Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (B...

By AdiennaMichelle

4.8K 399 65

Elleina Zeal Suarez, ang kakaibang babae na malakas ang dating sa mga lalaki dahil sa kaniyang walang takot n... More

Prologue
Chapter 1 "Dream"
Chapter 2 "Secretly In love"
Chapter 4 "First Hug"
Chapter 5 "Riot"
Chapter 6 "First Day of School"
Chapter 7 "Movers"
Chapter 8 "Savior"
Chapter 9 "Good Heart"
Chapter 10 "Her voice"
Chapter 11 "Kiss"
Chapter 12 "Brothers"
Chapter 13 "Laurent"
Chapter 14 "Riding-in-Tandem"
Chapter 15 "Hand to Help"
Chapter 16 "Fever"
Chapter 17 "Duet"
Chapter 18 "Parking lot"
Chapter 19 "Companion"
Chapter 20 "A walk"
Chapter 21 "Diamond"
Chapter 22 "Dinner"
Chapter 23 "Rain"
Chapter 24 "Baider's Family"
Chapter 25 "Laguna"
Chapter 26 "Majayjay Falls"
Chapter 27 "Pure Love"
Chapter 28 "Letter"
Chapter 29 "Perfection"
Chapter 30 "Mission Failed"
Chapter 31 "THE UNEXPECTED"
Chapter 32 "Affection"
Chapter 33 "Jam"
Chapter 34 "Shine"
Chapter 35 "Valencia's Family"
Chapter 36 "Flair's Birthday"
Chapter 37 "At Flair's House"
Chapter 38 "Rocky's Back"
Chapter 39 "THE UNEXPECTED"
Chapter 40 "Pain"
Chapter 41 "Beat"
Chapter 42 "Camarines Norte"
Chapter 43 "THE UNEXPECTED"
Chapter 44 "Sunrise"
Chapter 45 "Forgetting"
Chapter 46 "Death Anniversary"
Chapter 47 "THE UNEXPECTED"
Chapter 48 "Confuse"
Chapter 49 "THE UNEXPECTED"
Chapter 50 "The Hidden POV"
Chapter 51 "Comeback"
Chapter 52 "THE UNEXPECTED"
Chapter 53 "Mother's Heart"
Chapter 54 "Party"
Chapter 55 "Jealous"
MITZ'S NOTE
Chapter 56 "Protect"
Chapter 57 "Smile"
Chapter 58 "Foundation Day"
Chapter 59 "Foundation Day"
Chapter 60 "Abuse"
Chapter 61 "Warning"
Chapter 62 "Dreadful Gang"
Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"
MUSIC COMPOSITION
Chapter 64 "Baider's Secret"
Chapter 65 "A date"
Chapter 66 "Picture"
Chapter 67 "Attempted Kidnap"
Chapter 68 "Friday Night"
Chapter 69 "Pageant"
Chapter 70 "Pajama Party"
Chapter 71 "Revenge 101"
Chapter 72 "Hope"
Chapter 73 "Uncontrollable Anger"
Chapter 74 "1st Anniversary"
Chapter 75 "Second Life"
Chapter 76 "Chocolate"
Chapter 77 "Break Bone Adept"
Chapter 78 "Heartache"
Chapter 79 "THE UNEXPECTED"
Chapter 80 "Delight"
Chapter 81 "PERFECT TWO"
Chapter 82 "Ali's Birthday"
Chapter 83 "FINAL REVENGE"
Chapter 84 "One on One"
Chapter 85 "Dangerous Fighter"
Chapter 86 "True Friends"
Chapter 87 "Hardwork"
Chapter 88 "Booze"
Chapter 89 "Grand Ball"
Chapter 90 "Limitless"
Chapter 91 "Love surprises you"
Mitz Note

Chapter 3 "Mistake"

92 9 0
By AdiennaMichelle

Elleina Zeal's POV

Nakatulugan ko ang masakit na pakiramdam pero kailangan kong gumising at bumangon sa panibagong araw na ito. Pumasok ako sa banyo at nagsepilyo. Palabas na ako ng kwarto nang masilip ang naka-awang na pinto ng kwarto ni kuya Zeke. Napangisi ako, may pilyong kalokohan na pumasok sa isip ko.

"Lalala" pakanta-kanta akong pumasok ulit sa banyo kumuha ng timba, naglagay ng tubig at sabon.

Lumabas ulit ako ng kwarto at lilinga-lingang pumasok ng kwarto ni kuya Zeke.

Yari ka sa akin ngayon napatawa ako sa isip ko. Kinuha ko ang mop at dahan-dahang pinunasan ang kabuuan ng kwarto, iyong tipong madudulas siya sa pagbangon niya. Nang matapos ko ang aking ginagawa umupo ako sa sofa ng kwarto niya.

"Kuya Zeke" Ngingisi-ngisi ako habang tinatawag siya upang magising.

"Hmmm" umungol lang siya at nag-ayos ng pagkakahiga.

Ayaw mo gumising huh?

"Kuya Zeke nandito si ate Ariela!" 'Di ako nagkamali awtomatiko siyang bumangon na may pagmamadali kaya naman bumagsak siya dahil nadulas sa sahig.

"Boom" mahina kong sabi.

Tawa ako nang tawa, paano ba naman kasi ay nadulas siya tipong babangon ulit 'ayon malakas na lagabog ulit bangon ulit at nadulas nanaman siya. Limang beses siyang akmang tatayo pero babagsak ulit di ko napigilan ang aking sarili habang pinapanood sya malakas na malakas na tawa ko ang nangibabaw sa kwartong ito.

Si ate Ariela ay girlfriend niya kung mayroon man siyang kinatatakutan si ate Ariela iyon, under 'yan si kuya kahit pa ga'no kalakas mang-alaska.

"Princess!" turo niya habang nakaupo tuon ang dalwang kamay sa sahig upang di matumba. Unti-unting tumatayo at maingat na umaangat upang hindi madulas.

"Sadista!" Iyon nalang ang nasabi niya sa akin habang iika-ika na pumasok sa banyo.

Sabi ko naman saiyo kuya Zeke hindi ako papatalo dahan-dahan akong naglakad ingat na ingat habang tinatahak ang daan palabas ng kwarto niya at sa kasamaang palad.

"Aray! " nadulas din ako.

Malakas ang tawa ni kuya Zeke na hindi ko namalayang nasa may pinto na ng banyo.

"Ang sakit!" Sigaw ko habang hawak ang baiwang.

"Princess!" pagtawag ni kuya Zaimon.

Patakbo siyang pumunta sa akin upang tulungan ngunit sa kasamaang palad nadapa siya. Sabay kaming tumawa ni kuya Zeke.

Ano ba naman 'tong ginawa ko pati ako nabiktima!

"'Yan puro kayo kalokohan! Ang tatanda niyo na"

Natigilan kami sa pagtawa nang makita namin si Kuya Zen sa may pinto ng kwarto.

"Tumayo na kayo dyan nakahanda na ang breakfast"sabi ni Kuya Zen habang nakalagay ang kamay sa baiwang niya at nakasandal sa pinto ng kwarto.

"Yes, doctor!" Sabay-sabay na sigaw namin.

Pasiring na inalis ni kuya Zen ang mga mata, tumalikod at mayabang na naglakad palayo.

"Ikaw kasi, eh!" sisi sa akin ni kuya Zeke habang nakaturo at ngingisi-ngisi pa.

"Ikaw pala may gawa nito, eh!" Masamang tingin naman na baling sa akin ni kuya Zaimon.

Tumayo kami sabay-sabay at nakangiting nagtungo sa dining area habang magkaka-akbay.

"Ano nanaman 'tong sabi ni Zen na ginawa niyo umagang-umaga?" Sermon ni daddy na nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo nila kuya Zeke at Zaimon.

"Dad ang puso mo!" Lumapit si kuya Zeke kay Dad at hinimas himas ang likod nito.

"Nasa likod ba ang puso?" Sarkastikong sabi ni kuya Zen.

"You're so mean doctor. Kailan ka kaya makakahanap ng asawa mo para tumigil ka na sa pagsusungit 'no?" Pagbibiro ni kuya Zeke

Masamang tingin nalang ang tugon ni kuya Zen.

"Wala lang iyon dad nagkatuwaan lang" sabi ni kuya Zaimon saka kumuha ng fried rice at hotdog inilagay iyon sa plato niya at kumagat ng pagkalaki-laki.

Bumalik naman si kuya Zeke sa upuan niya. Bali ang pwesto namin ay magkatabi kaming talo ni kuya Zeke at Zaimon napapagitnaan nila ako sa kabila naman sila mommy, daddy at kuya Zen.

"Magready kayo before 1pm later, we are going outside" Sabi ni mommy habang sumusubo ng fried egg.

"Wala ka bang duty, Zen?" baling ni daddy kay kuya Zen

"Di ako papasok dad pagod, eh, ipapahinga ko muna itong araw na 'to"

"Saan tayo dad?" Sabat ko at saka sumubo ng ham.

"Sa Imperial mall maganda kasi do'n at malaki siguradong mag-e-enjoy kayo" sabi ni dad.

"Mag-van nalang tayo dad" suwestiyon ni kuya Zaimon.

Pagkatapos ng breakfast ay nanood lang kami ni kuya Zaimon sa sala kaniya-kaniya silang mga ginagawa. Nagkwe-kwentuhan sila mommy at daddy about sa business. Si kuya Zen naman ay nakadekwatrong nagbabasa ng medical book. Si kuya Zeke naman ay ngingiti-ngiting nagpipindot sa cellphone niya. Nagkatinginan kami ni kuya Zaimon pagkatapos naming mapasulyap kay kuya Zeke ngumiti kami ng malawak na animong nagkakaintindihan habang diretsong nakatingin sa isa't isa.

Mala-ninja kaming gumapang sa magkaibang direksyon palapit kay kuya Zeke nang marating ko ang likod ng sofa na kinauupuan niya marahan kong sinilip ang cp niya. Nabasa kong "I love you, sweetie" napabungisngis ako at pilit na huwag ilakas iyon. Nang marating na rin ni kuya Zaimon ang likuran ng sofa agad niyang hinila sa kamay ni kuya Zeke ang phone nag-agawan sila di niya makuha ang phone niya dahil mas matangkad si kuya Zaimon.

"I love you, sweetie!" Malakas na pagbasa ni kuya Zaimon habang patuloy sa pag-ilag kay kuya Zeke nakataas ang mga kamay at nakatingkayad na nakatingala habang nakatingin sa screen ng cellphone.

Naagaw namin ang atensyon nila mommy, daddy at kuya Zen. Ako naman ay sobrang lakas ng tawa nakahawak na sa tiyan at nagpagulong-gulong sa carpet dahil sa mga napapanood kong pag-aagawan nilang dal'wa.

"Kain ka na diyan wag kang papagutom! Kadiri!" Tatawa-tawang basa muli ni kuya Zaimon. Ang tono niya ay malambing at mapangasar.

"Alam kong nakangiti ka ngayon ang ganda ganda mo talaga!" Pangaasar niya muli habang nagbabasa pa din ng message sa phone. "Ang galing mo pala mambola, z2" pangaasar niya muli.

'z2' ang tawag niya kapag nangaasar siya meaning 'second born Zeke'

Napalakas muli ang tawa ko sa sinabi niyang iyon. Tumatawa na rin sila mommy at daddy. Si kuya Zen naman ay nakakunot ang noo malamang naiingayan nanaman siya. Natigilan ako nang sabay silang humarap at tingnan ako. Sabay silang lumapit sa akin.

"Ah gano'n tinatawanan mo 'ko?" nakangising umupo sa tabi ko si kuya Zeke.

Di ko namalayang may namumuo na palang plano sa utak nilang dalawa laban sa akin.

"Bilisan mo kilitiin na natin!" Tumatawang sabi naman ni kuya Zaimon.

At 'yon nga kiniliti nila ako sa baywang tawa ako ng tawa.

"Hahahahahahaha" malakas na tawa ko habang malikot na malikot sa kakakislot dahil sa kiliting dulot nilang dalawa.

"Stop that!" Sigaw ni kuya Zen.

Natigilan naman silang dal'wa at sabay na tumingin kay kuya Zen.

"Ano bang tingin niyo sa kaniya? Mga binata't dalaga na kayo 'di na kayo dapat nagbibiruan ng ganyan!" Galit na sambit ni kuya Zen

"Tama ang kuya niyo mga anak " pagsangayon ngunit malambing na sabi ni mommy.

"Sorry, kuya" sabay na sambit ni kuya Zeke at Zaimon.

"Sorry Princess" sabay rin nilang baling sa akin.

Noon pa man nagbibiruan na kami ng ganito pero nakalimutan nga siguro namin na di na kami mga bata.

Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa kama nang biglang may kumatok.

"Kuya Zeke, kuya Zaimon" bulalas ko nang makitang sila nga.

"Pwede ba kaming pumasok?" tumango ako at umupo kaming tatlo sa kama.

"Sorry kanina" malungkot na sabi ni kuya Zeke

"Nawala sa isip namin na dalaga ka na nga pala" nakababa ang tingin ni kuya Zaimon

"Tingin ko pa rin saiyo bata hahaha kasi ikaw ang nag-iisang prinsesa namin" nakangiti at may pagpapakatotoong sabi ni kuya Zeke.

"Wala 'yon mga kuya biruan lang naman 'yon" ngumiti ako nang malapad.

"Group hug!" sabi naming tatlo habang nakabuka ang mga braso.

Nag-group hug kami, pagkatapos no'n ay kaniya-kaniya ng bumalik sa kwarto para maghanda dahil mamaya ay aalis na kami.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili, kunting liptint. Namili ako ng damit sa closet nakita ko ang isang black na fitted dress. Ayaw ko nito pero tinatamad na akong maghalungkat pa kaya naman napagpasyahan kong ito nalang ang isuot. Tiningnan ko ang sarili sa salamin may di katangusang ilong, morena, maliit na hugis ng mukha, heart shape na labi, 'di kahabaang pilik-mata, saktong kurba ng kilay at buti nalang bumawi sa mga mata malamlam 'di kalakihan ngunit masasabing nang-aakit na mga mata. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako.

Kasalukuyan kaming nasa van. May sounds na sobrang lakas kaya naman tahimik lang kami. Si daddy ang nagda-drive katabi niya si mommy kaming magkakapatid ay nasa likod lang.

Napagala ang aking mga mata sa ganda ng Imperial's mall na ito, malaki at maganda ang pagkakadisenyo kahit saan dumapo ang mga mata ko.

Umikot kami sa buong lugar hanggang makita namin ang mala-japan na pekeng cherry blossom marami ang nagpapa-picture kaya naman hinila ko si kuya Zeke at Zaimon sumunod naman sila mommy, daddy at kuya Zen.

"Ready 1, 2, 3" *click* sabi ng camera man habang hawak ang camera.

"Ang perfect ng mga ngiti, perfect family picture!" nakangiting dagdag niya sa sinabi.

"Dad, ipa-frame natin!" Sabi ko kay dad. Pinagmasdan ko ang pagporma ng ngiti nila habang pinagkakaguluhan ang larawan.

"Manong paki-frame naman anim na kopya" ang titig ni daddy sa larawan ay hindi maalis.

"Hon, ang dami naman!" pagtutol ni mommy.

"Tig-iisa ang mga bata, sa kwarto natin at sala mas mabuti ng punuin natin ang bahay ng isang masaya at kompletong pamilya" nakangiting sambit ni daddy. Wala ng narinig pang pagtutol kay mommy.

Nakangiti ko rin na tiningnan muli ang family picture. Ako ang pinakamasayang tao, dahil sa pamilya ko wala na akong ibang hihilingin pa kung hindi ang makasama sila habang ako ay humihinga. 

Gumala lang kami nang gumala nag,shopping ng kung anu-ano hanggang sa pagpasyahan na namin na kumain.

"Grawr" napahawak ako sa tiyan ko. Tila wala ng ma-digest na pagkain kaya grabe na ang contraction of muscle.

"Kaninong tiyan 'yon saiyo princess?" Tatawa-tawang sambit ni kuya Zeke tumango naman ako.

Habang naglalakad kami bulungan nang bulungan ang mga babaeng nakakasalubong namin marahil ay pogi ang mga kuya ko.
Umakbay sa akin si kuya Zen habang lilinga-linga upang maghanap ng restaurant.

"Rosa Restaurant" mahinang basa ko sa pangalan ng restaurant.

Napaisip ako, eh, 'diba scientific name iyon ng "rose"? Nice restaurant!

Narating namin ang magandang restaurant na maayos na nakasalansan ang mga bulaklak iba't ibang kulay ng roses kung hindi mo babasahin ang pangalan ay mapagkakamalan mong tindahan ng mga bulaklak napakaganda ng lugar. Namamangha kaming pumasok sa loob may malambing na tugtog sa lugar at nakaka-relax na atmosphere.

Nag-order kami ng makakain masasarap ang pagkain kaya naman nabusog ako ng sobra. Sa ganda nga ng lugar at sa lawak nito gusto kong libutin bago kami umalis kaya nagpaalam akong magbanyo kunyari.

"Ang ganda talaga!" Sambit ko sa aking sarili.

Noon pa man ay mahilig na ako sa mga bulaklak ito lang ang tanging nakakapag-pagaan ng damdamin ko. Nakangiti kong pinagmasdan ang buong paligid.

"Ma'am bouquet of flower for you!" Natigilan ako sa waiter na biglang lumapit. Nalaman kong waiter siya dahil sa suot niyan.

"For me?" Taka kong itinuro ang aking sarili.

"For the beautiful lady" inabot niya ang bulaklak sa akin.

Kinuha ko ito at nakangiting pinagmasdan ito. Inamoy-amoy ko pa ito tinitigang mabuti. Rosas ito na napakaganda ng pagkakaayos na kahit sino man babae ang makatanggap nito ay tiyak na kikiligin.

Ito ang unang beses kong nakatanggap ng bulaklak kaya naman todo ngiti ako. Magsasalita na sana ulit ako upang itanong kung kanino galing.

"Cris! Bakit diyan mo ibinigay?" Kunot na kunot ang noo na nakatingin sa akin ang isang lalaki at saka niya pinasadahan ng tingin ako.

In fairness, his feature is perfect!

"Eh? Sir, 'diba sabi mo nakablack at fitted na dress--" nagkakamot ang ulong sabi ni Cris.

"Na maganda!" Putol niya sa sasabihin sana nito saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Eh, hindi naman maganda yan! Malabo ba mata mo? Obviously, she is not the girl!" Galit niyang sabi.

Inis na inis ko siyang tiningnan rin mula ulo hanggang paa habang hawak ko ang bugkos na rosas.

"So are you telling me na pangit ako?!" Masungit kong sabi sa kaniya na nakaturo pa sa sarili ko.

"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako" diretsong nakatingin siya sa mga mata ko saka ngumisi.

Iniinis niya ba ako? Aish!

"Ah, gano'n?" Mataray kong sabi na sinabayan ng pagtaas ng kilay ko.

"Saiyo na itong bulaklak mo!" Nagmadali akong lapitan siya at pinaghahampas ang bulaklak sa kaniya hanggang sa masira ito.

"WHAT THE! SINIRA MO--aray!" Sabi niya sa akin habang hinahampas ko siya ng bulaklak at ang huli kong ginawa ay sinuntok siya sa balikat kaya napa-aray siya.

"You will pay for this the next time I see you!" sigaw niya.

Tumaas nang sobrang taas ang kilay ko. Iritadong-iritado ako.

"Magkano ba?" Mayabang kong sagot.

"Mukha bang pera ang kailangan ko?" Sarkastiko at mahihimigan ang inis sa tono niya.

Paki ko saiyo, impakto!

Tumalikod na ako, walang interes pakinggan ang sasabihin niya.

Walang kwenta, nakakairita, mayabang at walang modong lalaki!

"I can catch you with my glare and you will hardly fall into the floor!"

Di ko naintindihan ang sinabi nya at wala akong pakialam kung anuman ang ibig sabihin kaya dire-diretso na akong naglakad para makalayo sa impaktong lalaking iyon.

Nang makabalik ako sa table ng pamilya ko ay marahas kong hinila ang bag ko sa upuan natigilan silang lahat sa pakikipag-kwentuhan.

"Let's go, I wanna go home!" Nagmadali akong maglakad palabas ng restaurant na iyon ramdam ko naman ang pagsunod ng pamilya ko sa akin. Di nila ako kinausap kasi alam nila na kapag ganito ang inaasal ko wala ako sa mood at mababaling ko lang ang galit ko sa kanila.

Let see what you can do, Mister. May hitsura nga, impakto naman ang ugali!

Javen Flair Imperial POV

Napasabunot ako sa buhok ko habang nakatingin sa rosas na nagkalat sa sahig ng restaurant.

"That girl, ugh!" inis kong sabi.

"Jave!" Napatayo ako nang makita si Alissandra.

Alissandra Abegail San Miguel, girlfriend ni Rev.

Tiningnan ko ang kabuuan niya katulad na katulad ng damit ng babaeng iyon. 1st monthsary nila ng bestfriend kong si Revnel tinulungan namin siya ni Kean. The three of us are bestfriends that is why we support each other no matter what happen but that nerdy girl ruined the surprise! Nerd ang description ko sa mapanakit na babaeng iyon naka-fitted dress nga pero di man lang tinanggal ang salamin para magmukhang bagay ang suot niya.

Psh Pauso! Over Melanin!

"Ali my life!" Nagulat naman ako nang kasusunod niya rin pala si Revnel.

Lagot na! Lumapit sa tainga ko si Rev at kagaya ng inaasahan.

"Where is the flower?" Bulong niya sa akin napayuko naman ako tiningnan niya kung ano ang tinitingnan ko kaya naman nagulat siya nang makita iyong nakakalat sa sahig at sira-sira na.

"I'll tell you the story later just enjoy your date" bulong ko rin sa kaniya.

"Enjoy" nakangiti kong baling naman kay Ali.

Tumalikod ako sa kanila at naglakad na upang di na makaistorbo sa kanila natigilan ako nang habulin ako ni Cris.

"Sir sorry talaga my mistake" tiningnan ko lang siya at tinapik sa balikat.

That girl is so annoying she must pay for this the moment that our way cross again. Be ready tan nerdy girl you don't know me! ugh.

Over Melanin!

Continue Reading

You'll Also Like

38.9K 529 7
Actually, ang story po na ito ay ang istorya na isinadrama namin sa play namin sa English.. Ako po mismo ang may gawa nito. Kaya lang, English kase y...
435K 6.2K 24
Dice and Madisson
14.3K 115 36
Can You love a Vampire? Could You? Would you?
5.6K 120 35
Hera Margareth Fuentes dreams to be a Cardiothoracic Surgeon, she wanted to save other people from their illness; cure them. However, she becomes a S...