Juriel’s POV
“ Guys, pagbigyan niyo akong umiyak ng umiyak ngayon. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. ” Sabi ni Krysh at umiyak pa ng umiyak.
Hindi talaga tama ang ginawa ng Ethan. Ang tanga namin at hinayaan si Krysh na mahulog sa kanya. Argh! Kayong mayayaman! Wala na kayong ginawang maganda! Ang sasama ninyo! Mga wala kayong kwentang tao
Eto ngayon, si Krysh, sobra sobrang nagdudusa sa ginawa sa kanya ni Ethan. Pano nalang kapag nakaalis na siya? At naisip niyang magpakamatay doon sa ibang bansa? Hindi! Ayoko! Hindi pwedeng mangyari iyon! Argh!
“ Hi Girls! Hihiramin ko sa-” biglang pasok ni Paolo. Mag-isa lang siya. Naputol ang sinasabi niya nung nakita niyang umiiyak si Krysh.
“ Oh! Bakit ka umiiyak, Krysh? ” sabi ni Paolo.
“ Ah, namatay ba aso niyo? Ay teka, wala kayong aso diba? Pusa kaya? Wala rin naman. Uhm… ” Argh! Napupuno na ako! Hindi niya ba alam na wala na sila ni Ethan?
“ Paolo! Tumigil ka na nga! Alam mo, kasalanan niyo ito eh! Kayo! Kayong mga mayayaman na akala niyo, kaya niyong bilhin ang lahat. Na akala niyo- ” pero pinutol ako ni Krysh.
“ Jam. Wala siyang kinalaman dito. Wag kang magalit sa kanya. ” sabi ni Krysh.
“ Hindi. Hayaan mo ako. Dapat nilang malaman na hindi lahat ng babae sa mundo, laruan. Anu kami? Ha? Past time? Tapos ano, iiwan niyo lang din? Sasaktan at pagmumukaing tanga? Talaga ka- ” pero ngayon naman, pinutol ako ni Paolo.
“ Hindi kita maintindihan. Bakit?” tanong niya.
“ Ah, so, hindi mo alam o nagkukunwari ka lang? Ano? Ha? Sabihin mo ang totoo, niloloko mo lang rin ba ako? Kasabwat mo ba si Ethan? Sasaktan at iiwan mo rin ba ako pagdating ng panahon?” sabi ni ko.
“ Babe, alam mo naming hi- ”
“ Wag mo akong, ma-babe babe. Hindi ko na kayo kilala. At lalong lalo ka na. Hindi na kita kilala, Paolo. Hindi ko alam kung laro lang ba lahat ng ito o ano. ” sabi ko.
“ Alam mo namang hindi ko gagawin sa iyo yun eh. Please, maniwala ka. Mali ka ng iniisip. Kung sinaktan man ni Ethan si Kryshll, labas ako doon. Wala akong alam. Pero, ibahin mo ako. Hinding hindi ko gagawin yun sa iyo. Please, maniwala ka sa akin. Mahal na mahal kita. ” sabi niya. Waaaa! Ayoko na! Gulong gulo na ako!
“ Mahal? Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang iyon? Ha? Sagutin mo ako! ” sabi ko. Hindi siya nakasagot.
“ Ayoko na! Ayoko na! Hindi ko na alam, Paolo. Sa tingin ko, mali rin siguro ako ng desisyon. Mas mabuti pang mag-break na tayo. Hindi ko na alam. ” sabi ko. Pagka-sabi ko nun, tumulo ang luha niya.
“ Please naman Jam oh. Maniwala ka sa akin. Wag mong idamay ang relasyon natin sa nangyari sa kanila. Hinding hindi kita sasaktan. Please, wag mo akong iiwan. ” sabi niya na umiiyak na rin.
Napaluha ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero gusto ko ng tapusin ito. Ayoko ng pagdating ng panahon, ako naman ang masasaktan. Mas mabuti ng ganito. Hanggat mababaw pa ang lahat. Ayoko na ng mga taong umiiyak dahil iniwan ng kanilang minamahal. Ayoko na.
“ Hindi. Tapos na tayo, Paolo. Ayoko na. ” sabi ko.
“ Bakit? Hindi mo ba ako mahal? ” tanong niya.
“ Mahal? Ikaw? Hindi. Hindi kita mahal, Paolo. Hindi kita mahal. ” sabi ko. Mas mabuti na ito. Mas masakit, mas madaling kalimutan ang lahat.
“ Hindi totoo yan. Alam kong mahal mo rin ako. Diba? Mahal mo ako, diba? ” sabi niya.
“ Wag ka ng makulit, Paolo. Hindi kita mahal. Kaya pwede ba, umalis ka na dahil tapos na tayo. Kalimutan mo na ang lahat sa atin. Ako? Wala naman dapat akong kalimutan dahil wala naman talaga akong inalala sa lahat lahat ng nagyari eh. Hindi nga kita mahal diba? Kaya umalis ka na! Umalis ka na!” sabi ko.
“ Pe-pero- ” pinutol ko siya.
“ Umalis ka na! ” Sabi ko at umalis siyang luhaan.
Napaupo ako. Tama ba ang ginawa ko? Sinaktan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Wala na. Wala na ang lahat. Isa nalang siyang alaala. Ayoko na. Ayoko na!
Umupo ako at umiyak ng umiyak. Nagsalita si Krysh.
“ Jam. Hindi mo dapat ginawa iyon. ” sabi ni Krysh.
“ Alam mo, nadala ka lang ng galit mo. At alam naming mahal na mahal mo siya. Wag ka ng magkaila. Kaya, wag mo sana siyang idamay dito. ” sabi naman ni Mika.
“ Hindi ko alam. Hindi ko alam. Oo, mahal na mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko alam ang gagawin. Ayokong pagdating ng araw, masasaktan ako ng sobra sobra dahil sobra sobra ko narin siyang mahal. Kaya mas maganda na ngayon habang mababaw palang ang lahat.” Sabi ko.
“ Sana lang ay tama ang iyong naging desisyon. ” sabi ni Krysh.
Humagulgol lang ako. Arvin Paolo Reyes, patawarin mo sana ako sa nagawa ko. Pero tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita. Sorry. Sana, antayin mo ako pagdating ng araw na ayos na ang lahat. Hindi ko kaya ng wala ka.
Paolo’s POV
Ganun nalang ang lahat lahat? Iniwan niya ako? Dahil lang sa break up ni Krysh at Ethan? Bakit? Hindi pwede! Hindi ko kakayanin na wala siya sa akin. Hindi pwede to. Kailangan niyang malaman na hindi ko siya pakakawalan at mahal na mahal ko siya. Kailangan kong bumalik at ipaalam sa kanya iyon.
Pagbalik ko….
“ Jam. Hindi mo dapat ginawa iyon. ” sabi ni Krysh.
“ Alam mo, nadala ka lang ng galit mo. At alam naming mahal na mahal mo siya. Wag ka ng magkaila. Kaya, wag mo sana siyang idamay dito. ” sabi naman ni Mika.
“ Hindi ko alam. Hindi ko alam. Oo, mahal na mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko alam ang gagawin. Ayokong pagdating ng araw, masasaktan ako ng sobra sobra dahil sobra sobra ko narin siyang mahal. Kaya mas maganda na ngayon habang mababaw palang ang lahat.” Sabi niya.
“ Sana lang ay tama ang iyong naging desisyon. ” sabi ni Krysh.
So, hindi totoo ang sinabi niya na hindi niya ako mahal? Kahit papaano, gumaan ang loob ko nung narinig ko ang pinaguusapan nila. Jam, hinding hindi kita iiwan. Promise. Aantayin kita. Kapag ayos na ang lahat, babalikan kita. Mahal na mahal kita. Hindi ako maghahanap ng iba dahil ikaw lamang ang laman ng aking puso. Juriel May Torres, mahal na mahal na mahal kita. Magaantay ako.
Fast Forward…
Kailangan ko ng explanation mula kay Ethan kung bakit niya ginawa yun. Tapos, hindi pala siya pumasok sa mga subjects kanina. Pati si Chris, wala na rin. Nung pinuntahan ko sila Jam, wala na rin. Nakauwi na siguro sila. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa dahil matalik ko siyang kaibigan. Pupuntahan ko siya. Alam kong wala na siyang balak bumalik sa school ngayon. Ah! Alam ko na. Ang favorite bar na pinupuntahan naming apat. Gabi na rin kaya andun na siguro siya. Alam na kaya ni Chris at Josef ang nangyari?
7:30 na. Andun na nga siguro siya. Pagdating ko, ayun, may ka-table na 4 na linta. Este, babaeng mga harot. Ethan? Totoo ba talagang pinaglaruan mo lang si Krysh? Bakit mo ginawa yun? Lumapit ako.
“ Ethan. ” sabi ko. Napalingon silang lima.
“ Oh, Babe, hindi mo sinasabi, may kaibigan kang gwapo rin pala. ” sabi nung isang babae.
“ Wanna join us, handsome? ” sabi pa nung isa in a seductive tone.
“ No thanks. I want to talk to him. ” sabi ko.
“ Anu ka ba naman, Paolo. Have fun! Wag ka namang harsh sa mga girls. ” sabi niya.
Napuno agad ako. HInatak ko siya patayo at dinala sa part ng bar na walang makakarinig sa amin.
“ Harsh? Hindi ba harsh ang ginawa mong pananakit kay Kryshll? Bakit pare? Anung ginawa niya sayo?” tanong ko.
“ Pare, laro lang ang lahat. Hindi ko naman talaga siya sineryoso eh. Bakit? Panu mo nalaman? Lumapit ba siya sayo at nagsumbong? How pathetic! ” sabi ni Ethan.
"Pathetic? Pare! Dahil sa’yo, nag-break kami ni Jam! ” sabi ko.
“ So? Kasalanan ko pa ngayon? Eh ang kikitid ng utak ng mga babaeng yan.” sabi niya.
“ Pare, pasalamat ka at hindi ko nakakalimutang magkaibigan tayo. Sana, naisip mo yung ginawa mo. ” sabi ko sa kanya at umalis na.
Ethan’s POV
Ah, so kasalanan ko ang lahat? Bahala sila. Basta ako ngayon, MISSION ACCOMPLISHED! Bumalik na ako sa table.
“ Oh? Where’s your friend. Ang harsh niya pero infairness, gwapo ha! Sayang at mukhang galit. Nakakatakot. ” sabi nung babae.
Si Paolo? Magagalit? Never pang nagalit sa akin yun eh. Ang alam ko, sa lahat ng bagay, nagkaka-sundo kami kaya ni minsan, hindi kami nagaaway. Simpleng away, oo pero hindi ganito. Pero ngayon, anu daw? Galit siya? Ganun na ba talaga niya kamahal si Juriel? Wow! Lahat na talaga, nagbago simula ng dumating yang mga pesteng babae nayan. Bakit ba palagi nalang? Nakakainis na talaga.
“ Labas muna ako. ” sabi ko.
“ Sure, honey. Be right back, okay? ” sabi nila.
Tumango lang ako pero wala na talaga akong balak bumalik. Biglang nag-vibrate yung phone ko.
Calling… Krysh <3
Shit! Ayaw ba akong tantanan ng babaeng ito? Pinatayan ko siya. Hindi ko pa naipapasok yung phone ko sa bulsa, may text na agad.
From: Krysh <3
Ethan. I tried to win you back. Pero ako nga siguro yung problema. Minahal kita ng sobra sobra at hindi ko man lang napansin na laro lang pala ang lahat. Mahal na mahal kita pero hindi iyon sapat para manatili pang maging tayo. Tama ka. Anung silbi kung ako lang ang nagmamahal diba? Pero, darating ang araw na maiisip mong mali ka. Hindi lahat ng bagay ay kaya mong gawin. Magsisisi ka. Sinisigurado ko iyon. Paalam.
Ako? Magsisisi? Yun ang malabong mangyari. Ano to? Magpapakamatay siya? Hindi naman siya tanga para gawin iyon. Aalis? Saan naman pupunta yun? Tss. Paawa effect niya lang to. Kaya kahit anong gawin niya, hindi ako babalik sa kanya.
Bumalik na ako sa loob at tinawagan si Josef para may kasama ako. Dumating din naman kaagad siya pero parang malungkot siya. Bahala na. Basta ako, magpapakasaya na dahil tapos ko na ang misyon ko. Sa wakas. Pagkatapos ng apat na buwan. Uminom ako ng uminom hanggang sa…..BLACKOUT.
Josef’s POV
Niyaya ako ni Ethan dito sa bar. Pinuntahan ko agad siya. Kanina pala, nakasalubong ako ni Krysh. Humihingi ng favor. Tulungan ko daw siyang pabalikin si Ethan sa kanya. So, natapos na pala ni Ethan ang misyon niya. Kaninang kausap ko si Krysh, hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Nakokonsyensiya na nga ako ngayon eh. Ngayon lang ako nakonsyensiya ng ganito. Sana, hindi nalang ako pumayag sa gusto ni Ethan.
Kryshll’s POV
Yun na pala ang huling text ko sa kanya. 9:00 na. 30 minutes nalang, flight ko na. Kasama ko ngayon sila Mama, Kuya, Jam, Shay, Mika at Chris.
Ethan, sobra mo akong nasaktan. Hinding hindi kita mapapatawad. Babalik ako. Pangako iyon. At kapag ako’y bumalik, humanda ka sa round two ng larong inumpisahan mo at sa larong iyon, pinapangako ko rin na ako ang magtatapos. Sa ngayon, aayusin ko muna ang sarili ko. Paalam.