illness; cure them. However, she becomes a S...
3.2K 176 44
Bonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hin...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...