Si Author naging EXTRA?!

By Jaedrian_23

983 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... More

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 9: Iwas

21 5 0
By Jaedrian_23


Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang puting kisame.

Nasaan ako?

"Thanks God your awake!" namutawi ang boses ni kristine na ngayon naluluha akong tignan. Pinilit kong makatayo pero pinigilan ako ni Kristine.

"Wag ka na muna bumangon! magpahinga ka lang muna." Saway nito sakin. Napanguso tuloy ako. Wala akong nagawa kundi ang humiga.

"Nasaan tayo?"

"Nasa clinic."

Clinic?

"Bakit?"

"Ha? wala kang matandaan?" tanong nito sakin.

Natatandaan? na alin?

Pilit kong inalala ang mga nangyari at sana pala hindi ko na inalala pa. Bumalik yung alaala ko, yung lahat ng pinaggagawa nila sakin.

"Jasmine..."

Nagsipatakan ang luha ko. Kailan man hindi ko yun makakalimutan,

"Buti na nga lang talaga natagpuan ka ni Franz." imik ni Kristine na pinagtaka ko.

Si Franz?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya.

"Niligtas ka ni Franz at dinala dito sa clinic."

0_0

Si Franz? ang nagligtas sakin? Papaano? malinaw sa alaala ko na mukha ni Hendrix ang nakita ko.

"Magpahinga kana, sila Cecil umuwi na muna ng dorm natin. Ako mag-stay ako dito babantayan kita."

Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon.

"Nga pala, nasira ang salamin mo, ano bang grado mo?"

"150 left, 200 right."

"Okay noted. Ipapagawa kita ng bagong salamin para naman may magamit ka."

"Salamat Kristine."

"Basta pangako mo sakin, aalagaan mo ang sarili mo at lalayuan mo na si Hendrix."

Bakit naman nasama sa usapan namin si Hendrix?

"Bakit?" takang tanong ko dito.

"Simula ng makilala mo siya, puro na lang gulo ang nangyayari sa buhay mo. Mabuti pa layuan mo na lang siya. Okay?"

Bakit ko siya lalayuan? siya nga tong tumulong sakin o baka naman namalikmata lang ako.

"O..Okay."

"Gusto mong kumain?" tanong ni Kristine at sakto naman bumukas ang kurtina na nagsisilbing pintuan ng kwarto ko.

"Franz!" tawag ni Kristine dito. Pinagmasdan kong maigi ang itsura nito at muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina.

Nakasuot ng itim na damit ang lalaking tumulong sakin at ngayon nakasuot ng itim si Franz. Nagkamali lang ba talaga ako kanina?

Malayo naman ang itsura ni Hendriz kay Franz.

"Mabuti pa maiwan ko na muna kayo-"

"Kristine." maktol ko pero hindi ako nito pinakinggan at nagmamadali pa itong umalis.

Namutawi ang katahimikan sa kwarto. Nakaramdam ako ng pagka-ilang, tanda-tandang ko pa ang sinabi nila tala sakin, alam ko isa sa dahilan kaya ginawa nila sakin 'to dahil kay Franz at Hendrix.

Gusto ni Rica si Hendrix at si Kristal naman kay Franz. Nang dahil sa pagseselos nagagawa nila ang lahat ng yun sakin.

"Okay na ba pakiramdam mo?" tanong nito sakin. Nagmamadali akong tumango, naglakad ito papalapit sakin at hindi ko inaasahan na uupo ito sa Kama ko.

"Don't worry, okay na ang lahat."

0_0

Pamilyar yung sinabi niya....Tama yung huling sinabi sakin sa nagligtas sakin.

*Don't worry, Ligtas kana.*

Siya ba talaga yun? it's not Hendrix?

"I gues na trauma ka sa nangyari sayo." seryosong sabi nito.

"T..Totoo bang ikaw ang nagligtas sakin kanina?" diretsong pagtatanong ko dito. Umiwas siya ng tingin sakin na lalong nagpataka sakin.

Hindi ba siya?

Mamaya lang nag-angat muli ito sakin ng tingin.

"O..Oo."

0_0

Siya yun? bakit mukha ni Hendrix ang rumirihistro sa isip ko?

"Talaga ba?" paniniguro ko sa kaniya, Tumango ito sakin at ngumiti.

"Maiwan na kita, kumain ka para lumakas ka." imik nito at aalis na sana ito pero pinigilan ko siya. Nanlalaki ang mata nito na tignan ako.

"Si Kristal.." dalawang salita palang binibitawan ko pero hindi na ito mapakali.

"Nasa guidance sila ngayon, ang principal ng bahala kung anong ibibigay na parusa sa ginawa nila." paliwansg nito. Agad ko siyang inilingan na kinanoot ng noo nito.

"Ha?"

"Alam mo bang may gusto siya sayo?" pagsasalita ko.

"B..Bakit naman niya ako magugustuhan? napakawalang kwentang lalaki ko kaya...Ah basta kumain ka ha, bye na!" nagmamadali itong umalis sa kwarto ko.

Naiwan ako mag-isa sa kwarto. Pilit kong inalala kung sino ang taong tumulong sakin pero mukha talaga ni Hendrix ang tanging nakikita ko.

Bakit ganon? hindi naman magsisinungaling sakin si Franz.

Pero tama si Kristine hindi ko dapat mararanasan ito kung hindi ko nakilala si Hendrix.

Nakakatuwang isipin na ang lahat dapat na makaranas na ito ay si Kristine pero gawa ng nakialam ako napasa sakin ang pang-aapi at pangbubully.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala lang sa kawalan. Namalayan ko na lang nagsidatingan sila Cecil bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

"Jas..." tawag sakin ni Cecil. Pumunta sila sa pwesto ko.

"Okay na ako. wag na kayong mag-alala para sakin."

"Wag mag-alala? kaibigan kaya kami nag-aalala." galit na sabi ni Raven sakin.

Ang sarap pakinggan ang salitang kaibigan. Ilang araw palang ako dito sa BSU pero tinuring talaga ako nila na isang tunay na kaibigan.

"Magpahinga ka lang. Sinusumpa ko talaga yung Rica na yun napakabully." nanggagalaiti na sabi ni Princess.

"Tsk yung pokpok na yun." dagdag ni Raven.

"May gusto ka bang kainin?"

"Wala."

"Sure ka?" paniniguro nila sakin. Agad ako tumango.

Sinamahan nila ako buong gabi sa clinic hanggang sa nag-umaga lumipat na ako sa dorm. Buti nga nakakalakad ako ng ayos pero may ilang pasa at sugat pa din ako sa katawan.

Habang naglalakad nasalubong namin si Hendrix, napakaseryoso ng itsura nito, buong akala ko aasarin ako nito or may gagawin siya sakin pero nilampasan lang kami nito. Tila ba hindi ako kilala nito.

"Tara na." yaya sakin nila Kristine papuntang dorm.

"Kaya ko naman pumasok sa klase."

"Wag ng makulit jasmine. Magpahinga ka lang muna." pagsasalita ni Cecil.

"Okay na ako, ayoko maiwan mag-isa dito."

"Babalik din kami ng maaga, kami narin magpapaliwanag sa prof. natin kung bakit Hindi ka makakapasok." imik ni Kristine kaya wala naman akong nagawa kundi ang pumayag. Naiwan ako mag-isa sa kwarto na kinaburyo ko. Ang ginawa ko pumunta ako sa study table ko at kinuha ang diary ko. Nagsulat ako ng nagsulat don kwinento ko lahat ng nangyari sakin. Habang nagsusulat nagulat ako ng sa itaas ng papel may nakalagay na Chapter nine don.

Chapter nine?

Tinignan ko ang ilang page ng papel at lahat yung may chapter at may kasamang number pero pinagtataka ko lang hanggang thirty lang yun. Napaisip tuloy ako anong ibig sabihin nito. Bigla ko ding naalala na hanggang Chapter thirty ang ginawa ko sa book ko na We are all extraordinary.

Ibig ba sabihin nito? once na natapos ang thirty days babalik na ako sa mundo ko?

Agad ko ding tinignan ang nakita kong number na twenty-four pero laking gulat ko na maging twenty-one yun.

I only have twenty one days.

Mix emotions ang naramdaman ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot, pakiramdam ko may taning na ang buhay ko. Pagkatapos ng twenty one days aalis na ako dito, makakalimutan na ako nila Kristine.

I should be happy pero bakit ganon why I feel sad.

-----------------------------------------------------------

To be continue, Don't forget to vote! ❤

Continue Reading

You'll Also Like

281K 6K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...