(Mitz note: kung may mga maling type or maling grammar pagpasensyahan niyo na dahil kapag nagreklamo kayo 'di ko itutuloy 'to. Char! ^__^)
Elleina Zeal's POV
Wala akong magawa kaya tinitigan ko nalang ang periodic table. Kasalukuyan akong nasa kwarto at nakaupo sa study table.
"B-boron, O-xygen, S-sulfur, H-hydrogen" inulit ko ang sinabi ko at natawa sa sarili. "BOSH" sira na yata ulo ko.
Lumabas ako ng kwarto. Naamoy ko ang niluluto ni nanay Purita.
"Woah! Ang bango. Mukhang masarap iyan, nay!" Sabi ko at sumilip sa niluluto.
"Kailan ba ko nagluto nang di masarap, nak?" Nakangiting sabi ni nanay Purita.
"Syempre palaging masarap!" At saka niyakap ko siya sa likod.
"Mangbobola!" Nilingon ko si kuya Zeke na ngayon ay nagpipipindot sa phone niya.
Sinilip ko kung ano ginagawa niya. Nage-games siya.
Mobile Legend!
Tumabi ako sa kaniya at ginulo siya.
"Ano ba, Princess!"
Pinindot-pindot ko ang phone niya. Inis siyang tumingin sa akin.
"Kuya Zen! Nangungulit nanaman itong babaeng walang magawa sa buhay!" Sigaw niya kay Kuya Zen dahilan para inis na lumingon si kuya Zen kasi nagbabasa siya ng libro. Ayaw na ayaw niya ng maingay kapag nasa gano'ng sitwasyon.
"Tumigil kayo! Ang ingay!" Sigaw niya sa amin.
Maya maya pa nakita ko si Kuya Zaimon na lumabas sa kwarto niya.
"I'm hungry nay Purita. Luto na ba?" Lumapit siya at sumilip sa niluluto ni nay Purita.
"Malapit na, anak" sabi ni Nay Purita habang hinahalo ang niluluto niya.
Lumingon ako sa kabuuan ng bahay namin. Isa kaming masayang pamilya. Si kuya Zen ay laging nagbabasa ng libro pero 'di nakakalimot na makipag-bonding sa amin. Si kuya Zeke at Zaimon ay lagi akong inaasar para magpapansin. Si nay Purita ay laging nandito, nagluluto nang masarap at walang sawa kaming inaasikaso. Si mom and dad ay laging business ang inaatupag pero 'di nakakalimot sa dinner, kailangan sabay-sabay kami at 'di nakakalimot sa mga pangaral, di nagsasawang iparamdam kung gaano kami kamahal.
Bigla ay naisip ko si Flair.
Kumain na kaya siya?
Siguro mag-isa nanaman iyon dahil wala nga daw si manang Cora. Siguro nakakalungkot na kumain mag-isa 'di katulad ng pamilyang mayroon ako.
Masaya at kumpleto.
"Kuya Zen! Can I invite a friend for a dinner?" Nakangiti kong sabi kay kuya Zen para magpaalam.
"Sure" matipid niyang sabi at ngumiti.
"Okay! I'll pick him. Wait for us huh?"
"Okay"
Masaya akong naglakad palabas ng bahay. Nag-drive ako at narating ang bahay ni Flair. Nilingon ko ang kabuuan ng bahay. Walang ilaw at halatang napakatahimik.
Ano bang klaseng buhay ang mayroon ka?
Nag-doorbell ako, saglit lang ay lumabas na si Flair.
"Kumain ka na ba?" Nakangiti kong bungad sa kaniya.
Gulat siyang tiningnan ako.
"Not yet. What are you doing here?"
Imbes na sagutin ay tumalikod na ko sa kaniya.
"Let's go, we'll eat dinner"
Lito man siya ay sumunod siya sa akin.
"Sakay ka na sa kotse ko. Huwag ka na magdala ng kotse, ihahatid kita mamaya"
"Why?" Lumapit siya sa akin at sinapo ang noo ko.
"I'm not sick! I just want us to have a dinner, together" sabi ko sa kaniya.
"Okay"
Nagpumilit siyang, s'ya ang magdrive. Sinabi kong sa bahay ang punta namin.
Nang marating namin ang bahay ay gulat ang mga matang nakatingin sa amin dal'wa.
"What are you doing here?! Don't tell me, Princess, boyfriend mo na 'yan?" Sabi ni kuya Zeke na mahahalata ang pagkainis niya.
"Hey! Easy men! He's my friend. I invited him for a dinner"
"Mel Zeke, he's a visitor. Don't treat him like that. Apologize!" Maawtoridad na sabi ni Dad.
"Sorry" sabi ni kuya Zeke na may masama pa ding tingin kay Flair.
Bakit parang galit na galit naman yata siya kay Flair?
"Flair, meet my family" nakangiti kong sabi sa kaniya. Siya naman ay nahihiyang tiningnan ang pamilya ko.
"Siya si Mel Zen, Mel Zeke at Mel Zaimon" turo ko sa mga kuya ko. "My mom and dad" turo ko muli sa kanila at nakangiti naman silang tumango kay Flair. "At si nay Purita" sabi ko habang nakangiti.
"My family. He's Jave, my friend" nakangiti kong pakilala sa kaniya.
Alam kong maiinis siya kapag Flair ang pakilala ko sa kaniya kaya 'ayon sabi ko Jave.
"Good evening po. Nice to meet you all po" nahihiya pero nakangiting sabi ni Flair sa kanila.
"Okay! Let's eat" nagmadaling pumunta si Kuya Zaimon sa lamesa.
Umupo na kami sa hapagkainan. Sa akin ko pinatabi si Flair.
Javen Flair's POV
Nakakahiya naman na ngayon ay nasa harapan ako ng pamilya niya. 'Di ako mapakali.
"Kumain ka na" sabi ni Zeal at inabutan ako ng plato, kutsara at tinidor.
"So, how's your study, hijo?" Tanong sa akin ng mom niya.
"Okay naman po, minsan nakakapagod pero fighting pa rin" sinabi ko iyon ng nakangiti.
"What is your specialization?" This time dad naman niya ang nagtanong.
"Psychology po" masaya ko pa rin sabi.
Bigla ay pakiramdam ko nagkaroon ako ng buong pamilya.
"Matalino at magaling siya dad" pagmamalaki ni Zeal sa akin.
"Oo sa sobrang galing niyan abvsfhnvf" rinig kong bulong ni kuya Zeke.
Shut! Alam kong tungkol 'yon sa nangyari no'ng lasing si Zeal. Iyong ugh! My first kiss!
Dug.dug.dug.
"What are you murmuring, kuya Zeke?" Nagtatakang tanong ni Zeal.
"Wala" masama siyang tumingin sa akin. Pinagpawisan ako ng malamig.
Tiningnan ko ang mga pagkain.
Tortang talong, adobo, tokwa, at marami pang iba.
"Woah! Lahat paborito ko" namamangha kong sabi.
"Don't be shy to eat, hijo" nakangiting sabi ng mom ni Zeal.
"Thank you po. Mrs. Suarez"
"Tita nalang itawag mo" nakangiting sabi Mrs. Suarez.
"Oh, tita daw itawag mo. Huwag na mahiya" sarkastikong sabi ni kuya Zeke.
"Kuya Zeke! Ano bang pinuputok ng urinary bladder mo diyan?"
"Shh! Kumain nga kayo ng maayos" naiiritang saway ni Kuya Zen.
"Oo nga. Sarap kumain nag-aaway pa kayo" sabi ni Kuya Zaimon na ngayon ay punong-puno ang bibig habang nagtatalsikan sa pagsalita niya.
"Don't talk when your mouth is full!" Saway ni kuya Zen.
Napaka-mature ng panganay na kapatid nila. Sana man lang maranasan ko din na magkaroon ng kapatid kaso wala na si mommy.
Tahimik na kaming kumakain.
"Grawr" narinig ko ang tyan ni Zeal.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Ano kasi--medyo masakit tyan ko" sabi niya habang nakahawak sa tyan.
"Okay ka lang, Princess?" Nag-aalalang tanong ni kuya Zeke. Ngayon ay lahat sila ay makikitaan ng pag-aalala.
"Mabilis kasi ang metabolism--PRUTTTTT!--ugh--sorry" tumayo si Zeal at nagtatakbo.
"PRUTTTT"
Napahawak ako sa ilong ko nang maamoy ang nakakadiring amoy na iyon.
"What the? Buset ka Princess ang baho! HAHAHAHA" sabi ni kuya Zeke habang winawagayway ang kamay sa hangin para maalis ang mabahong amoy.
"Yuck! nawalan na ko ng gana!" Tumayo si Kuya Zen.
Tiningnan ko naman si kuya Zaimon na ngayon ay walang pakialam kumain pa rin. Si Mr. And Mrs. Suarez naman ay bumubungisngis.
Ako naman ay 'di ko alam ang ire-react. Kahit sa totoo lang ay tawang-tawa na ko. Gusto ko ng tumawa nang malakas.
"Sige, hijo. Tumawa ka okay lang 'yan" sabi ni nay Purita na ngayon ay bumubungisngis din.
"HAHAHA" at saka ko inilabas ang malakas kong tawa. Napatingin silang lahat sa akin at sumabay na din sa pagtawa.
Normal na reaction ang magagalit dahil sa pag-utot niya pero kasi nakakatawa siya. 'Di ko in-expect na mangyayari 'to. Parang sa isang iglap ay napalapit ang loob ko sa pamilya niya at ganoon din sila.
Nang matapos si Zeal na ilabas ang waste niya ay nahihiya siyang lumapit sa table at tumabi sa akin.
"Sorry, 'di ko sinasadya" nagbaba siya ng tingin habang kumakamot sa ulo. Hiyang-hiya na sumulyap sa akin.
"Okay lang 'yon kahit mabaho hahaha" natatawang sabi ni kuya Zeke.
"Sinong 'di mauutot sa sarap nitong pagkain?" Kumakain pa ring sabi ni Kuya Zaimon.
"Mel Zaimon, watch your mouth!" Saway nanaman ni Kuya Zen.
"Sorry" nahihiyang aniya ni kuya Zaimon pero hindi pa rin matigil sa pagnguya.
"Ugh!" Sabi ni Zeal at padabog na umupo sa tabi ko.
"Pahiya ka 'no? Kunting-kunti lang naman hahaha" pangaasar ko sa kaniya. Iyon ang linyang sinabi niya sa akin no'ng araw na napagkamalan kong boyfriend niya ang mga kuya niya.
Nang matapos na ang dinner ay nagligpit na si nay Purita.
"Salamat po sa dinner" nakangiti kong sabi sa kanilang lahat.
"You can join us everytime you want, hijo" malapad ang pagkakangiti na sabi ni Mrs. Suarez.
"You're welcome in the family" nakangiti rin sabi ni Mr. Suarez
"Sorry sa 'di sinasadyang ginawa ng kapatid ko" seryosong sabi ni Kuya Zen
"No problem po. It's okay" natatawa akong sumulyap kay Zeal.
"Next time huwag mong ihahatid ng lasing dito ang kapatid ko, okay?" Singit naman ni Kuya Zeke
"Bakit ba kuya? Ano bang ginawa ko?" Nagtatakang tanong ni Zeal. Biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Alam ko naman na wala lang 'yon sa kaniya dahil lasing siya.
"Wala naman" saka bumaling si Kuya Zeke sa akin ng may masamang tingin. "Bye, uwi ka na" sabi ni kuya Zeke.
Nagpaalam ako sa kanila.
Ako ulit ang nag-drive papunta sa bahay. Si Zeal ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Over Melanin if you're thinking about the--you know. It's okay, it's normal" sabi ko sa tonong may pangaasar.
"Ugh! Nakakahiya sobra!" Pinalo niya ang braso ko."Dapat 'di na kita inimbita!" Kinurot niya ang braso ko.
"Aray! Tumigil ka nga mamaya mabangga tayo"
"K, fine. Kaysa naman saiyo nakatapak ng tae!" Tumawa siya ng malakas.
"Shut! Ano ba!"
Nang makarating kami sa bahay ay nalungkot nanaman ako nang makitang tahimik iyon at wala ako aabutang tao.
Hays..
"Thanks for tonight. Nag-enjoy ako at nabusog" nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Sige"
"Ingat ka" sabi ko sa kaniya habang bumababa ng kotse.
Lumipat siya sa driver's seat at binaba ang windshield.
"Wait, Akin na phone mo" sabi ko.
"Bakit?" Kunot noo niyang tanong.
"Basta"
Binigay niya ang phone at nagtype ako.
'Poging Flair'
"Tawagan o i-text mo ko parati huh?" Malambing kong sabi sa kaniya.
Shut! Acting like a boyfriend, Jave!
"Okay, bye. Goodnight" ngumiti siya ng malapad.
"Bye, goodnight" nakangiti kong sabi sa kaniya. Pinaandar niya na ang kotse. Pinanood ko lang siya hanggang sa makalayo na at 'di ko na makita.
"Goodnight, see you in dream land" mahina kong sabi habang may ngiti sa mga labi.
At muli kong tinahak ang malungkot na bahay na iyon. Walang kasama, tahimik at malungkot..