Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (B...

By AdiennaMichelle

4.8K 399 65

Elleina Zeal Suarez, ang kakaibang babae na malakas ang dating sa mga lalaki dahil sa kaniyang walang takot n... More

Prologue
Chapter 1 "Dream"
Chapter 2 "Secretly In love"
Chapter 3 "Mistake"
Chapter 4 "First Hug"
Chapter 5 "Riot"
Chapter 6 "First Day of School"
Chapter 7 "Movers"
Chapter 9 "Good Heart"
Chapter 10 "Her voice"
Chapter 11 "Kiss"
Chapter 12 "Brothers"
Chapter 13 "Laurent"
Chapter 14 "Riding-in-Tandem"
Chapter 15 "Hand to Help"
Chapter 16 "Fever"
Chapter 17 "Duet"
Chapter 18 "Parking lot"
Chapter 19 "Companion"
Chapter 20 "A walk"
Chapter 21 "Diamond"
Chapter 22 "Dinner"
Chapter 23 "Rain"
Chapter 24 "Baider's Family"
Chapter 25 "Laguna"
Chapter 26 "Majayjay Falls"
Chapter 27 "Pure Love"
Chapter 28 "Letter"
Chapter 29 "Perfection"
Chapter 30 "Mission Failed"
Chapter 31 "THE UNEXPECTED"
Chapter 32 "Affection"
Chapter 33 "Jam"
Chapter 34 "Shine"
Chapter 35 "Valencia's Family"
Chapter 36 "Flair's Birthday"
Chapter 37 "At Flair's House"
Chapter 38 "Rocky's Back"
Chapter 39 "THE UNEXPECTED"
Chapter 40 "Pain"
Chapter 41 "Beat"
Chapter 42 "Camarines Norte"
Chapter 43 "THE UNEXPECTED"
Chapter 44 "Sunrise"
Chapter 45 "Forgetting"
Chapter 46 "Death Anniversary"
Chapter 47 "THE UNEXPECTED"
Chapter 48 "Confuse"
Chapter 49 "THE UNEXPECTED"
Chapter 50 "The Hidden POV"
Chapter 51 "Comeback"
Chapter 52 "THE UNEXPECTED"
Chapter 53 "Mother's Heart"
Chapter 54 "Party"
Chapter 55 "Jealous"
MITZ'S NOTE
Chapter 56 "Protect"
Chapter 57 "Smile"
Chapter 58 "Foundation Day"
Chapter 59 "Foundation Day"
Chapter 60 "Abuse"
Chapter 61 "Warning"
Chapter 62 "Dreadful Gang"
Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"
MUSIC COMPOSITION
Chapter 64 "Baider's Secret"
Chapter 65 "A date"
Chapter 66 "Picture"
Chapter 67 "Attempted Kidnap"
Chapter 68 "Friday Night"
Chapter 69 "Pageant"
Chapter 70 "Pajama Party"
Chapter 71 "Revenge 101"
Chapter 72 "Hope"
Chapter 73 "Uncontrollable Anger"
Chapter 74 "1st Anniversary"
Chapter 75 "Second Life"
Chapter 76 "Chocolate"
Chapter 77 "Break Bone Adept"
Chapter 78 "Heartache"
Chapter 79 "THE UNEXPECTED"
Chapter 80 "Delight"
Chapter 81 "PERFECT TWO"
Chapter 82 "Ali's Birthday"
Chapter 83 "FINAL REVENGE"
Chapter 84 "One on One"
Chapter 85 "Dangerous Fighter"
Chapter 86 "True Friends"
Chapter 87 "Hardwork"
Chapter 88 "Booze"
Chapter 89 "Grand Ball"
Chapter 90 "Limitless"
Chapter 91 "Love surprises you"
Mitz Note

Chapter 8 "Savior"

67 5 0
By AdiennaMichelle

Javen Flair's POV

Gabi na. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. I saw Manang Cora preparing for dinner.

"Manang, where is dad?" Tanong ko sa kaniya at umupo sa harap ng lamesa.

"Di ka pa ba nasanay sa tatay mo, hijo? Malamang nasa trabaho pa rin" sabi niya habang nilalagyan ng plato ang harapan ko.

"Oo nga naman, dapat sanay na 'ko" nagbuntong hininga ako.

Habang kumakain kami ni manang nagkwekwento siya tungkol sa mga anak niya. Sobrang nagpapasalamat daw siya sa pamilya namin sa pagbibigay ng scholarship sa mga anak niya.

May foundation si mommy na ang layunin ay tumulong sa mga batang matatalino at may pangarap sa buhay. Binibigyan niya iyon ng scholarship upang makapagtapos at isa na do'n ang mga anak ni manang hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin ang scholarship foundation na iyon. Kumukupkop rin sa mga batang walang matirhan.

The heart for people in need.

May restaurant at bar si mommy na ngayon ako ang nagaasikaso.

Rosa restaurant.

Located sa mall na pag-aari mismo namin ang Imperial. Mayroon din isang branch sa BGC Taguig katabi no'n iyong The Rose na bar. Kaya mahal na mahal ko iyon dahil yo'n nalang ang naiwang ala-ala ni mommy sa amin.

(Mitz Note: Ang mga business at lugar na nabanggit ay kathang isip lamang ng author baka mamaya hanapin mo sa BGC Taguig hahaha kidding)

Simula no'ng namatay si Mommy parang nawalan na din ako ng Daddy. Halos di niya ko pansinin para akong hangin sa kaniya. Namatay si Mom dahil naaksidente. Bata pa ko no'n tumawid ako sa kalsada para habulin ang bola ko nang 'di inaasang may sasakyan. Mababang-gaan na ako no'n pero nagulat ako nang may tumulak sa akin, si mommy.

*Flashback

"Flair! Anak!" Sigaw ni mommy.

Nang lingunin ko siya huli na ang lahat malapit na ang sasakyan. Mabilis niya akong tinakbo at tinulak sa gilid pero dahil sa bilis ng sasakyan nahagip pa din si mommy. Nabang-gaan siya.

"Flair! Rose! Rose!" Nakita ko si daddy tumakbo siya papunta sa amin. Hinawakan niya agad si mom. At inihiga sa mga hita niya.

Agad tumulo ang luha ko nang makitang duguan si mommy.

Mommy ko...

"Mom" mahina kong sambit.

At do'n na nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Tumingin sa akin si mommy at ngumiti.

"Flair a..nak.. ma..hal.. na.ma..hal ko..ka..yo" mahina at hirap na hirap na bigkas ni mommy.

Tahimik akong humihikbi habang pinapanood ang unti-unting pagpikit ni mommy.

Mommy!

"Rose!" Sigaw ni dad.

Simula noon 'di na ako nagawang pansinin pa ni dad. Walang sinasabi, walang pinaparamdam pero alam ko na ako ang dapat sisihin sa pagkamatay ni mommy.

*End of flashback

"Hijo, ayos ka lang?"

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig si manang. 'Di ko namalayang may isang pirasong luha na sa aking pisngi. Pinahid ko iyon at tumalikod kay manang.

"Manang alis muna ako" habang nakatalikod na 'ko.

"Pero di mo pa tapos ang pag--"

"Later, manang."

Lumabas na ako. Kukunin ko sana ang kotse ko pero naisip kong maglakad lang.

Gabi na ang dilim pero wala akong pakialam.

I need fresh air.

Sa paglalakad ko may nakita akong grupo ng mga lalaki. Mga limang lalaki.

May binubugbog!

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila.

Akala ko matatakot sila pero hindi ngumisi pa sila at humarap sila sa akin.

"Pakialamero ka, ah!" Sigaw ng isa.

"Edi sampulan din natin!" Sigaw ng isa pa at ngumisi pero imbes na matakot ako ay unti-unting pumorma ang ngisi sa labi ko.

Naalerto ako nang sumugod na sila ng sabay-sabay.

"Wait mga pare isa-isa lang!" nakangisi at kalmado kong sabi.

Sumugod na ang isang lalaking payat susuntukin ako, inilagan ko iyon at sinipa siya sa likod kaya natumba. Pagkatapos niya ay sumugod ang medyo matabang lalaki.

"Wait" pigil ko sa kaniya. "Sigurado ka na ba?" ngumiti ako.

'Di niya ako pinakinggan at mabilis na sumugod sinuntok ko siya sa mukha. Sumugod ang tatlong lalaking sabay-sabay, sipa, suntok at batok ang ginagawa ko.

I am enjoying the scenes!

"5 bad boys knocked out!" Nakangisi kong pinagmasdan ang mga nakahigang lalaki.

Akma na sana akong lalapit sa lalaking binugbog nila pero natigilan ako nang may pumalakpak.

"Magaling bata!" Isang lalaking may peklat sa kilay.

"Rocky, isama nalang kaya natin siya?" Sabi ng isang makisig at poging lalaki.

'Di siya bagay na kasama ng mga iyon.

"Kung papayag siya, Tyron." taas noong sabi no'ng Rocky.

"Hey! I'm Braid. Gusto ka isama ni boss!" Maangas na sabi ng isa pang poging lalaki.

'Di rin siya bagay kasama ng mga iyon.

"Not interested, I'll go home."

Akma ko na sanang itatayo ang lalaking niligtas ko pero nagsalita muli si Rocky.

"You think you can go home?"

"Gano'n kadali?" Nakangising ani no'ng Tyron.

Tiningnan ko silang lahat.

Shut! Napakarami! Di ko to kakayanin kapag inabot ako ng katam, katamaran.

Unti-unti kong nilabas ang phone ko sa bulsa sana lang ay di mahalata

Tatawagan ko si Rev at Kean! I badly need a back up. I'm not in the mood to exercise.

Revnel Han Sin and Kean Patrick Valencia. Answer the phone! Kung kailan naman nasa binggit na 'ko ng kamatayan 'di maasahan tong dal'wang kumag na 'to!

Bigo ko iyong ibinalik sa bulsa ko.

Wala ng anu-ano ay sumugod na ang mga tauhan ni Rocky. Tinulak ko muli ang lalaking tinulungan ko sa gilid.

Nagmadali akong umatras pero sunod-sunod na nila akong inatake. Ilag, suntok at sipa ang ginagawa ko. Ang dami nila pero pilit kong kinakaya dahil nga wala ako sa mood pero kung nasa maayos akong kondisyon ay baka sa libingan na makita ang mga ito.

"Ahhhh!" Sigaw ng lalaking may hawak na kutsilyo.

Medyo kumalabog ang dibdib ko pero hindi nagpatinag at umatras. Nang akmang sasaksakin niya na ako ay mabilis akong umiwas pakanan. Nahawakan ko ang kamay niya at pinilipit ito hanggang sa malaglag na ang kutsilyo. Sinuntok ko siya at natumba. Sa 'di ko inaasahang pangyayari nasuntok ako ng isang lalaki.

Siya iyong Tyron! Ang lakas niya sumuntok!

Bumalanse ako upang hindi matumba pero nasipa niya pa ako kaya tuluyan na akong gumulong sa kalsada. Humawak siya ng kahoy napapikit ako nang akmang ihahampas niya sa akin iyon.

Bakit ba kasi ngayon pa ako wala sa mood? Shut!

Nagmulat ako ng mata nang walang tumama sa akin na kahoy. Laking gulat ko nang makita ang isang taong nakikipaglaban at inililigtas ako.

Mabilis at malakas ang kilos niya pero parang babae? All black ang suot niya. Black long sleeves na fitted sa kaniya, black pants and shoes with cap na black din natatakpan niyon ang kaniyang mata kaya 'di ko makita kung sino ito.

Bumangon ako at nakipaglaban na rin. Maya-maya pa ay magkatalikuran na kami ng babae. Sinenyasan ko ang lalaking tinulungan ko kanina na tumakbo na kaya ayon dahan-dahan na siyang lumayo. Nakahinga na 'ko ng maluwag dahil sarili ko nalang ang iisipin ko at itong kung sinumang babaeng ito.

Pinagtulungan namin ang paglaban sa mga lalaking ito. Sipa at suntok ang ginawa ko. Pagod na pagod hanggang sa sumigaw na si Rocky.

"Tigil!" maayos ang tindig ni Rocky at maangas na tumingin sa amin.

Umatras naman ang mga tauhan niya at unti-unting tumigil sa pagsugod. Alerto pa rin ako dahil baka anumang oras ay susugod muli sila, nararamdaman kong gano'n din ang babaeng nasa likuran ko at nakahaya pa rin ang kamao. Pinahahanga ako ng babaeng ito.

"Sumama nalang kayo sa grupo namin" malapad ang pagkakangiting sabi ni Rocky.

"Boss mukhang magaling nga ang dal'wang 'yan!" humahangang sabi ni Tyron.

"We need them!" pagsang-ayon ni Braid.

Tumango si Rocky at ngumiti sa amin.

"Kamangha-mangha ang ipinakikita niyong bilis, lakas, talino at strategy sa pakikipaglaban. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw na sumama sa grupo namin pero kung hindi..." ngumisi si Rocky.

"Kung hindi ano?" Nakangisi ko ring tugon.

"Magugulo ang nanahimik niyong mundo." matalim ang tinging sabi ni Rocky.

Alin man do'n ay hindi ako natakot.

Tumalikod na sila at naglakad papalayo.

"I'm not afraid!" Pahabol na sigaw ko sa kanila. Napahinto sila upang dinggin ang sigaw ko pero naglakad rin muli.

Susulyapan ko na sana ang babaeng kanina ay nasa likod ko pero gulat ako nang makitang naglalakad na siya palayo. 'Di ko alam kung hahabulin ko ba iyon o ano.

"Wait!" Humugot ako ng maraming hangin bago muling nagsalita. Nakita kong napahinto siya sa paglalakad pero 'di lumilingon sa akin. "I can't say thank you!" Sigaw ko. "Because you are the one who helped me without asking if I need you!" Pagtutuloy ko sa sinasabi. Wala akong makapa kung ano ang sasabihin ko.

"Who are you?" Nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

Nakatalikod pa rin siya at 'di lumilingon sa akin. 'Di ko makita ang mukha niya.

"z4" malamig na tinig na sabi niya.

Muli siyang humakbang at lumakad papalayo. 'Di ko na siya hinabol dahil natatakot akong baka masamain niya.

Pinanood ko nalang siya hanggang mawala na sa paningin ko, yumuko ako at tumingin muli sa dinaanan ng babae.

"You amazed me" bulong ko sa sarili ko.

Ngayon lang ako nakakita ng babaeng gano'n makipaglaban. Matapang, mabilis at malakas.

Anong klaseng babae ba siya? At z4? Pangalan ba iyon?

I admire you, z4.

Continue Reading

You'll Also Like

38.9K 529 7
Actually, ang story po na ito ay ang istorya na isinadrama namin sa play namin sa English.. Ako po mismo ang may gawa nito. Kaya lang, English kase y...
469 50 8
Rachel Monroe was living her life the way she wanted ito to be, walang nagdidikta, walang humuhusga sa bawat desisyon na kanyang gawin, a typical ind...
437K 6.2K 24
Dice and Madisson