Si Author naging EXTRA?!

Par Jaedrian_23

941 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... Plus

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 22: Kiss

35 1 0
Par Jaedrian_23


"Date me."

Literal na napanganga ako at namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Hendrix.

Nasisiraan na ba siya?! Baliw na talaga siya!

Bago pa man ako makapagsalita, may biglang kumuha ng bulaklak sa kamay ni Hendrix at...jusko po sinalampak yun sa dibdib mismo ni Hendrix ng malakas, natakpan ko nga ang bibig ko para hindi makasigaw ng malakas. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at the same time takot, lalo na hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun ni Franz. Kitang-kita ko sa itsura nito ang labis na pagpipigil ng galit.

"Hindi ikaw ang kausap ko kaya-"

"Sorry it won't happen," formal at may sinsiredad na pagkakaimik ni Franz. Sobrang seryoso ng itsura nito at nanlilisik ang mata kay Hendrix. Naninibago ako sa kaniya, never ko pang nakita ang side niya na ganto at talaga nga namang nakakaba.

Teka ano daw?

Laking gulat ko ng akbayan ako nito at ilapit pa ang katawan ko sa katawan kaniya. I heard loud gasp lalo na sa mga tao sa paligid ko. Pinagtitinginan nila kami ngayon na tila ba pinanood ang paborito nilang telenovela. Hindi ko na sila pinansin ang importante sakin matigil na ang kadramahan na'to!

"She's dating me." sa tono nito parang ipinagmamalaki niya ako.

0_0

Puta ano daw?!

Nanlalaki ang mata ko na tinignan si Franz. So nagde-date na kami? lahat ng ginawa namin date yun?! Totoo bang gusto niya ako?

Ano bang nangyayari?! bakit nagkakaganito sa storya ko?! Hindi pwede 'to!

Heto na naman kami, ito na naman nagpapalitan na naman sila ng masamang tingin sa isa't-isa.

Bakit ba sila ganyan? Wah! kailan ba matatapos ito?

"Omg!"

Automatikong napalingon kami sa umimik niyon at yun ay walang iba kundi si Cecil, na nakatakip ang kamay ngayon sa bibig. Hindi mapakali ang mata nito dahil sa kaba. Agad ko din siyang binalaan gamit ng mata ko. Hindi na dapat siya makisali.
Umawang bibig nito na tila ba may sasabihing importante, lahat tuloy kami nakaabang sa sasabihin niya.

"S..So si Franz ang nanalo sa pustahan?" hindi makapaniwalang sabi nito.

"Cecil naman.." saway ni Princess.

"Ay sorry, btw congrats Franz."

>_<

Hay nako, lahat tuloy kami napaiwas ng tingin sa kaniya. Napapikit na lang ako sa kahihiyan, Akala pa naman namin may sasabihin siyang importante at talagang nasingit niya pa yung walang kwentang pustahan na yun. Ibang klase talaga!

Hays. Unti na lang talaga, masisira na ang pinagpagurang storya ko at dahil yun....dahil yun sa kagagawan ko.

"Mabuti pa umalis na tayo.." mahinang sabi ni Kristine sa tabihan ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Hendrix at ganon na lang bumilis ang tibok ng puso ko, yung mata niyang confident kanina, lumamlam ngayon. Mamaya lang...Kinabahan ako ng magbago ang ekspresyon nito, nakangisi na siya ngayon, nagpasalit-salit ang tingin niya samin ni Franz at napailing din ito.

Ano bang ginagawa niya?! nasisiraan na talaga siya!

"Sino bang may sabi na siya ang pinunta ko at gusto ko i-date?" Mata sa Mata niyang sabi sakin na lalong kinanoot ng noo ko.

A..Ano na naman ba'to?!

Ngising-ngisi niya akong tinignan at laking gulat ko ng ilihis niya ang bugkos ng bulaklak na nakatutok sakin kani-kanina lang at binigay niya yun kay....

Kay Cecil?! nanlalaki ang mata nito at nakaawang ang bibig ngayon. Napuno muli ng malakas ng bulungan dito sa pinagganapan ng event.

"Hoy babaeng morena at cute, i-date mo ako."

Napamaang ako sa sinabi nito kay Cecil. Yung tono at pagkakabigkas kasi ng salita niya akala mo tauhan niya si Cecil at sure ako sa narinig ko, hindi niya tinanong si Cecil kundi inutusan niya ito.

"A..Ako? cute? date? bakit ako?" gulat na gulat na tanong ni Cecil.

"Wag ka ng m..magtanong," tila nagmamadali na sabi nito.

"Nasisiraan kana talaga." nanggagalaiti na sabi ni Kristine kahit ako galit na din, nagpipigil lang ako kasi...kung may mas nakakalam man ng kondisyon ni Hendrix dito, ako lang, ako lang yun, kaya mas dapat habaan ko ang pasensya ko sa kaniya. Nagtama ang mata namin ni Hendrix...Ngayon hindi ko mabasa ang ekspresyon nito.

Nandon ako sa posisyon na'yon ng biglang may humatak sa kamay ko at nagmamadali akong hinala paalis sa lugar na iyon.

F...Franz...

Pero hindi pa man kami nakakaalis sa dikalayuan nakita ko si RM, Oo yung renmark! kahit iba ang ayos niya ngayon nakilala ko siya. Aminado ako na gwapo siya, kaya naman siguro nababaliw sa kaniya si Cecil. Ang kaso nga lang bakla siya! pero ngayon kitang-kita ko ang mapungay na mata nito at ramdam ko din ang lungkot nito, Nako mukhang nasaksihan at narinig niya ang lahat.

Hindi ako nakapagreklamo at hinayaan ko ang sarili ko na hatakin, hilahin at kaladkarin paalis sa lugar na yun. Tahimik kong pinagmamasdan si Franz habang walang kapaguran niya siyang naglalakad habang hawak ang kamay ko. Ibang-iba siya sa Franz na nakilala ko. Tumigil kami sa paglakad sa lugar na walang katao-tao.

"Franz...." imik ko. Sa tingin ko kailangan niya ng malaman ang totoo, he deserves to know the truth. Ma's mabuting maaga kaysa naman patagalin ko pa.

"Why?"

"Y..Yung sinabi mo kanina dapat hindi mo na yun ginawa." pagkabitaw ko ng mga salita na ito, agad ng napakagat ako sa ibaba ng labi ko para pigilan ang nagbabadyang emosyon ko. Mababaw lang kasi akong tao, iyakin kahit na maliit o simpleng bagay iniiyakan ko.

"Anong sabi mo?" hindi makapaniwala na sabi nito. Pilit akong ngumiti sa harap niya.

"Mabuti pang hanggat maaga, sabihin mo na at ipaliwanag mo sa lahat na hindi totoo ang sinabi mo."

"Alin don' ang hindi totoo? Tell me?"

"Yung dine-date kita."

Kita ko kaagad ang pag-awang ng bibig nito dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Naguguluhan niya akong tinignan at laking gulat ko ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat ng sobrang higpit. Pakiramdam ko babagsak na ang mga luha ko.

Kasalanan ko dapat nong una pa lang, inalam ko na ang lugar ko dito, dapat hindi na ako nagpadala sa tukso o kung ano pa man.

"Tingin mo ba hindi ako seryoso? tingin mo pinaglalaruan lang kita?" diretsong pagtatanong nito sakin na ng kinalaglag ng munting luha ko. "Tell me!" sigaw nito at wala sa wisyong napatango ako. Dahan-dahan nitong binatawan ang magkabilang balikat ko. Lumayo siya sakin ng kaunti at tinalikuran ako. Lalong bumagsak ang luha ko ng makitang nahilamos na nito ang palad sa mukha niya. Mamaya lang hinarap niya ako, nasaktan ako ng makitang namumula na ang mukha nito. Nakailang malakas na buntong hininga na rin siya.

"Damn I'm so dissapointed, I really want to court you, I want to date you and mostly I want you to be my girlfriend." paliwanag nito sakin. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Hindi pwede." singit ko sa pagsasalita niya at nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko.

Bakit kasi ako pa? bakit kailangan niya akong magustuhan?!

"At bakit naman hindi?" tanong nito sakin. Napasinghap ako. Ilang beses narin ako tumingala para pigilan sa luha ko. "Sabihin mo sakin bakit hindi?" pamimilit nito sakin.

"K..Kasi...Kasi aalis ako."

Imbis na sabihin ko babalik ako sa tunay na mundo, ma's pinili ko na sabihing aalis ako. Ma's mabuti yun
atleast yun kapani-paniwala.

Namilog ang mata nito at paulit-ulit na hinawi ang buhok niya.

"Franz..."

"Ginagawa mo lang ba'to para palayuin ako sayo? ayaw mo ba sakin?"

Kung alam mo lang, para sayo ang ginagawa kong ito.

"Wala akong sinabi na ganon." giit ko.

"Alam mong-" Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya. "Mabuti pa bumalik kana sa dorm mo, bukas na lang tayo mag-usap. Malalalim na ang gabi kailangan mo ng magpahinga." pagkatapos niyang sabihin ang mga salita na yan, tinalikuran niya na ako at naglakad palayo sakin. Nang masigurong nakaalis na siya, napaupo ako sa sahig at hinayaan kong lamunin ako ng lungkot.

Franz, I'm really sorry.

Nanghihina man, tumayo ako at imbis na bumalik sa dorm, nagtungo ako sa rooftop. Doon walang tao, kayang-kaya kong ilabas lahat ng emosyon ko. Ayokong pag-alahanin sila Kristine sakin, sapat na nga yung sirain ko ang sarili kong kwento.

Bakit ba nangyayari sakin 'to? bakit sa dinami-daming tao sa mundo, bakit ako pa? bakit ako?! bakit ako kailangan parusahan ng ganito?!

"Mama! Papa! Kuya! ate! ayoko na, kunin niyo na ako dito! Ang sakit-sakit na! Gusto ko ng umuwi!" sigaw ko sa kawalan. Patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko at nasisiguro akong hindi lang si Franz ang dahilan ng lungkot ngayon, miss na miss ko na ang pamilya ko, kapatid ko, kaibigan ko at mga fans ko. Ayoko na, sawa na ako sa mundong ito na walang kasiguraduhan.

Ilang oras pa ang tinagal ko sa rooftop at ng maibsan ko na ang nararamdaman ko, naglakad ako pabalik ng dorm at nakitang tulog na sila kristine... Siguro napagod sila, matapos kong magbihis natulog na din ako pero kahit anong pagpikit ng mata ko si Franz parin ang nasa-isip ko at nakikita ko. Hinayaan ko muling dumaloy ang luha ko, habang iniisip ko ang sinabi niya sakin kanina.

"Damn I'm so dissapointed, I really want to court you, I want to date you and mostly I want you to be my girlfriend."

Maski ako gustong-gusto ko siya, kaso hindi talaga pwede, Simula ng makapunta ako sa lugar na ito bukod Kali Kristine, siya ang nagwelcome sakin dito at lalong siya ang nagparamdam na belong ako sa lugar na ito.

Ilang araw na lang aalis na ako sa lugar na ito. Ma's gugustuhin ko pang ako yung masaktan kaysa na siya. Ma's gugustuhin ko na ako na ang lumayo kaysa na makita siyang lumayo sakin. Nagkagusto din naman ako non sa isang lalaki pero hindi ganto, kasi alam ko yun may chance talaga pero dito, si Franz. Isa lang siyang tauhan na binuo ko sa Novel ko at kahit baligtarin man ang mundo mananatili siyang character sa story ko.

Buong magdamag akong hindi natulog at umiyak lang ng umiyak dahil kahit anong gawin kong pag-iisip o paraan na pwedeng maging kami ni Franz, wala talaga. Nakaupo ngayon ako sa kama at ganon din sila Kristine, maaga silang nagising para magchismisan. Buti na nga lang hindi bukas ang ilaw pero kahit ganon nakikita parin naman namin ang isa't-isa.

"Uy kaloka kagabi, akala ko nanonood ako ng isang drama!" pagsisimula ng topic ni Raven na ngayon ay may hawak ng kape.

Tsk. Kaya gising na ang diwa eh.

"Sinabi mo pa, Akalain mo ang mga kaibigan natin ay pinagkakaguluhan ng sikat na lalaki dito sa BSU." pakikisali ni Princess. Ramdam ko ang panunuring tingin nilang dalawa saming tatlo ngayon.

>_<

Wala akong balak makipagchismisan sa kanila. Alasais pa lang ng umaga. Tsaka ang iniisip ko..walang kundi siya, Gising na kaya siya? galit ba siya sakin? kasi pinagisipan kong pinaglalaruan niya lang ako. Am I too harsh on him? lumagpas na ba ako sa limitasyon ko kagabi? Mag-usap daw kami...pero kausapin niya pa kaya ako?

"Oh Cecil, kamusta ang date niyo ni Hendrix?" pagtatanong ni Raven kay Cecil. Napatigil ako sa pag-iisip at hindi ako mapaniwalang tinignan si Cecil.

Nakipagdate siya?! Teka nga lang...Kamuntikan ko ng makalimutan ang saltik na yun dapat sa kaniya talaga ini-stay sa hospital kung ano-anong kalokohan ang naiisip.

"Ahm..Wala naman,"

"Anong wala naman?"

"Basta ano...dinala niya lang ako sa hotel ng family niya." naiilang na pagkwento nito. I was so shock sa sinabi nito. Sa H..Hotel?!

"Cecil, I told you wag kang sumama sa kaniya diba?!" iritang sabi ni Kristine.

"Tingin mo ba ginusto ko yun Kristine? haler, hinatak niya ako at wala akong nagawa, sana kasi nandon ka psh, napaka possessive kasi ni Luigi.."

0_0

Dumating si Luigi kagabi?

Napaharap sa pwesto ko si Cecil na pinagtaka ko. Nakasimangot ang itsura nito.

"At isa kapa, bakit ba ang possessive ng mga boyfriend niyo. Iniwan niyo kami ng walang sabi-sabi." maktol nito sakin at nahihiyang napayuko ako.

"Hayyy.. ano ka ba okay lang yan Cecil..Ano bang ginawa niyo ni Hendrix sa hotel?" pang-iintriga ni Raven. Nako talaga ang chismosa ng taon goes to Raven Gonda!

Lahat kami inaabangan magsalita si Cecil at ngayon namumula ang mukha nito..

"Yuck don't tell me kinikilig ka sa Hendrix na yun?!" maarte at nandidiri na sabi ni Kristine. Agad naman umangal si Cecil lahat tuloy kami napanganga sa ginawa niyang pagtatanggol sa lalaki na yun.

"Bakit? ang gwapo niya kagabi tsaka ano namang masama kung kiligin ako?"

>_< - kami ni Kristine

^_^ - sila princess at raven.

Dalhin ko na din kaya siya sa hospital, mukhang nasalinan na siya ng virus ni Hendrix.

"Isa pa, kumain lang naman kami at ayun umuwi na."

"Sure ka? yun lang? walang bang nangyari-"

"Raven!" saway ni Kristine.

"Nagtatanong lang psh." bulong pa nito.

"Mag-asikaso na nga tayo, remember may klase tayo." paliwanag ni Kristine at isa-isa kaming bumalik sa kama at nagkunwaring tulog.

"Hoy guys! aba tutulog ulit kayo? ayaw niyo ba ng on-time? guys?!"

•••

Kapwa nagkatinginan kami nila Cecil, Kristine, princess at raven habang naglalakad sa hallway papunta sa first class namin. Iba kasi yung tingin ng mga tao at saka pagnadaanan namin sila automatikong nagbubulungan sila.

Napabuntong hininga na lang ako, I'm sure naman na may kinalaman ito kagabi...

Buti na nga lang nakarating agad kami sa first class namin which is English sub. Pagkabukad palang ng pintuan ni Kristine nagulat ang kami ng magsipalakpakan ang mga kaklase namin samin.

"Anong trip nila?" nagtatakang tanong ni Raven. Gaya ng dati kaniya-kaniya kaming upo, sa gusto naming upuan. As usual kay Kristine ako tumabi. Lalong nagkunot ang noo ko ng maglakad sa harapan ang isa kong classmate na babae na walang magawa sa buhay, kanina siya din may pakana ng palakpak.

"Oh ayan na pala ang mga tirador ng Mr. BSU!"

0_0

Ano daw?!

"Anong sabi mo?!" galit na pagtatanong ko dito. Aba hindi maganda sa pandinig ko ang sinabi niya. Tatayo pa sana ako para tanungin siya ng harapan pero pinigilan ako ni Kristine.

"Oh bakit? diba kayong magkakaibigan ay jowa si Luigi, Franz at Hendrix?" ngising-ngisi na sabi nito.

Naiyukom ko ang kamao sa galit. Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ako ni Raven.

"Eh ano naman ngayon? inggit ka?" may pang-iinsulto na bigkas ni Raven na lalong nagpagalit sa babaeng nasa harap.

"Tsk, bakit ako maiinggit?"

"Eh yun naman pala, eh di sana hindi ka na tumayo Jan sa harap para magparinig, kasi nagmumuksang nagseselos ka lang sa mga kaibigan ko."

"Excuse me-"

"Oh bakit dadaan ka?"

"Woah! Raven! Raven! Raven!" Pamimilosopo ni Raven kaya naman napuno ng tawanan sa classroom.

"Diana! Diana! Diana!"

Naiyukom ng babae ang kamay niya dahil sa inis, nakaready nga lang ako kung sakaling sugurin niya si Raven. Luka din kasi 'tong babae na'to, siguro dahil sa kapeng ininom niya kaninang umaga.

"Talaga hindi ka ba nahihiya? sumasama ka sa mga kaibigan mong may jowa at talagang tinira pa ang mga Mr. BSU, Well I guess tama lang natawagin kayong....The big three," ngising-ngisi na sabi nito at taka ako ng lingunin niya ako. "ay oops natural palang The Big yung isa." natatawang sabi nito sakin.

Tatayo sana ako kaso pinigilan na naman ako ni Kristine.

"Aba pasmado ang bibig ng babae na'to. Pigilan niyo ako...Pigilan niyo ako." nanggagalaiti na sabi ko.

Pasamalat siya pinigilan ako ni Kristine baka nasugod ko siya. Kainis siya.

Naroon na din ang mga classmate kong nag-aabang ng away o sabunutan. May ilan pa ngang nagpupustahan.

"Itigil niyo nga yan." saway ni Kristine at hindi siya pinansin ng classmate namin. May kaniya-kaniyang itong buhay. Galit nitong hinarap ang babaeng nasa unahan.

"Diana what do you want?" tanong ni Kristine na ngayon ay nakatayo na.

Ang unfair naman kanina ko pa gustong tumayo eh.

"What I want? eto." nagulat ako ng sabunutan niya si Kristine at don nagsimula ang delubyo. Tumayo din ako para tulungan si Kristine at pati sila cecil tinulungan na din kami and that time saktong bumukas ang classroom at bumungad ang guro namin na sinusuri ang nangyayari sa classroom namin. Nakahawak pa ako sa buhok ng classmate ko nong oras na yun.

Ramdam ko ang kaba ng buong seksyon namin kasi hindi pa kami nagpapaliwanag nausok na ang ilong nito sa galit.

"All of you go to guidance office now!" sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng classroom. Agad itong napahawak sa batok...Hala yung bp ni Sir.

Isa-isa kaming lumabas at kaniya-kaniya ng punta sa guidance office. Ilang oras din ang tinagal namin don, ang ginawa samin, pinapirma kami at binigyan ng tag-iisang demerits.

"Hays mga sophomore na pero ang pagiisip ay grade-school," pagpaparinig samin ng isang guard na nakabantay samin ngayon. Lahat kami guilty ngayon dahil dinala na naman si Sir sa clinic, tumaas na naman ang blood pressure.

Matapos naming pumirma lahat, pinapasok muli kaming lahat sa guidance office. Daig pa namin ang isang sardinas sa pagsisiksikan, may ilan ngang sa gilid na pumwesto at may tumabi na din don sa guard at ito pa ang worst may umutot pa, halos mahimatay kaming lahat sa sobrang baho ng amoy na ito. Napatakip ako agad ako ng Ilong ganon din ang ginawa ng ilang classmate ko.

"Ano ba yan! sinong umutot?"

"Kadiri naman."

"Napaka dugyot."

"Kung sino ka man masamang espirito ka mamatay kana sana."

"Tumae na nga yung natatae jan."

"Nako, hindi na utot yun. tae na yung lumabas, Ang baho."

"Puta naman oh."

Lahat kami kabado ng tumayo ang guidance councilor, bahagya pa itong suminghot ng hangin at agad din napa-ubo ng sunod-sunod. Siguro naamoy niya din.

"Pambihira, talagang ang kalat niyo!" sigaw nito samin lahat kami napayuko sa kahihiyan. Tinakpan "Alam niyo naman siguro kung bakit kayo nandito?"

"Opo!" sabay-sabay naming sabi.

"Alam niyo bang ilang beses ng naclinic ang guro niyo dahil sa section niyo!" sigaw na naman nito muli. Nagtaka kami kasi parang may hinahanap ito. "Kagagawan naman na ba ito ng Hendrix na yun? asan siya? bakit hindi siya pumirma dito?"

Napalingon din ako sa mga classmate ko.

"Absent po siya!" sigaw ng isang kaklase ko.

Absent? bakit naman aabsent ang saltik na yun?

"Ganon...Sige lahat kayo magsilayas na sa opisina ko ngayon din at please lang ayoko ng maulit ito, kundi parents niyo na ang papupuntahin ko."

Lahat kami napaatungal dahil sa sinabi ng guidance councilor. Halos magtulakan makalabas lang ng office na yun.

"Shuta! ang baho kanina.." maateng sambit ni Raven.

"Agree ako."

"Akala ko nga kanina mahihimatay na ako sa baho."

"Pero sino kaya yung umutot?"

"Yuck, ayaw ko ngang malaman kung sino siya, nakakadiri siya.

Natawa na lang ako sa pinag-uusapan nila Cecil ngayon. Talagang mga babaeng ito.

"Oh bakit parang ang saya mo?" tanong sakin ni Kristine.

Masaya ako kasi sila ang nakasama ko dito.

"First time kong maguidance."

"And so?"

"Ang saya pala sa pakiramdam." wala sa wisyong nasabi ko. They are all shock. Hihi. Buong buhay ko sa pagpasok sa school non, naging mabuti lang akong studyante, never kong nagawa ang cutting classes, paninigarilyo sa klase, pangbabastos sa guro. Good girl lang talaga ako. Ngayon, naramdaman ko ang maguidance, masaya din pala.

"Nababaliw na siya raven." imik ni princess at nginitian ko na lang siya.

"Sinabi mo pa,"

"Maybe nahawa na siya kay Hendrix?"

"Omg!" hiyaw ni Cecil. Lahat tuloy kami napalingon sa tinitignan niya ngayon and it was Hendrix papalapit ito sa pwesto namin.

Teka akala ko ba absent siya? bakit siya nandito ngayon sa hallway? cutting class?

Walang nagbago sa kaniya, hindi parin siya nakauniform. Nandon parin ang hikaw niyang nakakasilaw kaysa sa araw.

"I gotta go." nagmamadaling imik ni Kristine at nagmamadaling umalis kasama nito si Raven at Princess.

0_0

No way.

"Cecil..." magpapaalam na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko para hindi makatakbo.

"Dito ka lang." paki-usap nito.

"Hoy!"

"Ay saltik!" agad kong natakpan ang bibig ko dahil sa nasabi ko. Well halos mapatalon lang naman ako sa gulat. Dahan-dahan ko siyang hinarap, agad ng nagtama ang mata namin, nakasimangot ito.

"Sinong tinatawag mo na saltik?" maangas na pagtatanong nito, kinabaduhan tuloy ako kaagad. May ganito talagang epekto sakin si Hendrix, laging nasa isip ko na gagawan niya ako ng masama.

"Ikaw." imik ni Cecil. Pinanlakihan ko ito ng mata para kausapin siya. Pilit ngiting nilingon si Hendrix.

"Ay hindi ko ba dapat sabihin yun?" inosenteng sabi ni Cecil at hanggang ngayon mukhang pinag-iisipan niya kung tama ba o Mali ang ginawa niya.

Wala naman akong business sa kanila at isa pa sila naman ang dapats siguro mag-usap.

"Mauna na ako sa inyo." naiilang na pamamaalam ko sa kanila.

Naglakad ako palayo kanila at hindi na nilingon pa. Ang awkward yan ang tanging sinsabi ng utak ko. Sobrang nakakailang kaya yung ginawa ni Hendrix kagabi, habang naglalakad napahawak ako sa puso ko na sobrang lakas ng kabog non, nandon ako sa sitwasyon na yun ng biglang humawak sa kamay ko at pinaharap ako sa harap niya.

0_0

H..Hendrix.

"Ikaw ang pinunta ko,"

"A...Ano?" naguguluhan na tanong ko.

"May atraso ka sakin. Remember?"

"Anong atraso? pwede bang bitawan mo ang kamay ko?" kalmadong sabi ko at sinilip ko yung daan na kung nasaan si Cecil kanina pero wala na siya don.

"Yung wine ko, hindi ka pa bayad, bayaran mo na."

"Wala akong pera."

"Pwes sa prisinto ka magpaliwanag." sabay hila sakin nito. Nagpabigat ako at para hindi niya ako mahatak umupo pa ako sa sahig. Ewan ko lang kung mahatak niya pa ako, ang bigat-bigat ko kaya. Nag-give-up din siya at galit akong tinignan.

"Pwede bang down payment?"

"No."

"Hindi naman kita tatakasan,"

"At paano mo nasabi yan?"

"Nasa sa isang school lang naman tayo. As if naman na hindi mo ako hanapin dito, hindi naman kalakihan ito." inis na paliwanag ko sa kaniya. Binitawan niya ako at naglakad palayo, hihinga na sana ako ng maluwag pero humarap na naman ito sa sakin.

"I change my mind."

"Ha?"

"Want some discount?"

"Oo naman! call agad! ano ba yun?"
Exited na sabi ko. Sa wakas naman may pa-discount siya.

"No, Libre na pala." pagbabago ng isip nito.

"Talaga? mabait ka naman pala Hendrix, mukhang good boy ka nga! salamat!"

"In one condition..." Hays bakit may kondisyon pa?

"Ano yun?"

"Samahan mo ako." seryoso na sabi nito sakin. Kinabahan tuloy ako, Mali kanina pa talaga ako kinakabahan sa kaniya.

"Ha? Saan?"

Ano na naman kayang nasa isip niya? Imbis na sagutin hinawakan niya muli ang kamay ko na kina-ilang ko. Heto na naman kami sa walang kapaguran na hilahan.

Saan niya kaya ako dadalhin?

•••

0_0

Bakit niya ako dito dinala?

Hinarap ko siya at Hindi ko mabasa kung anong ekspresyon ng mukha niya.

Prenteng napaupo ako sa harap niya. Nandito kami ngayon sa rooftop yung pinagtatambayan ko sa tuwing gusto ko makapag-isip o makapag-isa kaya ngayon heto ako nagtataka kung paano niya nalaman 'tong lungga ko. Medyo na nag-iba nga lang ng kunti parang inayos at may padesign ng kunti. Kagagawan niya ba lahat ng 'to?

0_0

Omg! stalker ko siya?!

Nakakakilabot naman kung ganon.

"Ba't ganyan ka makatingin?" pagtatanong nito sakin at agad akong napatayo sa inuupuan ko ng malamang uupo siya sa tabi ko.

"Anong ganyan makatingin?" painosenteng sabi ko kahit sa totoo lang alam ko ang tinutukoy niya. Natatakot kasi ako sa kaniya. Baka kung anong gawin niya sakin, lalo na pagtimaan siya ng pagkasaltik niya, nagsisi na tuloy ako na sumama ako sa kaniya.

Hays bat ngayon ko lang naisip 'to?

"Tsk."

inis niyang tinignan at naglakad na lang malapit sa isang pader at don sumandal.

Natambay din ba siya dito? dapat na siguro akong magbago ng tambayan. Teka may secret place naman siya ah. Bakit dito siya pumunta.

"B..Bakit? Bakit...." ni-hindi ko matuloy ang sasabihin ko sa kaba.

"Bakit ano? ano ba!" napatalon ako sa gulat ng sumigaw ito.

Mama! sinasaltik na naman siya huhu. Help!

"Kung makaasta ka parang kakainin kita, I told you good boy ako tsk, hindi ka talaga naniniwala sakin." iling-iling na sabi nito sakin.

>_<

"Bakit ang layo mo? takot ka ba sakin?"

0_0

Halos bumilis ang kabog ng dibdib ko sa tanong niya.

H..Halata ba?

"Bakit hindi ka naimik? pipi ka ba? sagot!" dagdag na tanong at sigaw nito. G..Ganyan ba talaga siya?

"D...Diba sabi mo lang gusto mo ng kasama? ito na sinamahan na kita..."

Hindi ko alam ang irereak ng tumawa siya. Yung as in tawang-tawa. Eh wala namang nakakatuwa sa sinabi ko.

Tsk. May saltik nga siya.

"Saka...hindi ba dapat si Cecil ang dinala mo dito, lalo na gusto mo ng kasama."

Nakakapagtaka lang o baka naman nag-iisip lang ako ng kung ano-ano.

"Ngayon alam mo na." seryosong sabi nito. Ni-wala akong makakitaan na ngisi or kung anong nakakalokong ngiti sa kaniya.

Anong alam ko na?

"H...Ha?"

"It's you." mariing sabi nito na lalo lang nagpagulo sa isip ko.

Mukhang Mali ang desisyon ko na samahan siya. Siguro magbabayad na lang ako, kahit pa mangutang na lang muna ako.

"Aalis na ako...." aalis na sana ako kaso may nakalimutan akong sabihin sa kaniya...Kaya naman hinarap ko muli siya, nakatayo na ito ngayon hindi na siya nakasandal pa. "N..Nga pala, wag mong sasaktan si Cecil ha, mabait siya may pagka-slow minsan pero overall isa siyang tapat at mapagmahal na kaibigan. Hindi mo ba ako naintindihan? Ang gusto ko lang talaga na sabihin, ingatan mo siya. Sige mauna na ako." daig ko pa si Gloc 9 ng oras na yun dahil nagmadali akong magsalita, hindi kasi kayang tagalan ang mga titig niya. Aalis na sana ako kaso nagsalita siya.

"Alam mo ikaw 'tong palagay kong slow eh." inis ko siyang hinarap at nakita ang seryoso nitong itsura.

"A..Ano sabi mo?" gusto kong linawin niya ang sinabi niya. Pero nagsisisi ako nong oras na yun na nagtanong pa ako sa kaniya.

"It's not Cecil the one that I like..." habang sinasabi niya ito papalapit siya sakin..Lalo akong kinabahan ng tignan niya ako ng mariin sa mata. "It's you."

0_0

What the F! Anong gagawin ko? Wah!

"HA HA HA." pilit na tawa ko pero ma's lalo lang non pina-awkward ang sitwasyon.

"Anong nakakatuwa?"

"Hindi ba joke yun? nakakatuwa talaga HA HA Ha."

"Stop it!"

"Ha Ha Ha."

Galit niya akong tinignan kaya naman napatigil na ako sa pagtawa.

"Wag mong sabihing, seryoso ka? seryoso ka?" pagtatanong ko sa kaniya.

Seryoso na naming tinignan ang isa't-isa pero sa huli ako ang unang umiwas sa kaniya....

Hindi naman ako dapat ang magustuhan niya, si Kristine. Siya dapat yun! hindi ako!

"Baka nagkakamali ka lang, si Kristine ang gusto mo diba? Siya! siya ang dapat mong magustuhan! Hendrix naman, wag mo namang sirain ang story ko," alam ko para na akong baliw sa harap niya ngayon pero naman..Nakasalalay sa kaniya ang libro ko.

Hindi pwedeng magustuhan niya ako.

"Anong pinagsasabi mo?" kunot noong pagtatanong niya sakin.

"Si Kristine ang gusto mo hindi ako. Yun ang dapat!"

"Kristine? who is she? that volleyball player? teka nga...Ano bang pinagsasabi mo? I don't understand you,"

"Talagang hindi mo ako maiintundihan, kumplikado akong tao, Hendrix naman...." halos maki-usap na ako sa kaniya.

"Drama mo lang ba 'to? aha!"

0_0

Ano kayang naisip niya?!

"Siguro sobra kang na-touch ng sinabi kong gusto kita kaya ngayon nagdra-drama ka...Woah well sa gwapo ko ba naman 'to, daang-daan na ang babaeng nagdrama sa harap ko, kaya nga pasalamat ka kasi ang isang gwapo, mayaman talentadong at tagapagmana ng BSU balang araw na si Hendrix Mendoza ay nagtapat sayo...Sige lang magdrama ka lang-"

0_0

Talaga nga namang mayabang ang saltik na'to.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at bago pa ako makapagreact, naramdam ko na lang labi nito sa labi ko.

He kiss me! smack lang! pero naramdaman kong nasidaluyan ang dugo ko sa buong katawan ko, nag-init ang mukha ko at lumakas ang kabog ng puso ko.

"Bakit mo yun ginawa?" tanong ko sa kaniya at gusto ko ng sabunutan ang sarili ko dahil sa tanong kong yun.

"Diba ito ang gusto ng mga babae? romantic place, eye contact, kiss at..." nagbaba ang tingin nito sa kamay naming dalawa. "Holding hands." ngising-ngisi na sabi niya sakin. Agad kong binawi ang kamay ko at tinulak siya palayo sakin.

Nahihibang na talaga siya!

Bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya.

"Hendrix, kakalimutan ko ang lahat ng sinabi mo at ano mang na narinig ko mula sayo at gusto ko din linawin na ako yung tipong babae na panlaro lang, wag kang mag-alala babayaran ko ang wine na nabasag ko. Maghintay ka lang."
seryosong paliwanag ko sa kaniya. Alam ko namang pinakikinggan niya ako ngayon. "At gusto ko ding malaman mo na, na appreciate ko ang pagkagusto mo sakin totoo man yun o hindi...but I'm sorry, may nagugustuhan na akong iba. Again I'm sorry." matapos ko lahat yun sabihin sa kaniya, hindi ko na tinignan kung ano ang magiging reaksyon niya. Tinalikuran ko na siya at naglakad papalayo sa kaniya.

-----------------------------------------------------------

To be continued, ❤

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...