Unexpectedly In Love With The...

By MysteriousColdEyez

125K 14.8K 921

Unexpected? ~Sometimes someone comes into your life.. ~Unexpectedly take your heart by surprise and change yo... More

Prologue
Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
UIWTCH's Song MV
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Author's Note
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 48

1.6K 61 30
By MysteriousColdEyez

Dedicated to: TristeMademoiselle JhanndyGurl Jeydiiann ms_tess bitchusers mixx_rv..

"Just because I'm strong enough to handle pain, doesn't mean I deserve this.."

~Justin Dane Santos

Dane's POV

Pagkatapos ng laro kanina napag pasyahan nilang mag celebrate.

Gusto ni Oppa na mag celebrate kasama ang mga team niya. Walang iba kundi ang M5. Okay lang naman sa akin pero gusto kaming isama nila Alex sa celebration nila dahil nanalo din naman kami ni Nate sa swimming kaya wala na din akong nagawa. Double celebration daw. Gusto rin kasing sumama sila Couz at Nick.

Napag usapan nilang sa bar nila Alex nalang daw kami dahil sa kanila naman yun kaya okay lang na maglasing, ika nga ni Jan Dane. Wala din namang pasok bukas dahil kailangan din daw ng pahinga.

Pinayagan din naman ako ni Oppa na sumama, wag lang daw uminom ng marami. Pero si Nick at Couz gusto daw nilang uminom ng marami hanggang sa malasing. Sanay din naman si Couz sa inuman dahil palagi siyang umiinom kapag may gatherings. Ganun din naman ako pero hindi ako umiinom dahil nga ipinag babawal sa akin dahil sa asthma ko. Kaya minsan hanggang tingin nalang ako kay Couz na umiinom habang ako nganga.

Nandito na kami ngayon sa bar. Si Couz ang nagdrive. Kanina pa kasing nauna sila Nate kasama si Oppa.

Pagpasok pa lang namin sa loob. Bumungad na sa amin ang amoy ng alak at sigarilyo. Napatakip tuloy ako sa ilong.

Dumiretso kami sa loob at hinanap ang mga kasama namin.

"There you are.." Bulong ni Couz at kumaway kila Nate sa di kalayuang table.

Naglakad kami palapit doon. Sinalubong agad kami ng kantyaw ni Alex ng makita kami.

"Ang sesexy natin ngayon ah!" Pang aasar niya habang tiningnan kami mula ulo hanggang paa.

Napatingin ako sa kanilang mukha ng mapansing namumula na ang mga ito. Are they drunk already?

Napatingin sa akin si Ethan at biglang sumama ang mukha kaya napairap ako.

Inalalayan kaming maupo ni Nate ng mapatingin siya sa suot ko at tinaasan ng kilay.

Ayaw ba nilang nandito ako?

Magkatabi sa iisang sofa sina Ethan, Tristan at Jan Dane. Nasa kabilang sofa naman si Alex at Nate. Magkakatabi kaming tatlo nila Couz. Nasa pang isahang sofa naman nakaupo si Oppa.

Tumayo muna ako para batiin siya.

"Hi Oppa!" Nakangiti kong bati. Hinalikan ko siya sa pisngi at naupo muli sa inuupuan ko.

Ganun din ang ginawa ni Couz at Nick na tinanguan niya lang.

Napatingin muli siya sa akin at tinangnan ng mula ulo hanggang paa. Napailing siya at parang nadismaya siya sa suot ko.

"Is that dress new?" Nakataas kilay nitong tanong.

Napatingin naman lahat ng kasama namin sa akin. Nakita ko pang biglang napailing si Ethan sa akin.

Naka black ako na tight dress. Hindi naman sexy ang nasa dibdib kasi aware naman akong maliit lang ang hinaharap. Aware din naman akong revealing ang likod at ang skirt ay masyadong maiksi.

Napakagat ako sa kuko ko. Sabi na kasing wag na akong pumunta e.

"No Oppa. Binili namin to ni Chloe dati sa Palawan.." Sabi ko.

"Well, that's too short.." Tinuro niya ang aking mga hita. "Didn't I tell you not to wear like that.." Naiinis pa nitong sinabi kaya nakaramdam ako ng hiya.

Tahimik namang nakaupo si Couz at ramdam kong parang natatawa siya sa nangyayari sa akin.

"Ngayon ko lang to ginamit e.." Parang bata kong sagot.

Narinig ko pa ang hagikhik ni Nick sa tabi ko kaya siniko ko siya.

"I don't like that dress.." He said bluntly.

"Kuya, magpapalit pa ba siya?" Halata sa boses ni Couz ang dismayado.

"She can use my jacket if you want.." Napatingin kaming lahat kay Ethan ng sabihin niya yun at pabatong iniabot ang jacket sa hita ko.

"Wag na, Ethan.." Sabi ko at astang ibabalik ang jacket niya ng makita kong wala siyang balak kunin ang jacket niya. Uminom siya sa hawak niyang wine at tiningnan lang ako ng walang emosyon.

"Promise, Oppa! Hindi ko na to susuotin next time.." Sabi ko at inayos na lang ang jacket banda sa hita ko. "Si Couz nga, oh!" Sabi ko pa at sabay turo kay Chloe na may revealing dede.

Inirapan niya lang ako at napapisil sa kanyang ilong.

Naramdaman ko pang pasimple akong sinabunutan ni Couz kaya siniko ko siya.

Napalingon ako sa mga kasama ko ng mapansing nakatingin parin sila sa amin kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya.

Si Oppa kasi, e.

Nakita kong uminom muli si Oppa ng wine na para bang wala manlang nangyari.

Napaangat ang tingin ko kay Couz ng makitang may linapag siyang isang baso na may lamang alak. Napatikhim ako at pasimpleng napatingin kay Oppa. Nakataas na ang isang kilay niya sa akin habang pinapanood ang galaw ko.

Nag umpisa ng mag inuman sila Couz at Nick kaya naiilang ako kung iinumin ko ba ang ibinigay ni Couz sa akin.

"Taena Torres! Hinay hinay lang marami pa diyan.." Dinig kong sabi ni Jan Dane kaya napatingin ako sa kanya.

Inisang lagok niya lang ang hawak nitong baso na may lamang alak. Napatingin siya sa akin at sa baso ko.

Bigla siyang tumayo at pumunta sa may bartender atsaka kinausap. Agad din siyang bumalik at may hawak ng isang basong may lamang Orange juice.

"Hindi ka iinom, Just?" Takang tanong ni Nick sa akin ng makita ang baso kong hindi manlang nagalaw.

"Oppa is here. Hindi ko alam kung pwede ako uminom kahit konti lang.." Bulong ko.

Nagulat ako ng may biglang may dalawang kamay na naglapag sa tapat ko ng tig isang basong Orange juice.

Napatingin ako dun at nakita si Nate at Ethan na nakatayo sa harapan ko.

Biglang natawa si Oppa kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"I--I'm okay. May baso na ako, oh.." Sabi ko at kinuha ang basong may lamang alak atsaka ininom ng isang lagok lang.

Tumingin muli ako sa kanila at ngumiti.

Agad namang bumalik si Ethan sa upuan niya at muling uminom.

"Hindi ka pwedeng uminom.." Matigas na sabi ni Nate sa akin.

Natawa si Couz at tinapik ang balikat nito at pinaupo sa tabi naming dalawa.

"Alam mo Nate minsan lang naman e, atsaka parang wala lang naman kay Kuya Dale oh!" Sagot ni Couz at linagyan muli ang baso ko ng alak.

Napailing si Nate sa akin at tumango kahit halatang parang ayaw niya akong painumin.

Nagpatuloy ang inuman hanggang sa magsalita si Alex na nakatingin na sa amin.

"Cheers!" Sabi nito at tumingin sa amin ng may ngiti sa labi. "Congratulations to Nate and Justin!" Pag papatuloy niya.

Nagsitayuan kaming lahat maliban kay Oppa at Ethan na busy'ng umiinom sa kanyang baso.

"Coach Dale.." Tawag ni Jan Dane sa kanya kaya wala siyang nagawa at tumayo na din.

"Cheers!" Sigaw ni Couz ng hindi manlang pinansin si Ethan na nakaupo. "Cheers!" Sigaw naming lahat at nag cheers.

Nagsiupo kaming lahat at nag umpisang mag inuman at magkwentuhan.

"HAHAHAHA Taena naalala ko nung muntik na kaming paluin ng isang nuno ng dospor dos sa Tagaytay!" Kwento ni Jan Dane kaya nagtawanan kaming lahat.

"Ayaw nga naming sumakay nun sa jeep e, kaso walang choice kasi ikaw ba naman gulatin ng isang nuno HAHAHAHA!" Sagot ni Alex.

Nagpatuloy ang kwento nilang dalawa tungkol sa pagsakay nila ng unang pagkakataon sa jeep.

Hindi ko rin namamalayan na naka ilang baso na ako. Nasasabayan ko na nga ang pag inom nila Couz e.

Nararamdaman ko na ding medyo nahihilo na ako. Parang umiikot na ang paningin ko pero kaya pa naman.

"By the way Torres, why are you so quiet.." Natahimik kaming lahat ng magsalita si Oppa.

Namumula na ang mukha ni Oppa gaya ng iba. Pati na rin sila Couz at Nick. Halatang sanay sila sa pag inom dahil kita sa mukha nila ang pagseryoso.

"I'm not in the mood Kuya.." Sagot nito kaya hindi ko mapigilang matawa.

Did he just call my brother 'Kuya?'.

Napatingin silang lahat sa akin na halatang nagtataka kung bakit bigla bigla akong tumatawa.

"You're drunk.." Bulong ni Nate sa akin pero umiling ako sa kanya.

"Did he just call my brother, 'Kuya?'" Hindi ko makapa niwalang tanong sa kanila habang nakaturo kay Ethan.

How dare him to call my brother Kuya after what he'd done to me.

Naramdaman ko ang pagpigil ni Nick sa kamay ko.

"Couz lasing ka na.." Sabi rin ni Couz at hinawakan ng mahigpit ang isa kong kamay.

"A--Ako l-lasing?" Turo ko sa sarili at tumawa ulit."H--Hindi ako lasing.." Pumiyok bigla ang boses ko at nag umpisang tumulo ang aking luha.

Narinig ko pang nagmura si Nate sa tabi ko.

Takang napatingin sa akin si Oppa kaya hindi ko mapigilang humikbi.

"Are you okay, Baby.." Halata sa boses ni Oppa ang pag aalala.

Lumapit siya sa akin kaya lumipat muna si Nate ng upuan para makaupo si Oppa sa tabi ko.

Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ng kabuuan ko.

"Kuya lasing na si Couz. I think we should go home.." Halata sa boses ni Couz ang kinakabahan.

Umiling iling ako at patuloy na umiyak.

"Baby, let's go home. Don't make me worried okay?" Sabi nito.

Pinunasan niya ang mga luha kong patuloy ang pagtulo.

"You told me that the heart is the strongest muscle but why my heart break easily?" Tanong ko.

Kita sa mukha niya ang mas lalong pag aalala.

"Baby, did your heart hurt again? Do you want me to check your heart? I will call our parents to know about this. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Sunod sunod nitong sabi kaya mas lalo akong naiyak.

"May sakit ba sa puso si Justin?" Singit ni Alex sa amin at sinulyapan ng masamang tingin si Ethan.

Wala ni isa ang sumagot sa kanya.

Lumapit si Nate sa akin at pilit na pinapatayo.

Nakita ko pang may kinausap si Tristan na halatang tauhan at nagsi alisan ang mga taong nagsasaya sa paligid. May narinig pa akong nag rereklamo ngunit wala ding nagawa.

"C'mon Justin, please let's go home. Hyung will be mad if you tell him about that.." Pakiusap ni Nate sa akin.

Napailing ako tumayo atsaka siya tinulak.

"JD.." Lumapit sa akin si Ethan at kita sa mukha niya ang pagsusumano ngunit nakaramdam agad ako ng galit.

"Ikaw!" Dinuro ko siya. Inawat ako ni Couz at Nick." Why did you do this to me?" I cried. "Minahal kita e, pero why I'm not good enough.." Nanghina ako ngunit nakaalalay sa akin si Couz at Nick.

Akala ko okay na ako e, pero bakit ganun? Some days you're okay and doing just fine. Other days it still hurts like it's fresh.

"Couz, uwi na tayo. Nandito si Kuya Dale.." Bulong nito ngunit umiling iling ako. Mas nangingibabaw ang emosyon.

"Just lasing ka na oh, uwi na tayo.." Rinig kong sabi ni Nick at pilit akong inaakay pero nagmatigas ako.

"Baby, what's wrong?" Madilim na ang mukha ni Oppa na humarap sa akin.

"Hyung let's go. Lasing na si Justin.." Singit sa amin ni Nate. Pilit pa siyang humawak sa kamay ko.

Napaupo ako sa semento at humagulhol ng iyak.

Pilit pa akong pinapatayo ni Couz ngunit patuloy lang ako sa pag iyak.

"Oppa.." Tawag ko kay Oppa na nasa harapan ko na ngayon. Kita sa mukha niya ang galit ngunit mas nangingibabaw ang pag aalala.

"Yes, Baby? Are you alright?" Malambing na sabi nito.

Inakay niya ako at pilit na pinaupo muli sa inuupuan ko kanina.

Napatingin akong lahat sa kanila.

"Just because I'm strong enough to handle pain, doesn't mean I deserve this.." I cried again.

Nagsitahimik sila dahil sa sinabi ko.

"Ethan.." Nakangiti kong tawag sa kanya. Napaiwas siya ng tingin sa akin. "Am I not good enough?" Pinunasan ko ang aking luha. Wala ni isa ang nagbalak magsalita. "Why are you being like this to me? Naging maldita ako pero hindi naman yung enough para pag pustahan ako diba?" Ramdam sa boses ko ang galit at sakit. Ni wala ng isang patak ang tumulo sa aking mga mata.

Biglang tumayo si Oppa at agad na sinipa ang lamesang nasa gitna namin. Mabilis niyang tinalon ang mesa papunta kay Ethan. Nakita ko nalang na nakasalampak na sa sahig si Ethan.

"Ethan!"

Narinig ko pa ang sigaw ni Tristan ngunit unti unti na akong napapikit and everything went black.

*****

Alex's POV

"Just because I'm strong enough to handle pain, doesn't mean I deserve this.." Justin said and cried again.

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya.

Napailing ako tumitig kay Ethan. Wala siyang makikitang bakas ng emosyon sa mukha niya. Ngunit dahil nakatitig ako sa kanya kita ko ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mga mata niya.

Why are you doing this Ethan?

"Ethan.." Tawag ni Justin kay Ethan kaya napabaling muli ang atensyon ko sa kanya. Nakangiti siya ngunit ramdam sa boses niya ang sakit. "Am I'm not good enough?" Dagdag pa nitong sabi.

Napailing ako. Lasing na talaga si Justin. Hindi ko alam na ganito pala siya kapag lasing.

Nakita ko si Kuya Dale na halatang pagpipigil ng galit dahil nakayukom ang kanyang mga kamao. Nakaramdam tuloy ako ng takot para kay Ethan. Kuya Dale is different.

"Why are you being like this to me? Naging maldita ako pero hindi naman yung enough para pag pustahan ako diba?" Galit nitong sabi.

Napanganga nalang ako ng makitang biglang tumayo si Kuya Dale at agad na sinipa ang lamesa.

Napakurap kurap ako ng mabilis nitong tinalon ang lamesa papunta kay Ethan.

Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko nga namalayan ang ginawa ni Kuya Dale at nakita ko nalang na nakasalampak na sa sahig si Ethan.

Agad kaming pumagitna ni Tristan sa pagitan nila upang pigilan si Kuya Dale.

Nagkagulo na rin ang mga girls ng biglang mahimatay si Justin dahil sa kalasingan.

"Don't fucking block my way Alonzo and Mendoza.." Banta nito sa amin ngunit nagmatigas kami.

Taena! Kahit gago si Ethan pinsan pa rin namin siya.

"We're drunk Coach Dale.." Kalmang sabi ni Tristan.

Tinalikuran niya ito at tinulungan si Ethan. Ganun din ang ginawa ko ngunit napabaling ulit ako kay Kuya Dale ng bigla siyang magsalita.

"I already warned you Torres.." Medyo kumalma ang boses niya ngunit kita mo yung galit sa mukha niya.

Nakaharap na si Ethan at kaming dalawa ni Tristan sa kanya.

Lumapit na din si Jan Dane at Nate sa tabi ni Kuya Dale. Inihatid pa kasi nila ang mga girls sa labas.

"I told you not to make her cry because I can't see her while crying.." Tumitig siya kay Ethan ng sabihin niya yun.

Tinapik naman ni Nate ang balikat nito.

"I warned you if you hurt her I gonna kill you.." Nagulat kaming lahat ng bigla siyang maglabas ng baril mula sa tagiliran nito at itinutok kay Ethan.

"Hyung.." Pigil ni Nate sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin.

"But.." Natawa siya ng mapakla. "I'm a doctor to save people's live.." Nakahinga nga ako ng palihim ng marinig ang sinabi niya.

Alangang naman na ipahalata kong takot ako kay Kuya Dale kahit hindi naman. Mahirap na hindi ko pinangarap na mabaril dahil lang sa nadamay ako.

"I can really kill you right now in front of your cousins but I'm just wasting my time.." Pagpa patuloy niya.

Ibinaba niya ang baril at isinukbit sa tagiliran niya.

Tinalikuran niya kami at naglakad paalis ng biglang mapahinto ng marinig ang sinabi ni Ethan.

"Y-You can kill me now.." Agad kong tiningnan ng masama si Ethan dahil sa sinabi niya.

"Taena Torres, late reaction ka!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Y--You can kill me now, Coach Dale.." Parang wala lang na sabi niya.

Inakbayan siya ni Tristan na parang pinapatigil siya.

Napailing si Kuya Dale at nagpatuloy sa pag alis kasama si Nate.

Nagkatinginan kami ni Ethan pero agad din siyang umiwas sa akin.

What's your fucking problem, Torres?!

Napayukom ko ang kamao ko dahil sa tanong sa isip ko.

Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko.

"Let's go.." Anyaya nito sa akin.

Napatingin nalang ako kila Tristan at Ethan na nakatingin na sa akin ngayon.

Natawa ako ng mapakla at napailing.

"Let's go.." Sabi ko at nauna ng umalis.

This is fucking insane. I feel like my own cousins betrayed me.

Taena!

A/N: This Chapter dedicated to all of my readers. Sorry for the late Update. Sa mga nagmessage and nagcocomment na mag Update na ako, I really appreciate it. Sana magustuhan niyo yung Update ko ngayon. *Smile* Kamsahamnida! Saranghe!❤

Continue Reading

You'll Also Like

308K 7.8K 59
Paano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapak...
2.2M 93.3K 60
Maging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_...
314K 6.1K 67
Not an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true lo...
691K 15.2K 102
Highest rank: #1 in Chicklit "Abby Claire Sebastian is mine and mine alone!" -Xavier The Snobber 2 months later... (With narration inside.)