Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (B...

By AdiennaMichelle

4.8K 399 65

Elleina Zeal Suarez, ang kakaibang babae na malakas ang dating sa mga lalaki dahil sa kaniyang walang takot n... More

Prologue
Chapter 1 "Dream"
Chapter 2 "Secretly In love"
Chapter 3 "Mistake"
Chapter 4 "First Hug"
Chapter 5 "Riot"
Chapter 6 "First Day of School"
Chapter 7 "Movers"
Chapter 8 "Savior"
Chapter 9 "Good Heart"
Chapter 10 "Her voice"
Chapter 11 "Kiss"
Chapter 12 "Brothers"
Chapter 13 "Laurent"
Chapter 14 "Riding-in-Tandem"
Chapter 15 "Hand to Help"
Chapter 16 "Fever"
Chapter 17 "Duet"
Chapter 18 "Parking lot"
Chapter 19 "Companion"
Chapter 20 "A walk"
Chapter 21 "Diamond"
Chapter 22 "Dinner"
Chapter 23 "Rain"
Chapter 24 "Baider's Family"
Chapter 25 "Laguna"
Chapter 26 "Majayjay Falls"
Chapter 27 "Pure Love"
Chapter 28 "Letter"
Chapter 29 "Perfection"
Chapter 30 "Mission Failed"
Chapter 31 "THE UNEXPECTED"
Chapter 32 "Affection"
Chapter 33 "Jam"
Chapter 34 "Shine"
Chapter 35 "Valencia's Family"
Chapter 36 "Flair's Birthday"
Chapter 37 "At Flair's House"
Chapter 38 "Rocky's Back"
Chapter 39 "THE UNEXPECTED"
Chapter 40 "Pain"
Chapter 41 "Beat"
Chapter 42 "Camarines Norte"
Chapter 43 "THE UNEXPECTED"
Chapter 44 "Sunrise"
Chapter 45 "Forgetting"
Chapter 46 "Death Anniversary"
Chapter 47 "THE UNEXPECTED"
Chapter 48 "Confuse"
Chapter 49 "THE UNEXPECTED"
Chapter 50 "The Hidden POV"
Chapter 51 "Comeback"
Chapter 52 "THE UNEXPECTED"
Chapter 53 "Mother's Heart"
Chapter 54 "Party"
Chapter 55 "Jealous"
MITZ'S NOTE
Chapter 56 "Protect"
Chapter 57 "Smile"
Chapter 58 "Foundation Day"
Chapter 59 "Foundation Day"
Chapter 60 "Abuse"
Chapter 61 "Warning"
Chapter 62 "Dreadful Gang"
Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"
MUSIC COMPOSITION
Chapter 64 "Baider's Secret"
Chapter 65 "A date"
Chapter 66 "Picture"
Chapter 68 "Friday Night"
Chapter 69 "Pageant"
Chapter 70 "Pajama Party"
Chapter 71 "Revenge 101"
Chapter 72 "Hope"
Chapter 73 "Uncontrollable Anger"
Chapter 74 "1st Anniversary"
Chapter 75 "Second Life"
Chapter 76 "Chocolate"
Chapter 77 "Break Bone Adept"
Chapter 78 "Heartache"
Chapter 79 "THE UNEXPECTED"
Chapter 80 "Delight"
Chapter 81 "PERFECT TWO"
Chapter 82 "Ali's Birthday"
Chapter 83 "FINAL REVENGE"
Chapter 84 "One on One"
Chapter 85 "Dangerous Fighter"
Chapter 86 "True Friends"
Chapter 87 "Hardwork"
Chapter 88 "Booze"
Chapter 89 "Grand Ball"
Chapter 90 "Limitless"
Chapter 91 "Love surprises you"
Mitz Note

Chapter 67 "Attempted Kidnap"

40 3 0
By AdiennaMichelle

Elleina Zeal's POV

1. In addition to ATP, what is the product of glycolysis?

- NADH and pyruvate

2. Who is the father of genetics?

- Gregor Mendel

Nakatingin ako ngayon sa test paper ko at nag-sasagot. Totoong malupit si Ma'am Danita dahil 300 items ito. 'Yon ang pinaka-mababang no. of items na exam niya. Iba-iba ang type of questioning may identification, multiple choice, true or false pero 'pag false ay guguhitan ang mali at ilalagay ang tama. Gano'n katindi ang mga exams sa Gen. Sci. pero dahil matagal na rin naman akong nag-aaral nakapag-adapt na ako sa gano'ng klase ng training. Bukod sa sandamakmak na activities, assignments, lalo na ang reporting, nakasanayan na namin.

This is the kind of profession I have.

Pagka-graduate ko ay haharapin ko na ang lesson plans at hirap ng pagiging isang guro. Sa pagiging teacher ang extended hour sinasabi sa Magna Carta for Public School Teachers ay may bayad ang OT pero dahil government ang nag-papasweldo halos 'di masunod. Buti nalang at mayaman ang pamilya ko 'di ko kailangan ng pera pero kawawa naman ang hindi ko katulad na mayaman. Kailangan nila ng pera.

  I want to teach in public school because they need a teacher. I don't need money because I already have all the things I want in my hand.

I want to build my own school at the province. Sa mga liblib na lugar, gusto kong abutin nila ang edukasyon kahit na nasa dulo pa sila ng bundok.

Education is important.

Pagkatapos ng exam ay lumabas na rin kami.

"Ang hirap ng exam" nakasimangot na sabi ni Ali.

Si Carme at Arah ay nakangiti halatang 'di nahirapan. Si Ali lang siguro ang nahihirapan sa aming apat. Si Carme kahit ganyan ay nangangalawa sa klase, nag-aagawan sila ni Arah sa pwesto, pang-una ay ako.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Flair pero may text na pala siya.

From: Poging Flair
Baby, I can't fetch you after class. Nasa bahay kami nila Marie meeting about Psychology Assessment.

Kumunot ang noo ko.

Bahay ni Marie?

Pinigilan ko ang selos ko! Siguro naman ay hindi lang siya ang kasama diba? I don't know but I have a bad feeling towards Marie. O baka ako lang ito? Maganda siya pero masasabi kong mas maganda ako. Duh!

Nag-type nalang ako.

To: Poging Flair
Okay, baby. Take care.

Tumunog ulit ang cellphone ko.

From: Poging Flair
Kapag natapos to kaagad itetext kita para sunduin. I love you, Cherish.

To: Poging Flair
I love you too.

Nakasimangot akong nag-type.

From: Poging Flair
'Wag ka na malungkot. For the future!

Napangiti ako sa sinabi niya. Kabisado niya talaga ang reaksyon ko. 'For the future' daw! Yieee.

From: Poging Flair
I love you 1000000000000000000 times!

Natawa ako sa text niya. Baliw talaga siya.

"Hoy! Ngingiti-ngiti ka pa diyan. Bilisan mo na!" tawag sa akin ni Carme.

Naglakad ako papunta sa kaniya.

Nang marating namin ang canteen ay nando'n na sina Rev, Kean, Lance, at Clench.

Kumain lang kami nang tahimik pero malungkot ako dahil wala si Flair.

"Baby, you should eat many. How could you get energy?" napangiti ako nang makita si Flair.

"Akala ko ba nasa bahay ka no'ng--" ayaw kong banggitin ang pangalan ng babaeng 'yon.

"Marie? Oo, kaso pumunta muna ako dito para sabayan ka kumain babalik din ako do'n" nakangiti niyang sabi.

Tiningnan ko siya. Gano'n ba siya kapagod at ang laki na ng eyebags niya at halatang mahina ang katawan. Sinapo ko ang noo niya wala naman siyang sakit. Pogi pa rin naman siya!

"Don't mind me. I'm just tired" humalik siya sa pisngi ko.

"Anong gusto mong kainin?" tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ikaw"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mahinang hinampas siya.

"Woooh! Jave ano 'yan? Huh?" pangaasar ni Rev.

Nagkamot ng ulo si Flair at pinaupo ako.

"I mean, ikaw kung ano ang gusto mong kainin ko pero ako na ang bibili"

"Ahhhhhhhh" mahabang 'ah' na sabi ni Rev at tumango-tango pa. "Linawin mo kasi"

Sinamaan lang siya ng tingin ni Flair kaya nagtawanan ang lahat.

Ang dumi kasi ng isip!

Tumayo siya pero pinaupo ko lang din siya. Gusto ko siyang pag-silbihan dahil halata sa mukha niya ang pagod at puyat.

Umorder ako at bumalik din sa table namin.

"Ikaw ang kumain ng marami" nakangiti kong sabi.

"Sanggol na sanggol si Jave. Waaah!" pangaasar ni Rev pero nginitian lang siya ni Flair.

Pinag-masdan ko ang hitsura ni Kean, 'di nalalayo sa hitsura ni Flair. Duguan na siguro ang sem na ito.

Third year na kami at isang taon nalang ay ga-graduate na kaya siguro pare-parehas kaming pagod.

"Kean, okay na ba 'yong sainyo? Kumusta ang 500 items na test construction?" tanong ni Flair kay Kean.

500 items? Gano'n marami?

"Hindi pa okay" malungkot na sabi ni Kean. "Ang daming na-eliminate, may maling grammar, may pangit na pag-kagawa at marami pang issues. Mahihirapan pa tayo 'pag dating sa statistics"

Tumango lang si Flair. Kawawa naman sila.

Kami rin ngayon ay sobrang daming ginagawa. Kaliwa't kanan ang experiment, reports, exams at ang pag-gawa ng slides sa histology. Kailangan malinis, walang bubbles, maingat dahil kung hindi minus ka nang minus hanggang walang matirang grade saiyo. Mahirap pero kinakaya.

"Baby, kumain ka na" sabi ni Flair nang mapansing nakatitig lang ako sa kaniya.

Bumuntong hininga muna ako bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"Sa bahay niyo ako matutulog ng Friday night pero pag-kaumaga ay ihatid mo ako sa mansyon" nakangiti kong sabi.

Kuminang ang mga mata ni Flair. Gusto kong mag-pahinga. Sa tuwing kasama ko siya nararamdaman ko ang relaxation parang walang iniisip kaya napag-desisyunan ko 'yon. Weekdays kasi ay nasa bahay ako ng Suarez, umuuwi lang ako sa mansyon tuwing week ends.

Hinawakan ni Flair ang kamay ko.

"Thank you, baby"

"Tulog lang huh?" mapang-asar na sabi ni Carme.

Nanlaki ang mga mata ko. Na-awkward ako, wala naman kasi kaming iniisip na kung ano. Nagka-malisya lang no'ng sabihin ni Carme 'yon parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko kay Flair.

"Silence means--" 'di na naituloy ni Rev ang sasabihin dahil binato na siya ni Flair ng crumpled tissue.

"Shit! Defensive! Hahaha" - Rev

Nagtawanan silang lahat. Namumula ako nag-iwas ng tingin pero nagtama ang tingin namin ng nakangising si Lance.

Gago! What's up with the smirk? Gagong 'to! Isa rin!

"Ayan!" nanlaki ang mata ko nang ilapag ni Rev ang isang maliit na plastik sa lamesa na sa tingin ko ay..

"Proteksyon para sa masayang kinabukasa-- hahaha" 'di nanaman naituloy ni Rev ang sinasabi nang ibato sa kaniya 'yon ni Flair.

"Para kang ewan, Rev. Halata ka sa mga pinag-gagagawa mo sa buhay mo" nakangising asar pabalik ni Flair.

Napasulyap ako kay Ali na nag-iwas ng tingin.

What the fuck? Totoo?
Gusto kong matawa! Oh well, matatanda na kami pero we're not yet married. Duh!

"Hay nako, Rev. Kung ako saiyo itago-tago mo 'yang dumi ng isip mo!" sabi ni Kean at binatukan si Rev.

Nagtawanan ang lahat.

"Aray! Bakit Kean huh? Bata ka pa? Huh?" hamon ni Rev kay Kean.

"Ewan ko sa'yo. Nagsisimula ka nanaman" sabi ni Kean at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"Sa bagay, Kean. Sino ba naman ang gaganahan kung hindi mo naman gusto 'yo--" 'di na natuloy nanaman ni Rev ang sasabihin nang batukan nanaman ni Kean.

"Tumigil ka na" inis niyang sabi.

Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Rev.

"Ang dami niyong alam huh?" sarkastikong sabi ni Clench pero ngumisi din. "Turuan niyo ako next time--Aray!"

Hinampas ko siya. Duhhh! Nahahawa na siya sa kanila.

"Bakit ba Elle? Wala nga akong girlfriend just in case lang naman!" nakangusong depensa ni Clench.

"Basta Elle, you know your limit--" - Lance

"Lance, ano ba!" sigaw ko sa kanya.

Nakakainis siya magpayo madalas. Minsan lang magsalita at mangialam sa buhay ko ganiyan pa pero prangka siya at talagang papakinggan mo ang sinasabi. 'Yon si Lance kung magsalita tatagos sa utak mo.

"I know, okay?"

"Siguraduhin mo!" this time si Clench naman ang nang-sermon.

Parang kanina lang nagpapaturo? Edi wow!

"As if naman may kung ano kaming gagawin" napalingon ang lahat kay Flair na nasa pagkain niya lang ang atensyon.

That's my boy. Napangiti nalang ako at gusto kong ipagmalaki 'yon sa kanila.

Pagkatapos ng practice ay lumabas na ako. Naglakad kami ni Cecelia papuntang parking lot pero 'di pa man lang kami nakakarating ay may humintong itim na van.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga lalaking naka-maskara ng itim.

Dreadful Gang!

Hinatak nila ako sa braso at pilit na ipinapasok sa van.

"Elle! Tulungan niyo kami!!!!" rinig kong sigaw ni Cecelia pero walang tao kaya walang nakakarinig.

Pinilit kong makawala sa hawak nila pero malakas sila kaya naman inapakan ko ang paa ng isa at sinuntok sa maskara ang isa pa. Hanggang sa mabitawan nila ako.

Bumaba ang isa pa sa van at lumapit sa akin.

"Takbo, Cecelia. Humingi ka ng tulong" utos ko kay Cecelia kaya kahit nanginginig ay tumakbo siya papasok ulit ng Laurente.

Mas delikado ang buhay ng mga ito kung si Taxon o ang miyembro ng Baider ang haharapin nila dahil hindi ko katulad wala silang pigil sa emosyon kaya nilang gawin kung anuman ang ginawa rin ng kalaban. Ako ay kahit papano may puso pa din, may awa, at emosyunal na kung minsan iyon ang nagpapahina sa akin.

Sumugod ang isang lalaki, sumuntok siya pero yumuko ako at sinikmuraan siya. Ang isa pang pasugot ay in-uppercut ko na agad.

"Kunin niyo! Lagot tayo kay master niyan!" rinig kong utos ng isa.

"Malakas siya" bulong ng isa pa.

Sumugod ang dal'wa pero malayo palang ay flying kick ang ginawa ko kasunod ay ang pasuntok na talon sa isa pa.

Mataman kong tiningnan ang lima pang bumaba.

Ewan ko kung kakayanin ko ito. Pagod ako sa maghapon. Hays.

Sabay sabay sumugod ang lima pero nagulat ako nang biglang bumagsak ang isa.

Nakita ko nalang si Kean sa harapan ko.

"Lapit" senyas niya sa apat pero nainip siya nang 'di ito lumapit kaya sunod-sunod niyang sinipa ang apat.

Magaling ang paa niya. Noon pa man ay napapansin ko na ang pamatay niyang flying kick.

Nagulat ako nang biglang may huminto muling dal'wang van. Sobrang daming nakamaskarang lalaki ang bumaba.

Hays.

Alam kong parehas kaming pagod ni Kean sa school works. Tapos ganito pa!

"What do you need?" maangas kong sabi at tumabi kay Kean na ngayon ay nakahaya pa din ang kamay sa posibleng pagsugod ng kalaban.

"Ikaw" turo sa akin ng isa.

Ngumiti ako.

"Di mo alam kung ano ang hinihiling mo" maangas kong sabi sa kaniya.

"Kung 'di ka sasama ay wala kaming magagawa kung hindi durugin ito" turo niya kay Kean, ngumisi si Kean sa kaniya.

"Minamaliit mo ba ako?" taas-noong tanong ni Kean.

"Bakit ano bang kaya mong gawin?" nakangising tanong ng lalaki.

"Ito" flying kick ang ginawa ni Kean sa mismong mukha ng lalaki kaya natumba ito.

Biglang nag-atrasan ang mga lalaki pero nagulat ako nang may isang mabilis na miyembro nila ang nakahawak na sa akin. Dala ng pagod ay 'di ko siya naramdaman agad kaya namalayan ko nalang na may patalim ng nakatutok sa leeg ko.

Umawang ang labi ni Kean at nakita ko ang takot sa mukha niya.

"Wag mo siyang sasaktan!" sigaw ni Kean. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya. Sa unang pagkakataon nakita kong natakot siya.

Madalas ay nilalaro niya lang ang pakikipag-laban pero ngayon ay tila 'di siya nakapag-isip.

Nag-iisip ako ng tamang gawin para maalis ang patalim sa leeg ko pero masyadong malakas ang isang ito.

Pagod na pagod ako sa lahat ng ginawa ko ngayong araw wala akong lakas para dito!

Magagalit si daddy kung malalaman niya ito. Pagagalitan ako at dadalhin nanaman sa bundok upang eensayo. Ayaw niyang mahina ako.

Tumulo ang kapiraso ng luha ko. 'Di ko sila pwedeng biguin.

Flair...

Tawag ko sa kaniya sa isip ko pero nanlaki ang mata ko nang makitang may bumagsak na tatlong lalaki ng sabay-sabay. Nakita ko ang madilim na mukha ni Flair.

Flair..

Para siyang ibang tao. Parang wala siya sa sarili ang tingin niya ay parang papatay ng tao.

Kakaiba ang tindig niya at masasabi kong ibang Flair ang nasa harapan ko ngayon.

Katulad ko rin ba siyang kapag sobrang galit ay hindi kayang kontrolin ang sarili?

"Bibitawan mo ang girlfriend ko o mamamatay ka sa kinatatayuan mo?" mahinahon pero mararamdaman ang galit na galit na si Flair.

Baby...

Gusto ko siyang pakalmahin dahil nakakatakot siya.

"Hahaha sino ka ba sa tingin mo? Master ko lang ang sinusunod ko!" tatawa-tawang sabi ng lalaking may hawak ng patalim at nakatutok pa din 'yon sa leeg ko.

"Pag-bilang ko ng tatlo at 'di mo 'yan binitawan, 'di mo na makikita ang umaga" masamang tingin na sabi ni Flair.

Nakita ko ang pag-kuyom ng palad niya. Sa anumang oras ay sasabog na siya.

Baby...

"1"
"2"

Halos tumigil ang mundo sa bilang niyang 'yon. Nakakatakot.

"Bitawan mo na! Hindi mo gugustuhing mahawakan ka man lang ng isang 'yan" paninigurado ni Kean.

"3.. game over" patalong sumugod si Flair at malakas na sinuntok ang lalaki.

Sa takot ko sa gagawin ni Flair sa kaniya ay hinila ko ang lalaki at inilagay sa likod ko pero 'di no'n napatigil si Flair. Nahablot niya agad ang lalaki at walang awang sinuntok at sinipa. Dumudugo na ang iba't ibang parte ng katawan at puno na ng pasa ay 'di pa rin niya ito tinitigilan.

"Wag ang girlfriend ko!!!" nang-gagalaiting sigaw ni Flair at sinuntok ito nang sinuntok.

"Baby" tawag ko sa kaniya pero 'di siya no'n napatigil.

"Jave! Pre!" tinatawag na rin siya ni Kean pero parang lunod siya sa galit niya.

"Siya nalang ang bumubuhay sa akin! Siya nalang! Naiintindihan mo! Sa susunod mapapatay talaga kita!!!" galit na galit pa rin niyang sigaw 'di pa rin niya tinitigilan ang lalaki.

Kaya lumapit na ako at niyakap siya sa likuran.

"Tama na, baby huhuhu" umiiyak kong sabi.

Bigla ay naramdaman ko ang hapdi sa leeg ko. May tumulong dugo do'n pero pakiramdam ko naman ay hindi malalim.

Tumigil si Flair at sa tingin ko ay kumalma siya. Hinarap niya ako at humagulgol ng iyak. Yumakap siya nang mahigpit.

"Di ko alam gagawin ko kapag may masamang nangyari saiyo. Kaya kong maging halimaw para sa'yo" umiiyak niyang sabi.

Umiiyak siya kasi natakot siyang mawala ako sa kaniya gano'n niya ako kamahal.

"Baby" inalo ko siya at hinaplos ko ang likod niya.

"Okay ka lang ba huh? Mahal na mahal kita natatakot akong masaktan ka." hinarap niya ako sa kaniya at pinakatitigan ang mukha ko at saka dumapo ang tingin niya sa leeg ko. Gusto kong takpan iyon pero huli na. Nagdilim ulit ang mukha niya at akmang tatalikod upang harapin muli ang lalaking gumawa no'n pero hinawakan ko ang kamay niya.

"I love you, baby. Okay lang ako" natigilan siya at kumalma.

Hinahangaan ko siya sa gano'ng ugali niya na kaya ko siyang mapakalma tuwing galit siya. Masasabi ko ring nag-iiba ang mood ko kapag masama ang loob ko sa isang yakap niya lang. Para bang ang isa't isa ang buma-balanse sa aming umaapaw na emosyon.

"I love you more than you love me, cherish" yumakap nalang muli siya sa akin.

Nakita ko ang papalapit na sina Taxon, Kil at Diamond.

Shit masama ito. Pasimple kong sinipa ang isang naka-maskarang nakahiga upang magising.

Kailangan niyong umalis, gago! Nandiyan na sila!

Nandiyan na ang mga Baider!

Nagmadaling umalis ang mga lalaki. Hinabol iyon nina Taxon at buti hindi naabutan.

Natatakot kasi ako sa posibleng gawin ng mga Baider sa kanila. Hays!

Nakapa-ngingilabot na pamilya. Iyon ang pamilya ko.

"Are you okay?" sabay sabay na tanong nilang tatlo.

Sumama ang tingin ni Taxon nang makita ang sugat ko sa leeg.

Hindi ko alam pero sa kanilang tatlo nakikita ko ang sobrang pagmamahal ni Taxon sa pamilya nakakatakot na baka isang araw 'di niya namalayan na kung ano na ang magawa niya kahit 'yon ang tradisyon.

"I'll find them" tumalikod si Taxon pero hinabol ko.

"No, I'm okay. 'Di na babalik ang mga 'yon dahil sa inabot nila kay Flair" pangungumbinsi ko. Bumuntong hininga siya. "Please, 'kuya'" diniinan ko ang pagbanggit ng 'kuya' dahil alam kong kaya no'ng baguhin ang desisyon niya.

"Okay"

'Di nga ako nagkamali. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya.

Si Taxon ang panganay na apo ng Baider ngayon dahil namatay ang kapatid ko. Nabanggit niya sa akin na lubos na iniingatan ang mga babaeng Baider dahil iilan lang ang meron no'n sa lahi namin.

"Siguraduhin lang nila na 'di ka na ulit pupuntahan" sabi ni Kil sa seryosong paraan. Nakakatakot at nakakamangha dahil ngayon ko lang nakitang gano'n siya.

"If not, they suffer" seryosong sabi ni Diamond.

Ito na nga ang sinasabi ko. Bakit ba kasi kinukuha ako ng mga 'yon? Ano bang kailangan nila?

"Dreadful gang" umiling si Flair at tumingin sa malayo. Seryoso at parang may kung anong iniisip.

Baby..

"Di nila gugustuhing malaman kung sino ako" - Flair

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
5.6K 120 35
Hera Margareth Fuentes dreams to be a Cardiothoracic Surgeon, she wanted to save other people from their illness; cure them. However, she becomes a S...
997K 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...