Si Author naging EXTRA?!

By Jaedrian_23

941 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... More

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 11: Love Letter

23 5 0
By Jaedrian_23


"Jasmine okay ka lang?" tanong sakin ni Cecil at tumabi ito sakin sa pagkakaupo ko sa kama. Kararating lang nila kanina.

"Okay lang ako." nakangiting sabi ko dito. Hindi ko lang maiwasan alahanin ang nangyari kanina. Yung Hendrix na yun...

"Jas, may assignment ba tayo?" tanong ni Kristine at agad akong umiling. Wala naman akong natandaan na nag assignment kami.

"Bukas P.E natin nae-exite ako!" sabi ni Raven.

"Sana nga paglaruin tayo ng volleyball. Namimiss ko na maglaro." imik ni Kristine.

"Ikaw ba jasmine? sa P.E anong gusto mong gawin?"

"Ahm, kahit ano. Touch ball pwede din magaling ako don."

"Tsk. Sa laki mong yan matatamaan ka kaagad ng bola." natatawang sabi ni Princess.

"Hoy hindi ha! maliksi kasi ako kaya hindi agad ako natatamaan ng bola." grabe porket mataba matatamaan na agad.

"Gusto ko yun! I suggest ko bukas mag-touch ball tayo." exited na sabi ni Cecil.

"Tsk." singhal ni Princess.

"Ayiee Edi bukas pala nasa court tayo? makikita niyong dalawa si Luigi?!" pang-aasar samin ni Raven. Nagkatinginan pa kami ni Kristine.

Akala parin ba nila...Gusto ko si Luigi.

Ngumiti ng pilit si Kristine.

Speaking of okay na sila ni Luigi? sila na ba?

Dapat bago ako makaalis sa lugar na'to ma-sure kong naging sila.

"Jas request, pwede bang samahan mo ako." pagsasalita ni Cecil sakin with matching paawa mukha pa.

Saan na naman siya pupunta? bakit isasama niya ako.

"Oo naman, mangyan nga'y nakakarequest ikaw pa kayang puro."

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ko.

"San kayo pupunta?" tanong ni Kristine.

"Basta! aalis na kami!" nagmamadali ako nitong hinila or should I say kinaladkad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, marami kaming nadaanan at tumigil kami sa...

Engineer Building course.

Sino naman pupuntahan niya dito?

Hinarap ako nito at nagtataka ako ng binigyan niya ako ng Letter? love letter?

"Pwedeng favor pabigay naman yan sa crush ko."

0_0

Sa crush niya? eh bakit ako ang magbibigay?"

"Bakit ako? ikaw na." binigay ko muli sa kaniya yung letter pero...nakita kong nalungkot ang itsura nito..

Pambihira.

"S..Sige na nga. Oo na ibibigay ko." imik ko at agad na ngumiti ito at niyakap pa ako.

Pumwesto kami sa isang gilid. Pinanood ko lang siya sumilip sa isang classroom.

Ang kire-kire naman.

"Omg! ayan na siya Jas, labasan na nila." Kinikilig na sabi nito. Sumilip din ako at gulat ako ng makita ang taong gusto niya.

Walang iba kundi si Renmark Martinez ang bakla ng taon.

Talo pa nga ako nito sa paglalakad at dinaig pa kami sa kapal ng make-up.

>_<

"Sige na jas puntahan mo na siya."

"Sure ka bang hoy-" tulakin ba naman ako. Agad ko tuloy nakuha ang atensyon ng mga studyante, inis kong nilingon si Cecil, sinenyasan lang ako na ibigay ang letter.

Nilapitan ko yung renmark, gwapo siya kung tutuusin. Matalino. Nangunguna sa ranking ng mga civil engineer, yan ang description ko sa character niya sa story ko.

"Kalurki lalapitan ka ata bakla." sabi nong kasama nitong balyena. Sobrang taba kasi.

"Anong kailangan mo sakin?" maton na boses na pagtatanong nito sakin. Napalunok tuloy ako sa kaba.

Nanginginig ang kamay ko na iabot ang gianwang letter ni Cecil pero laking gulat ko ng may kumuha non, parang sa isang iglap lang nawala ang papel sa kamay ko. Agad ko itong nilingon at mas kinagulat ko ang taong kumuha non.

0_0

"Papa Hendrix!" tili ni renamark kasama ng mga kasama nitong bakla.
Galit ako nitong tinignan na para bang may malaking atraso sa kaniya.

"Wag mo ako mapapa-papa, gusto mong Paluin kita?" nanggagalaiti na sabi nito. Napaatras ako ng tinignan niya na naman ako.

Ano bang problema niya?

At yan na naman siya umalis na lang na para bang walang nangyari.

0_0

Yung letter?!

Nagmamadali ko siyang hinabol sa paglalakad, ang laki ng mga hakbang nito.

"Hendrix! Hendrix!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

Kasura 'tong lalaki na ito.

"Hoy Hendrix Aedrian Mendoza!" sigaw ko muli, nag-iinit na talaga any ulo ko sa kaniya. Napakapapansin, huminto naman siya sa paglalakad kaya nama nilapitan ko siya, kukunin ko na dapat yung letter sa kamay niya pero tinaas niya ang kamay niya para hindi ko makuha yun.

Tiningala ko tuloy siya.

Edi siya na matangkad!

"Hendrix akin na yan! please lang." paki-usap ko dito. Pilit kong inabot yung papel pero sobrang taas non kaya hindi ko maabot. Humiwalay ako sa kaniya at tinignan siya ng masama.

"Ano bang problema mo! nakapapansin mo! wala ka na naman bang magawa sa buhay mo?!" hiyaw ko sa kaniya. Nagtiim ang bagang nito at mamaya lang sumilay ang ngisi sa labi nito. Tinapat niya sakin yung Letter at....

Pinunit yun sa harap ko.

"Hendrix!" saway ko dito pero paulit-ulit niya yung pinunit. Matapos niyang mapunit yun binato niya yun sa mukha ko mismo.

Naiyukom ko ang kamao ko sa galit.

Sumusobra na yang kasaltikan niya.

"Ganyan ka ba talaga?" Hindi makapaniwalang sabi nito sakin na pinagtaka ko. "Kung sino-sino na lang ang taong nilalapitan mo, ganyan ka ba talaga kababaw na babae-"

Hindi ko na siya pinatapos, sinampal ko siya ng ubod lakas, yung sampal na magpapagising sa kaniya. Nakaiwas siya ng tingin sakin. Gustong-gusto ko siyang saktan para bayaran yun mga sandaling pagpapahiya niya sakin dito sa BSU.

Tama lang yan sa kaniya, anong karapatan niyang sabihin na mababaw ako na babae? ano bang alam niya sakin?

"Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatan na husgahan ang pagkatao ko." seryoso na sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya. Agad na nangilid ang luha ko.

Kahit kailan puro sakit sa ulo ang binigay sakin ng Hendrix na yun.

Dumiretso ako sa dorm at nakita ko na nandon na si Cecil.

"Cecil sorry-"

"Ano ka ba okay lang yun, nakita ko kanina..yung Hendrix na yun sarap tirisin!" galit na galit na sabi nito.

"Kaya nga! naiinis na ako sa kaniya." paglalabas ko ng saloobin ko.

"Sabagay wala naman akong chance na magustuhan ni Renmark."

"Bakit naman?"

"Kasi alam mo na, baklush siya." malungkot na paliwanag nito.

"Ano ka ba naman Cecil, eh di magpakatomboy ka HAHA." biro ko dito.

"Ele siya, kahit gawin ko yun for sure hindi niya ako rin ako magugustuhan."

"So suko ka na agad?"

"Eh ano pa bang pwede kong gawin?"

"Umamin ka." suggest ko dito at agad naman nanlaki ang mata nito.

"Ni-paglapit nga hindi ko magawa, umamin pa kaya."

"Malay mo, sabi kaya ng iba may chance na magustuhan ka rin ng taong gusto pag umamin ka sa kaniya." pagasasalita ko. Bumalik ito sa Kama niya at tinignan ako pero mamaya din umiling siya.

"Bahala na jasmine, Salamat, tulog na ako." imik nito.

Natulog din sila Kristine ngayon, nako for sure mamaya puyat sila, wala na silang itutulog mamaya.

Nagtungo ako sa study table at kinuha ang diary ko. Nagsulat muli ako don. Nilagay ko lahat ng saloobin ko lalo na sa Hendrix na yun.

Ilang araw pa ang itatagal ko dito sana naman maging makabuluhan ang bawat araw ko.

-----------------------------------------------------------

To be Continue, Don't forget to vote! ❤

Continue Reading

You'll Also Like

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...