Camp Alaya Series #1: Eyes Lo...

By vngxlmvx

16.7K 1.2K 503

CAMP ALAYA SERIES # 1 Esteen Samantha Vinzon has this unwanted past that made her unable to stare at someone'... More

ELHL
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 24

366 25 6
By vngxlmvx

ELHL24 || Esteen Samantha Vinzon

"Nothing. I just want to see you..." I gasped and slightly turned my head to hide my flushed face. "... your doing." Dugtong niya na ikinalaglag ng panga ko.

"You don't need to see it," I firmly uttered. His face is void with any emotion. Umigting ang panga niya. A sly smirk has apeared in his face.

"Why can't I see it?" I pursed my lips while fighting his stares.

Nakita kong lumabas si Rene kaya naiwan nalang kaming dalawa dito sa loob. I gasped at that thought.

Umupo siya sa harap ko at ngumisi. "Wala ka ng hangover?" Tanong niya na ikinabigla ko.

What? A hangover?

"What?" How did he know?

"Oh! Nothing Samantha." Nakangisi niyang sabi. Sumimangot ako at umayos ng upo.

"What are you doing here? Really..."

The sly smirk on his face is nowhere to be found. Balik sa malamig at walang emosyon na mukha.

"Checking my future..."

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

"My future company's partner."

Nahihiyang iniwas ko ang tingin at ngumuso.

"Okay, you can freely tour our company now."

"Join me," aniya na ikinabigla ko.

I badly wanted to join him pero ayokong makasama siya. Baka bumigay ako at magmakaawa sa harap niya na bumalik sa akin.

"I'm sorry to say this Mr. Zacharia but I'm quiet busy." I manage not to stutter while talking.

He looks amused with my answer. He stared at me for I don't know how many minutes before nodding and storming out of my office.

I sighed and hit my head lightly. Opportunity na sana iyon para hindi ako tumandang dalaga!

Ilang minuto pagkaalis ni Argon ay pumasok muli si Rene na nakangisi.

"Miss, bakit namumula ka? Kinilig ka ng bongga?"

Umikot ang mata ko at pinagkrus ang braso sa dibdib bago umupo sa swivel chair.

"Inggit ka?"

"No-uh..."

Umismid ako at kinuha nalang ang mga papel sa harap para pirmahan.

"Bakit naghahanap ng kasama si Sir sa pag-iikot dito? Ang daming babaeng nag-unahan, Miss."

Nagkunwari akong walang naririnig at nagpatuloy lang sa pagpirma. Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang sumama sa kanya tatanggalan ko ng trabaho, but on the other side.. I was just joking.

"Kumapit pa sa braso ni Sir, e. Lakas ng loob." I lifted my head on that statement.

"Why would she do that?" I hissed.

Kibit balikat lang ang isinagot niya bago lumabas ng opisina.

Pilit kong tinanggal iyon sa isip at pinirmahan na ang dapat pirmahan. Ni hindi ko napansin na alas otso na ng gabi kung hindi pa nagpaalam si Rene para umuwi.

Nanatili ako sa opisina hanggang alas nuwebe ng gabi. I wanted to be distracted. Kapag nasa bahay na ako at magisa, magiisip na naman ako. Ending, hindi ako makakatulog. Kaya mas mabuting pagurin ang sarili para tulog kaagad pagkarating sa bahay.

Bagsak ang balikat kong lumabas ng opisina. Nag-unat pa ako saglit bago tuluyang lumabas sa kompanya. Bilang nalang sa daliri ang natirang empleyado dahil hanggang alas syete lang ang oras ng trabaho nila.

"Ngayon ka lang uuwi?"

Napatalon ako sa sobrang gulat sa biglaang nagsalita.

"What time is it?"

Tiningnan ko ang relo na suot sa kaliwang kamay at sinabi iyon sa kanya.

"Hindi ka pa rin nauwi?" Takang tanong ko kay Argon na nakasandal sa kotse niyang katabi ng akin.

"Kakatapos ko lang mag-ikot."

Tumango ako at nilampasan na siya para pumunta sa kotse ko. Gusto ko ng umuwi, masakit ang balakang ko kakaupo at masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover.

"Do you want me to drive you home? You look tired..." Ani ni Argon bago pa ako makapasok sa kotse.

Ngumiti ako at umiling. "Ayos lang. Kaya ko." I wave my hand as a goodbye beofre entering my car.

Binusinahan ko pa siya bago siya tuluyang lampasan. Nang makalayo ay inihinto ko ang kotse sa gilid at isinandal ang noo sa steering wheel.

Bakit ba siya ganon? Pinapaasa niya ba ako?

Nanghihina ang buong katawan ko dahil sa presensya niya. Halos hindi rin ako makahinga dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko. How can he still affect me like that? Ni hindi nabawasan, nadagdagan pa nga.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan bago nahiga para matulog.

Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. Bethyl and Blanche used to call me bago sila matulog.

They're always like that. Checking each other before sleeping. And I'm so lucky to have them.

"Hello," I sleepily uttered.

Nagantay ako ng ilang segundo pero walang nagsalita. I check the callers name pero number lang ang nakalagay.

"Excuse me... who's this?"

"Goodnight, Samantha."

Gumising ako nang may malaki at maitim na eyebags.

"Ganda mo Miss ah," agad na pansin ni Rene ng makita ako.

Ipinakita ko sa kanya ang gitnang daliri bago dumiretso sa opisina. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Gusto ko lang matulog.

"Rene!" I shouted. "Cancel mo lahat ng gagawin ko ngayong araw!"

I heard her say okay kaya inihiga ko ang sarili sa maliit na sofa. Maliit din naman ako kaya ayos lang. Pinilit ko lang na magkasya ako at kahit hindi komportable ay ipinikit ko ang mata ko. Ang mahalaga makakatulog ako. Hindi naman masyadong maliit ang sofa. Lagpas nga lang ang paa ko.

Naalimpungatan ako ng may maramdaman na malikot. Kalahating dilat ang ginawa ko at umungol pa na parang bata. Pakiramdam ko nakalutang ako.

"Sleep," ani ng isang malamig na boses.

A grip on my arms and legs tightened. Medyo nasaktan ako kaya napadilat ng buo ang mga mata.

"I said sleep," he commanded.

"Bakit mo ako buhat?"

"Ihihiga kita sa mas komportableng higaan. Why are you even sleeping in a small sofa?" He asked with his creased forehead.

"Inaantok ako, e."

"Dapat hindi ka na pumasok."

"Ayoko, wala rin naman akong gagawin sa bahay."

"Matulog?"

Itinikom ko nalang ang bibig at hindi na nagsalita. Pumasok kami sa elevator at napansin na pinagtitinginan kami ng ilang tao.

"Uh... Pwede mo na akong ibaba."

Hindi siya nagsalita at nanatili ang tingin sa harap. Agad naman kaming, siyang lumabas sa elevator at pumunta sa tapat ng isang pintuan.

Dito parin pala siya nakatira? Nakapunta na ako sa condo niya ng ilang beses. Bihira dahil madalas sa condo naming inuupahan siya nanatili.

"Open it," aniya na nagpakunot sa noo ko.

"Hindi ko alam ang password."

"Just put your thumb there. Hindi ko naman inalis."

Laglag ang panga kong inilapat sa kanya ang tingin. Seriously? Hindi niya tinanggal ang fingerprint ko? Ibig sabihin pwede akong pumunta dito kahit anong oras?

Nang makapasok ay agad niya akong dinala sa kwarto niya at hiniga. Nagulat pa ako nang siya mismo ang magtanggal ng sandals kong suot at inayos ang kumot na nakatakip sa akin.

Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya pero tumatalon sa saya ang puso ko. Masaya ako na nakikita siya ulit. Kontento na ako sa ganito.

I woke up feeling energetic. Hindi na ako nagulat sa hindi gaanong pamilyar na kwartong tinulugan ko dahil tanda kong dinala ako ni Argon dito.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Muntik pa akong mapaupo sa gulat nang makitang nandoon pa ang mga gamit ko.

Lumabas ako sa kwarto niya ng makitang maayos na ang itsura ko. Tanggal na ang make up ko pagkagising ko palang kaya hindi na ako natagalan sa pag-aayos. Siguro tinanggal niya habang natutulog ako.

Alas sais na rin ng hapon kaya naisipan kong kailangan ko ng umuwi kahit ayaw ko.

Naabutan ko siyang nakaharap sa laptop niya sa sala. Pumunta akong kusina para uminom ng tubig bago pumunta sa kanya.

"Ah.. Argon, mauuna na ako. Salamat sa pagpapatulog." Nahihiya kong sabi.

Agad naman niya akong nilingon at kinunutan ng noo.

"You don't have your car."

"Huh? Ah. Ayos lang. Magtataxi nalang ako."

"No." He snorted. "Ihahatid kita." Dagdag niya.

Hindi na ako kumontra at nagpahatid nalang. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nahihiya akong magsalita. Baka hindi naman niya ako sagutin at dedmahin lang.

Saglit lang rin ay nakarating na kami sa bahay ng hindi niya manlang tinatanong sa akin ang address ko.

Taka ko siyang nilingon nang makita ang ngisi niya.

"Salamat sa paghatid."

Nagulat ako ng bumaba rin siya at pumunta sa harap ko.

"Hindi mo ba ako yayayaing magkape?"

Anong oras na. Baka hindi siya kaagad makatulog.

"Gusto mo bang magkape?" I just asked to stop myself from thinkung somthing absorb. Tumango siya at nauna pang pumasok sa bahay ko.

Kumunot pa ang noo niya ng makitang hindi nakakandado ang pinto ko.

"Hindi mo kinakandado ang bahay mo?"

"Kinakandado," sabi ko bago nauna na sa kanya pumasok.

Hindi na ako nagulat ng makita ang mga kaibigan ko sa sala na nag kukwentuhan.

Blanche, Bethyl, Arya, Rene and Juyeon is there. Nahinto ang tawanan nila ng makita ako.

"Bahay niyo?" I sarcastically hissed.

Blanche and Bethyl have a spare key in my house. Hindi naman sila iba sa akin kaya ayos lang na maglabas masok sila sa bahay ko.

Muntik pa akong matawa ng makita ang mga gulat nilang mukha. "Ano? Hindi niyo manlang ako babatiin?"

"Bakit kasama mo si Argon?" Si Bethyl ang unang nagsalita. Napasinghap ako nang maalalang kasama ko si Argon.

"Muling ibalik ang tamis ng pag ibig ~" sabay-sabay na kanta nila na ikinangiwi ko.

Pabagsak na umupo ako sa tabi ni Bethyl na nasa lapag. Si Blanche at Juyeon lang ang nasa sofa.

Nakita kong sumunod na din si Argon at umupo sa tabi ko. Juyeon greeted him.

"Bakit kayo magkasama?" Bulong ni Bethyl sa tabi ko.

"Ewan ko din."

Hindi ko alam. Natutulog lang naman ako sa opisina tapos nagising ako na buhat niya na.

May dalang ilang alak sila Juyeon kaya naginuman kami habang nagkukwentuhan. Napatili pa ako ng makitang pumasok si Janpzy sa bahay at may dalang ilang pagkain.

She goes to us and hug us one by one except the boys. Magseselos ang asawa niya. Naunahan pa ako ng batang iyon.

Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ng alak ang nainom ko. Medyo nahihilo na rin ako pero alam kong hindi pa ako lasing.

"Masusunog na ata ang baga ko," Bethyl chuckled. "Gabi-gabi akong niyaya ng inuman nitong si Samm! Napaka-BI."

Nalukot ang mukha ko at mahina siyang hinampas. "Gusto mo din naman."

Iinom ulit sana ang alak na nasa baso ng may umagaw nito sa akin. I saw Argon's dark eyes in mine. Ngumiti ako at kumaway.

"Stop drinking." Aniya. Umiling ako at tumawa.

"Madedehydrate ako kapag hindi uminom."

"Stop drinking alcohol," inis na sabi niya.

Ngumuso ako at tumango nalang. Kita kong lasing na ang ilang kaibigan. Si Felix at Arya nalang ata ang matino. Lahat ay may tama na.

"You're drunk," bulong ni Argon sa tenga ko na nagpataas sa balahibo ko.

"Hindi 'no, medyo lang."

Tumayo siya at umalis sa tabi ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang tubig. Inabot niya iyon sa akin at pinainom.

Tulong-tulong silang tatlo na dalhin sa mga kwarto ang mga kaibigang hindi na makatayo sa kalasingan. Marami namang kwarto sa bahay ko dahil madalas ngang ganito, halos dito na rin naman sila nakatira.

Tumayo na rin ako para makapunta sa sariling kwarto. Kaya ko naman maglakad mag-isa. Nahimasmasan na ako at nawawala na ang epekto ng alak. Muntik pa ako mapatili ng sumulpot si Argon sa tabi ko habang paakyat ng kwarto.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" He hissed.

I smiled bitterly and pierced my eyes on him. "Bakit hindi mo ako hinintay?"

Sumikip ang dibdib ko ng makita ang malungkot niyang mga mata.

"Why would I wait for you?"

Continue Reading

You'll Also Like

173K 6.4K 58
Adara Karisa Lois A. Cuestano
225K 7K 60
Ailani Ember C. Pantaleon
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
273K 10K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...