Secret Nights [RATED SPG / CO...

By iamaivanreigh

17.4M 193K 20.9K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... More

Author's Note
Prologue
Secret Nights - 01
Secret Nights - 02
Secret Nights - 03
Secret Nights - 04
Secret Nights - 05
Secret Nights - 06
Secret Nights - 07
Secret Nights - 08
Secret Nights - 09
Secret Nights - 10
Secret Nights - 11
Secret Nights - 12
Secret Nights - 13
Secret Nights - 14
Secret Nights - 15
Secret Nights - 16
Secret Nights - 17
Secret Nights - 18
Secret Nights - 19
Secret Nights - 20
Secret Nights - 21
Secret Nights - 22
Secret Nights - 23
Secret Nights - 24
Secret Nights - 25
Secret Nights - 26
Secret Nights - 27
Secret Nights - 28
Secret Nights - 29
Secret Nights - C
Secret Nights - 30
Secret Nights - 31
Secret Nights - A
Secret Nights - 32
Secret Nights - 33
Secret Nights - 34
Secret Nights - 35
Secret Nights- A
Secret Nights - 36
Secret Nights - 37
Secret Nights - 38
Secret Nights - 38
Secret Nights - 39
Secret Nights - 40
Secret Nights - 41
Secret Nights - S
Secret Nights - 43
Secret Nights - 44
PASASALAMAT
Meet Zeke Anderson
Bonus Chapter

Secret Nights - 42

225K 2.9K 561
By iamaivanreigh

AMBER'S POV


Lubog na ang araw nang makarating ako sa VISCA. Dahil hindi naman ako nagpa-reserve ng room ay sa unit ni Zeke na muna ako tumuloy. Bukas ng umaga na lang ako kukuha ng separate room para naman hindi ako maka-istorbo kay Zeke.




Pagdating ko sa unit ni Zeke ay nagtaka ako nang makita kong nakapinid ang pinto. Nakailang katok na ako ay wala pa rin akong makitang palatandaan na may tao sa loob.




Biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko. "Zeke! Zeke, are you there?" tawag ko sa kanya mula sa labas. Pero wala talagang sumasagot. What happened to you, Zeke?




Kanina bago ako umalis ng Tacloban ay tumawag ako sa kanya para sabihing ngayon nga ang dating ko. At ang sabi niya ay hihintayin niya ako. Muli akong kumatok pero katahimikan pa rin ang sumagot sa akin. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Baka may masama nang nangyayari sa kanya.




Napapitlag ako nang biglang mag-ring ang phone na nasa bulsa ng suot kong skinny jeans. Halos pigilin ko ang hininga ko nang makita kong numero ni Zeke ang tumatawag.




"Nasaan ka? Anong nangyari sa 'yo? Kanina pa ako katok nang katok ditto sa harap ng apartment mo. Are you okay? Nasaan ka at pupuntahan—"




"Hey, hey, relax! I'm okay. I'm sorry if I got you worried. I'm at the beach. Iwanan mo na lang ang mga gamit mo sa loob ng unit ko. May susi sa ilalim ng doormat then sunod ka dito sa may gazebo. I'll wait for you, okay?"




Nakahinga ako nang maluwag nang marinig kong okay naman siya. In fact, his voice sounded lively and full of energy.




Kinuha ko ang susi sa ilalim ng doormat at saka ipinasok ang mga gamit ko sa loob. Bahagya ko ring sinuyod ng tingin ang hitsura ko sa pamamagitan ng malaking salamin na nasa isang sulok ng sala.




Halos wala akong makasalubong na tao habang naglalakad ako papunta sa gazebo na naging parte na ng mangilan-ngilang moments namin ni Zeke noon at ngayon.




Wala sa sariling nayakap ko ang sarili ko nan umihip ang malamig na hangin. At bahagya pa akong nagtaka nang makita kong may ilaw na nagmumula sa gazebo. Sa pagkakaalam ko ay walang ilaw ang parting iyon ng resort dahil bawal talagang tumambay doon tuwing gabi. Pumupuslit nga lang kami ni Zeke kung minsan para doon tumambay.




At habang palapit ako nang palapit ay may naririnig akong musika. At sa wakas ay narating ko rin ang gazebo. Literal na napanganga ako nang makita kong nakatayo si Zeke sa may bungad ng gazebo at matamang nakatitig sa 'kin habang bahagyang nakangiti.




Christmas lights na nakapalibot sa mga haligi ng gazebo ang tumatanglaw sa buong lugar na 'yon. Sa pinakagitna naman ay mayroong pabilog na mesa kung saan may nakapatong na vase na may iba't-ibang klase ng bulaklak. May mga pagkain din at wine na nakahanda.




The place was romantic. And my heart swelled just because of the thought of Zeke preparing all of this.




Lumapit siya sa 'kin dahil parang naipako na ako sa kinatatayuan ko. At doon ko lang napansin ang isang tangkay ng pulang rosas na nasa kamay niya.




"For you," sabi niya sabay abot ng bulaklak.




"Thanks," kiming ngumiti ako sa kanya.




Funny na ngayon pa ako nakaramdam ng pagkailang sa lalaking 'to gayong noong mas bata bata pa ako ay alam na niya ang kapilyahan ko. I guess, I just really changed.




Inalalayan niya akong maupo bago naman siya umupo sa isa pang upuan. This time ay nagbago na ang tugtog. The music started with an accompaniment hanggang sa magsimulang umawit ang isang malamyos na boses ng isang lalaki.



Sa hindi inaaasahang ♪♪♪

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito. ♪♪♪♪♪

Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo

Ibinubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ng pag-sinta. ♪♪♪♪♪



Napatingin ako kay Zeke nang maramdaman kong hinawakan niya ang isa kong kamay. "Kain na tayo? Puro mga paboritong pagkain mo ang niluto ko tonight."




Tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain habang patuloy pa rin na tumutugtog ang kantang Tadhana na kung hindi ako nagkakamali ay version ni Daniel Ombao.


Bakit di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sa'yo. ♪♪♪♪♪


Nang matapos ang kanta ay nag-request ako kay Zeke na i-play ulit 'yon. "It's actually one of my favourite OPM songs."




"Nice choice of song. It's actually my favorite too," nakangiting sabi ni Zeke habang inaayos niya ang settings ng phone niya na nakakabit naman sa isang speaker.




Ilang beses pang pumailanlang ang kantang Tadhana bago kami natapos kumain. Nang tapos na kaming kumain ay nagsalin si Zeke ng wine sa dalawang wineglass at inabot sa akin ang isa.




"I hope we can do this more often," ani Zeke na halos hindi na lubayan ang mukha ko.




"You seemed strange. Okay ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" paglilihis ko ng usapan.




"I'm fine. Stop worrying, Amber. I'm totally fine," nakangiting sagot niya habang pinipisil ang isa kong kamay.




Mayamaya ay tumayo si Zeke at hinila rin ako patayo. "Let's dance," aniya bago inilagay ang dalawa kong kamay sa balikat niya. Ang mga kamay naman niya ay dumapo sa bewang ko.




Its strange na hindi na kapareho ang naramramdaman ko noong una kaming magsayaw ni Zeke. There were no butterflies in my stomach and I wasn't feeling ecstatic or excited anymore.




Pero hindi ko na lang iyon ipinahalata sa kanya. We danced and danced and danced into the rhythm of my favorite song.




Pero lingid sa kaalaman nina Amber at Zeke, may taong lihim na nagmamasid sa kanilang dalawa kanina pa.




At kung lilingon lang sana si Amber, makikita niyang may isang tao na lihim na nasasaktan habang nagsasayaw sila ni Zeke na para bang silang dalawa lang ang nag e-exist sa buong mundo.






THIS STORY IS NOW PUBLISHED UNDER VIVA PSICOM FOR ONLY 150 PESOS. PLEASE DO GRAB A COPY. THANK YOU.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 17.1K 61
After a turbulent relationship between Angel and Dark in their past, everything went well for them both as a wedded couple. But the new chance for th...
1M 25.5K 28
(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerleading captain with a hottie boyfriend, A...
82.2K 1.5K 43
Jerk. That's how you will describe Steve Alex Gonzales 4 years ago. Nakukuha niya ang babaeng gusto niya in a blink of an eye. Pero mukhang mapaglaro...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...