War in Katipunan

由 elladianneee

127K 3.6K 938

WAR #1: WAR IN KATIPUNAN -- "It felt like, I lost a war... with myself." -- [completed] 更多

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
WIK: playlist + moodboards

Kabanata 10

2.9K 83 9
由 elladianneee


KABANATA 10.

Tutor.


KASALUKUYAN kaming nakaupo sa bench sa Sunken Garden habang kinakain namin ang Burger at fries na binili ni Luthor sa isang fast food.

“Ang presko pala rito.” Napalingon ako sakaniya. He was eating burger.

“Ngayon ka lang ba nakapunta rito?” I am referring to Sunken Garden.

“Nope. Pumupunta rin naman ako rito kapag nag-aaya ang tropa sa UP Fair. Pero ngayon lang ako nakapunta dito ng umaga.” Tumango-tango naman ako. Napaghahalataang maraming kaibigan at sociable na tao si Luthor.

Uma-attend rin naman ako ng UP Fair, pero mas excited ako sa mga banda na magp-perform at sa parade. Adi and Rafa are always with us tuwing UP Fair. Gano’n rin kapag Paskuhan sa USTe. Palagi kaming kompletong apat.

“Madalas kaming tumambay dito noong first year kami. Pero ngayon, halos lahat ng oras namin, inuokopa na ng plates namin kaya wala nang time para tumambay.” I chuckled. Partly, true naman. Pero kung talagang stressed ka na ng bongga, ‘di mo rin mapipigilang hindi mag unwind.

Kadalasan sa mga blockmates ko, nagp-party kapag masyado nang toxic ang acads. Pero ako, I’d rather stay in my room and watch movie.

“I remembered that time when I was in my second year on med school. Talagang nag-cram ako no’n. The pressure was too high and I thought that I couldn’t continue being in med school anymore,” I looked at him. He was opening a sensitive topic and I can’t help but to listen. “I thought of giving up. As in give up na talaga. I was ready to give up my dream of becoming a doctor.”

Nanlaki ang mga mata ko. I am shocked. Sa ilang pagkikita namin, I saw how passionate he is on his studies. Hindi na-imagine na nangyari rin pala sakaniya ang ganiyan. Maybe it's natural at sadyang mataas lang talaga ang tingin ko sakaniya. He chuckled when he saw my face.

“Don’t worry, I didn’t give up. Kaya nga ako nandito ‘di ba?” Nakahinga ako ng maluwag. Oo nga ‘no? I looked at him again. Halatang gustong-gusto niya talaga ang ginagawa niya. Halatang may plano siya para sa sarili niya. I somehow envy him. He really knows what he wants.

“Remember that night that we saw each other on a bar. ‘Yong nag-celebrate kami dahil tapos na ‘yong final exams namin,” Tumango ako. I remember that time. “That was our last exam before graduating to Med School.” Lalong nanlaki ang mga mata ko!

“You’re graduating!” I stated the obvious. Natatawang tumango siya.

“Oh my gosh, you’re graduating!” I was too excited! Masaya ako para sakaniya. It was my first time to see a friend graduating from med school. His parents must be proud!

“Yeah. I’ll do my residency after. It will take three years, I think.”

“Sus, kayang-kaya mo yan! Ikaw pa ba?” sabay kaming natawa sa sinabi ko. I was just lifting up his fighting spirit. Sabi kasi ng iba, mas mahirap daw kasi kapag nag-residency na. Mararamdaman mo na raw diyan ang sobrang pressure. Lives were already depended on you.

“Thanks. Should I invite you to my graduation party?” Natawa ako sa sinabi niya.

“Ofcourse! Magtatampo ako kapag hindi mo ii-invite.” I said, joking. But to my surprise, he nodded and said that he will definitely invite me.

Matagal-tagal pa kaming nag-kwentuhan bago niya ako inihatid sa condo. We already exchanged phones before he left. Sakto namang pagkaalis ni Luthor ay siyang pagdating saakin ng text ni Ate Dan.

‘I already sent your number do’n sa itu-tutor mo. Anytime today, tatawag na yo’n.’

Naka-attach na rin sa text ni Ate Dan ‘yong number ng itu-tutor ko. I said my thanks to Ate Dan. Mabuti na rin ‘yong may raket ako kaysa saw ala ‘di ba.

Nagbihis na ako ng pambahay na damit at nagluto rin ng pwede kong makain habang nanunood ng movie. I am currently watching a movie on our sala when my phone rang. Unknown number iyon. Siguro ito na ‘yong magulang ng itu-tutor ko.

“Hello, is this Miss Spica Padilla?” A voice of a man welcomed me. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

“Speaking.”

“Oh, Danica gave me your number, I suppose she already told you about tutoring my son?” Ah, lalaki pala ang itu-tutor ko. Nakipag-usap pa ako sa tatay ng tutee ko.

We discussed about my working hours and ofcourse, my salary. Dahil nga five days lang naman akong magtu-tutor ay kasya lang ang maisasahod ko kung sakali sa isang bill dito sa bahay. Medyo sobra pa nga dahil hati kami ni Fita sa pagbabayad ng bills.

I agreed to the terms kasi hindi naman siya mahirap kausap. Ibinigay niya rin saakin ang address ng condo nila sa BGC kung saan ko itu-tutor ang anak niya.  Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Sir Conrad—ang tatay ng tutee ko, bago ko ibinaba ang tawag.

KINABUKASAN ay alas-otso ako gumising para maglinis muna ng condo. Ten AM to three PM ang usapan namin ni Sir Conrad na study time ni Archie—ang tutee ko.

After cleaning, nagluto na ako ng pagkain ko at kumain na. Nine-thirty nang matapos ako mag ayos. I wore a denim jeans and black Metallica shirt. May dala rin akong tumbler, pens and pencils, post-it notes at maliit na notebook. Inilagay ko ito sa backpack ko. Nag-commute nalang ako papunta sa BGC.

Nang makarating ako sa tower ay nahalata ko agad na pang-yamings ito. Halatang mayayaman ang nakatira. Mayaman kaya sina Sir Conrad? Malamang ay oo. Kung na-afford nila na tumira sa ganitong tower ay siguradong mayaman sila.

Tapos nag-hire pa sila ng tutor ng anak nila bago magsimula ang pasukan. Aba, sino naman gagawa niyan ‘di ba? Syempre mga mayayaman lang. First world problems again.

Nag-door bell ako nang makarating ako sa room number na ibinigay saakin. Bumungad saakin ang babaeng mukhang mas matanda ng ilang taon saakin. She smiled at me so I smiled too.

“Hi! You must be Spica?” nang tumango ako ay nilakihan niya ang awing ng pinto oara makpasok ako. My eyes roamed around the unit. Malaki ito. Walang-wala ang condo naming ni Spica compared to this.

Malaki ang living room nila, pati na rin ang komedor at kusina. At may second floor! Yamings talaga ‘tong nakuha kong client. Masyadong bongga ang unit!

“Luis Archie, come here!” Sigaw ng babae pagkapasok namin. May narinig naman akong mga yabag pababa ng hagdan. I looked at it and saw a boy around six years old, running down the stairs. Medyo chubby ito at medyo mahaba rin ang buhok. This must be Archie.

“This is Ate Spica, she will be your study buddy this week. Be nice.” Pagkausap ng babae do’n sa batang lalaki. Ngayon ko lang napansin na magkahawig sila. Maybe they’re siblings?

“Hi Ate Spica. I’m Archie, I’ll be nice po, I promise!” Natawa ako sa sinabi ng bata. Masyadong siyang cute! I piched his cheek and I lowered my body para magka-level na kami.

“Hi Archie, I’m Ate Spica.” To my surprise, Archie hugged me. The girl apologetically smiled at me.

“Sorry Spica. Ganyan talaga yang si Archie eh, masyadong sweet,” I smiled at her. Understanding the situation. “By the way, I’m Lilac, Archie’s sister.” I stilled when I heard her name. Lilac? Saan ko ba narinig yang pangalan na ‘yan? It seems familiar.

Pagkatapos naming magpakilala sa isa’t isa ay iginaya kami ni Lilac sa sala. Mas gusto raw kasi ni Archie na mag-aral sa sala. Ayaw daw nito sa study room dahil nakakalula daw ang mga libro. Oh ‘di ba, ang bonnga, may pa-study room.

Nalaman ko ring pansamantala lang silang tumitira sa condo unit na’to dahil under construction pa ang bahay nila. Wala rin daw si Sir Conrad dahil ito daw ang engineer ng pinapatayo nilang bahay. I suddenly want to meet Sir Conrad. He is an engineer and I am an engineering student. Baka makahingi ako sakaniya ng tips para hindi mag-cram? Haha, charot!

“Ate Spica, saan po ang school niyo?” Tanong saakin ni Archie habang inilalabas niya ang mga booklets at pencils niya sa bag.

“Sa UP po.” I answered. He looked at me with a curious eyes.

“Is it big po? Ate Lilac is studying in a big-big building po eh.” I chuckled. Napaka-inosente ng batng ‘to. At ang cute-cute rin!

“Yes po, UP is big. Malapit lang siya rito.”

“Can I go to your school po, Ate?” He sat on the mat.

“When you grow up, you can study there. But first, we have to review your lessons, okay?” Dahil masunurin at mabait si Archie ay agad kaming nakapag-simula sa pagr-review ng lessons niya. He’s already six years old and currently on grade one. Nag a-adjust pa raw si Archie sa whole day classes kaya madalas ay hindi na nare-review ang lessons pagdating sa bahay.

Nang magdala si Lilac ng snacks ay tumigil muna kami ni Archie sa magr-review ng lessons. Naka-kwentuhan ko na rin si Lilac. Nalaman kong hindi naman talaga dapat sila kukuha ng tutor para kay Archie. Kaso hindi rin naman daw ito ma-review nina Sir Conrad at Ma’am Arnie dahil busy rin sa trabaho. Si Lilac naman ay nagre-residency na kaya wala ring time para i-review si Archie. Kaya kahit ayaw nila, nag-hire nalang daw sila ng tutor, which is me.

“Ate Lilac, do you know UP po?” Archie asked his sister while eating cookies.

“Ofcourse, why baby?” sagot naman agad ni Lilac.

“Ate Spica is studying there, can I study there too?” We both chuckled at Archie’s statement. Masyadong makulit ang batang ‘to. Kanina habang nag-aaral kami ay panay parin ang tanong niya tungkol sa school ko.

“Oo naman. Tell Dad that you want to study there,” tumango si Archie. “Pero akala ko ba, you want to study in UST?” I looked at them. Masyado pang bata si Archie para pagplanuhan ang pagpasok sa university. Well, mayaman naman sila. Kaya naman nila magpaaral kahit saan pang university.

“I like there too, Ate. But I like Ate Spica’s school too.” Natawa nalang si Lilac at ginulo ang buhok ni Archie.

Nagpatuloy kami sa magr-review ng lessons ni Archie pagkatapos mag snack. So far naman ay okay naman si Archie. Medyo makakalimutin lang siya sa numbers pero natuturuan naman.

Lunch time came and Lilac invited me to eat with them. Nahihiya pa nga ako dahil nakikain na ako ng snacks ay makikikain pa ako ng lunch. But Lilac insisted. Ibinilin na raw kasi ako ng parents niya sakaniya. Pumayag na rin ako dahil hindi rin naman titigil si Lilac kakakulit sa’kin eh.

We’re about to eat when the door bell rang. Si Lilac na ang nag-bukas ng pinto. Hindi rin kami nag-umpisang kumain ni Archie dahil wala pa si Lilac. Ilang segundo pa ay may narinig akong pamilyar na boses.

“Parang timang naman ‘to, makikikain ang eh!”

“Hangal, edi dapat nagluto ka do’n sa condo mo! Dumayo ka pa talaga dito para lang makikain!” boses iyon ni Lilac.

“Tinatamad nga ako. At saka ako nalang magbabantay kay Archie pag-alis mo. Dadalhin ko sa bahay para may kalaro si Lily.”

“Che! Nag-aaral si Archie, ‘no. At saka  may bisita kami!”

“Talaga? Sino—Spica?” Napalingon ako sakanila ng binanggit ang pangalan ko. Beside Lilac was Luthor in his white shirt and broad shorts. Mukhang gulat na gulat siya nang makita niya ako. I smiled at him.

Tama nga ako, it was him. At kaya pala pamilyar ang pangalan na Lilac dahil siya pala ‘yong Lilac na tumawag kay Luthor na ako ang sumagot. Siya si Ate Lilac na pinsan ni Luthor. Which means na ‘yong sinasabi ni Luthor na tito niya na kapatid ng Daddy niya ay si Sir Conrad. The world is too small for the both of us.

“Luh, magkakilala kayo?” Lilac spoke. Nalilito kung bakit magkakilala kami ng pinsan niya.

“Tanga lang, ate? Siya ‘yong Spica na nakasagot ng tawag mo. ‘Yong akala mong girlfriend ko!” Natawa nalang ako nang makita kong nanlaki ang mga mata ni Lilac. I think she’s not expecting na ako pala ‘yon.

“Hala, ikaw pala ‘yon, Spica?” Tumango ako. Agad niyang binatukan si Luthor.

“Tado ka, ang ganda-ganda nito tapos ‘di mo girlfriend?” Bulong niya kay Luthor pero narinig ko parin. I just chuckled at them ang kulit nilang magpinsan. Pagkatapos ng revelations ay kumain na kami ng lunch. Syempre hindi nawala ang asaran nina Lilac at Luthor. Kapag naman inaasar ni Lilac si Luthor ay nakikisali ako kaya naman asar na asar si Luthor.

Pagkatapos kumain ay pinaghugas ng kinainan ni Lilac si Luthor. Tutal naman daw nakisali lang naman si Luthor ay siya na rind aw maghugas. Natawa ako ng magdabog si Luthor pero sumunod rin naman s autos ng Ate Lilac niya.

I smiled before leaving the kitchen. May side palan ganito si Luthor. I saw different sides of him these past weeks and I didn’t know that there was this side of him. ‘Yong makulit pero takot naman kay Ate Lilac. Maybe, this is my favorite side of him so far.

MAG A-ALAS DOS nang magpaalam si Lilac na papasok na raw sa trabaho. Ibinilin niya nalang saamin ni Luthor ang pagbabantay kay Archie hanggang wala pa si Sir Conrad at Ma’am Arnie. Sumang-ayon naman kami though hanggang alas-tres lang naman ang study time ni Archie at wala naman akong gagawin so maybe I can extend my stay a little more?

“I didn’t know that you’re tutoring my cousin.” Luthor spoke as he sat on the sofa. Naka-upo kaming dalawa ni Archie sa mat kaya’t nasa likod ko si Luthor. Kasalukuyang sinasagutan ni Archie ang math problem na ibinigay ko sakaniya. Simple addition and substraction lang naman. I know he can do it.

“Kahapon lang naman ako kinontact ni Sir Conrad. At saka one week ko lang namang itu-tutor si Archie.” Sagot ko nang hindi lumilingon sakaniya.

“One week? So one week tayong araw-araw magkikita?” Napalingon ako sakaniya. He was confortable sitting on the sofa behind me. His eyes were looking at me.

“Bakit?”

“Dito ako uuwi ng isang linggo eh.” Napataas ang kilay ko.

“Ba’t hindi ka umuwi sainyo tulad ng sabi ni Lilac?”

“Why? You don’t want me here?” Natigilan ako sa sinabi niya. He was still looking at me. I looked at him too, hoping that I can get answers on his eyes. But there’s none. Bakit niya naman ‘yon itinanong saakin?

Kapag ba sinabi kong ayaw ko siyang andito, hindi siya pupunta? Kapag ba sinabi kong naco-conscious ako kapag nandito siya, hindi na siya pupunta rito? But ofcourse, I can’t tell him that. Relative niya ang may ari ng unit na ‘to kaya may karapatan siyang pumunta rito. Kahit pa ayaw ko siyang andito.

“Ewan ko sa’yo, Luthor.” I turned my back on him.

Masyado na akong naco-conscious sa tingin niya. I heard him chuckle pero hindi na ako muling lumingon sakaniya hanggang sa matapos ang study time ni Archie. Nag-focus nalang ako sa mga tanong ni Archie tungkol sa lessons niya at hindi ko na ulit pinagtuonan ng pansin si Luthor.

It was already three-thirty when I decided to go home. Nailigpit na namin ni Archie ang mga gamit niya at binigyan ko na rin siya ng babasahin na kwento at susubukan niyang i-explain saakin iyon bukas.

“Can you stay a little bit more, Ate Spica? Please?” Archie was sitting on the sofa next to his Kuya Luthor. Ginawa ko ang lahat para hindi dumako ang tingin ko kay Luthor. I just feel uncomfortable because of his stares. Para bang tinitignan niya pati ang kalooblooban ko.

“Why, baby? May hindi ka pa ba naintindihan sa lesson natin?” I asked softly. Lumuhod na rin ako para maging magkapantay ang mga mata namin. Hindi siya sumagot. He just pouted and played with his fingers. Ang cute-cute niya!

Pero parang may separation anxiety or something ata ‘tong batang ‘to eh. Ganito rin siya kanina bago umalis ang Ate Lilac niya. I caressed his hair.

“Do you want to watch TV first? Let’s watch a show at saka ako aalis. Is it okay with you?” Maganang tumango si Archie. I smiled at his reaction. Kakakilala niya palang sa’kin pero parang sobrang comfortable na niya. And so am I.

Luthor opened the TV and switched the channel to cartoon network. Naupo na rin ako sa sofa katabi si Archie. Enjoy na enjoy si Archie sa pinapanood niya. I turned my gaze to Luthor. His eyes were fixed on the TV. Though Archie was sitting in between us, I can still feel Luthor’s presence.

Mukhang naramdaman ata ni Luthor na may nakatingin sakaniya kaya lumingon siya saakin. And I didn’t even budge. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa pareho kaming natawa. What are we doing, really?

“Why are you laughing po, Kuya Thor and Ate Spica?” I looked at Archie, I saw curiousity in his eyes. Then I looked at Luthor again. Muli akong natawa ng makita ko ang mukha niya. He looks funny!

“We’re laughing because your Kuya Thor has a funny face.” Paliwanag ko kay Archie. He looked at Luthor.

“Funny face po?”

“Yes, baby. He looked like a clown ‘no?” Sinamaan ako ng tingin ni Luthor kaya natawa nanaman ako. I don’t know! I just find his face funny. Or maybe, tinatawanan ko nalang ang pagka-conscious ko tuwing andyan siya.

I’m not sure. I’m just happy that he’s here, I think.







繼續閱讀

You'll Also Like

27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
5.1M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...