Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (B...

By AdiennaMichelle

4.8K 399 65

Elleina Zeal Suarez, ang kakaibang babae na malakas ang dating sa mga lalaki dahil sa kaniyang walang takot n... More

Prologue
Chapter 1 "Dream"
Chapter 2 "Secretly In love"
Chapter 3 "Mistake"
Chapter 4 "First Hug"
Chapter 5 "Riot"
Chapter 6 "First Day of School"
Chapter 7 "Movers"
Chapter 8 "Savior"
Chapter 9 "Good Heart"
Chapter 10 "Her voice"
Chapter 11 "Kiss"
Chapter 12 "Brothers"
Chapter 13 "Laurent"
Chapter 15 "Hand to Help"
Chapter 16 "Fever"
Chapter 17 "Duet"
Chapter 18 "Parking lot"
Chapter 19 "Companion"
Chapter 20 "A walk"
Chapter 21 "Diamond"
Chapter 22 "Dinner"
Chapter 23 "Rain"
Chapter 24 "Baider's Family"
Chapter 25 "Laguna"
Chapter 26 "Majayjay Falls"
Chapter 27 "Pure Love"
Chapter 28 "Letter"
Chapter 29 "Perfection"
Chapter 30 "Mission Failed"
Chapter 31 "THE UNEXPECTED"
Chapter 32 "Affection"
Chapter 33 "Jam"
Chapter 34 "Shine"
Chapter 35 "Valencia's Family"
Chapter 36 "Flair's Birthday"
Chapter 37 "At Flair's House"
Chapter 38 "Rocky's Back"
Chapter 39 "THE UNEXPECTED"
Chapter 40 "Pain"
Chapter 41 "Beat"
Chapter 42 "Camarines Norte"
Chapter 43 "THE UNEXPECTED"
Chapter 44 "Sunrise"
Chapter 45 "Forgetting"
Chapter 46 "Death Anniversary"
Chapter 47 "THE UNEXPECTED"
Chapter 48 "Confuse"
Chapter 49 "THE UNEXPECTED"
Chapter 50 "The Hidden POV"
Chapter 51 "Comeback"
Chapter 52 "THE UNEXPECTED"
Chapter 53 "Mother's Heart"
Chapter 54 "Party"
Chapter 55 "Jealous"
MITZ'S NOTE
Chapter 56 "Protect"
Chapter 57 "Smile"
Chapter 58 "Foundation Day"
Chapter 59 "Foundation Day"
Chapter 60 "Abuse"
Chapter 61 "Warning"
Chapter 62 "Dreadful Gang"
Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"
MUSIC COMPOSITION
Chapter 64 "Baider's Secret"
Chapter 65 "A date"
Chapter 66 "Picture"
Chapter 67 "Attempted Kidnap"
Chapter 68 "Friday Night"
Chapter 69 "Pageant"
Chapter 70 "Pajama Party"
Chapter 71 "Revenge 101"
Chapter 72 "Hope"
Chapter 73 "Uncontrollable Anger"
Chapter 74 "1st Anniversary"
Chapter 75 "Second Life"
Chapter 76 "Chocolate"
Chapter 77 "Break Bone Adept"
Chapter 78 "Heartache"
Chapter 79 "THE UNEXPECTED"
Chapter 80 "Delight"
Chapter 81 "PERFECT TWO"
Chapter 82 "Ali's Birthday"
Chapter 83 "FINAL REVENGE"
Chapter 84 "One on One"
Chapter 85 "Dangerous Fighter"
Chapter 86 "True Friends"
Chapter 87 "Hardwork"
Chapter 88 "Booze"
Chapter 89 "Grand Ball"
Chapter 90 "Limitless"
Chapter 91 "Love surprises you"
Mitz Note

Chapter 14 "Riding-in-Tandem"

44 5 0
By AdiennaMichelle

Kean Patrick's POV

Nakakapanghina!

Naupo ako sa kama ko. Ihinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at maangas na pumusturang nag-iisip.

Tama ba itong ginagawa kong pag-iwas kay Elle? Sumusobra naman 'ata ako? Nagi-guilty ako sa kasalanan ko sa kaniya! Wala siyang kaalam-alam sa nagawa ko! One kiss and my whole system suffered. Cool!

Bumuntong hininga ako at sumilip ng bahagya sa bintana, alam kong nandon si Elle sa kwarto niya dahil gabi na, tulog na siguro.

Ilang linggo ko ng tinitiis na 'di ka makita!

Nakakainis na ito lang ang kaya kong gawin dahil 'di ko kayang sabihin saiyo ang nagawa ko dahil baka ikagalit mo iyon at tuluyan ka ng mawala.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang may kumatok. Lumapit ako sa pinto at hinanap ko kung sino ang kumatok. Wala naman tao, tatalikod na sana ako nang marinig ang maliit na boses ng kapatid ko.

"Kuya" napangiti ako sa mumunting tinig na iyon. Kaya naman pala 'di ko nakita kasi ang kapatid ko pala iyon na tatlong taong gulang lang, 'di naman ako yumuko. Natawa ako sa naisip.

Nilapitan ko siya at malawak na ngumiti.

"Are you sad, kuya?" Maliit na boses niyang tanong.

"No! Why would I?" umiling pa ako.

"Can you tell me the story to make me sleep?" Cute niyang sabi habang may hawak na manipis na libro.

"Of course, baby Kessia. Let's go to your room?"

"Yehey!" Nagtatalon siya at humawak sa kamay ko.

Pumasok kami ng kwarto niya, inihiga ko na siya sa kama at kinumutan.

Nakangiti ko siyang binasahan ng libro. Maya-maya pa ay nakatulog na siya.

"Good night, baby Kessia"

Halikan ko siya sa noo at naglakad papunta sa kwarto ko.

"How's your study?" Nakita ko si mommy na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.

"Always good, mom" ngumiti ako sa kaniya.

"Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo dahil sa sobrang strikto niya saiyo"

"It's okay mom"

"Good night, no more bintana gaming, Kean Patrick" nakangiti ni mommy'ng sabi sa akin at saka kumindat.

"Paano mo nalamang.. hihi" napabungisngis nalang ako. Ang cool talaga ni mom.

Pumasok ako sa kwarto ko. Humiga sa kama pero 'di pa rin ako makatulog. Sinilip ko ulit ang bintana ni Elle.

Tulog na kaya siya?

Kinuha ko ang lubid sa ilalim ng kama ko. Kakasabi lang ni mommy na 'no more bintana gaming' pero heto nanaman ako at tatakas.

Nang makababa ako tiningala ko ang bintana ni Elle.

Gusto kitang makita pero baka magising lang kita!

Naglakad nalang ako kung saan abutin ng paa ko.

Elleina Zeal's POV

Ang hirap matulog! Kean ano ba? umalis ka nga sa isip ko!

Namalayan ko nalang ang sarili kong tumatakas sa bahay kagaya ng dati patay pa rin ang mga ilaw.

Sinilip ko ang bintana ni Kean. Ayaw na kitang gisingin.

Naglakad nalang ako papunta sa park. Naupo ako doon, tiningnan ko ang kabuuan nito, madilim na. Nakakalungkot ang isiping 'di kami okay ni Kean dahil sa nagawa ko.

Haish.

"Bakit malungkot ka?" Napalingon ako sa tinig na iyon.

"Mr. Baider?" Nagugulat kong tanong.

"Di ako saiyo nakapagpakilala no'ng magkita tayo" ngumiti siya nang malapad.

"Kilala ko na po kayo" masaya kong sambit sa kaniya.

"Pero iba pa din kapag ako ang nagpakilala" umupo siya sa tabi ko. "I'm Laurent Baider"

"Nice to meet you po" napangiti ako.

"You can call me lolo kapag ganitong tayong dal'wa lang" sinsero niyang sabi at saka tumingin sa malayo na para bang may iniisip.

"Sige po, Mr. Bai--lolo" bigla kong namiss ang lolo ko.

'Di ko alam kung bakit masaya ang nadudulot ng presensya niya.

"Bakit ka nga pala nandito? Gabi na at mag-isa ka pa?" nag-aalala niyang tanong.

"Di po kasi ako makatulog" napanguso ako.

"Tell me, what is it?" Malambing niyang sambit sa akin na para bang siya ang lolo ko at inaalo ang kaniyang pinakamamahal na apo.

Bumuntong hininga ako saka nagsalita.

"I think I'm inlove, lolo" napalingon siya sa akin.

"Ganyan talaga ang nararamdaman sa ganiyang edad normal na ang magkagusto, nasa stage ka na papunta sa maturity, apo" may kung anong sarap sa pakiramdam ang pagbanggit niya ng salitang apo.

Sana nga apo mo akong talaga.

"He's avoiding me and I can't resist it" Malungkot ko siyang sinulyapan ngunit ngumiti siya.

"Kung sana nabubuhay lang ngayon ang anak kong panganay na si Laurenz at ikaw ang bunso niyang anak ay marahil masaya siya dahil dalaga na ang kaniyang anak" dire-diretso niyang sabi.

Napatingin ako sa kaniya.

San ko na nga ba narinig ang Laurenz? Parang pamilyar.

Natigilan ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ni Mr. Baider. Sinagot niya iyon.

"Ano?" Napatayo siya sa narinig sa kabilang linya. 'Di ko naman marinig iyon. "I'm going!"

"Pasensya na apo kailangan ko ng umalis. Ipapahatid kita sa mga tauhan ko" sabi niya na may pag-aalala sa mukha.

"Nako hindi na po, kabilang kanto lang ang bahay ko" pagtanggi ko agad.

"Gano'n ba? Mauna na ako pasensya na talaga apo. Mag-iingat ka" ngumiti sya at naglakad na papalayo.

Muling binalot ng lungkot ang katawan ko pero nabawasan na iyon dahil naikwento ko kay Mr. Baider. Ilang minuto pa kong nanatili doon at nagpasya ng umuwi.

Wala ako sa sariling naglakad hanggang sa isang harurot ng motor ang nakapagpabuhay sa natutulog kong katawan. Bago pa man ako maka-react ay babang-gaan na ako ng motor na iyon.

"Elle!" May mga brasong mahigpit na yumakap sa akin at sabay kaming napatalon sa gilid.

Nabalot ng kaba ang buo kong sistema. Nag-pump ng sobrang bilis ang puso ko. Huminto ang motor at may nagsalita.

"Warning, disaster is on the way" sabi ng isang lalaking 'di ko halos makita ang mukha dahil sa mask na nakaharang sa kaniyang bibig at helmet.

Tumayo ako at gano'n din ang lalaking ito sa aking tabi. Hinabol namin parehas ang naka-motor na iyon pero bigo naming naabutan iyon. At saka ko nilingon kung sino ang taong nagligtas sa akin laking gulat ko nang makita ito.

"Kean?" Mahina kong bulong.

Bago pa ko muli magsalita ay niyakap na niya ako. Nang sobrang higpit.

Dug.dug.dug.

Napahugot ako ng oxygen. Kinakaban at 'di alam ang gagawin.

"Don't go outside this late night! The first time I saw you mag-isa ka din at gabi na! Pwede mong isama ang mga kuya mo kung lalabas ka o kahit.... ako" mahina niyang banggit sa huling linya.

Hinawakan niya ako sa kamay.

"Tara na iuuwi na kita" mahina niyang sambit, tango nalang ang nasabi ko.

"Kean?" Pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Linya ko 'yan, ah!" Tumawa ako, bumungisngis naman siya.

"Bakit 'di mo ko pinapansin?" Natigilan siya at tumitig lang sa akin.

"Kasi.." bumuntong hininga siya. "May kasalanan ako saiyo at natatakot akong magalit ka"

"What's that?"

"Please Elle, ayaw kong malaman mo" nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

"Tell me, 'di naman siguro malala, 'diba?" Ngumiti ako ng halos pumikit na ang mga mata. Pinakatitigan niya ako.

"I kissed you last night" nakayuko niyang sabi. "When you're asleep on my car, sorry."

Ano?

Bago makapag-react ay nagpaulit-ulit iyon sa tainga ko.
Natigilan ako at hindi ko alam ang ire-react hanggang sa napagtanto ko nalang ang sarili kong na nagsasabi sa kaniya na.

"It's not a big deal maybe we're both drunk.. apology accepted"

"We're still friends, right?" sinsero niyang tanong.

Para iyong bomba na dumurog sa puso ko. Ouch! Not again please! Kaibigan lang talaga? Wala ng hihigit pa? Bakit? Mukhang move on nanaman ang last choice ko! Pero bakit may paghalik kung gano'n? 'Di ko naramdaman 'yon at kung 'di niya sinabi ay 'di ko malalaman.

"Of course!" Ngumiti ako sa kaniya.

No! I think I'm inlove with you, Kean. You make my day complete! When the first time I saw you my heart pumps so fast. But why? Why we can't be more than just a friend?

Gustuhin ko mang sabihin 'yan ng buong lakas sa kaniya. Wala na kong magagawa.

Nang marating ang bahay namin, nagpaalam lang kami sa isa't isa. Dahan-dahan akong pumasok ng bahay.

"Are you two dating?"

Napatigil ako sa pagapang nang marinig ang boses ni Kuya Zeke. Lagi nalang niya akong nahuhuling tumatakas.

"No, kuya" malungkot kong ani.

Marahil ay nakita niya ang lungkot sa mga mata ko kaya niyakap niya 'ko.

"Why are you sad our princess?" Malambing niyang sabi.

Kwinento ko sa kaniya ang feelings ko para kay Kean. Buntong hininga lang ang tugon niya. Hinatid niya ako sa kwarto ko, katulad ng mga bata pa kami kinumutan niya ako at humalik sa noo.

"Good night, Princess"

Pumikit na ako, naramdaman ko ang paglabas ni Kuya saka lang ako nagmulat ng mga mata. Tumulo ang mga luha ko.

Why do I always need to suffer while waiting for the right person for me?

Una, si Lance masakit man siyang palayain pero ginawa ko pa din for the sake of Carme.

I let myself move on and Clench always here beside me, but I can't love him back. Why love is so much causing pain?

Pangalwa, si Kean.

I thought, I found the right man. Madaling mahulog pero mahirap iahon ang sarili sa malalim na bangin ng pagmamahal.

I am so proud of myself when I can knocked out my opponent in a battle, but I am so weak when it comes to love.

Pangit ba ko? Haish

Nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang maalala ang motor na muntik ng bumangga sa akin.

Warning, disaster is on the way
Warning, disaster is on the way
Warning, disaster is on the way

Nagpaulit-ulit iyon sa utak ko.

I need to know who the hell was that?!

Continue Reading

You'll Also Like

265K 3.7K 31
Teaser: Sinong mas matimbing ang kaibigan o ang minamahal? Masakit makita na ang taong mahal mo ay nasa piling na ng iba at higit sa lahat sa kaibig...
122K 9K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
2.3M 58.2K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...