Camp Alaya Series #1: Eyes Lo...

By vngxlmvx

16.7K 1.2K 503

CAMP ALAYA SERIES # 1 Esteen Samantha Vinzon has this unwanted past that made her unable to stare at someone'... More

ELHL
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 20

359 29 7
By vngxlmvx

ELHL20 || Esteen Samantha Vinzon

Kinunotan ko ng noo si Blanche na ramdam kong kanina pa nakatitig sa akin.

"Crush mo ba ako? Kanina ka pa nakatitig sa akin. Akala ko ba Koreano gusto mo?"

Sge grimaced and shook her head in disappointment. I loured.

"Akala mo kinaganda mo 'yang peke mong ngiti? Mukha kang tae," umikot ang mata niya at mahina akong hinampas sa bibig.

I chuckled but eventually stopped. Ano ba ang dapat kong gawin? Ngumiti nang masaya kahit hindi naman ako masaya? Mabuti nga at nakakaya ko pang ngumiti.

"Kahit peke ang ngiti ko, maganda ako."

"Ang kapal mo," singhal niya. "Ano ng nangyayari sa kaso ng tatay mo?"

Nalukot ang mukha ko sa narinig. "Hindi ko siya tatay."

"Hindi ko alam. Wala namang in-update sa akin."

Hindi ko alam kung papaanong nangyaring nabuksan ulit ang kasong iyon pero ipinagsawalang bahala ko na dahil wala naman akong alam doon at pabor sa akin ang nangyayari.

I learned that my father has a mental illness. No. Emmanuel has a mental illness.

"E, kay Argon. May update ka?"

Kinuha ko ang maliit na unan sa tabi ko at ibinato sa kanya. "Fuck you."

Ilang araw ko na bang hindi nakikita si Argon? Ah! Dalawang linggo na. Hindi na siya muling tumapak dito. Ni hindi ko alam na umalis na pala siya. Pagkagising ko ng umagang 'yon ay wala ng Argon dito sa condo. Hindi naman niya kami pinaalis dito kaya hindi ko alam kung maayos pa ba kami.

Iniisip ko... baka nagpapalamig lang ng ulo. Hindi naman talaga katanggap-tanggap ang mga sinabi ko. Maski si Blanche ay napailing at nainis nang malaman ang nangyari. Pero anong magagawa ko... hindi na ako naniniwala doon. Masisira lang ang ulo ko.

"Gago ka kasi," ani Blanche.

"Alam ko. Hindi mo kailangang ipaalala sa akin minu-minuto."

"Gago ka. Tanga, stupida," she firmly said. Pilit ko siyang inabot ng paa at sinipa.

Alam ko nga, kailangan pang ipamukha.

"Pero naiintindihan kita," mahina niyang sabi.

Ngumiti ako sa sinabi niya. Oo. Alam ko. Nagalit rin siya sa akin pero biglang umiyak dahil naiintindihan niya kung bakit ganoon ang opinyon ko. Naikwento ko sa kanya, lahat. Pati ang ginawang pagsubok na patayin ang sarili.

Iyak siya ng iyak non at tiningnan pa kung may peklat na naiwan sa ginawa kong iyon. Mayroon, pero hindi na halata. Maliliit lang naman iyon dahil maliit lang ang gunting na ginamit ko, kaya pala hindi pa ako kinuha.

"Kung legal lang pumatay, napatay ko na 'yang ama mo."

"Hindi ko siya ama," inis na sabi ko.

Hindi kami umalis ngayon sa condo. Wala naman kasi akong gagawin. Ewan ko dito kay Blanche. Ang alam ko may date sila ng Koreano niyang hilaw pero nandito siya kaya tingin ko ay wala. Ayos na rin sa akin. Baka kasi mabaliw ako kapag naiwang mag-isa.

Tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ay nakikita ko ang mukha ni Argon na nasasaktan.

"Ano ng plano mo?" She asked. Kumunot ang noo ko. "Hindi mo kakausapin si Argon?"

Ngumiti ako ng mapait. Paano ko kakausapin kung ayaw naman akong kausapin? Tingin ko nga ay binlock niya ang number ko kaya hindi ko matext. Bumili pa naman ako ng cellphone para sa kanya.

"Sayang cellphone," sabi niya.

Umiling ako. "Awrf! Awrf!" Parang tangang tahol niya.

I laughed at her silliness. Namimiss ko tuloy si Bethyl.

Ngumuso ako at binato ulit ng unan si Blanche. Ibinalik niya 'yon sa akin ng mas malakas kaya napangiwi ako.

"Ang hina-hina ng bato ko sayo!" Singhal ko na tinawanan niya lang.

Lumapit siya sa akin at kiniliti ako sa baywang kaya natatawang nagpapadyak ako para pigilan siya. Ilang beses ko pang nasipa ang binti niya pero hindi nagpatinag.

"W-walang hiya ka!" I screamed.

Agad akong tumakbo palayo ng mabitawan niya ako. Tawa siya ng tawa sa lapag at hinahampas pa ang sofa sa harap.

"God! Ang epic ng mukha mo," tumatawang sabi niya.

Tuwang-tuwa si gaga. Badtrip. Hinihingal na umupo ako sa tabi niya at isinandal ang likod sa sofa.

"Akala ko mamatay na ako, kainis ka." Singhal ko.

Malaki ang ngiti niyang sinundot ang tagiliran ko. "Ang pula mo na."

Ngumuso ako. "Ganyan talaga kapag mestisa. Palibhasa nangingitim ka hindi namumula."

Suminghap siya at malakas na hinampas ako sa braso. "Ang kapal mo! Hindi ka mestisa, espasol ka! Espasol!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi naman ako maputing-maputi! Maputi lang! Ganito ang normal na kulay ng mapuputi!

"Bwisit ka!" Inis na sabi ko bago hinila ang buhok niya.

Nang mapagod ay pabagsak na humiga sa lapag.

"Nagugutom na ako." She complaint.

Ngumiwi ako nang makaramdam ng gutom. "Ako din pero tinatamad akong magluto."

"Bakit kasi inaway mo si Argon?! E'di sana nakain na tayo ngayon ng masarap na pagkain."

Ngumiti ako ng mapait. I miss him.

"Palagi mong binabanggit."

"Wow. Arte, sino ba ang may kasalanan?"

"Oo na. Ako na. Bwisit ka talaga kahit kailan."

Hindi ko talaga kayang magpakasal. Masyado pang sariwa ang lahat ng pangyayari sa akin. Hindi ko makalimutan. Hindi ako makaalis.

"Order ka na, wala akong load."

Umamba siyang hahampasin ako kaya agad akong lumayo habang natawa.

"Nagcellphone ka pang bwisit ka."

"Kapag ba may cellphone kailangan may load?"

"Oo."

I chuckled and made a face.

"Gago ka talaga," natatawang sabi niya.

Tumatawang humiga kami sa hapag. Inabot niya ang cellphone na nasa lamesa at umorder na ng kakainin namin.

"Ikaw ang magbayad dahil ako ang nagtext."

Ngumuso ako. "Unfair. Piso lang naman ang nagastos mo."

"Effort pa. Duh," umikot ang mata niya sa sinabi.

Ngumiwi nalang ako at kinuha ang wallet sa kwarto para handa na mamaya. Humilata ulit ako sa sahig at naglaro nalang sa phone na hawak habang si Blanche ay nakikipaglandian sa nobyo niyang chingchong.

Tinuwid ko ang higa sa lapag at ipinatong ang dalawang kamay sa tiyan. Ganoon din ang ginawa ni Blanche habang nagrereklamo. Ngumisi nalang ako at tahimik na tinitigang muli ang kisame.

Ano kayang ginagawa ko ngayon kung wala si Blanche? Malamang nagmumukmok na naman at parang batang nanonood ng movie na nakakaiyak para may maidahilan sa kaibigan kapag nakitang namamaga ang mata. That's my routine for the past weeks. Lalo na at madalas wala si Blanche dahil may sariling buhay at madalas rin kami sa trabaho.

Doon ko araw-araw na hinihiling na makita si Argon pero kahit isang beses ay hindi ako pinaunlakan. Kahit sulyap lang ay wala. Mukhang ayaw niyang magpakita sa akin.

Sumikip ang dibdib ko at namuo ang luha sa mga mata. Hindi dapat ako umiiyak dahil kasalanan ko naman. Ang kaso lang... mahal ko siya at hindi niya ako naiintindihan.

I guess we are busy handling our own pain kaya hindi na namin naisip ang sakit na naidudulot sa bawat isa.

Para saan ba ang kasal? Nakasulat lang naman iyon sa papel. Pwedeng masira at mapunit. Kaya para saan? For legality? For legitimacy to sexual relations? For what? Kahit naman hindi kasal ang tao ay nagsesex parin. Kaya parang wala lang ring kwenta.

"Umiiyak ka na naman. Mukha ng siopao ang mata mo sa kakaiyak." Mahina at nagaalalang sabi ni Blanche.

Agad kong pinunasan ang pisngi at tumawa. "Inom kasi ako ng inom ng tubig. Nasobrahan na ata ako kaya naglalabas ang mata ko."

"Ano 'yan ihi?"

Humagikhik ako at mas piniling hindi na sumagot.

Agad na tumayo si Blanche ng may nagdoorbell. Kinuha niya ng wallet ko na nasa mesa kaya umikot na mata ko. Hindi manlang nagpaalam. Bastos.

Hindi ako gumalaw at nanatili lang sa pwesto. Inaantay na bumalik si Blanche dahil kanina pa nagagalit ang tiyan kong gutom.

"Annyeong Samm-ssi," nalukot ang mukha ko ng makita ang Koreanong nobyo ni Blanche na nakayuko para makita ako at kumakaway.

"Annyeong!" Pinaliit ko ang boses at tumawa.

Kinuha ko ang unan para itakip sa dibdib dahil wala akong suot na bra. Hindi manlang ako inabisuhan na bibisita ang nobyo niyang mas babae pa ang kutis sa amin.

Hindi ako bumangon at niyakap nalang ang unan na nasa dibdib habang nakatingala parin sa kisame. Umalis na si Juyeon para tulungan mag-ayos ng hapag si Blanche.

Ngumuso ako at pumikit. Hindi ko na namalayan na nakaidlip na ako at nagising nalang sa iilang patak ng halik sa mukha ko. Agad akong napabangon para sana tumili at humingi ng tulong kung hindi ko lang nakita si Argon na nasa harapan ko at nakangisi.

Nalaglag ang panga ko at lupaypay na naibaba ang kamay na ihahampas sana sa kanya.

Nanghina ang buong katawan ko at parang gustong humagulgol ng iyak dahil ngayon ko lang ulit siya nakita. Miss na miss ko na siya!

Ngumuso ako at tumingala para umatras ang luhang nagbabadyang bumagsak. Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya mas lalo akong napanguso.

Napasinghap ako ng maramdaman ang kamay niya sa mukha ko at iharap 'yon sa kanya.

"Samantha..." malambing niyang sabi na nagpabagsak sa kaninang pinipigilan kong mga luha.

Hinampas ko siya sa dibdib at parang batang umiyak. Ang tanda tanda ko na para pa akong bata kung umasta.

"It's your 23rd birthday tommorow," aniya.

Hinila niya ako para sa isang mahigpit na yakap at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa saya. Ayos na ba kami? Hindi na siya galit? Hindi niya ako iiwan?

"What are your plans?"

"Wala, hindi ko nga alam na birthday ko bukas."

Nawala sa utak ko. Bihira lang naman talaga ako magcelebrate dahil walang budget para sa mga ganoon.

"I miss you," his husky voice sent shivers in my whole body. I stiffened and smiled.

"I miss you."

Inangat niya ang tingin at pinatakan ng halik ang panga ko. I chuckled at that and held his face to kiss his lips.

"Oh my God. Live porn!" tili ni Blanche kaya agad akong napahiwalay kay Argon.

Umikot ang mata ko at itinaas ang gitnang daliri sa kanya. Argon immediately pulled my hand down. Kinagat ang gitnang daliri ko at masamang tingin ang ibinigay sa akin.

"Hindi ka na galit?"

"I'm not," aniya. "Kain na tayo."

Tumango ako at nagpati-anod na sa kanya. Napasinghap siya at agad na kumunot ang noo habang pinapasadahan ako ng tingin.

Agad kong tinakpan ang dibdib ng mapagtanto ang suot.

"What the fuck are you wearing Samantha?"

Naiilang akong ngumiti at kaagad na hinila ang kamay para makatakbo sa kwarto at makapagbihis.

Hinila niya ako pabalik at paharap na binuhat habang magkasalubong ang mga kilay.

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot dahil wala akong ibang maiitang emosyon sa kanyang mata kung hindi panlalamig. Hindi ko na iyon pinansin at pilit itinuwid ang kunot niyang noo.

I miss that. I miss his creased forehead. I miss his furrowed brows. I miss his smile. I miss his face. I miss his voice. I miss everything about him. I miss him.

Tumungo ako at siniksik ang mukha sa leeg niya at itinapat ang bibig sa tenga niya.

"Mahal kita Argon. '

Ilang segundo ko pang hinintay ang magiging sagot niya pero wala akong nakuhang maski isang salita.

Continue Reading

You'll Also Like

Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 38K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
1.5M 130K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
720M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...
160K 6.7K 40
Amaira Romano , the princess of ITALY. A cute little inoccent girl who can make anyone heart flutter at her cuteness. Everything was going smoothly...