Si Author naging EXTRA?!

By Jaedrian_23

983 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... More

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 20: Contest

29 3 0
By Jaedrian_23


"I'm so tired."

"Gonna sleep first."

"Grabe nakakaantok ang biyahe."

"I miss my bed."

Masaya kong pinanood ang mga character ko. Si Kristine at princess panay ang hikab, si Raven plakda na sa kama ni-walang bihis-bihis basta na lang ito sumalampak sa kama at ang huli si Cecil...Mula sa biyahe hanggang ngayon napatahamik at seryoso nito.

Ano kayang nangyari sa kaniya?

Lahat ng kasama ko natulog ngayon, ako lang ata itong hindi inaantok sabagay natulog ako sa biyahe. Sila puro cellphone ang inatupag kaya ayan pagdating dito antok sila. Kumuha ako ng damit ko para pampalit. Matapos kong magpalit, inayos ko ang mga gamit ko at hindi ko maiwasan na tignan yung apat. Alam ko na mami-miss ko sila kapag nakabalik na ako sa real world.

Ilang araw na lang, matatapos na at makakabalik na din ako.

Isang oras ang lumipas at tulog parin ang kasama ko. Naisipan kong pumunta sa canteen lalo pa't gutom na rin ako habang naglalakad kinakabisado ko ang lugar dito sa BSU. Naalala ko pa non college days ko, dito ako nag-aral, First day palang naligaw na ako at nalate pa! nakakahiya talaga yung araw na yun. Buti na lang hindi terror ang prof ko. Isa din sa dahilan ba't BSU ang napili kong maging school sa story ko.

"Psst." Agad akong napalinga-linga sa paligid ng may sumitsit.

Sino naman kaya yun?

Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at....

"Wah!" sigaw ko sa gulat dahil sa lapit ba naman ng mukha niya sakin.

"Ano ba bakit ka ba ng sisitsit?" iritang pagtatanong ko dito. Natatawa niya lang akong pinagmasdan. Tsk. Magkaibigan nga talaga sila ni Hendrix. Parehang baliw.

"Hindi ko kasi natandaan pangalan mo."

"I'm Jasmine."

"Ayon! jasmine nga pala name mo, by the way I'm kembert Castillo."

>_<

Inilahad pa nito ang kamay niya sakin at syempre tinanggap ko yun baka sabihin niya pang bastos ako. Nang mabawi ko ang kamay ko, tianlukuran ko siya pero napatigil din muli ako sa paglakad ng tawagin ako nito.

"Jasmine!"

Inis ko siyang hinarap, "Bakit?" tanong ko at nagmamadali itong lumapit sakin.

"Ikaw yung nakabunot sakin no?"

0_0

"Kagabi yung tinutukoy ko yung open-up activity." paliwanag nito sakin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Oo ako ang nakabunot sayo-"

"Sabi na eh!"

"Pero yun yung sa unang bunutan. Sa pangalawa...Hindi ko na sasabihin kung sino ang nabunot ko." Ma's maganda ng ako na lang ang nakakaalam sa nabunot ko.

"Ganon ba?" kamot ulo na sabi nito sakin. "Favor naman oh, baka isa sa mga kaibigan mo nakabunot sakin, patanong-tanong naman sila kasi pagnagkataon wala akong malalagay sa journal."

>_<

Utusan ba naman ako. Tsk.

"S..Sige."

"Talaga?"

"Oo."

"Yes! thanks jasmine."

"Welcome." bored na sabi ko. Hays gutom na ako. Pero napansin ko lang nag-iisa lang si Kembert. Nasan naman kaya ang magaling niyang kaibigan? Aalis na muli sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Hinahanap mo ba si Hendrix?"

Literal na napanganga ako sa sinabi nito. Agad akong umiling bilang pag-tanggi.

"At bakit ko naman hahanapin yun?"

"Umuwi yun sa kanila."

"H..Ha?" takang tanong ko.

"Kanina lang sinundo siya gamit ang isang mamahaling kotse. I'm sure pinatawag na naman si Hendrix ng tatay niya. Sana nga hindi siya mayari."

"Bakit naman siya mayayari?"

"Hindi mo ba alam? ang dami ng kaso ni Hendrix dito sa school," Kaso? "Magtaka ka pa ba? kung may ranking nga sa pinakamadaming may demerits nangunguna na don si Hendrix." seryosong pagsasalita nito.

Sabagay bully siya malamang maraming magrereklamo sa kaniya. Sino-sino pa kayang nabully niya? parang wala naman kasi akong nakikita na inaaway niya pa bukod sakin.

"Nakakapagtaka nga eh dahil lagi ko namang kasama yun. Pero halos araw-araw nadadagdagan ang demerits nito. Tingin ko tuloy may sumasabotahe talaga sa kaniya." iling-iling na sabi nito.

0_0

"Ah sige jasmine balitaan mo na lang ako ha kung isa sa mga kaibigan mo nakabunot sakin." agad akong napatango sa sinabi nito. "Sige babye!" nagmamadali itong nagtatakbo paalis sakin. Naiwan tuloy akong tulala at naguguluhan dahil sa mga pinagsasabi niya.

Yung kembert na yun, may pinagmanahan talaga. Kung ano-ano ang pinagsa-sabi.

"Tingin ko tuloy may sumasabotahe talaga sa kaniya."

Ano kayang ibig sabihin don ni Kembert? pati tuloy ako napapaisip. Makapunta na nga lang ng canteen.

Naglakad-lakad ako papuntang canteen. Naisipan kong kumain ng biscuit at coffee.

"Ate isang biscuit na rebisco at coffee-"

0_0

"Padamay na nitong sakin."

Nanlalaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala na nasa tabi ko si Franz. Nagmamadali rin akong umiwas ng tingin.

"M..Magkano po?" pagtatanong ko sa kahera.

"No. Ako na ang magbabayad.." ngiting-ngiti na naman na sabi niya sakin. "Miss, magkano lahat?" tanong nito. Nahihiya tuloy ako lahi niya na lang ako nililibre.

"Ako na magbabayad ng akin."

"Ako na,"

"Franz...Ako na."

"Nope. Ako na magbabayad." giit niya.

Sa huli tuloy wala akong nagawa. Magkasama kami sa table na kumain. Nag-order din siya ng coffee at cupcake. Pinanood ko lang siyang kumain. Nakakatuwang isipin pati pagnguya niya, napakagandang tignan.

Bigla rin tuloy ako napa-isip na bakit wala siya sa bus namin nong pauwi. Kagabi din bigla na lang siyang nawala.

Siguro...Busy siya.

Agad kong dinampot ang biscuit ko ng akmang mag-aangat siya ng tingin sakin. Nagpapasalamat ako na kunti lang ang tao ngayon, for sure pagod lahat sa biyahe.

"Bakit hindi ka nagpapahinga ngayon? hindi ka ba napagod sa biyahe?"

I smiled at him. "Sa totoo lang buong biyahe akong tulog kaya ngayon sobrang dami kong energy."

"That's good,"

"Eh ikaw? asan ka kanina?" nahihiyang pagtatanong ko.

"Hindi ako sa bus natin sumakay dahil kinailangan ako sa ibang bus, alam mo na matitigas ang ulo ng students.."

Grabe napakaperfect niya din. Parehas sila ni Luigi.

"Ibig sabihin, hinanap mo ako kanina?" nakangising pagtatanong nito sakin.

0_0

"Hindi...I mean Oo?" naguguluhang sabi ko. Shit. Nakakataranta naman 'to.

Tuwang-tuwa siyang pinagmasdan ako samantalang ako gusto ko ng lumayo sa kaniya.

Nakakahiya ka jasmine huhu.

Nabigla ako ng pisilin nito ang magkabilang pisngi ko. Natulala na naman tuloy ako sa masaya niyang mukha.

"Your so cute."

Wah! Wag kang ganyan Franz! marupok 'to!

Ramdam ko na ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Binitawan niya din ang pisngi ko at nagfocus sa pagkain niya.

Ang lakas ng kabog ng puso ko don.

"Let's have fun today." imik nito na pinagtaka ko.

"A..Ano?"

"Ipapasyal kita sa BSU."

"Hindi ka busy?" tanong ko sa kaniya at agad siyang umiling. Bago pa ako makapag-react hinila niya na ako paalis ng canteen. Nang makalabas kami nakita ko ang bike niya.

"Tara." sabi nito at inilahad ang kamay sakin.

"Hindi na."

"Please,"

"Franz, may mga studyante sa paligid-"

"So what?"

0_0

"I told you, sumama ka sakin, may secret place ako dito. Yung tipong ako lang ang pumupunta."

"Talaga?"

"Yes. Tara dadalhin kita don."

Secret place? Paano naman nagkasecret place

Hinila ako nito kaya no choice ako kundi umangkas sa bike niya. Binalot ng kaba at exitement ang puso ko. Saan kaya kami pupunta? Madaming pasikot-sikot na dinaanan si Franz. Yung iba hindi ako familiar.

Napagtanto ko na lang papunta kami sa likod ng school. Nang tumigil siya sa pagbisekleta, tumayo ako sa pagkakaangkas at pinagmasdan agad ang paligid.

Sobrang tahimik, may mga puno sa paligid,

"Dito ako napunta pagsobrang stress na ako dahil sa school." paliwanag ni Franz.

Sabagay maganda nga dito. Tahimik, hindi tulad sa BSU. Maraming tao ang nakabantay sa galaw mo.

"Marunong kang mag bisekleta?" pagtatanong niya sakin at agarang akong napatango.

"Oo naman." imik ko dahil sa bida-bida ako lumapit ako sa kaniya at kinuha ang bike. Pinagkrus niya ang braso niya habang pinapanood ako.

"Watch and learn." sinakyan ko ang bike at sinubukang paandarin yun. Nakakailang pedal palang ako bumagsak na ako sa sahig.

Ouch.

Nagmamadaling tumakbo si Franz patungo sakin.

"Ms. Sevilla okay ka lang ba?" pagtatanong nito sakin pero wala ang focus ko sa kaniya.

B..Bakit? Bakit hindi ako marunong magbisekleta? Alam ko marunong ako. Bakit ngayon? Bakit hindi na ako maraunong?

"Dadalhin kita sa clinic." agad kong hinarap si Franz at umiling sa kaniya.

"Okay lang ako."

"No, hindi ka okay."

"Franz, okay lang ako.." dahan-dahan akong tumayo. Medyo sumakit lang naman ang binti ko dahil sa pagkasalampak ko sa sahig.

"I'm sorry."

"Bakit ka naman nagso-sorry?" natatawang sabi ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sakin at inalalayan ako pumunta sa mahabang upuan.

"Sure kang walang masakit sayo?" paninigurado nito sakin, nginitian ko lang siya bilang tugon. "Dapat sinabi mo na lang sakin ang totoo na hindi ka marunong magbike."

"Maru-" napatigil ako sa sasabihin ko. Tsk. Maraunong naman talaga ako, hindi ko nga malaman bakit sumemplang ako.

"Bumalik na tayo school."

"Babalik na tayo?" dismayodong imik ko. Wala pa ngang isang oras na nakarating kami dito tapos aalis na kami.

"Pumunta na lang tayo sa library."

"Ayoko, pwede ba tayong lumabas ng school?" may naiiisip akong gawin. Naguguluhan niya akong tinignan at mamaya lang tumango siya sakin.

"Oo naman, may gusto ka bang puntahan?"

Nagmamadali akong tumango sa kaniya. This time ako naman ang nanghila sa kaniya.

"Dito na lang tayo dumaan.." yakad niya sakin. Nag-iba kami ng direksyon, imbis na sa mismong school muna kami pupunta para lumabas sa gate, sa ibang daan kami dumaan.

Namangha ako ng makitang may laking yero lang na nakatakip don at inisod lang yun ni Franz at may daan na palabas.

"Papaanong?"

"Mamaya ko i-explain sayo, Tara na.."

^_^

Naglakad-lakad kami sa labas, Sobrang saya ko, Hindi maiwasan tignang palihim si Franz. Bakas din sa itsura nito ang saya.

"Don tayo!" turo ko sa kaniya sa may street foods. Natatawa niya lang akong tinignan.

Kumain kami ng sari-saring street food. Pagkatapos non nagtungo kami sa national book store. Namiss ko tuloy yung time na nakikita yung libro na pinublish ko, makitang sold out na yun.

"Nakabili kana ng gusto mong book?"

Umiling ako. "Hindi,"

"Bakit? sold out na?"

"Hindi..may gusto lang naman ako tignan dito." paliwanag ko sa kaniya. Bumili siya ng dictionary at ilang libro. Ako mga ballpen ang binili ko pagkatapos naming bumili ng inumin naglakad na kami pabalik ng BSU, medyo maggagabi na rin kasi. Habang naglalakad ang tahimik lang naming dalawa, gusto ko man siyang pasalamatan para ngayong araw na ito, hindi ko magawa kasi nahihiya ako magsalita sa kaniya.

Napansin ko din na parang ang bilis ng oras pag siya ang kasama ko. Sumagi tuloy sa isip ko na bawat araw na lumilipas, paunti ng paunti ang oras ko dito sa mundo na 'to. Pinagmasdan kong maigi si Franz, mabuti pa hanggat maaga pa, sabihin ko na kay Franz na hindi ako magtatagal sa lugar na ito. Mas gusto ko ding ganto lang kami, mag-kaibigan atleast sure akong kapag nawala ako hindi siya gaanong masasaktan.

"Nandito na tayo." nagtataka ko siyang tinignan nginuso niya ang building na nasa tapat namin. Nandito na kami sa tapat ng girls dormitory at sobrang dilim na din ng paligid.

"Mukhang malalim ang iniisip mo."

"H..Hindi naman,"

Ang bilis naman parang kanina lang nasa daan pa kami.

"Okay sabi mo eh," nakangiting sabi nito sakin kaya naman hindi ko rin maiwasan mapangiti.

Siguro oras na para sabihin ko sa kaniya. Tama.

Inhale, Exhale.

"Franz, let's stay-"

0_0

H...Hinalikan niya ako sa gilid ng labi ko.

Sa sobrang gulat ko naistatwa ako sa kinatatayuan ko at tila ba na mental block ako, nawala bigla ang sasabihin ko. Mamaya lang humiwalay siya sakin. Napansin ko kaagad ang namumulang mukha nito at panay narin ang hawi niya sa buhok niya.

"G..Goodnight." imik nito at tinalikuran ako, pinanood ko lang siya umalis sa harap ko.

What the hell!

Agad akong napahawak sa mukha ko, sobrag init non daig ko pa may lagnat. Nagmamadali akong bumalik sa dorm at bumungad sakin sila Kristine na parang kababagong gising lang. Binilang ko sila at nagtataka ako ng makitang wala si Cecil.

"Nasaan si Cecil?"

"Ha? hindi mo ba kasama?" tanong ni princess sakin, nagmamadali akong umiling.

"Hala, kanina pa ako nagising at wala siya. San naman kaya yun nagpunta?"

Cecil.

Nagmamadali akong lumabas muli at nagtatakbo. Inilibot ko ang paningin ko sa bawat pasilyo na madadaanan ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa kaba. Nag-aalala ako kay Cecil, hindi ko malaman pero pakiramdam ko may hindi magandang nangyari sa kaniya, lalo na pag-uwi namin sobrang lungkot ng itsura niya at walang kabuhay-buhay ang katawan.

Cecil ano bang nangyari sayo? Saan ko ba siya pwedeng makita?

Sakto naman lingon sa isang bench may nakita akong nag-iisang babae don. Nakahinga ako ng maluwag ng makilala ang babae na yun. Nagmamadali akong nagtungo don at gulat na gulat ito ng makita ako.

"Cecil naman pinag-aalala mo ako. Bakit ka nandito? Tara na bumalik sa dorm." pagyayakad ko sa kaniya. Ngumiti siya ng mapait sakin na kinakirot ng puso ko. Kita ko din ang pangingilid ng luha nito.

"Cecil,"

"Jasmine gusto ko munang makapag-isa."

"Ano bang problema? tell me." pamimilit ko sa kaniya. Naluluha niya akong tinignan, nakagat pa nito ang ibabang labi niya dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"K..Kagabi nag-usap kami."

0_0

Usap nino?

Omg! si RM ba tinutukoy niya?

"Alam mo ba sabi niya sakin?" nanghihinakit na tanong nito.

"A..Anong sinabi niya sayo?" pagtatanong ko na kinalaglag ng luha nito.

"Hindi daw kami talo besh." Umiiyak na nasabi nito. Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o malulungkot sa kaniya, ang ginawa ko na lang niyakap ko siya para I-comfort.

"Kingina! sobrang sakit! bakit ba kasi siya nagustuhan ko. Sa dami-dami ng lalaki sa mundo sa bakla pa ako nahulog." pagmamaktol nito. Lumayo siya sakin at nakasimangot na tinignan ako.

"Sabi mo sasamahan ko kagabi, psh." nagtatampo na sabi nito at pinunasan ang luha niya.

>_<

"Sorry na cecil, kagabi kasi-"

"Oo na! alam kong busy ka, busy ka kay Hendrix."

0_0

N..Nakita niya kami? agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Alam mo kayong dalawa para kayong aso't pusa. Minsan okay, minsan hindi."

"Frenemy ganon kami. Teka nga lang, ano? ano na gagawin mo ngayon?"

"Ano pa ba? Edi move-on kahit hindi na naging mag-on."

"Good, buti alam mo. Cecil marami pa jang lalaki, I'm sure puppy love yang nararamdaman mo kay RM."

"RM?" takang tanong nito.

"Renmark in short RM."

"Tsk." singhal nito sakin.

Mamaya lang niyakad ko na siya pauwi ng dorm, habang naglalakad may nadaanan kaming malaking poster. Nagtatakang tinignan ko yun.

"Mautak talaga BSU."

"Ha?"

"Ayan, may pa contest agad na ganap bukas."

Contest? para saan?

"Anong contest?"

"Contest kung saan doon kukuha ng pondo para Last month party. Sino na naman kaya gagamitin nila?"

Last month party? B..Bakit wala akong matandaan?

At anong gagamitin?

"Tara na sa dorm." yakad nito sakin, hindi pa man ako nakaka-Oo hinila na ako nito. Napatigil kaming dalawa sa paglakad ng may sasakyan na tumigil dikaluyuan samin. Lumabas don si...Hendrix at padabog na sinara ang pintuan ng kotseng sinakyan niya at mukhang hindi niya kami napansin dahil nagmamadali itong naglakad paalis.

"G*go talaga yung Hendrix na yun." mahinang sabi ni Cecil.

Ano na naman kaya problema niya?

"Tsk. May saltik talaga ang lalaki na yun, Diba jasmine?"

"H..Ha?"

"Hakdog, Tara na nga umuwi." sabay hila nito sakin. Nakarating kami sa kwarto namin at nadatnan namin don sila Kristine na walang kaalam-alam sa nangyayari kay Cecil. Habang nasa daan nag-usap kami ni Cecil, ayaw niyang ipaalam kay Kali Kristine ang nangyaring pambabasted sa kaniya ni RM.

"Nagpahangin lang kami, diba jas?" palusot nito, napatawa tuloy ako ng pilit sa kanila.

"Aysus kami pa lokohin mo Cecil, siguro nagstalk ka na naman sa crush mong bakla!"

"Huy!" saway ko kay Raven. Napatahimik tuloy si Cecil.

"Mabuti pa matulog na tayo." pagyaya ko sa kanila at agad silang nagreklamo na kesho kagigising palang nila.

Nauwi tuloy kami sa late night talks. Chika-chika.

"Sinong nabunot niyo kagabi?" tanong ni Kristine saming lahat, napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"Ako nabunot ko si Carl!" kilig na kilig na sabi ni Raven.

"Talaga?"

"Oo, hindi nga ako makapaniwala eh. Nag-usap kami kagabi tapos..." pabitin na sabi nito.

"Ano ba yan pa-suspense pa." reklamo ni Princess kaya natawa kaming lahat.

"Ayon nag-usap lang kami, basta amin na lang yun." dissapointed kaming tinignan siya. Akala pa naman namin magkwe-kwento siya ng pinag-usapan nila.

"Nako raven matulog ka na lang, kawalang kwenta mo kausap." iritang sabi ni Cecil.

"Magkwento ka na lang sa musang!" imik ni Princess kaya nagtawanan na lang kami.

"Ako nabunot ko namin ang isa't-isa ni Luigi." paningit ni Kristine.

Woah. Akala ko kami lang ni Hendrix nakabunot sa isa't-isa.

"Talaga? kami naman ni Franz nabunot din namin ang isa't-isa." manghang-mangha na pagkasabi ni Cecil. Sabay-sabay kaming napalingon kay Princess.

Ang nabunot ko si Hendrix....So siya ang nakabunot kay Kembert?

"Wag niyo ng tanungin sakin kung sino nabunot ko..." iritadong pagkasabi nito.

"Bakit naman?" tanong ni Kristine dito at mamaya lang napadako ang tingin niya sakin. "Ikaw jas, sino nabunot mo?"

"Ahm nabunot ko si H...Hendrix."

"Talaga? nabunot niyo rin ba ang isa't-isa?" pagtatanong nila sakin. Tumango lang ako bilang pagsagot sa kanila.

Natapos ang gabi namin na nagkwentuhan tungkol sa camping na ginawa kagabi. Nang makatulog na muli sila dumiretso ako sa study table at kinuha ang diary ko.

Pilit ko mang iwasan na hindi tignan ang nakalagay na numero don, hindi ko magawa.

I only have ten days left and after that everything will be back to normal.

-----------------------------------------------------------

To be continue,

Continue Reading

You'll Also Like

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...