Just A Little Bit Of Your Love

By ef4aRrr

212K 5.5K 2.4K

He forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na... More

AN
One
Two
THREE
Four
FIVE
SIX
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Tweleve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-Nine
Fourty
FOURTY-ONE
Fourty-Two
Fourty-Three
Fourty-four
Fourty-Five
Fourty-Six
Fourty-Seven
Fourty-Eight
Wakas

Twenty-five

4.4K 118 58
By ef4aRrr


Kagaya na ng dati kong nakagawian ay maaga ang gising ko kinaumagahan, maaga rin ako nakapagluto ng almusal at nakapaglinis kaya naman ng lumabas siya ng kwarto ay kape na lang ni Juaquin ang itinitimpla ko.

Nag-iwan siya ng note sa pintuan ng ref, nakalagay roon kung ano ang mga lulutuin kong almusal at paano ang kape na gusto niya.

"Looks like you are already done with your chores?" bungad niya sa akin sa kusina.

"Good morning, uhm oo tapos na ako dito sa ibaba yung sa itaas naman ang kasunod pagkaalis mo." sagot ko na hindi man lang siya tinitignan, pumasok kasi sa isipan ko ang nangyari kagabi, hanggang ngayon ay nahihiya ako sa kanya.

Umupo na siya sa mesa at inihain ko na sa kanya ang kape na itinimpla ko, sa kanyang kilos ay parang wala lang naman iyon, normal lang. Tinikman niya ang kape at napatango mukhang pasado.

"That's good, just remember be careful with the things around." sa unang pagkakataon ay hindi siya masungit sa akin.

"Oo magiging maingat ako." nakangiti kong sabi.

Siguro ay nagustuhan niya ang pagsisilbi ko sa kanya ngayon kaya hindi siya masungit.

"I'll have a dinner meeting with a business partner at baka gabihin ako so don't bother to cook for me." habilin niya.

"Sige, aabalahin ko nalang ang sarili ko maghapon. Wala din naman akong ibang pupuntahan dito lang ako sa condo mo." saad ko.

"Don't try to bring another people here, especially men!" bigla nalang nag iba ang mood niya.

"Ha? Hindi wala akong dadalhin na kahit sino dito. Magtiwala ka." napayuko ako.

Hindi na niya ako sinagot, nakatayo lang ako sa isang tabi habang nag-aalmusal na siya. Hindi na niya ako kailangan ayain sa hapag pero sana man lang ay ginawa niya.

Akala ko ay ok ang buong umaga, m<abait na siya kanina pero bigla na naman nagsungit. At hanggang sa makaalis ay hindi na niya ako kinausap pa.

Nang makaalis siya ay naging abala ako sa iba pang gawain, nilinisan ko ang kwarto ko sa itaas at ang dalawang guest rooms, nilabhan ko na din ang marumi niyang damit.

Pagkatapos kong maglunch ay naramdaman ko na ang pagod kaya nakatulog ako kaya di ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa.

Nagising lang ako sa pagring ng cellphone ko, kinapa ko iyon saka ko tinignan ang screen.

Si Anna ang tumatawag, kaagad akong napaupo at sinagot iyon, baka may nangyari sa anak ko!

"Hello? Anna, napatawag ka anong nangyari?" taranta kong bungad.

"Ate, wala naman. Gusto ka daw makausap ni Nicollo miss ka na daw niya." sagot ni Anna na nagpawala sa kaba ko.

"Sige gusto ko na din marinig ang boses niya." napangiti ako.

"Hello mama? " tinig ni Nicollo sa kabilang linya kaagad na pumatak ang luha ko, ang kawawa kong anak kailangan niyang magtiis na wala ako sa kanyang tabi.

"Hello baby ko, kamusta ka?" pilit kong pinasigla ang aking tinig, ayaw na ayaw nya kasi na umiiyak ako.

"Ayows lang po mama, mish po kita." bibong sagot niya.

"Sandali nalang si Mama dito ha, huwag kang makulit kay lola Sabel, tito Arman at tita Anna, inumin mo yung milk mo morning and night wag sosobra ha." habilin ko sa kanya.

"Yes po mama, yemembey ku po lahat yan." malambing niyang sabi.

Napatakip ako ng bibig dahil gusto ng kumawala ng hikbi ko, mula noong ipinanganak ko siya ay di kami nagkahiwalay. Ngayon ay dalawang araw ko palang siyang hindi nakikita ay miss ko na ang anak ko.

Halo na din siguro ang lahat ng problema na iniisip ko kaya siguro ganito ako ka emosyonal.

Inilayonko ng kaunti ang cellphone kinalma ko muna ang sarili at huminga ako ng malalim bago ako muli nagsalita.

"Wag ka makalat sa mga toys mo ha, after mag play liligpit mo okay?"

"hmmm... Opo mama."

"Very good ang baby ko." di ko na napigilang suminghot.

"Iiwyak po itaw mama?" may pag-aalala na sabi niya. Natawa ako dahil doon.

"Hindi anak, nabahing lang si mama kanina, miss na kita baby ko. Hintayin mo ako ha aayusin ko lang lahat para sa iyo ito." nakangiti ko nang sabi.

"Madami po kayat dyan mama?" inisenteng tanong niya na lalong nagpatawa sa akin.

"Yes baby marami kalat dito."

Halos maubos namin ang oras sa hapon na iyon na nag-uusap king hindi lang nag lowbat ang cellphone ko ay ayaw pa ibaba ni Nicollo ang tawag.

At nang dahil sa munti kong anghel ay nabawasan ang bigat na aking nararamdaman. Bukod kasi sa pagmamahal ko kay Nico ay siya ang pinakadahilan ko para magpursigi sa ipinaglalaban ko.




















Juaquin's POV

Kanina pa salita ng salita si Yulo tungkol sa birthday party ng kaibigan namin pero di ko yun pansin.

I am thinking about Selena, her innocent look, her body reaction that night. I feel the needs and hunger. And f*ck now because I am having a boner!!

Bakit bigla akong nagnasa sa babaeng iyon?! Noong una ko siyang makita sa mansiyon ay di ko naramdaman ito pero nang dinala ko na siya sa condo at makita siya na nasa loob ng aking saferoom ay gustong-gusto ko na siyang angkinin.

My body reacting to her heat, well dahil narin siguro may nangyari na samin noon ayon sa kanya.

Ngayon ko lang din na-realize she's so beautiful yung ganda na mapapalingon ka, hindi ko lang naman pinansin iyon nung una dahil nabigla ako sa kanya.

Kailangan kong mag-ingat sa kanya baka mapaikot niya ako sa palad niya, hindi ako naging ganito sa ibang babae.

We just kissed and touch her but I am crazy thinking about her now and having a f*cking boner!!

"Hey Juaquin! Man are you with me?!" muntik akong mapa-igtad nang  dambahin niya ang mesa.

"Y-yes of course!! Bakit mo ako sinisigawan?!!" singhal ko sa kanya.

Sinipat niya ako hindi naniniwala sa sinabi ko. "Bakit ka pinagpapawisan e ang lakas ng AC ng office mo?!" saad niya na may pagdududa parin sa tingin niya.

"W-what? I am not!" tanggi ko pero pasimple kong pinunasan ang pawis ko sa noo.

"Ewan ko sa iyo! Basta after your dinner meeting go to Lifestyle Bar." nagkibit balikat nalang siya saka siya nag walk out.

Napailing nalang ako napikon siya sa di ko pakikinig sa mga sinasabi niya kanina, napabuntong hininga nalang ako pag labas niya.

Niluwagan ang tie na nasa leeg, kanina pa din ako parang naiinitan kahit malakas ang aircon ng opisina ko.

That girl mukhang napasama ang desisyon ko na dalhin siya sa penthouse ko, pero huli na din naman para umatras.

I shrugged and try to focus on the papers on my desk kung iisipin ko siya wala akong matatapos!!  Baka mapauwi pa ako ng di oras dahil sa tawag ng laman!!

"Cheers for the birthday boy!" hiyaw ni Glenn isa sa mga barkada namin. We are 6 men celbrating Monchi's birthday.

"CHEERS!!" sabay-sabay naming saad saka namin ikinampay ang mga bote ng alak na hawak namin.

We are in the Lifestyle Bar one of the exclusive Bar here in BGC, inookupa namin ang isa sa mga VIP lounge para hindi kami nakahalo sa crowd, pero sgurado naman na mamaya din ay lalabas ang mga kasama ko at maghahanap ng maikakama.

"Happy birthday man! Just tell my secretary saan mo gusto dalhin ang babaeng matipuhan mo mamaya sagot ko ang travel niyo." saad ko sa kanya.

Natawa lang siya at tinapik ako sa balikat. "Hindi na ako mamba-babae man! I need to tame my self, malapit na ako ma engage." saad niya.

Ipinagkasundo siya ng mga magulang niya, at sa lahat ng ipinagkasundo siya pa ang mukhang masaya.

"Pwede pa naman kasi hindi ka pa naman engage." kunyaring pamimilit ko.

"No thanks man! Baka magka bad record ako sa soon to be fianceé ko." mukhang type niya ang babaeng ipinagkasundo sa kanya.

"Well sa inyo nalang ng fianceé mo ireregalo ang travel na inooffer ko sa honeymoon nyo." pag-iiba ko ng offer.

"That sounds better." napangiti siya saka kami nag toast.

Lumapit na sa amin ang iba pa naming mga kaibigan kamustahan at ilang kwentuhan dahil ang iba ay ngayon palang ako nakasama ulit.

At gaya nga ng inaasahan ko kanina nagkanya-kanyang pulasan ang mga ito dahil sa paghahanap ng babae, pwera kay Monchi na nagpaalam na susunduin ang kanyang future wife at sa akin na hindi pwde mag-uwi ng babae dahil meron naghihintay sa akin sa penthouse.

And the image of her waiting for me made me want to go home fast. I want her and tonight I'll get what I want.

Continue Reading

You'll Also Like

18K 1.2K 23
Napagbintangan na nagdudruga ang pinsan ni Martha Delucia sa syudad kaya ipinadala ito sa kanilang nayon. Isang linggo pa lamang namamalagi ang pinsa...
204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
108K 4.8K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
41K 801 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...