RPW SERIES #1: When Bad Boy M...

By Mizzling_Moon

111K 5.1K 195

I'am Risse Jayce (jey-si) Mendez -nerd -no one -smart -mayaman (but my fashion is like a poor one) -may kulot... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Author's Note

Epilogue

2K 87 19
By Mizzling_Moon

Risse Jayce's POV

Ilang araw nalang at mag-e-April na....magmo-moving up na kami.

"Waaahh mamiss ko kayo." Naiiyak na ani Jaina.

"Anak ng- advance ka 'no?" Singit ko.

"Ayoko pa kasing dumating yung moving up e. Mamimiss ko kayo nun." Nakangusong saad nito.

"Ayaw mong mag-moving up tayo?!" Singit ni Akira.

"Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga." Nakakalitong ani Jaina.

"Wag ganun Jaina." Magalang na singit ni Hierra. "Mas maganda pa ding mag-moving up tayo, makakapagkita-kita pa naman tayo e."

"Tama si Hierra." Pagsang-ayon naman ni Akira.

"Sabi ko nga e." Nakangusong saad ni Jaina.

"Oh bat nakanguso ang baby Jai ko." Tinig ng bagong dating lang na si Jestine. "Inaaway ba nila ang baby Jai ko?"

"Hindi, nalulungkot lang ako kasi magtatapos na tayo." Sagot ni Jaina.

"Wag ka malungkot, magse-celebrate dapat e kasi magtatapos na." Tutol naman ni Jestine.

Hindi ko naman na sila pinansin pa at nilingon si Gray. "Dito ka." Tawag ko pa saka naman ito sumunod na umupo sa tabi ko.

"Gagabihin nanaman tayo ngayon kakapractice." Saad nito matapos maupo sa tabi ko.

"Araw-araw naman na yan, buti nalang at meron na tayong mga kaniya-kaniyang dorm." Saad ko naman.

"Hindi pa tayo makakagala pag Sabado at Linggo." Malungkot na saad nito.

Huling Sabado at Linggo nalang at moving up na namin sa Lunes.

"Tss nalungkot ka pa talaga nang dahil dun ah. Para sa pagpapahinga natin yun."

"Biyernes na bukas hehe gala nalang tayo sa Sabado pati Linggo."

"Gray..." nagbabanta ang tonong ani ko.

"Risse naman e, gusto kita makasama." Nakangusong ani nito.

"Gray naman, magpapahinga nga e kasi sa Lunes na yung moving up." Paliwanag ko.

"Pero Risse..." nagmamakaawa ang tonong ani nito.

"Magpahinga tayo buong araw sa Sabado at hahayaan kitang maggala kasama ko sa Linggo..." nagliwanag naman ang mukha nito sa sinabi ko. "...pero hanggang tanghali lang para sa hapon hanggang gabi ay makapagpahinga na ulit tayo." Sandali muna itong sumimangot saka muling ngumiti.

"Sige sige." Sagot nito na paulit-ulit pang tumango.

Napailing-iling nalang ako sa iniasta niya.

Hindi ko talaga matiis ang lalaking ito.

***

Last day of practice, umaga palang ay pawis na pawis na kami dahil bigay-todo na ang lahat. Nasa arawan pa kami ngayon at pinapakanta. May mga by section din na sasayaw. Kakaibang moving up 'to ah. With contest pa.

Si mama kasi e, siya ang nag-ayos ng lahat na ito.

"Risse pagod na pagod ka nanaman, diba sabi ko sayo wag ka masyadong sumayaw." Nakangusong ani Gray habang pinupunasan niya ang pawis sa mukha ko.

Kami kasing babae ang naatasang sasayaw habang lalaki naman ang magmamakata. Pero by representative naman and isa ako sa nakuha habang si Gray, tinakot niya yung teacher kaya di siya napasama.

"Last practice na daw e kaya kailangang itodo." Saad ko naman saka inubos ang laman ng bote ng tubig na binigay nito.

"Oo nga pero masyado kasing attractive yung sayaw ninyo. Napapatingin tuloy halos lahat ng lalaki sayo." Natawa naman ako sa sinabi niya kaya sinamaan niya ko ng tingin. "Anong itinatawa-tawa ko diyan? Nagseselos na ko't lahat natatawa ka pa din? Hindi ako nakikipagbiruan Risse." Pagbabanta nito.

"Anak ng- natatawa lang ako kasi ang O.A. mo. Pagtiisin mo nalang muna kasi di naman ako sasayaw para sa kanila. Ikaw yung inspirasyon ko at wala lang sila sakin. Wag ka ng magselos diyan, mas mahal kita keysa sa kanila." Mahabang litanya ko dahilan para matigilan siya. "Oh ano, okay na?" Napangiti lang ito saka muling pinunasan ang mga pawis ko.

Kilig nanaman....

Another practice na ulit kami. Hindi na kami binigyan pa ng break time at pinadire-diretso na ang pagpa-practice. Pawisan na kaming lahat pero wala pa din kaming tigil sa kaka-practice. Kailangan kong maligo pagkauwing-pagkauwi ko dahil ang lagkit-lagkit ko na.

"So that's all for today. Mamaya ibibigay na ang flow ng program sa mga pintuan ng dorm ninyo. 2 days before the moving up and inaasahan kong magiging maayos ang lahat. Sa loob ng dalawang araw na yan, magpahinga kayo, ipunin niyo lahat ng lakas ninyo para buong-buo nanaman ang energy ng lahat sa moving up. So students, see you on Monday!"

Pagkatapos ng in-announce ng guro ay agad kaming nagsiuwi. Hindi ko na din nakausap pa si Gray dahil dumiretso nako agad sa dorm ko at naligo saka ako nag-impake dahil papauwiin kami sa mga bahay namin para doon magpahinga sa loob ng dalawang araw.

Habang nag-iimpake doon ko naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Nakita ko namang may incoming call si Gray at sasagutin ko na sana kaso nagmissed call na ito. Doon ko nakita ang 10 missed call niya, takte...diko man lang nasagot.

Muli itong tumawag kaya agad-agad ko  itong sinagot. "Sorry busy lang." Pagpaumanhin ko agad sa kanya.

"Okay lang, nakauwi na pala ako. Ikaw?" Tanong nito saka naman ako napatingin sa mga damit na iniimpake ko palang.

"Nag-iimpake pa ko e." Nakanguso namang sagot ko.

"Oh bat nag-iimpake ka palang?"

"Naligo pa ko e."

"Di kita maihahatid, masakit kasi katawan ko."

"Okay lang, masakit din naman katawan ko pero papasama nalang ako sa mga yaya."

"Sige, ingat ka ha. Sa linggo ha."

"Oo na."

"Sige bye, i love you."

"Bye, i love you too."

Agad ko ng pinatay ang tawag saka nagpasundo para makauwi na.

***

"Waaaahhhh moving up na!!" Sigaw ni Jaina pagkapasok naming magkakaibigan sa loob ng campus.

"Yieeee Senior na tayooo!!" Pag-iingay din ni Akira.

Masaya naman kaming lahat na naglalakad papunta sa room namin para doon maghanda. Huminto muna ako saglit saka lumapit kay Gray para kausapin siya.

"Wag mong sasabihin yung tungkol sa kahapon ah." Paalala ko at nakangiti naman itong tumango. "Lagot talaga ako kay Mama." Dagdag ko pa.

"Ano ba kasing excuse mo?" Tanong nito.

"Ichecheck ko lang yung campus kung ready na ba siya para sa kinabukasan. Buti at pinayagan ako. Kaso baka magtanong-tanong si Mama." Kinakabahang ani ko.

"Wag kang mag-alala." May pagmamalaking ani nito.

"Bakit naman?"

"Tinakot ko na mga teacher haha di sila magsusumbong." Nakangiting sagot nito dahilan para mapailing ako.

Kahit na mapapahamak ako pag naggala kami ni Gray pero ginawa ko pa din mapasaya lang siya. Alam ko ding pagod siya pero gusto niya kong makasama kaya pinagbigyan ko na din siya.

"Handa na ba ang speech ng valedictorian natin diyan." Doon ko naman napansin si Akira na naglalakad na palapit samin kasama ang iba pa naming kasamahan.

"Tss diko na kailangang magready. Kahit on the spot pa yan." Mayabang namang ani Gray.

Nag-usap lang kami doon ng nag-usap hanggang sa tawagin na kami para ayusin ang mga mangyayari. Maya-maya din ay magsisimula na ang program.

***

Nagsimula na nga ang program. Masaya ang lahat habang kumakanta kami. Hanggang sa magsabitan na at magkaabutan ng diploma at certificate.

"Congrats saten!" Masayang sambit namin.

"Performance na ng sayaw ang susunod. Tara na Risse, magappalit ng damit." Tawag sakin ni Akira saka ako hinila at sumunod naman si Fierra.

Kaming tatlo lang ang napili para sumayaw habang ligtas naman yung dalawa.

Pang-hiphop naman ang suot namin ngayon. Si Fierra ang naka-black na pants at tube na balck na may pares na black na jacket. Si Akira naman ang naka-short na maikli na may disenyong chain at naka-tube ding black at butas-butas na parang blouse ang pangalawang damit niya (yung parang kay rose ng blackpink sa mv nilang boombayah) at nasa akin naman ang paldang itim pero may stockings naman akong itim din. Naka-tube ng itim habang may nakapatong na itim ding checkered.

Tss. Patay ako neto kay Gray. Alam kong di niya magugustuhan ang damit ko lalo pa at sasayaw ako.

Nagsimula na nga ang performance namin at kitang-kita ko ang expression ni Gray. Parang hindi pa ito makatingin ng diretso sa katawan ko habang tuwang-tuwa naman ang iba.

Yawa, patay ka na talaga Risse.

Pagkatapos ng performace doon ako nakatikim ng mahinang batok galing sa kanya. "Sinong nag disenyo ng susuotin mo. Gusto ko siyang makausap." Inis na wika nito.

"Oyy wag na." Puro huli na, kausap na niya yung baklang nagbigay ng costume samin.

Beastmode on nanaman siya.

***

"And now, for our closing remarks. Let us all welcome our Valedictorian, mr. Alexuz Gray Natividad."

Nakangiti namang naglakad papunta sa taas ng stage ang pinakamamahal kong lalaking si Gray.

Wews, parang ang sweet ko yata ngayon.

Huminto ito sa harap ng mikropono saka ngumiti sa lahat. Isa-isa niyang tiningnan ang mga teacher at pinasadahan ng tingin ang lahat ng estudyante. Sa huli, sakin niya ipinako ang mga tingin niya dahilan para mabalisa ako.

Hindi lang kasi siya ang nakatingin sakin ngayon, kundi pati ang lahat ay sakin na din tumingin.

"*ehem* Wag niyo pong katitigan ang mahal ko." Saad nito dahilan para umiwas ang mga ito. "So on the spot itong speech ko and sana maideliver ko ng maayos."

Huminga pa ito ng malalim saka ngumiting muli, "Ang araw na ito, ang pinakahihintay ng lahat. Magiging Senior na ang lahat. Panibagong suliranin nanaman ang masasaksihan ng lahat. Lahat ay masaya na makakapag-moving up na sila. Thankful tayo para sa mga magulang nating nagpaaral satin. At proud tayo na nakapagatapos na tayo ng highschool sa tulong nila. Salamat para sa Mama ko na walangsawang nagpaaral sakin. Sa mga kaibigan kong laging nandiyan para sakin. At sa inyong lahat na patuloy na nag aaral para sa magandang kinabukasan." Parang napatigil ako sa oras na yun, hindi man lang niya ako binanggit.

Pilit na ngumiti ako at hindi nalang pinansin ang napansin kong iyon.

"Hindi ko in-expect na nasali pa talaga ako sa honor. Lakwatsero ako, alam ko yun, pero nag-first honor pa talaga ako. Nagtuloy-tuloy pa yun ah hanggang ngayon." Huminto pa ito. "Isa lang naman ang naging inspirasyon ko kung bakit ako nandito ngayon. Si Risse." Doon nako napatitig sa kanya, akala ko'y nakalimutan na niya. "Siya ang dahilan, oo siya lang. Kaya ako dito nag-aral ay dahil nandito siya. Gustong-gusto niya kong nakikitang mag-aral kaya nag-aral ako ng mabuti para sa kanya. At ngayong kasama ko na siya, gagawin ko ang lahat para mapasaya ang taong naging inapirasyon ko." Nagulat pa ako nang dahan-dahan siya bumaba sa stage at nilapitan ako.

"MAHAL NA MAHAL KITA AT HINDI KO YATA MAKAKAYANG MAWALA KA. IKAW LANG ANG BABAENG MAMAHALIN KO. ALAM KONG MOVING UP ITO PERO GUSTO KO LANG NA NGAYON KO SABIHIN ANG MGA BAGAY NA SOBRANG SUWERTE AKO SAYO. SOBRANG SUWERTE KONG DUMATING KA SA BUHAY KO. SA SUSUNOD NA TAON, IKAW PA DIN ANG MAGIGING INSPIRASYON KO. IKAW LANG AT WALA NG IBA..."

Naiiyak naman akong napatingin sa kanya. Niyakap siya ng mahigpit habang nag-iingay ang buong tao saking paligid.

Sabay-sabay din naming inihagis ang nasa aming nga ulunan. Masayang nagsigawan dahil sa susunod na taon kami ay magiging senior na.

SA SUSUNOD NA TAON AY SIYA PA DIN ANG KASAMA KO.

SA SUSUNOD NA TAON SIYA PA DIN ANG INSPIRASYON KO.

ANG NERD NA MAHAL NA MAHAL ANG ISANG BAD BOY.

ANG ISANG BAD BOY NA BUMALIK SA DATI DAHIL SA PAGMAMAHAL SA ISANG NERD.

ANG NERD AT ANG BAD BOY NA NAGMAHALAN...

....AT PATULOY NA NAGSASAMA, HANGGANG SA WALANG HANGGAN!





THE END!

Continue Reading

You'll Also Like

6K 373 19
Ito ay isang storya kung saan maraming mga katanungan ang papasok agad sa inyong isipan. Mga pangyayari na kung saan mangingilabot ka sa mga eksena. ...
4M 86.7K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
1.3K 174 11
Sya ang babaeng mapalad na Makita sa personal Ang kanyang idol na si Justin de dios Ang lalaking napakapogiii at magaling sa lahat ng bagay. sila ba...
2.9K 189 45
Dahil sa kabasaguleran. Nagpasiya ang pamilya ni Bloom na e enroll ito sa isa sa pinaka disiplinado, at pinaka istriktong paaralan sa buong mundo, ku...