RPW SERIES #1: When Bad Boy M...

By Mizzling_Moon

111K 5.1K 195

I'am Risse Jayce (jey-si) Mendez -nerd -no one -smart -mayaman (but my fashion is like a poor one) -may kulot... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Author's Note

Chapter 49

1K 51 2
By Mizzling_Moon

Risse Jayce's POV

Naglalakad kami ngayong limang mga babae sa hallway papunta sa canteen dahil hindi daw muna sasabay yung mga boys.

'Magmi-meeting-meeting muna daw ang mga kababaihan at kalalakihan.'

At eto nanaman sila. Hindi pa din nakaka-move on sa nangyari kahapon.

"Ikaw ha... kaya ka pala bad mood kasi may naka-kiss na sa iyong kissable lips." Pang-aasar sakin ni Akira.

"Bat ka naman maba-bad mood. Diba pag nahalikan para kang nasa heaven." Sabat naman ni Jaina habang magkahawak ang kamay at nakatingin sa taas.

"Kapag ako yung hinalikan? Haha! Wala na siyang kawala!" Napatingin naman ang lahat sa sinabi ni Fierra. "Kapag ganyang first kiss dapat nilulubos." Dagdag biro niya pa.

"Ate talaga dapat nirereserve ang first kiss sa kasal." Si Hierra.

"Oo alam ko yun teh. Nagbibiro lang e." Pagmamaktol ni Fierra na ikinatawa naman namin. "Sabagay di ka naman basta-basta hahalikan ni Von." Dagdag pa nito.

"Oo naman. Hehe. Pero ikaw ate, baka wala ka ng kawala kay Prince. Lagi yung sumasabay sa uso. Baka pag nauso yung halik nina Gray at Risse, halik na ninyong dalawa ang kasunod." Biro naman ni Hierra sa kapatid.

"Naku... kung ganun e pakasalan na niya ako. Haha!" Si Fierra.

Napailing naman ako dahil sa mga katarantaduhan nila. Puro halik na yung pinag-uusapan e, pwede namang ibahin nalang.

"Oyy! Stop na kayo. Masyadong nakaka-relate ang mahal na reyna." Pang-aasar pa sakin ni Akira.

"Kapag ikaw pinahalik ko kay Rain, tahimik ka." Sabat ko at natahimik naman ito. Inirapan pa ako nito saka umiwas ng tingin.

"Subukan niya lang at baka masapak ko pa." Nakangusong saad ni Akira.

Napatingin naman sakin si Jaina nang parang may bigla siyang naalala sa sinabi ni Akira.

"So ano naman ginawa mo Risse noong nahalikan ka ni Gray?" Curious na tanong ni Jaina na talaga namang abang na abang sa sagot ko.

"Dahil aksidente naman niya akong nahalikan, naitulak ko naman siya agad dahil hindi ako katulad ng ibang babae na natatameme." Paliwanag ko habang nakahawak pa sa baba ko.

"Ay sayang!" Si Fierra. "Dapat ninamnam mo!" Dagdag pa nito.

"Hahaha. Magtigil na nga kayo at baka ma-beast mode ang reyna. Kumain nalang muna tayo." Singit naman ni Hierra.

"Yey! Kakain na!" Sigaw naman ni Jaina saka naunang pumila.

"Samahan ko lang siya." Si Hierra saka sinundan si Jaina.

***

After class hours ay sabay-sabay ulit kaming girls na umuwi. Wala ng nangyaring usapin tungkol dun sa halik-halik na yun dahil isasaayos nalang daw yun kinabukasan.

Nasa bahay na ako at abala naman si mama na gumagawa ng dinner habang si papa ay lumabas para bilhan ako ng favorite ko.

"Andito na ako nak!" Dinig kong sigaw ni papa kaya naman napatayo ako at sinalubong siya.

"Donuts!!" Masayang sigaw ko saka kinuha ang donut na hawak-hawak ni papa.

"Musta naman kaya ang baby ko sa loob ng dalawang araw na wala kami dito?" Makahulugang tanong ni papa.

"Ayos naman po." Sagot ko.

Naupo naman kami sa sofa at kumuha ng tig-isang donut para samin ni papa.

"Masarap naman kaya mag-alaga si Gray?" Tanong ni papa na ikinatigil ko.

Nag-flashback pa yung mga pangyayari noong magkasama kami. Nangiti namna ako saglit saka muling nilingon si papa.

"Inalagaan naman niya ako ng maayos pa. Wag kayong mag-alala." Nakangiting sagot ko pa.

"Wala naman kayang ibang nangyari?" Singit naman ni mama na bagong dating lang saka kumuha ng isang donut at naupo sa sofa.

"Po?"

"Ano yung nabalitaan ko kay Akira?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni mama.

"Ma aksidente lang yun, promise!"

"Wehhhh?" Nang-aasar na tanong pa ni mama.

"Ma naman..." nakangusong saad ko.

"Okay lang yan nak. Buti nga at seconds lang ang tinagal. Hehe." Si mama saka binigyan ako ng makahulugang tingin.

"Basta siguraduhin lang ni Gray na pakakasalan ka niya ah." Dagdag biro naman ni papa.

"Pa!" Pagmamaktol ko.

"Joke lang nak. Sige kainin mo na ang donut mo baka maubusan ka pa ng mama mo." Kinuha ko naman yung lalagyan ng donut saka niyakap.

"Akin lang 'to." Pagmamaktol ko pa saka tumayo.

Umakyat ako papunta sa kuwarto saka naupo sa study table ko. Kinuha ang cellphone saka naisipang tawagan si Akira.

On-phone: Akira

"Oh may ibabalita ka ba? Gusto mo pa ba ng more kiss galing kay Gray?" Bungad nito.

"Magtigil ka nga, hindi yun ang itinawag ko."

"E ano?"

"Ang daldal mo talaga kahit kailan." Sermon ko.

"Huh?"

"Bakit mo sinabi kay mama?"

"Hehe. Nagtanong mama mo e, dika naman daw kasi nagkuwento." Sagot nito kaya napabuntong-hininga ako.

"At talagang pati yung kiss ay hindi nakaligtas sayo?"

"E sa gustong malaman ng mama mo lahat e. Hehe."

"Hay naku ka Aki. Wala ka pa ding kupas. Madaldal ka pa din talaga." Iiling-iling nalang na saad ko. "Sige, kita nalang tayo bukas. Humanda ka, patay ka sakin."

Pagkatapos naming mag-usap ni Akira ay kinuha ko na ang mga libro at notebook ko na may assignment. Gumawa nalang ako ng assignment ko habang kumakain ng donut.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasagot nang bumukas ang pinto at dumungaw si mama.

"Kakain na nak." Tumango lang naman ako kaya umalis na din si mama.

Inayos ko lang yung mga gamit ko saka tumayo at naglakad pababa.

Habang kumakain ay nag-uusap naman sina mama at papa.

"Pano ba yan, trabaho ka nanaman bukas." Si mama.

"Oo e, madami na daw ulit gagawin." Si papa.

"Mag-iingat ka dun. Kumain ka sa tamang oras at wag magpapagod. Matulog ng maaga para manatiling malusog." Malambing na wika ni mama.

Napaisip naman ako.

'Kapag kaya naging kami ni Gray magiging ganyan ako ka-sweet?'

Napailing naman ako dahil sa naisip kong yun. Nanliligaw pa nga lang yung kami na ang iniisip ko.

Tinapos ko nalang ng mabilis ang pagkain ko dahil nako-kornihan nako sa ka-sweet-an ni mama kay papa.

Bukas ng hapon pa naman ang alis ni papa kaya tiyak na makakapagpaalam pa ko sa kanya.

Tinapos ko nalang lahat ng assignment ko saka naghilamos at natulog.

***

Kinaumagahan, nauna akong makarating sa room kaya naman tahimik pa ang paligid.

Nakapagpahinga pa naman ako saglit saka unti-unting nagdatingan ang ilan sa mga kaklase ko kasunod yung apat na mga babae.

"Hoy Aki!" Tawag ko agad kay Akira.

"Hehe. Goodmorning Risse." Nakangiting bati ni Akira.

"Walang good sa morning." Sabi ko na nakapagpanguso sa kanya.

"Hayst, bawasan mo pagiging madaldal huh. Buti pa kay Jaina, madaldal nga pero pag binigyan mo ng pagkain tatahimik na." Iiling-iling na sermon ko.

"Diko napigilan e hehe. Sarap kaya makipagkuwentuhan sa mama mo."

"Tss." Napailing nalang ako.

"Yung mga boys daw nasa garden na, punta na daw tayo doon." Sabat ni Hierra.

Napatingin naman muna yung tatlo sakin saka ngumiti ng nakakaloko. Napailing nalang ako dahil sa iniasta nila saka naunang maglakad palabas ng room.

"Oyy hintayin mo kami!"

Sabay-sabay naman kaming naglakad hanggang sa mapuntahan namin ang garden. Nakaupo na ang boys doon kaya naupo kami sa harapan nila.

Kaharap naman namin ang mga partner namin. Hindi naman ako makatingin kay Gray dahil naiilang pa din ako hanggang ngayon.

Napailing-iling naman yung apat na lalaki na katabi niya dahil pinaggigitnaan siya ng mga ito.

"Parang may alam kayong di namin alam ah." Singit ni Akira.

"Share naman diyan oh!" Si Fierra.

"Wag magtago ng secrets." Si Jaina.

"Baka may sasabihin kayo?" Si Hierra.

"A-Anong mga tingin yan?" Tanong ko.

Nagkatinginan naman silang mga lalaki saka tumawa maliban kay Gray na ngiting-ngiti habang nakatingin sakin.

'Anong meron?'

"Hindi namin alam na masarap ka palang katabi Risse." Si Prince. "Lalo na kapag natutulog." Dagdag pa nito.

"Hoy! May ginawa kayo sa kama?!" Singit ni Fierra na nakipag-apir pa kay Prince.

"Wala!" Depensa ko. "Ano bang sinasabi ninyo?" Naguguluhang tanong ko pa.

"Diko alam na mahilig ka pala sa horror, parehas tayo." Si Von saka makahulugang ngumisi.

"Oo nga, yung tipong mababangungot yung kasama mo." Sabat naman ni Rain na tumingin pa sakin bago kumindat kay Gray.

"Tapos pag matutulog na..." doon naman ako kinabahan dahil parang alam ko na ang kasunod nun. "...may payakap ka na." Taas-baba ang kilay na saad ni Jestine.

'A-Ano daw? P-Payakap?! Kailan ako yumakap?!'

"Nakatulog pa nga ako ng sobrang sarap dahil sa yakap mo e." Nakangisi namang saad ni Gray.

"A-Anong yakap? Ikaw nga itong yumakap sakin e."

"Oo, noong una... pero ikaw yung nagkusa, sa pangalawa." Saka ito ngumiti ng nakakaloko.

"E?" Tanging nasambit ko.

"Ang higpit pa nga ng yakap mo at ang himbing din ng tulog mo habang yakap-yakap mo ako." Sambit nito at doon na ako tuluyang nagulat.

'Akala ko unan yung yakap-yakap ko... nawala sa isip kong katabi ko pala siya sa pagtulog ko!'

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.3K 190
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
600K 2.3K 63
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
61.8K 2.6K 37
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.
6.1K 180 54
The Nerd Revenge author: its_me_cutiepie Si Mia ay isang nerd mabait,matalino,mapagmahal sa pamilya ngunit isang araw ang magbabago sya at gagantiha...