Camp Alaya Series #1: Eyes Lo...

By vngxlmvx

16.6K 1.2K 503

CAMP ALAYA SERIES # 1 Esteen Samantha Vinzon has this unwanted past that made her unable to stare at someone'... More

ELHL
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 22

354 30 8
By vngxlmvx

ELHL20 || Esteen Samantha Vinzon

I harshly perched my back at my bed and sighed. That company is so fucking stressful! Bakit ba kasi nasa akin na? Hindi ko naman hinihingi.

I took my phone out and dialed Bethyl's number.

"Hello, Pedro." I immediately uttered after she answered the call.

"Fuck you."

Nailayo ko sa tainga ang teleponong hawak at piniling i-loud speaker nalang bago nilapag sa kama.

"Good evening too, Bethyl." I chuckled.

"Panira ka ng gabi. Walang hiya ka."

"Baka gusto mo akong bisitahin dito," tumatawa kong sabi.

"Ayoko, lalasingin mo na naman ako. Masisira na ang atay ko." Singhal niya na ikinatawa ko.

"Arte ah? Parang di in-enjoy bawat lagok?"

"Ano na namang drama mo? Miss mo na si Argon mo?"

"Oo. Miss ko na. Just like how you missed your Pedro."

Narinig ko ang tunog ng kalansing ng susi niya na ikinangiti ko.

"At least may karamay ka," nakangising sabi ko. I can imagine her rolling her eyes in annoyance right now.

"Tawagan mo si Blanche. Hindi pwedeng ako lang ang mananakit ang ulo bukas. Sabihin mo, piprituhin ko ang Koreanong hilaw niya kapag hindi siya pumunta ay hindi baka sakaling matauhan siya at gumawa ng desisyong tama."

I nodded while laughing. "Noted," I said before ending the call.

Mabuti nalang at mayroon akong kaibigang palagi kong nakakaramay.

Halos tatlong taong ring nanatili si Bethyl sa Camp Alaya bago nagpasyang dito na magtrabaho sa Manila. Maayos na rin naman si Janpzy kaya naiwan niya na. Though, lagi namin siyang tinatawagan para kamustahin. Napapangiti nalang ako kapag naririnig na maayos na siya at mas nagiging maayos pa.

Matapos tawagan si Blanche ay naligo muna ako at nagpalit ng pambahay. I have my own house and car now. Iniwan ni Emmanuel ang kompanya niya sa akin at lahat ng ari-arian matapos makulong ng panghabam-buhay. Wala akong pakialam sa mga ari-arian niya pero wala na akong magagawa. Naisip ko rin na kasama naman si Mommy na naghirap doon kaya tinanggap ko na.

Napaginhawa rin naman ang buhay ko.

Si Nanay at Tatay ay nanatili sa Camp Alaya. Noong niyaya ko silang tumira kasama ko ay agad silang tumanggi. Mas gusto daw nila doon dahil tahimik. Naipaliwanag na rin nila kung bakit sa kanila ako napunta nang mawalan ng ala-ala.

Matagal na pala akong naibilin ni Mommy sa kanila. May plano pala siyang ilayo ako sa demonyong Emmanuel na iyon kaso dinemonyo na kami bago pa mangyari iyon.

Kaya para makabawi ay pinaayos ko ang bahay namin doon. Pinagawan ko rin ng sari-sari store si Nanay para hindi na maglako at mahirapan na kakalakad sa hapon. Si Tatay ay naging abala na sa mga alagang baboy at manok at pinatigil ko na sa pagtatrabaho.

They're happy for me. Masaya din naman ako.

Ang bahay namin dati nila Mommy ay hindi ko kinuha. Maraming masasamang memoryang naiwan doon at ayokong palaging maalala. Mapupuno lang ng galit ang puso ko. Ayoko noon, nakakabaliw.

"Maganda pa ako sa gabi," sigaw ni Bethyl habang papasok sa bahay ko. Nalukot ang mukha ko.

"Oo, madilim kasi mukha mo."

Umikot lang ang mata niya at pabagsak na umupo sa sofa.

"Nasaan na ang babaeng feeling Koreana?" Tanong niya habang tinatanggal ang suot na sandals bagi ipinatong ang mga paa sa maliit na lamesa sa harap niya.

Hinampas ko ang paa niya bago naupo sa tabi niya. "Papunta na daw."

"O, e, ano na namang drama mo ngayon?"

Umiling ako at tumawa. "Wala lang, namiss ko lang kayo."

"Gagamitin mo pa kami. Sige lokohin lang natin ang mga sarili natin."

I loured and rolled my eyes. Parehas kaming dalawang may hindi magandang napagdadaanan kaya talagang nagkakasundo kami ngayon.

"Oo, miss mo na si Argon. Si Argon na iniwan ka dahil sa kagagawan mo." She frankly said.

Suminghap ako at malungkot na ngumiti.

"Kamusta ang mga magaganda pero sawi kong kaibigan?"

Blanche walk towards us and sat on Bethyl's lap without asking for her permission.

Napangiwi si Bethyl sa bigat ni Blanche. "Alis nga! Akala mo ba magaan ka?"

"Magpakandong ka doon sa Koreano mong hilaw kung ayaw mo doon, kay chikinini na lang," inis na sabi ni Bethyl bago tinulak si Blanche paalis sa kandungan niya. Umupo ako sa lapag para makaupo si Blanche sa sofa.

"Ayan, hindi ka na nahiya sa may-ari ng bahay. Umupo sa lapag ng dahil sa' yo."

"I love you talaga, Samm," she chuckled that made my face crumbled.

"Kadiri ah," I frowned.

"Ang aarte niyo!"

"Mas maarte ang Koreano mo," ganti ni Bethyl.

"Nasaan ang alak? Inom na inom na ako." ani Bethyl nang mapagod sila sa kaka-asaran.

"Finally! Makakatikim din ulit ng alak!"

Naglapag ako ng tatlong malalaking bote ng red horse sa harap nila at tumawa sa nakangiwi nilang mukha.

"Akala ko pang-sosyal na alak. Ang hirap mo naman Samm!" Bethyl complaints.

"Nagtitipid ako, magpapakasal na ako bukas."

"Kanino? Sa kompanya mo?"

"Hindi, sa sarili ko."

The two of them laugh after hearing my ridiculous statement.

"Akala ko kay Argon," sabi niya na nagpahinto sa halakhak ko.

"Salamat sa pagpapaalala, Pedro."

She grimaced and look away. "Salamat, Argon."

"Ang tagal na Samm, 'di ka parin nakakamove on? Nakailang palit ng babae na ba si Argon? Ikaw? Kamusta ang buhay pag-ibig?" She added.

"Tigilan mo nga si Samm, Bethyl. Akala mo naman may nobyo ka kung magsalita."

Umaktong nasasaktan si Bethyl at eksaheradang humawak sa bibig.

"E'di ikaw na mayroon," singhal niya.

"Kung pinakasalan mo na kasi noon e'di sana masaya ka na ngayon," ani Blanche na nagpasimangot sa akin.

"Kung ginawa ko iyon, baka mas lalo na kaming sira ngayon."

For the past five years... I've learn to know the true meaning of marriage. Nawala lahat ng maling nasa utak ko noon at napalitan ng mga bagong paniniwala. Ang kaso nga lang, wala na ang taong gusto kong pakasalan kung nagkataon.

"Kung sinabi mo sanang maghintay siya e'di sana..."

Agad kong pinutol ang sinasabi ni Blanche. "Enough with the sana. Tapos na. Hindi na pwedeng palikan kasi tapos na. Past na. Noon." I firmly uttered.

"Pero di mo makalimutan," ani Bethyl.

Nagkibit balikat ako. "Wala e, mahal ko."

Umaktong nasusuka si Bethyl sa narinig at tumawa ng nangaasar. "Mahal ka ba?"

"Wrong question Beth, ang dapat ay... Mahal ka pa ba?" Ani Blanche habang nakatingin sa akin.

Mapakla akong ngumiti. Hindi. Hindi na niya ako mahal. I can clearly see it. Ako dito nagluluksa pa rin ang puso samantalang siya, ayon, nakaahon na at masaya.

Grabe 'yong kapit niya sa puso ko. Hindi matibag. Ayaw bumitaw.

"Oo, mahal siya." Sabi ni Bethyl na ikinaikot ng mata ko.

"Kung pampalubag loob 'yan. Tigilan mo na. Tanggap ko na."

Nagkibit balikat siya at nilagok ang alak sa harapan.

"Kaya ayoko pa magnobyo, e." Bethylia muttered.

Napangisi ako. "Bitter mo naman masyado kay Pedro."

"Salamat sa pagpapaalala."

Hindi ko pa rin alam kung papaanong nasira ang relasyon nilang dalawa ni Pedro samantalang bago kami umalis ng Camp Alaya ay maayos naman sila.

"Mahal na mahal mo nga, e." Gatong pa ni Blanche.

"Kapag ikaw magising sa kahibangan mo at hindi na makawala sa desisyong pinili mo, tatawanan kita."

Tahimik kong isinandal ang likod sa sofa at tinitigan ang baso sa harapan ko. Tulog na si Blanche at Bethyl dahil sa kalasingan.

Kamusta na kaya siya? Sa mga nakalipas na taon ay bihira ako makarinig ng tungkol sa kanya. Hindi rin naman ako nageeffort na may malaman. Mamaya hindi ko magustuhan ang marinig at drama pa maghapon sa loob ng bahay. Kawawa naman ang kompanya ni Emmanuel.

Hindi ko na rin siya ulit nakita matapos kong mag-resign sa kompanya nila. Day after my birthday ay naghanap ako ng bagong pagtatrabahuhan. Ayaw ko siyang makita, baka magmakaawa ako.

Arya's trying to keep me updated thoough, kay Argon. Hindi ko lang pinapansin at madalas na iniiba ang usapan. Ang madalas ko lang namang marinig ay madalas siyang may kasamang babae. Good for him, makakapag-asawa siya.

Ayos lang naman sa akin. Tutal ito naman talaga ang plano ko noong una palang hindi ba? Kaya bakit ako malulungkot? Wala akong karapatan, dahil ako ang nanakit.

Tuwing naalala ko ang mukha ni Argon noong araw na iyon ay hindi ko maiwasang masaktan. Wala siyang ibang ginawa kung hindi tulungan at mahalin ako tapos iyon ang isinukli ko?

Though, wala akong pinagsisihan dahil hindi ko marerealize ang maraming bagay kung hindi nangyari iyon. Ang pinagsisisihan ko lang ay 'yong parteng nasaktan ko siya.

Marriage for me noon ay isang obligasyon lang. Kailangan kasi nga lahat ng napasok sa relasyon ay doon nadiretso, automatic na kumbaga. Kapag may relasyon, may kasal.

Ano pa ba?

Responsibilidad? Para masabing mahal ang isa't-isa? Sobrang mali ang way ko ng pagiisip ng mga oras na'yon. Naiintindihan ko naman dahil sa pinanggalingan kong pamilya. Iyon nga lang, hindi niya naintindihan.

Hindi ko siya sinisisi, sa totoo nga, sarili ko ang sinisisi ko. Bakit ganoon ako? Bakit sarili ko lang ang iniisip ko? Bakit ako nagpaapekto sa mga nangyari sa aking nakaraan?

Bakit nga ba? Bata pa ako nang mga panahong iyon. Natural lang naman ata na ganon pa ako mag-isip hindi ba?

Napapikit ako ng makita ang kumikinang na mata ni Argon. His eyes that looks at me with love, sincerity and passion. I miss everything about him.

I sometimes try to stalk him in some party's pero hindi ko na ginawa dahil parang masyado ng nakakababa ng pagkababae. Naghahabol? Masyadong mababa, kahit na kayang-kaya kong gawin para sa kanya iyon, wala lang akong lakas ng loob.

Nilagok ko ulit ang alak sa baso at ngumiti ng mapait. Ang hirap naman mag move-on! Naiintindihan ko na kung bakit ganon ka-OA ang mga babae sa social media!

Tumunog ang cellphone ni Blanche na nasa lamesa. Kalahating pikit ang mata ko nang kuhanin ko iyon at sagutin ang tawag.

"Jagiya," ani ng isang maliit na boses. Napangiwi ako. Hindi naman ganito ang boses niya sa personal. Bakit ganito sa tawag?

"Tulog." I groaned.

"Oh. Samm! Diyan na ba siya magi-stay ngayong gabi?" Juyeon worriedly asked.

I almost laugh at his cute accent.

"Oo, dito na."

"Sure? Kaya niyo ba?"

Tumawa ako at tumango na parang nakikita niya.

"You're drunk too. Sino ang mag-aasikaso sa inyo diyan?"

"Kaya na namin. Don't worry."

"Bakit ba kasi naisipan niyong mag-inom? I told her not to get drunk!"

I grimaced and rolled my eyes.

Wala ng nagsalita sa kabilang linya kaya akala ko ay pinatay na ang tawag. Ibababa ko na sana ang tawag nang may magsalita.

"Samantha," ani ng isang malamig na boses. Napatigil ako at napaayos ng upo.

"Hindi pa nga ako lasing Juyeon. Ayos lang kami dito."

"You don't sound sober."

Lasing nga ata ako. Bakit naririnig ko ang boses ni Argon?

"Ginagaya mo ba ang boses ni Argon? Gusto mo prituhin kita para maging Koreanong luto ka na?" I hissed.

"Stop drinking Samantha. Just sleep."

"Ayoko nga. Sino ka ba?"

"Samantha.." He warned.

Napabuntong hininga ako at mapait na ngumiti. "I miss you," sabi ko sa mahinang boses. "Magkunwari ka na munang si Argon, h'wag mong ipapaalala 'to bukas sa akin ah. Gigilitan kita."

Rinig ko ang bawat paghinga ng nasa kabilang linya. I am assuming that it's still Juyeon. Si Juyeon naman talaga ang kausap ko kanina.

"I miss you, Samantha... "

Continue Reading

You'll Also Like

446K 13.9K 56
Elais Aurora V. Sacueza
952 227 57
𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 4 "Hold my hand, and I assure you, I'll never let you go Precious Jemima. Let's Dive the Ocean Blue togeth...
151K 6.5K 40
Amaira Romano , the princess of ITALY. A cute little inoccent girl who can make anyone heart flutter at her cuteness. Everything was going smoothly...
1.2M 29.2K 41
Bella Calynn Dela Rosa is a studious girl. She doesn't care about her lovelife not until she met the engineering student, Steven Harry Gonzales who w...