Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (B...

By AdiennaMichelle

4.8K 399 65

Elleina Zeal Suarez, ang kakaibang babae na malakas ang dating sa mga lalaki dahil sa kaniyang walang takot n... More

Prologue
Chapter 1 "Dream"
Chapter 2 "Secretly In love"
Chapter 3 "Mistake"
Chapter 4 "First Hug"
Chapter 5 "Riot"
Chapter 6 "First Day of School"
Chapter 7 "Movers"
Chapter 8 "Savior"
Chapter 9 "Good Heart"
Chapter 10 "Her voice"
Chapter 11 "Kiss"
Chapter 12 "Brothers"
Chapter 13 "Laurent"
Chapter 14 "Riding-in-Tandem"
Chapter 15 "Hand to Help"
Chapter 16 "Fever"
Chapter 17 "Duet"
Chapter 18 "Parking lot"
Chapter 19 "Companion"
Chapter 20 "A walk"
Chapter 21 "Diamond"
Chapter 22 "Dinner"
Chapter 23 "Rain"
Chapter 24 "Baider's Family"
Chapter 25 "Laguna"
Chapter 26 "Majayjay Falls"
Chapter 27 "Pure Love"
Chapter 28 "Letter"
Chapter 29 "Perfection"
Chapter 30 "Mission Failed"
Chapter 31 "THE UNEXPECTED"
Chapter 32 "Affection"
Chapter 33 "Jam"
Chapter 34 "Shine"
Chapter 35 "Valencia's Family"
Chapter 36 "Flair's Birthday"
Chapter 37 "At Flair's House"
Chapter 38 "Rocky's Back"
Chapter 39 "THE UNEXPECTED"
Chapter 40 "Pain"
Chapter 41 "Beat"
Chapter 42 "Camarines Norte"
Chapter 44 "Sunrise"
Chapter 45 "Forgetting"
Chapter 46 "Death Anniversary"
Chapter 47 "THE UNEXPECTED"
Chapter 48 "Confuse"
Chapter 49 "THE UNEXPECTED"
Chapter 50 "The Hidden POV"
Chapter 51 "Comeback"
Chapter 52 "THE UNEXPECTED"
Chapter 53 "Mother's Heart"
Chapter 54 "Party"
Chapter 55 "Jealous"
MITZ'S NOTE
Chapter 56 "Protect"
Chapter 57 "Smile"
Chapter 58 "Foundation Day"
Chapter 59 "Foundation Day"
Chapter 60 "Abuse"
Chapter 61 "Warning"
Chapter 62 "Dreadful Gang"
Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"
MUSIC COMPOSITION
Chapter 64 "Baider's Secret"
Chapter 65 "A date"
Chapter 66 "Picture"
Chapter 67 "Attempted Kidnap"
Chapter 68 "Friday Night"
Chapter 69 "Pageant"
Chapter 70 "Pajama Party"
Chapter 71 "Revenge 101"
Chapter 72 "Hope"
Chapter 73 "Uncontrollable Anger"
Chapter 74 "1st Anniversary"
Chapter 75 "Second Life"
Chapter 76 "Chocolate"
Chapter 77 "Break Bone Adept"
Chapter 78 "Heartache"
Chapter 79 "THE UNEXPECTED"
Chapter 80 "Delight"
Chapter 81 "PERFECT TWO"
Chapter 82 "Ali's Birthday"
Chapter 83 "FINAL REVENGE"
Chapter 84 "One on One"
Chapter 85 "Dangerous Fighter"
Chapter 86 "True Friends"
Chapter 87 "Hardwork"
Chapter 88 "Booze"
Chapter 89 "Grand Ball"
Chapter 90 "Limitless"
Chapter 91 "Love surprises you"
Mitz Note

Chapter 43 "THE UNEXPECTED"

56 6 0
By AdiennaMichelle

Elleina Zeal's POV

Pinatulog ulit ako ni Flair kahit ang mga mata niya ay punong-puno nang paga-alala. Hinaplos niya ang buhok ko at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam kung pa'no ulit ako nakatulog na wala nang inaalala basta ang alam ko panatag ang kalooban ko dahil hawak niya ang kamay ko.

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko.

"Good morning!" isang malambing at bibong boses ang narinig ko.

It was Flair, sitting at the sofa and smiling handsomely.

"Morning" I stood up and directly went to the bathroom.

Paglabas ko nando'n pa rin siya sa sofa.

"Let's eat breakfast, enjoy your stay. Smile" 'di ko alam pero sa sinabi niya natawa ako sa mukha niya.

Ang laki nang ngiti sa labi niya kahit ang mata ay tumatawa na. Hindi na siya nagtanong sa panaginip ko, siguro ay alam niyang ayaw kong pagusapan.

Pagkatapos namin mag-breakfast ay niyayaya niya na akong pumunta sa beach pero ayaw ko, umakyat ako sa taas at nagmukmok.

"Over Melanin, pumunta tayo dito para magsaya hindi para magdrama" sabi niya sa akin habang hinihila ang kumot na nakatakip sa katawan ko.

"Magbihis ka na ng pang-swimming, bilisan mo!" inirapan ko siya at pumikit ulit.

"Ano ba! Bumangon ka diyan!" inis na inis na siya.

"Pag 'di ka bumangon diyan ako ang magbibihis saiyo!" galit na. Hahaha

'Di ko siya pinansin pero bigla niya nalang akong binuhat at nilagay sa sofa.

"Ano ba!"

"Ayaw mo talaga magbihis huh?" gumuhit ang ngisi sa labi niya.

Hays. Ito nanaman ang pananakot niya!

"Fine! Labas" sinipa ko siya palabas.

"Nawiwili ka ng manipa ah!" asik niya habang dadabog-dabog palabas.

Tiningnan ko ang closet, nagtataka ako kung bakit may damit ako do'n siguro ay dumaan muna siya sa bahay no'ng umalis kami para kumuha ng damit.

Nanlaki ang mata ko kung bakit may two-piece bikini dito. Ah! Siguro si mommy ang nag-prepare nito.

Alam ko na! Ito nalang ang susuotin ko. Try ko naman ang mga bagong bagay para ma-discover ko kung saan pa ako sasaya.

Kean..

Pumasok sa isip ko ang pangalang iniiwasan ko. 'Ayon nanaman ang luha ko pero agad kong pinalis.

Sa tingin ko kailangan ko ngang magsaya!

Nagbihis ako, sinuot ang white two-piece bikini at agad akong nahiya sa salamin no'ng makita ko ang sarili ko. Mukha ata akong bold star! Pero maganda.

Maganda nga ba? Sa bagay walang pakialaman ng trip. It's a beach by the way!

Sinuklay ko lang ang straight kong buhok. Well, maganda.

Naglagay ako ng liptint para 'di naman maputla ang labi ko.

Kinuha ko ang cover up ko at lumabas na.

Gano'n nalang ang pagtulo ng laway ni Flair no'ng makita ako. Hahaha I mean nai-nganga niya ang bibig niya.

Umikot pa ako sa harapan niya.

"What the fuck?" sabi niya habang gulat ang mukha.

"What? I look sexy, I know, right?" sabi ko sa tonong nang-aakit pa.

Ano ba itong ginagawa ko? He should be Kean. Hays.

"Magpalit ka nga do'n. Ang pangit ng katawan mo! Ang itim ng kutis mo! Kala mo maganda?" sabi ni Flair at pinag-cross pa ang braso niya.

Ang sakit ng sinabi niya. Bigla ay para akong naiiyak. I just want self love.

"Okay, fine. I'm sorry. Ayaw ko lang na baka mabastos ka sa labas" nagiwas siya ng tingin at nagkamot sa tungki ng ilong niya. "Maganda, sobrang ganda" halos pabulong niyang sabi pero narinig ko pa rin.

Napansin niya siguro ang mukha kong maiiyak na kaya sinabi niya 'yon.

Biglang lumapad ang ngiti ko at hinila siya.

"Tara! Kunwari ka pa gusto mo naman, nalaglag nga ang laway mo"

Sumunod lang siya sa akin na nagkakamot pa ng ulo.

Nang makarating kami sa beach ay pinag-titinginan ako ng mga tao.

"Ang pogi! Hingin natin ang number"
"Hottie!"
"Girl ang panty ko nalaglag na"

Rinig kong bulungan ng mga babae.
Yeah, I know that he's handsome but my Mr. Handsome is--hays siya nanaman! Wala na nga pala.

Nilingon ko si Flair na ngayon ay todo iwas sa mga babae at inis ang mukha.

"Bading talaga" bulong ko.

Nauna na ako kay Flair at pumunta sa dagat.

Ang sarap ng tubig, nakakarelax. Humiga ako sa tabi ng dagat habang ang paa ay na-aabot ng tubig tuwing aalon.

Ang sarap!

'Di pa masyadong mainit dahil maaga pa kaya gusto kong samantalahin ang 'di nakakasunog na sikat ng araw.

"Happy?" umupo si Flair sa tabi ko habang nakatingin sa dagat.

"Ya" halos pabulong kong sabi.

"Bebs!"

Napa-upo ako nang marinig ang tawag na iyon at nilingon ko sila. Nakita ko si Carme na naka-two piece na yellow at may cover up kasama sina Lance at Clench na naka-beach outfit na sando at short. Parang gusto kong maiyak dahil sa presensya nila. Tumakbo si Carme sa akin para salubungin ako, nagmadali namang maglakad si Clench at si Lance ay parang walang ganang lumapit.

Niyakap ako ni Carme at Clench, hinila pa ni Carme si Lance para yumakap din sa akin. Nakayakap kaming apat sa isa't isa. Nakita ko si Flair na nakangiti sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

Sinundot naman ni Carme ang tagiliran ko.

"Bakit gusto mong masolo si Jave? Ayiee" sabi ni Carme na nakangiti nang pangasar.

Umirap ako. So, alam nila about sa break up namin ni Kean?

"We're always here. 'Di ka namin pababayaan magisa" sabi ni Carme at yumakap muli sa akin.

"Your superhero activated" natawa naman ako kay Clench dahil itinaas pa niya ang kamay na parang si superman.

Tiningnan ko si Lance na may matang 'ikaw, wala kang sasabihin?'

Tumaas ang mga kilay niya.

"I'm not showy but I'm here. It's enough" sinserong sabi ni Lance.

Ngumiti ako at niyakap silang tatlo.

"Tara na!" hinila kami ni Carme papunta sa dagat.

Si Flair ay naiwan sa tabi ng dagat na nakatingin lang sa amin at nakangiti.

Tinapunan ako ng tubig ni Clench, hanggang sa magtapunan kaming apat ng tubig.

Tawa lang kami nang tawa habang naghahabulan sa tubig.

Masaya talaga na mag-move on kasama ang mga kaibigan mo.

Binulungan ko silang kunin namin si Flair at itapon sa dagat. No'ng makita ni Flair na palapit kami sa kaniya at nakangisi ay tumayo siya at tumakbo.

"Ayan nanaman kayo! Ayaw ko mabasa!" sigaw niya habang nag-papatintero kami.

"Hulihin ang bihag!" sigaw ni Clench.

'Yong linya no'ng birthday niya. Tatawa-tawa kaming tinaas ang kanang kamay at sumigaw din.

"Hulihin!" - kaming apat.

Hinabol namin si Flair, nahuli siya ni Lance at pinagtulungan namin siyang dalhin sa tubig.

Inis na inis siya nang itapon namin siya sa dagat.

"Ang lamig!" inis niya kaming tinapunan ng tubig.

Lumapit ako sa kaniya at tinapunan siya ng tubig sa mukha.

Hanggang sa mahuli niya ang kamay ko.

Dug.dug.dug.

Parang nag-slow motion ang mundo.

"Ahhh" nagising lang ako sa sigaw na iyon ni Carme.

Nilingon ko siya at nakita kong buhat- buhat siya ni Lance papunta sa malalim. Galaw siya nang galaw habang natatakot pero sa huli ay wala ng nagawa kung hindi ang yumakap nalang kay Lance.

They look happy. Sana ako rin.

Bigla nalang akong iniwan ni Kean at sinabihan na 'di niya minahal.

Nakatingin lang ako kay Lance at Carme sa mga sandaling ito at malungkot na nakangiti.

I wasn't enough for Kean. Baka hindi talaga siya ang para sa akin. Baka may darating pa na mas better.

Ngayon siguro ay mamahalin ko muna ang sarili ko. Nandito naman sila para samahan ako.

Isang matunog na buntong hininga ang pinakawalan ko. I can't believe that love is cruel.

"Trust me, you'll find the right person for you" sabi ni Flair na ngayon ay nasa tabi ko.

Isang mapait na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya.

"Miss mo ko?" nilingon ko naman ang palapit na si Clench.

"Of course! Wala akong baon na pagkain hahaha" sabi ko.

Umakbay sa akin si Clench.

"May pag-asa na ba ako?" sabi niya sa tonong nangaasar.

"Palabiro ka talaga!" pinalo ko ang braso ni Clench na naka-akbay sa akin.

"Sorry, 'di ko nasagot ang tawag mo no'ng gabing kailangan mo ako. Tulog na ako no'n" sabi niya sa akin.

"Okay lang"

No'ng magabi na ay nasa beach pa din kami. Nakapalibot sa gitna ng apoy.

"I really don't know how to face Kean dahil sa nangyari kahit 'di ako marunong makipag-suntukan baka masuntok ko siya" sabi ni Clench habang nagtatangis ang bagang.

"Maybe he has his own reasons, Clench" sabi naman ni Lance.

"Kahit ano pang rason niya galit pa din ako sa kaniya! Hindi ko kailanman matatanggap ang ginawa niya kay Elle!" inis ding sabi ni Carme.

Si Flair naman ay nakatingin lang sa apoy parang malalim ang iniisip.

"Alam mo ba nabalitaan ko na bumili daw ang family ni Kean ng bahay nila no'ng babae niya around makati?" sarkastikong sabi ni Carme at umirap pa. 

Napalingon ako sa kaniya.

"Anong babae? Sinong babae? Hindi 'yon ang rason niya sa akin!" sigaw ko habang pinipigilan ang luha ko.

"Ikakasal si Kean, Zeal" malungkot na amin sa akin ni Flair.

Napanganga ako sa sinabi niya at dire-diretsong tumulo ang luha ko.

"What are you talking about?" napatayo na ako habang nakatingin kay Flair.

Nasa tabi ko si Flair, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo.

"Ikakasal si Kean after niyang maka-graduate" humugot ng oxygen si Flair bago muling magsalita. "Bata palang siya, 9 years old, I guess, nang ipakilala sa kaniya ang pamilya ng bestfriend ng tatay niya. Nagkagustuhan daw sila no'ng batang babae na anak ng bestfriend ng tatay niya at dahil nakita ng mga magulang nila na okay ang dal'wang bata, nagkasundo silang ipapakasal sa tamang panahon pero hindi 'yon tinutulan ni Kean hinintay niya 'yong babae na makabalik dahil sa America ito nakatira, yo'n ang first love niya, masaya si Kean na naghihintay lang hanggang sa makilala ka niya" iniwas ni Flair ang tingin sa akin at humugot muli ng oxygen. "Hindi ko alam kung bakit nagbago ang tibok ng puso niya at niligawan ka niya we're bestfriend that's why I support him"

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko hindi ko alam kung paniniwalaan ba ang sinabi ni Flair.

"So, una palang talaga huhuhu hindi na dapat naging kami!" inis na inis ako at sinabunot ko ang kamay sa buhok ko saka tinakip iyon sa mukha ko at humagulgol.

"I'm sorry, Zeal" sabi ni Flair na malungkot ang mga mata.

Naramdaman ko ang paglapit nila sa akin at niyakap ako.

"Nandito lang kami, dadamayan ka namin kahit saan ka man dalhin ng sakit na 'yan" sabi ni Carme habang umiiyak na rin.

Si Lance at Clench ay tahimik na yumakap din. Ramdam ko rin ang pagdamay ni Lance kahit na alam kong ang ugali niya ay parang walang pakialam sa mundo.

"Mahal ka namin, may mga taong nagmamahal sa'yo kaya 'wag ka magsu-suicide huh?" sabi ni Clench sa akin at hinampas ko naman ang balikat niya.

"Iyakin, tsk" iyon lang ang sinabi ni Lance.

Si Flair ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Malungkot ang mata niya pero parang malalim ang iniisip.

"Tara na" yaya nila.

Pero nagpaiwan ako.

"Sige na, akyat na kayo do'n sasamahan ko siya" sabi ni Flair sa kanila.

Tiningnan nila si Flair ng nagtatanong pero agad din namang sumunod at naglakad na pabalik ng mansyon.

"We can watch the stars shine" sabi ni Flair at saka tumingin sa kadiliman ng langit.

Tahimik lang na tumulo ang luha ko. Ramdam ang sakit sa dibdib pero alam kong balang araw mawawala din ito. Just deal with it.

"I thought he's the man" ramdam ko ang dahan-dahang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi ko. "Hindi pala, sinungaling ang ulan" at saka ako tumawa, nababaliw na ako. "Minahal ko lang siya pero wala akong pinagsisisihan dahil iyon ang pinakamasayang pakiramdam" ngumiti ako sa langit at pinagmasdan lang ang pagkinang ng mga bituin.

"Maybe you're blind with your feelings now. You can't see people loving you unexpectedly" sabi ni Flair habang nakatingin din sa mga bituin.

"We can also watch the sun rise or nature tripping?" ngumiti siya.

Para siyang lalaking kumikinang kahit sa dilim.

"You don't know how much I like you..." -Flair

(Mitz Note: Follow me and you'll never regret reading my masterpiece. Please vote, comment and share. THANK YOU! SARANGHAE! ^___^)

Continue Reading

You'll Also Like

988K 31.4K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
469 50 8
Rachel Monroe was living her life the way she wanted ito to be, walang nagdidikta, walang humuhusga sa bawat desisyon na kanyang gawin, a typical ind...
3.2K 176 44
Bonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hin...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...