Teach Me Back (Teach Series #...

By SaviorKitty

3.1M 145K 78.2K

TEACH SERIES #3: š“šžšššœš” šŒšž ššššœš¤ Lisa Lyndel Montero's life is full of pretending. She has two faces... More

TEACH ME BACK
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Special Chapter

SIMULA

134K 4.9K 2.3K
By SaviorKitty


SIMULA:

"Is this even a grade Lisa Lyndel? Ninety four, really? Are you proud of this average?"

I bit my lower lip when I heard my Mom's question about my grade that I presented to her. I can see disappointment in her face, as always.

Kahit siguro gawin ko ang pinaka the best ko ay wala pa rin, hindi ko pa rin mapapantayan ang expectations nila sa akin. Nakakapanliit lalo't pakiramdam ko ay ginagawa ko na ang lahat ng kaya ko sa academic pero sa huli, kulang pa rin.

Sobrang excited ako kanina ipakita iyon sa kanya, dahil sa kabila ng nagkasakit ako at hindi nakapasok ng halos isang linggo ay nabawi ko pa rin ang grade ko pero mukhang hindi iyon ang gustong marinig ni Mommy.

Baka lalo lang siyang magalit kapag ipinaalala ko iyon.

"Why don't you try to be like your sister? Your ate always got a perfect scores! May tutor ka na, may Saturday class ka pa, tapos ito? Saan ba napupunta ang mga pinag-aaralan mo?" I'm afraid to look at her face, I'm afraid to see how unworthy I am.

Lumunok ako habang nakayuko, pinakalma ko ang aking sarili.

"Look at your younger brother, he's excellent both academic and sports. Dapat ikaw ang maging huwaran niya, ayoko ng ganito Lisa, sa susunod siguraduhin mong ikaw ang mataas sa kanilang lahat."

"M-Mom, top one pa rin naman po ako at—"

She laughed. "Ilang points ang taas mo sa sumunod sa'yo? Mas maganda kung malaki ang lamang mo."

Malakas akong napabuntonghininga, kinuha ko na ang aking card na nasa itaas ng lamesa. Tama siya, kaunti lang ang nilamang ko.

I need to answer or else she will keep saying it over and over again. Slapping to my face that I am not enough, that I can't do better.

"I-I'll do better next time, Mom. I promise."

Mom frowned, and I couldn't tell if she were more disappointed or relieved at my words.

Napailing siya saka sinenyasan akong umalis na. Malalaki ang hakbang na umalis ako sa garden kung nasaan siya naka-tambay at nagkakape. Habang papunta sa aking kwarto ay hindi ko maiwasan maikuyom ang aking kamay.

I'm the middle child.

Ang hirap dahil kung hindi ako ikukumpara sa panganay ay sa bunso naman.

Laging dapat ganito, dapat ganyan.

Tama sila, sa panahon ngayon dapat ay angat ka. Kahit saan, sa school o sa trabaho. Dahil kapag mas mataas ka, mas igagalang ka, mas madaming oportunidad para sa'yo.

Iyon ang itinanim ko sa isip ko.

Nang makarating sa sala ay naabutan ko ang bunso kong kapatid na lalaki na abala sa bago niyang phone, Mom bought it for him because he won a gold medal in archery last competition.

"Ate Lisa, look!" Masayang iniharap niya sa akin ang malaking phone niya na mas tatlong camera.

That's too much for a nine years old, but I know he deserves it.

Nagpeke ako ng ngisi saka palihim na itinago ang card ko sa aking likod. "I will buy too." I said confidently.

He stuck his tongue out of me, I smirked and brushed his hair before going upstairs.

Wala si Ate, she's probably out with her new boyfriend. 'Yong anak ng kaibigan ni Mommy.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay isinubsob ko ang aking mukha sa unan at malakas na sumigaw. Sinugurado kong hindi nila maririnig, ang aking sigaw ay nauwi sa pag-iyak.

Ang tanga-tanga mo naman kasi, Lisa.

Bakit ba kasi kulang pa? Ano pa ba ang kulang? Nagre-review naman ako palagi, hindi naman ako lumiliban sa klase, pero bakit gano'n, bakit kulang pa?

Sumigaw ulit ako, bahagya ko pang naikuyom sa sapin ng kama ang aking palad.

I know, my pillow won't get tired of me.

Napabalikwas ako sa aking kama nang maalala kung bakit ako nagkasakit ng isang linggo.

Kung hindi sana ako nabasa ng ulan, hindi sana ako lalagnatin, hindi sana ako mawawala sa school ng isang linggo edi sana hindi ko nabaktawan ang ilang activity namin.

Mabilis kong inayos ang aking salamin at buhok bago nagmamadaling bumaba ng bahay. Narinig kong tinawag ako ng kapatid ko pero hindi ko na siya pinansin, sumakay ako sa aking bike upang puntahan siya.

Hingal ako nang makarating sa bahay nila. Malakas na kinatok ko ang kanilamg gate, hah!

Nameywang ako habang hinihintay bumukas iyon, nang bumukas ang pintuan ay tumambad sa akin ang lalaking-lalaki na si Kevin. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa presensya ko sa labas ng bahay nila.

He's my new classmate. He's transferee student, we are in the first year of highschool.

Magbabakasyon na at sigurado akong next year ay magiging kaklase ko pa rin siya. Hindi kami close at ayoko sa kanya dahil ang ingay niya sa school at isa pa, isa siya sa kakompetensya ko.

"B-Bakit na nandito?"

Naningkit ang aking mata dahil malalim ang kanyang boses, ibang-ibang sa school.

Ibubukas ko na sana aking bibig nang may sumigaw mula sa loob ng bahay nila.

"Anak, sino 'yan?"

Bigla akong nakaramdam ng hiya nang lumabas ang tatay niya na naka-Police uniform pa.

Napakamot si Kevin sa batok, hinila niya ang braso ko palayo sa gate nila. "Wala, Papa. Kaklase ko lang may hinihiram," he lied.

Ikaw manghihiram ng mukha sa aso,  boy!

May sinabi pa ang Daddy niya pero hinila na niya ako palayo sa bahay nila, doon niya lang ako binitawan nang tumapat kami sa isang puno.

"Why are you here, Lisa?" Kunot-noong tanong niya habang sinisipat ang aking mata.

Nagngitngit ang aking galit para sa kanya nang makitang mukhang kakagising lang niya. Wow, habang ako puro problema siya patulog-tulog lang.

"Dahil sa'yo kaya bumaba ang grade ko!" I blamed him and pointed a finger on his chest.

Napamaang siya.

"Luh, anong ginawa ko sa'yo?"

Napapantastikuhang tinitigan ko siya. Ngayon, nag mamaang-maangan siya. Magaling!

"Remember when I saved you! Noong umuulan at muntik ka ng mabundol ng kotse, dahil doon nagkasakit ako, dahil doon bumaba ang grade ko!" Nanlaki pa ang mata ko habang inaalis ang galit sa dibdib.

"H-Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako ha! Saka bakit ngayon ka lang nagagalit, halos tatlong buwan na 'yon, ni hindi mo nga ako pinapansin sa school," aniya habang salubong ang kilay animong hindi niya maintindihan ang pagsabog ng galit ko.

"Hah! Malamang, hindi naman tayo close. Ang point ko ay dahil sa'yo kaya bumagsak ako! I hate you! Akala mo mabait puro babae naman kasama sa school, kahit kailan hindi ako makikipagkaibigan sa babaero katulad—"

"I'm gay."

"W-What?"

Nagkibit-balikat siya.

"I'm always with girl because I'm gay, I'm one of them. So... let's be friend?" Naglahad siya ng kamay sa akin.

________________
SaviorKitty

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 15 1
This is not a story. It's just a book of a random thoughts. It's been unpublished before but I uploaded it back. Do not repost this to other social m...
31.7M 743K 49
Will a baby strengthen or will it ruin their friendship?
4M 74.9K 61
Genre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng yabang...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...