Si Author naging EXTRA?!

By Jaedrian_23

983 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... More

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 6: Bully

23 4 0
By Jaedrian_23


"Jas mag-aaral ka na naman ulit?" tanong sakin ni Cecil na ngayon naghahanda ng tumulog at pahikab-hikab na.

"Hmm, mabagal kasi ako pumick-up ng lesson. Kaya need ko talaga mag-aral hehe." palusot ko. Hindi pa ako natutulog kasi wala pa si Kristine. Hindi pa siya nauwi kanina pa.

San kaya yun nagpunta?

"Si Kristine? wala pa, bibihira umuwi ng late yun."

"Baka naman, may importanteng ginawa lang, don't worry hindi ako matutulog hanggat wala siya."

"Talaga? sige antok na ako kami eh. Goodnight." imik nito sakin at pumwesto sa higaan niya.

Saan naman kaya siya pumunta?

Pinakakaba niya ako, hindi pwedeng may mangyaring masama sa kaniya. Siya kaya ang bida sa story ko. Ilang oras pa ang lumipas at wala pa din siya, tumayo ako at lumabas.

I'm not sure pero dumeretso ako sa court at mabilis akong nagtago ng makita ko don si Kristine at Luigi. Mukhang nag-uusap sila. Balisang-balisa si Kristine at samantalang si Luigi kalmado lang.

"Igi, I like you."

Agad kong tinakpan ang bunganga ko dahil sa pagpipigil sumigaw.

Omg! kinikilig ako! is this really happening?!

Nanlalaki ang Mata ni Luigi ngayon habang nakatingin kay Kristine.

"Why? Why me?" hindi makapaniwalang tanong ni Luigi.

Aba choosy pa ang lolo mo!

"It's just, Simula pa lang ng elementary tayo may nararamdaman na talaga ako sayo."

"Why?" tanong muli ni Luigi.

"Ha?"

"Why? Bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sakin?"

Shit! nagdrama pa yung dalawa! tingin ko tuloy nanonood ako ng kdrama ngayon.

"L..Luigi,"

"I like you too kristine. Noon pa din,"

"Really?"

"Oo,"

Niyakap ni Kristine si Luigi ng mahigpit at niyakap din naman siya nito pabalik.

Nakakamiss tuloy ma-inlove.

Hindi ko na sila pinanood pa, sobrang saya ko kasi gumana yung ginawa ko kanina. May nagbago nga lang dapat kasi si Luigi yung magtatapat kay kristine, pero tabaligtaran ang nangyari. Okay na rin naman yun. Ang importante maging silang dalawa.

"Baboy."

0_0

Pagminamalas ka nga naman. Bakit sa dami-dami ng makakasalubong siya pa at bakit hindi pa siya natutulog? Teka papunta ba siya sa court?

"Anong ginagawa mo sa court?" tanong nito at nataranta ako ng maglakad siya papasok ng court. Buti na lang naharangan ko ito agad. Hindi pwedeng guluhin sila Luigi at Kristine.

"Baboy, tabi." maangas na sabi nito sakin pero hinarang ko parin siya, hindi ko siya pinakinggan.

"Hoy bano, matulog ka na nga lang."

"Anong sabi mo?"

"Bano." asar ko dito at napatawa ito ng mahina, yung tawang may kahalong inis.

"Aba tibay mo ah, inulit mo pa talaga?" naiinis na sabi nito sakin. Hindi ko siya pinansin, naisipan kong maglakad na lang palayo, malakas ang kutob ko na susundan ako ni Hendrix at hindi nga ako nagkamali sinundan ako nito.

Pati ba naman sa gabi, sinasaltik siya.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. Natawa ako ng umakto pa itong may tinitignan sa gilid niya.

Abnormal talaga.

Maglalakad na ulit sana ako pero mabilis ko tong nilingon at don ko siya nahuli na nakatingin sakin.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko sa kaniya at tumawa pa ito ng peke.

"Wow feeling nito, Hindi kita sinusundan no!"

Hindi daw.

"FYI. Girls dormitory 'to. Sino naman pupuntahan mo dito? aber?"

"P..Pupuntahan? yung..." nauutal na imik nito at mukhang nagiisip na ng palusot. "Kapatid ko! may kapatid ako dito!"

Kapatid? Si Hendrix may kapatid? hmm tama si Merlyn... Si Merlyn ang kapatid niya.

Agad akong napailing at tinalikuran siya. Hindi na ako sinundan ni Hendrix, nakarating ako sa kwarto namin nila Kristine. Gulat akong makita na nakahiga na si kristine sa Kama niya at mahimbing na natutulog.

Masaya ako para sa kaniya. Bagay na bagay talaga sila ni luigi.

Umupo ako sa upuan at nagtungo sa study table. Nilibas ko yung notebook na pink. Binuklat ko muli yun at kada araw lagi ko ng sinusulat sa notebook kung anong nangyari sa buong magdamag ko at kung anong kahilingan ko.

Nagtataka ako ng makita ang number na nasa taas ng papel. Nga-ngayon ko lang yun napasin.

Nakalagay na number ay 24.

Anong ibig sabihin nito? 24?

Tinignan ko ang petsa at nakitang August 6 palang. Kunot-noo akong nag-isip kung ano ibig sabihin ng 24. Pero wala talaga ako kaide-ideya kung ano ibig sabihin non.

Twenty-four? hindi naman yun araw ng birthday ko.

Halos buong Gabi ako walang tulog dahil kakaisip kung anong ibig sabihin ng twenty-four.

"Jas?"

"Hmm?"

"Masama ba pakiramdam mo?"

Nahihilo akong tinignan ito, si Raven at dahan-dahan akong tumango. Sobrang sakit ng ulo ko. Siguro sa hindi na muna ako a-attend ng klase sa umaga.

"Sige mauna na kami sayo ha! may gamot diyan uminom ka. Babye!"

"Bye!" sigaw ko pabalik. Nagsuot ako ng salamin at dahan-dahan bumangon. Agad akong napatingin sa diary ko sa na nasa study table.

Hindi ako pinatulog ng diary na'to!

Nag-asikaso ako ng sarili ko. Sinuot ko ang uniform ko at inayos ang gamit ko. Pwede pa ako makapasok sa sunod kong klase, may time pa nga ako para makapag-almusal sa canteen.

Naglakad-lakad ako sa lab as damang-dama ko ang init ng panahon, nagpapasalamat ako kasi walang masyadong studyante pero....

Nagulat na lang ako ng biglang may kung anong buhangin na nalaglag sakin. Nabalot nito ang salamin ko kaya naman hindi gaano makakita ng ayod, tinignan ko ang sarili ko at doon ko napagtanto na hindi buhangin ang nalaglag sakin kundi Harina. Nag-angat tingin ako sa katapat kong building at nakita ko ang mga ilang studyante don na nagtatawanan dahil sa itsura ko.

Naiyukom ko ang kamao ko sa galit at pagpipigil ng emosyon ko. Akala ko tapos na pero muli na naman nila akong nilaglagan ng harina.

Bakit nila ginagawa sakin 'to? Inaano ko ba sila?!

"Ah." daing ko ng may nambato sakin, nakaramdam ako ng panglalagkit sa katawan. Tinignan ko ang uniporme ko na naghalo na harina at itlog.

"Batuhin niyo pa!" utos ng isa sa kanila. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Napakadami nila, Agad kong tinakpan ang mukha ko ng pagbabatuhin muli ako nito ng itlog.
Sa oras na yun, hindi ko napigilang hindi maiyak. Naawa ako para sa sarili ko. Wala akong magawa,

"T..Tama na n..nakiki-usap ako." paki-usap ko sa kanila.

"Tama na daw? HAHAHA. Sige batuhin niyo pa ng itlog yan."

"Loser!"

"Umalis ka nga sa school namin!"

"I'm sure matutuwa si Hendrix pagnakita niya 'to."

"Baboy oink oink oink!"

Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa mga masasakit na salitang binibitawan nila. Bumalik tuloy ang alaala ko nong highschool pa lang ako.
Kung saan baguhan lang din ako non, bagong salta ba, Naranasan ko ding mabully. Yung tipong kinaibigan para alilain lang, pinagtri-tripan sa oras ng klase, sisihin sa bagay na hindi mo naman ginawa, kung ano-ano ding salita ang binitawan o binansag sakin noon. Nandon ang labo, taba, tanga, bobo, bulag, nerd, manang at marami pang iba.

Hindi na bago sakin 'to pero hindi naman ako kasing tibay ng puno o kasing tigas ng bato para hindi masaktan.

"Your not belong here!" sigaw ng matangkad na babae.

Alam ko. Hindi ako nabibilang sa lugar na ito at kung may pagkakataon man na makaalis ako dito, aalis talaga ako ora-mismo.

Napirme ako sa kinatatayuan ko ng may lumapit na lalaki sakin at binuhos sakin yung isang litro ng mantika.

Pikit mata kong tinanggap yun, Habang umiiyak ako, sila naman tumatawa.

Kahit kailan hindi ko maintindihan bakit yung mga bully's masaya silang nakakasakit ng kapwa nila. Mga bully's na walang magawa sa buhay kaya naman nanggugulo sila ng iba. Mga kulang sa atensyon at kulang sa pagmamahal.

Ma's matanda ang pag-iisip ko sa kanila kaya hanggat kaya ko uunawain ko sila.

"Anong nangyayari dito?"

0_0

Ser Jai and Ma'am loida.

Nagbaba ako ng tingin dahil nahihiya ako sa itsura ko ngayon.

"Kayo na naman! lahat kayo pumunta sa guidance office now!" sigaw ni Ser jai.

"Ser what happen here?" pagtatanong ni Franz na kararating lang ngayon, mamaya lang gulat itong makita ako. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Mr. Franz, mabuti pa samahan mo na lang si Ms. Sevilla sa dorm niya..." imik nito at tinignan ang mga studyanteng nagtulong-tulong para gawing katutuwa ang itsura ko ngayon. "Kayong lahat sumunod kayo sakin." ma-awtoridad na boses nito. Lahat sila napatiklop at walang nagawa kundi sumunod kay Ser jai, may iilan pa na sinamaan ako ng tingin. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala sila sa paningin ko.

"I..I'm sorry." agad kong nilingon si Franz. Yan na naman siya sinisisi niya na naman ang sarili niya.

"Okay lang ako," pagsasalita ko, hindi ko maiwasan hindi mangatal. Ramdam na ramdam ko ang pagkalagkit ng katawan ko.

"Ihahatid na kita sa dorm-"

"Hindi na." tanggi ko.

"No. I insist." seryoso na sabi nito. "Kung mahusay lang ako na presidente ng BSU, hindi naman ito mangyayari, nagkamali nga talaga sila ng binoto. Napakapalpak-"

"Wag mong sabihin yan,"

He smile bitterly.

"Sabi nga nila truth hurts."

"Franz..."

"Tara na, hatid na kita." imik nito at naunang maglakad. Pinagmasdan ko lang ito maglakad.

Franz...

Ano nga bang nangyari sa kaniya sa kwento ko?

Pilit kong inalala ang nangyari kay Franz pero hindi ko maalala.

Tanging alam ko lang, may gusto siya kay Kristal.

"Ms. Sevilla!" tawag sakin nito. Nagmamadali akong tumakbo pero dahil sa mantikang dumaloy sa hanggang sapatos ko, nadulas ako at bumagsak.

Bakit ba lagi na lang ako natutumba?!

Agad kong tinignan ang tuhod ko na nagdudugo.

Ano ga namang malas ko!

"Dadalhin kita sa clinic." natatarantang sabi ni Franz pero bago pa siya makaalis inabot ko ang kamay nito para pigilan siya.

Clinic? parang sugat lang.

"Hindi na."

"Ms. Sevilla...."

"Jas na lang."

"Okay jas, baka mapaano pa yang sugat mo."

"Hindi na. Tulungan mo na lang ako tumayo."

Inilahad nito ang kamay niya at kinuha ko yun. Nakatayo naman ako at pinagpagan ko din ang sarili ko, para kahit papaano mawala-wala yung harina sa uniform ko. Nagsimula na kaming maglakad sa dorm, nakatungo lang ako at sinadya ko talagang takpan ang mukha ko gamit ng buhok habang naglalakad. Bawat madaanan namin rinig na rinig ko ang bulungan. Naiyukom ko ang kamao para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Nabigla ako ng biglang inakbayan ako ni Franz. Nagmamadali ko yung tinanggal.

"Ahmm sorry." paghingi ng sorry dito dahil sa ginawa ko. Biglang na lang kasi siyang nangaakbay. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko ng walang oras. Nginitian lang ako nito. Nakarating din kami sa dorm.

"Thank you franz." pagpapasalamat ko dito at hindi ko na hinintay pa na magsalita siya. Sinarado ko na yung pinto. Agad akong napahawak sa puso ko. Sobrang bilis ng kabog non.

Pero agad din akong napailing sa iniisip ko.

Jasmine extra ka lang dito at aalis ka rin, ang lahat ng ito ay ilusyon mo lang.

Kinagabihan, nagsidatingan sila kristine. Yes. Hindi sila agad nabalik sa dorm ma's gusto nilang tumambay sa library o sa canteen. Tsaka lang sila uuwi kapag gusto nila magpahinga.

"Jas!"

"hmm?"

"Hindi ka na naman umattend ng klase." imik ni Cecil.

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kristine. Nong una nag-alinlangan akong sumagot.

"O..Oo naman okay ako." pilit ngiti na sabi ko.

Sabay pa silang apat na nagkatinginan
sa isa't-isa. Muli nila akong tinignan at nginitian ko sila.

"Jas, alam namin yung nangyari kanina."

Automatikong nawala ang ngiti sa labi ko. Yun na nga lang ang hiling ko na hindi nila malaman yung nangyari sakin kasi ayaw ko silang mag-alala.

"Jas were sorryy-"

"Kristine, wala kayong dapat ihingi ng tawad sakin. Okay lang ako."

nagulat ako ng yakapin ako ni Princess, sunod si Cecil at sunod din yung sila Kristine at raven. Agad tuloy nangilid ang luha ko. Humiwalay sakin at hindi ko inaasahan na hahawakan ni Kristine ang tenga ko.

"Tsk may harina ka dito."

0_0

"Eh? tunay? nilinis ko kaya buong katawan ko."

"Aysus naglinis? bakit parang hindi naman." pang-aasar sakin ni Raven.

"Hoy! naligo talaga ako!" giit ko.

"Weh?"

"Hay nako." kunwaring nagtatampo na sabi ko. Tumabi sakin si Kristine. Bakas parin sa mukha nito ang pag-aalala.

"Sure ka bang okay ka lang?"

Nagmamadali akong tumango.

"Oo naman, dumating naman sila ma'am loida at ser jai saka si....Franz." paliwanag ko at hindi ko nagustuhan ang tingin nila sakin ngayon.

"Si Mr. President?"

"Ayie Franz daw."

"Alam mo ba na hindi madikit si Franz sa mga babae? at ano tong nababalita ko na may akbayan na naganap kanina?"

0_0

Kainaman na. Pati ba naman yun!

"Ayie namumula mukha ni Jasmine!"

"Ang ate mo in love na!" kantyaw sakin ni Cecil.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti tuloy at kiligin.

"K..Kaibigan lang kami non."

"Kaibigan? o magka-ibigan?" sabi ni Raven at umakto pang nangingisay sa kilig.

"Nako! mabuti pa matulog na tayo!" pagbabago ko ng topic sa kanila.

Mamaya lang lahat na silang apat tulog na ako na lang ang gising. Muli akong nagtungo sa study table at nagsulat sa diary.

Muli tuloy bumalik sa alaala ko kanina ang nangyari kanina.

Franz Salamat.

-----------------------------------------------------------

To be Continue, Don't forget to vote ❤

Continue Reading

You'll Also Like

281K 6K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...