MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

By akosilenpot

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... More

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA
NOL - Chapter 17
Chapter 18
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 31
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 38
NOL - CHAPTER 39
NOL - Chapter 40

NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN

7K 197 52
By akosilenpot

CHAPTER 14

NOL – NO ORDINARY SELOSAN


LAREEN'S POV


After kong kumain ng lunch na mag-isa ay nagdecide akong magpunta sa pwesto nila Samantha sa palengke at yayaing magbonding na lang kami sa bahay dalawa. Wala kasi akong cellphone kay kailangan ko pa siyang sunduin. Pumasada na sila Arkin at Andoy at si Pia naman ay nasa loob ng bahay kasama ng Lola niya.

Palabas na ako ng barangkal ng madaanan ko sila Aling Ising sa tindahan. As usual, usapang walang hanggan na naman. Binati nila ako ng dumaan ako.

"Reena, bukas na ang fiesta dito sa Barangkal....hindi ka dapat na mawawala huh?" sabi niya.

"Fiesta ho?? Sige ho" sabi ko.

"Naku Reena, aabot sa sintido mo ang pagkalasing dahil bumabaha ng alak dito pag fiesta... sanay ka bang uminom??" tanong naman ni Aling Merly.

Uminom? Actually hindi masyado . .

"Okay lang ho"

"San ba ang punta mo?" tanong ni Aling Ising.

"Sa palengke ko, kina Samantha"

"Ah, kina Philip? SIge magiingat ka" sabi na lang ni ALing Merly at umalis na ako.

Sumakay ako sa tricycle papuntang palengke. Ako pa lang ang pasahero kaya humihinto ito sa madaraanang tao. Nagulat ako ng sa pangalawang paghinto nito ay natapat ang tricycle sa isang kainan. Maraming mga taxi ang nakaparada sa lugar na iyon...at ng mapansin ko ay pati ang taxi ni Andoy eh naroon.


Matagal na nakahimpil ang tricycle dahil sa nagsusukli pa ang driver. Medyo sinilip ko kung naroon nga sina Arkin ng makita ko ang babaeng Christmas tree. Naglalakad at huminto sa lalakeng nakatalikod. Hinaplos ang likuran ng lalake at parang nangaakit. Hindi ko na sana papansinin ng makita ko si Andoy sa tabi ng lalakeng kulang na lang ay hubaran ng babaeng Christmas tree.


Di ako pwedeg magkamali... si Arkin to!


Nakuyom ko ang kamay ko. Medyo lumingon ang lalake at confirmed!


Si Arkin nga.


"Miss okay ka lang?" sabi ng tricycle driver. Napansin niya kasing halos ilabas ko na ang katawan ko. Actually, gusto kong sumugod at paguntigin sila ng babaeng yon.


"Sige na Kuya, iderecho mo na sa palengke...baka kasi may masaktan lang ako dito" sabi ko at umnadar na ang sasakyan.


Hindi man niya nakuha ang sinasabi ko ay itinuloy na lang niya ang pagdrive.


Mabigat ang paa kong tinungo ang pwesto nila Sam at swerte namang andon siya.


"Hi Ate Lareen" bati niya agad.


"Hi...Magandang araw ho Aling Berna..Mang Philip"


"Magandang araw Lareen. Mabuti naman at napadaan ka" sabi ni Aling Berna.


"Ah..sinadya ko ho talaga si Sam"


"May lakad kayo?"tanong ni Manong Philip.


"Meron ho sana..kung pwede" sabi ko.


"Naku, sige na. . . isama mo na tong si Samantha at kung ano ano lang naman ang ginagawa dito" sabi ni Aling Berna.


"Si Mama talaga oh" sabi lang ni Sam. "San tayo punta teh?"


"Ikaw... wala akong masyadong alam dito sa Maynila eh" sabi ko at excited na kaming umalis.


"Mang Philip, ALing Berna , dito na ho kami" paalam ko.


"Sige ingat kayo" sagot na lang ni Aling Berna



Dinala ako ni Samantha sa isang park. Konti lang ang mga tao dito kumpara doon sa pinuntahan namin nung nakaraang araw. Nakaupo kami sa isang bench at nagmemeryenda. Kumain kami ng fishball, kikiam at tokneneng. Yung itlog na maliit na may balot ng orange. Well, masarap. Okay ako sa ganitong lugar, may mga ilang dumadaan at nagiiskate board pero hindi naman ganoon ka crowded.


"Mabuti naman Ate at dinalaw mo ako..."sabi niya.


"Eh kasi wala naman akong pasok at medyo nakakainip na rin sa bahay lang"


"Okay ka lang ba?"


"Hmmmm?"


"Mukha ka kasing may iniisip ka"


"Wala...nga pala Sam, diba linggo naman bukas? Punta ka sa Barangkal fiesta don" aya ko sa kanya.


"Oo nga pala noh? Sige Ate try ko" sabi niya at ngumiti.



After namin sa park ay inaya ko siya sa bahay. Para naman minsan eh mabisita niya ako. naglalakad kami papasok ng marinig na namin ang masayang tugtugan.


"Ganito sa Barangkal, wala pang fiesta pero parang fiesta na" sabi ni Sam. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang tirahan niya sa Barangkal"


Ngumiti ako. "Nakakatuwa sila no?"


"Oo,..ang nakakainis lang kasi iba ang image ng Barangkal sa labasan...akala nila masasama ang mga tao dito" sabi niya.


"May kakilala ka dito?"


"Opo...si Melvin..classmate ko siya nung highschool ako. Madalas ako dito dati dahil friends din naman kami" sabi niya.


"Si Melvin? Mukha ngang mabait yun" ngumiti ako sa kanya.


"Ate, mas gusto ko yung mga badboy look noh..pag may chance papakilala kita kay Enzo" she rolled her eyes. Nagets niya na agad ang gusto kong sabihin.


"Reena, bukas huh..wag kang mawawala" biglang tawag ni Mang Ino na naghahanda ng mga palaro bukas.



"Sige po" sagot ko.



Abala ang lahat. Nakakatuwa dahil kahit na simple lang ang pamumuhay sa buong barangkal eh pag fiesta pala ay hindi nila iniintindi ang mga gastos. They work well together...a true family ties kahit hindi magkakadugo.


Paakyat na kami sa bahay namin ng makasalubong ko sila Arkin.


"Hi Reena" bati ni Andoy.


Hindi ko sila pinansin. Hinawakan ko si Sam sa kamay at hinila na paakyat. Napakamot na lang sa ulo si Andoy.


"Ate, sino yon?"nagtatakang tanong ni Sam.


"Wag mong intindihin ang mga yon" sabi ko at dumirecho na sa itaas.


"Tuloy ka" sabi ko sa kanya nung makapasok kami sa loob. Umupo siya sa sofa at pinaghanda ko siya ng maiinom.


"Gwapo yung si Kuya huh" sabi ni Sam.


Tumingin ako sa kanya at umiwas siya ng tingin.


"Huh?"


Imbis na sumagot ay ngumiti lang siya. "Tigilan mo ko sa mga ngiting yan Sam".


"Bakit? Anong ngiti? Sinasabi ko lang na ang pogi kaya nun ni Kuya... –


"Arkin"


"Wow huh..talagang alam mo kung sino ang tinutukoy ko" sabi niya at nagindian seat.


"Ewan ko sayo"


Umupo ako sa tapat niya.


"Bagay kayo non" sabi niya.


"Ganun? Sorry hindi niya ako type"


"Pano mo nasabi? Sinabi niya sa'yo?"


"May girlfriend na siya" sabi ko.



Kahapon ko lang na confirmed na totoo nga ang sinasabi ng babaeng Christmas tree na si Arkin eh nobyo niya. Nakakagigil silang dalawa.  


"Huh? Sino??"


"Akala ko ba madalas ka dito dati? Bakit hindi mo kilala?"


"Eh hindi naman ako nakakapasok dito sa taas eh...tsaka parang hindi ko siya

nakikita dati" sabi niya.



"May girlfriend na siya, yung may  ari ng kainan sa may kanto"


"Si Jennifer?? Ate naman! Lahat na lang yata eh boyfriend non eh..nu ka ba!"


"Si Jennifer kilala mo? Si Arkin hindi?"

Nagtataka lang talaga ako kasi si Arkin ang pinakasikat na tao sa Barangkal.


"Ewan ko basta hindi ko sya kilala o nakalimutan ko lang. Pero back to Jennifer, di hamak na mas maganda at mas mukha ka namang tao dun teh!"


Natawa ako sa sinabi niya.


"Sira ka talaga"


"Ate Reena, kahit na parang kumot na ni Jen ang suot mo, eh mas lamang ka pa rin ng 100 na paligo dun"


"Sipsip"


"I am just telling the truth...at yung mga tingin sayo ni Kuyang Pogi?? I smell something... - -


"Something???" I cut her.


"Something romantic" sabi niya at parang kinikilig na bata.


Napailing na lang ako.


"Totoo ate...alam ko...may gusto din sayo yun!" sabi niya.


"Stop it!"


"Oo nga...hindi mo nararamdaman??"


Napaisip ako. diyos ko, pano ko ba mararamdaman eh sa tuwing magkikita kami lagi na lang may disaster at lagi niya akong sinusungitan. Kaiinis nga yon eh. yung kilay niyang parang magdidikit na sa inis pag nakatingin...tapos dun sa babaeng Christmas tree kung makipaglingkisan, okay lang.


 "Oi!" she snaps.


"Ano ba? Basta malabo yun...mas malabo pa sa tubig sa kanal dito sa Barangkal"



"Hindi yun ang malabo...ikaw ang malabo!"


"Ano?!"


"Basta Ate, sinasabi ko sayo...si Kuya Pogi eh inlove na sa Ate kong maganda" sabi niya at kumindat pa.


"Nakakaloka ka Samantha" sabi ko sa kanya.



Puro tawanan ang ginawa naming dalawa. Nakakamiss ang mga Ate ko. Kasi ganito kami before pa sila ipakasal ni Daddy. Harutan, tawanan at kwentuhang walang humpay.




ARKIN'S POV


"Inaway mo na naman si Reena??"nagtatakang tanong ni Andoy.


"Huh?"


"Inaway mo na naman no? eh ba't hindi man lang tayo pinansin??"


"Malay ko...hindi ko inaway noh! Ayos ka huh!" sabi ko habang pababa kami. Nagalibi pa ako kay Andoy na magpahinga muna sa bahay dahil alam ko kasing wala siyang kasama sa bahay nila tapos yun pala gumala lang siya?


Kabago bago sa Maynila eh kung makalakwatsa siya akala mo alam na alam na ang pasikot sikot dito. Naku pag nawala naman siya, aber paano siya babalik??


"Pati ako nadadamay sa inyong dalawa" sabi ni Andoy.


"Hoy Andoy, hindi ko inaano si Reena huh, ang ayos ayos pa nga namin kaninang umaga eh" sabi ko sa kanya.


"Eh ba't hindi tayo pinansin?"


"Arkin! Ano tagay na ulit??" tawag ni Manong Chris na busy sa pagkatay ng manok.


"Naku Manong Chris, nagtawag to ng uwak kagabi...kaya ako na lang ang lalaban sa inyo" singit naman ni Andoy.


"Sige huh!" sabi ni Manong Chris.


Binatukan ko sya.


"Aray naman" sabi niya.


"Sige Manong Chris bukas na, magpapakondisyon na muna ako" sabi ko at tinuloy na namin ang paglalakad.


"Pakundisyon pa daw oh! Sus!" pangaasar ni Andoy.


"Tara na nga ang dami mo pang sinasabi" sabi ko.


"Arkin huh, magsorry ka kay Reena! Magsorry ka huh!" sabi niya habang nasa likuran ko siya.


Sorry?? Anong ginawa ko sa kanya? siya nga ang dapat nagsosorry dahil siya ang layas ng layas. Bahala siya sa buhay niya.



LAREEN'S POV

Magaalas sais na ng dumating si Ate Madel sa bahay. May dala na rin siyang pagkain.

"Kamusta ka dito?"

"Okay naman...andito si Sam kanina, nagkwentuhan kami"sabi ko.

"Mabuti naman...at nga pala, hinahanap ka ni Sir Stephen.."

Hindi ako sumagot.

"Nagaalala kasi akala niya may sakit ka, kaya nga yung pagkain dyan talagang siya pa ang nagpaluto para daw sa'yo" sabi niy Ate Madel.

"Talaga?"

"Oo, parang alam mo na...inlove ata yun sa'yo eh" sabi ni Ate Madel.

"Huh? Hindi naman siguro. Baka sadyang mabait lang si Sir Tep...hindi kagaya nung iba" sabi ko. "Tara na nga kain na tayo" sabi ko at nauna na ako sa mesa.



ARKIN'S POV

Nasa tapat ako ng pintuan nila Reena para ibigay sana ang pagkaing binili ko sa labas. Pero sa mga narinig ko'y hindi na niya ito mapapansin. Kumpara sa binigay ni Tep na pagkain sa kanya...malamang hindi na niya ito kakainin.


Pabalik na ako sa bahay ng makasalubong ko si Andoy.


"Ano nabigay mo?"


"Kainin mo na lang" sabi ko at mabigat na binigay sa kanya ang supot.


"Arkin...diba para kay Reena to?"


"HINDI. Para yan sayo...hindi niya yan magugustuhan" sabi ko at nagkulong na muna sa kwarto.


Continue Reading

You'll Also Like

121K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
6K 295 59
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
8K 530 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...