Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Fifty-Three

24.2K 781 93
By Alesana_Marie

Chapter Fifty-Three

Nandito na ako sa concert. Kanina pa nag-umpisa ang program. May mga kumakanta at sumasayaw sa stage. Jingle Bell Rock. Mga nakasuot sila ng Christmas costume, mga naka-pula ang iba at ang iba naman ay mga mukhang elves. May fake na snow din ang bumabagsak mula sa itaas.

Nasa bandang gitna ako ng mga nanunuod. Hindi ko ginamit ang ticket na ibinigay ni Red sa'kin. Ewan ko ba.. Pero para kasing hindi tama kung gagamitin ko 'yon. Bumili nalang ako ng ticket ko. Ayoko rin kasing umupo sa tabi ng mga schoolmates ko.

Marami rin ang dumalo sa concert, karamihan mga babae. Hindi ko pa nakikita ang Lucky 13 mag-perform. Yung ibang fifth years lang ng Pendleton High ang nakikita ko sa stage.

"Ho Ho Ho! Merry Christmas!" sigaw ng ala-Santa Claus sa stage.

"SANTAAAA!!!" sigaw ng mga bata na nasa unahan.

Muntik nang magtakbuhan ang mga bata paakyat ng stage pinigilan lang ng mga madre. Nag-hagis nalang ng mga candies ang Santa Claus para sa mga bata. Mukhang tuwang-tuwa naman sila. Ang gandang tignan.

"Ang bait naman ng mga taga-Pendleton High!"

"Oo nga eh! Ang dami pang gwapo sa school na 'yun!"

"Sayang. All boys school sya. Sana next year magpapasok na rin sila ng mga babae!"

"Bakit? Papa-transfer ka ba?"

"OO!! Grabe pangarap ko makapasok dun! KYAAAAHH!!"

Usapan ng mga babae sa likod ko.

"Inaabangan ko ang performance ng Lucky 13!"

"Ang tagal nga 'no?"

"Baka hindi sila magpeperform?"

"Hindi pwede! Pumunta ako dito para sa kanila eeh!"

"Lahat naman daw ng fifth years magpaparticipate. Baka panghuli sila?"

"Oo nga."

Hinihintay din pala nila ang part ng Lucky 13? Namatay ang ilaw saglit. Unti-unting umilaw ang stage at may nakatayo na doon na limang lalaki. Speaking of the Devils. Kapag sila ang usapan, kaagad lilitaw. May mga instrument silang hawak. Mukhang tutugtog sila. Mukha silang isang banda. Lahat sila naka-white. Malayong malayo sa image nila bilang gangsters at palaging naka-black.

"KYAAAAAAAAA!!!!!!" napuno ng nakabibinging tilian ang buong stadium.

"Hello!" bati nung may hawak ng mic.

"ANG GWAPO MO!!!!!"

"WE LOVE YOU LUCKY 13!!!!!"

"KYAAAAAAAAHHHH!!!!"

"Nag-eenjoy ba kayo?" si Omi ang nasa mic.

"YEEEESSS!!!!!" sagot ng audience.

"Great! Well may tutugtugin kami. Warning though hindi kami kasing galing ng original."

"OKAY LAAANG!!! KYAAAAAAA!!!"

"This is a famous song. Sana magustuhan nyo!"

At nag-umpisa na silang tumugtog.

"Alam ko yan!"

"KYAAAAAAAAHHH!!!!" sigawan ang crowd at halos mamatay sa kilig

Nahimigan ko ang kanta bilang Feliz Navidad, rock version. Nakisabay sa kanta nila ang audience. Tinignan ko ang members ng band. Si Vin ang nasa lead guitar at second voice. Si Six ang nasa drums. Si Mond ang nasa base guitar. Si Pip ang nasa keyboard. Si Omi ang nakanta. Wala si TOP. Natapos ang number nila na may pasabog sa stage. Parang fireworks. Hiyawan parin ang mga audience. Namatay ulit ang mga ilaw katulad kanina. Kitang kita ang mga makukulay na light sticks na dala-dala ng mga audience. Nabuhay ulit ang ilaw sa stage at nakatayo roon ang dalawang lalaki. Naka-white shirt sila na fit at army pants with black boots. Para silang sundalo.

"SINA JUN AT SUN!!! KYAAAAAAAAHHHH!!!"

Naghiyawan na naman ang mga nanunuod. Sasayaw sila. Pinatugtog ang All She Knows ni Bruno Mars. Sinayaw nila 'yon. Ang galing nila. Mabagal ang steps nila na bibilis at muling babagal. Lahat ng galaw nila sinusundan ng mata ng mga audience. Parami ng parami ang nasayaw sa stage na tila isang flash mob. Yung iba naka-black army suit. Pero sina Jun at Sun lang ang part ng Lucky 13.

Somehow parang tinamaan ako sa kanta. Kaagad din naman natapos ang sayaw. Naghihiyawan parin ang mga tao.

"JUN!! SUN!! YOU SEXY BEASTS!!! KYAAAAAHHH!!!!"

"LUCKY 13!!!! WE WANT LUCKY 13!!!!!"

"HOT!! HOT!! HOT!!!"

"SARANGHAE OPPA!!!!"

Hindi na mapigilan ang mga hiyawan ng audience. Muling pinatay ang mga ilaw.

"Kyaaah! Mga Lucky 13 na ang nagpeperform!"

"Sino kaya ang susunod?"

"Sana sumunod na magperform yung leader nila! Si TOP!"

"Oo nga! Isang beses ko palang nakita 'yon eh. Mukhang masungit!"

"Hindi ah! Tahimik lang talaga 'yon! KYAAAH!! Ang gwapo nya no?"

"Oo! Pati si Red! Yung pula ang buhok?"

"KYAAAAAAHH!! Lahat naman sila gwapo eh!"

"Si Omi ang cute kanina!!"

"Basta ako si Kyo ang gusto ko!!"

"Go Seven! Sana si Seven na ang magperform!!"

"KYAAAAAAAHHH!!!"

Nakakabingi ang tilian nila. Kanina pa nakapatay ang mga ilaw. Dapat ngayon bukas na ang mga yan. Nagkaron kaya ng problema?

Limang minuto na ang lumipas pero wala parin nagbubukas ng ilaw sa stage. Nag-uumpisa nang mainip ang mga tao. Pagkaraan ng ilan pang minuto may narinig akong strum ng gitara.

May kumakanta na sa stage. All I want for Christmas ang title ng kanta. Binuksan lamang ang isang spotlight. Galing sa itaas ng stage ang spotlight at nakatutok mismo sa kumakanta, may nabuong shadow sa mukha nya. Hindi ko sya makilala. Nag-iisa lang sya sa stage. Nakasuot sya ng black shirt na pinatungan ng puting coat at may gitara na nakasabit sa kanyang balikat.

Ang lamig ng boses nya. and somewhat familiar. Sigurado akong part sya ng Lucky 13. Aside sa familiar ang boses nya...naka-white din sya.

"Sino kaya sya?"

"Naiiyak ako sa kanta nya."

"Ako nga rin eh. Naalala ko yung ex ko!"

"Bigla kong na-miss yung boyfriend ko."

"WAAAAAHHH!!!"

Kung sa mga naunang performance ay nagwawala ang mga audience... ngayon parang pigil nila ang mga hininga nila at nag-coconcentrate sa nakanta.

Ang iba ay nakikisabay na sa kanta. Ang iba winawagayway ang ilaw na hawak nila. Walang mag-aakala na kanina lang ay wild ang mga tao. Sino ba talaga ang kumakanta sa stage?

"Siguro brokenhearted din ang nakanta."

"Bakit naman?"

"Tagos sa'kin eh! It hurts you know! Kakabreak lang namin ni Kiko."

Pang-brokenhearted na kanta? Part ng Lucky 13? Naka-white. Pamilyar ang boses. Inaninag ko ang mukha nya. Ang dilim talaga! Bakit ayaw nilang ipakita ang mukha ng nakanta?! Namatay ang mga ilaw. Tapos na ang kanta. Hindi ko man lang nakita kung sino sya. Nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba sa kanila umiiyak pa.

"YOW!!" boomed a loud voice. Biglang lumiwanag ang buong stadium.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!" nakakabinging sigawan ng lahat.

Muling nagwala ang mga tao sa concert. May limang lalaki na nakatayo sa stage. Naka-white suit sila at may mga mic sa tapat nila.

"ARE YOU ENJOYING THE CONCERT?"

"YEEESSSS!!! KYAAAAAAAAHH!!!!"

"Wow! You guys are amazing!"

"RED!!! YOU SEXY BAST@RD!!!!!"

"I'll take that as a compliment Gorgeous!" Red answered with a wink.

Mas lalong naging wild ang mga tao.

"KYAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!"

Tumaas lalo ang tili nila. Nasa stage sina Seven, Jack, Red, Dos at Kyo.

"Are you ready to party?" tanong ni Kyo.

"KYAAAAAAHHH!!! KYO!!!! WE HEART YOU!!!!"

"How about me?" Jack pouted

"JAAAAAACKK!!!!! SARANGHE!!!!!"

"Haha!" tawa ni Seven.

"Wow," manghang sabi ni Dos sa crowd.

"WE F*CKIN LOVE YOU!! YOU SEXY BSTARDS!!!"

Tumawa silang lima.

"Okay. This song is dedicated to a very, VERY special girl—" naputol ang sinasabi ni Red.

"WHAT?!??!!! NOOO!!!!" umangal ang mga babaeng audience.

"MAY GIRLFRIEND KA NA NAMAN?!?!!"

"WHO'S THE B*TCH?!?!!!"

"HAHAHA!! No. Para 'to sa kaibigan namin. Sya dapat ang kakanta nito para sa mahal nya but he can't make it today. Kami na ngayon ang kakanta," paliwanag ni Red.

"KYAAAAAAAAAHHHH!!!!"

Nag-umpisa na ang tugtog. Kakanta talaga sila. Nag-umpisa si Red.

"KYAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!" tilian ng mga babae

"STATUE!!"

Nakisabay sila sa kanta pagkatapos. Hindi man Christmas song 'yon mukhang nagustuhan naman ng audience. Pinakinggan kong mabuti ang kanta. Lahat sila sa stage ay kumakanta, nagpapalit-palit sila kung sino ang susunod. Nagsasabay-sabay din sila.

"KYAAAAAAAHHHH!!!" nagsigawan sila nang magtapon ng mga white roses sina Red.

May mga sumabog na parang fireworks sa stage. Isang kanta na dedicated para sa mahal ng kaibigan nila? Posible kayang ako 'yon? Kung ganon... si Timothy ang dapat kakanta nito para sa'kin?

Natapos na ang kanta. Pero hindi ko narinig ang mga tilian nila. Iniisip ko ang kanta na 'yon nila Red. Hindi ba sya...nakarating dito? O sadyang hindi sya pumunta?

"Miracle. He's waiting for you," sabi ni Red sa mic. "And just like a statue, hihintayin ka nya ron kahit ano'ng mangyari."

Si Timothy ba ang tinutukoy nya? Pero saan ko sya hahanapin? Nandito ba sya? Tumayo na ako sa upuan ko. Hahanapin ko sya..

"Good evening everyone!" may bumati sa mic.

Napalingon ako sa nagsalita. Si Amarie. Naka-white dress at may gitara na hawak.

"This is a very special song. A very common Christmas song we all know it. So if you know the lyrics, sing with me, okay?"

Nag-respond sa kanya ang mga audience. Kumanta kasabay nya ang mga tao. Last Christmas ang kanta nya. Tumakbo na ako papunta sa backstage. Umikot pa ako para makarating roon. May humarang sa akin.

"Hindi po kayo pwedeng pumasok," sabi ng lalaki na nagbabantay.

"Pero—"

"Hindi po pwede Miss."

"Eesh!! Kilala ko po ang nasa stage ngayon."

"Narinig ko na 'yan."

"May VIP Pass ako!" dinukot ko sa bulsa yung pass at ipinakita sa kanya.

"Para sa seat yan. Wala kang backstage pass."

"Shit!"

Tumalikod na ako. Nasa loob kaya si Timothy?

"Hindi na ako magpipilit pumasok. Pero nasa loob ba si Timothy Odelle Pendleton?"

"Si Sir Pendleton. Hmm. Wala."

"Sigurado ka?"

"Oo. Hindi sya dumating kanina."

"Fine!" tumakbo nalang ako palabas ng stadium.

Saan kaya sya naghihintay? Si Red kasi eh! Hindi man lang sinabi kung saan! Sana man lang binigyan nya ako ng hint! Teka! Isipin mo nga Samantha! Baka naman alam mo kung saan, hindi mo lang matandaan! Saan nga ba sya madalas naghihintay?! Naman! Wala naman yata kaming tagpuan ng lalaking yun eh! Eesh! Saan?! Saan?! Nakalabas na ako sa stadium. May biglang humarang sakin. Tatlong anino ang nakita ko.

"Sino kayo?"

"SAMMY!!" Dinala nila ako sa gilid at pinaghahampas.

"Aray! Ano ba?!" awat ko sa kanila.

"Baliw kang babae ka! Ang tagal mong hindi nagpakita!"

"Oo nga! Ipinataboy mo pa kami sa mga maids mo!"

"Dapat sa'yo binibigyan ng one hundred times na hampas!!"

"Aray! Aray! Ahck! Masakit yan ha!!" Hinampas hampas pa nila ako. "CRAZY TRIOS!!! Tumigil na nga kayo!!" sigaw ko sa kanila.

"Halaaa... Pano nya tayo nakilala?"

"Aba malay ko. Ang dilim na nga dito oh."

"Baka may night vision sya?"

"Mga sira! Tanda ko pa mga boses nyo!" sigaw ko.

"Uhh. Hi Sammy!" kumapit sa braso ko si Michie.

"Gusto ka lang naman namin kamustahin eh.." si China, kumapit sa kabilang braso ko.

"Oo nga. Ang tagal kasi namin walang balita sa'yo" Maggie, yumakap sa'kin.

"Naman eh! May hinahabol ako, pwede mamaya nyo na ako kamustahin?!" sabi ko.

"Ang taray!"

"Sino ba ang hinahabol mo?"

"Si TOP!! Hindi ko sya makita!" sagot ko.

"ANO?!!" sigaw nila

"Bakit ganyan kayo maka-react?"

"Wala naman. Gusto lang namin.."

"Sammy nakausap nga pala namin si JG noong isang araw. Sinabi nya sa amin ang nangyari sa inyong tatlo ni Red.."

"Ang gulo nga eh. Love triangle kayo?"

"Si Gabby? Nakausap nyo?" tanong ko.

"Hmm!" tumango si Michie.

"Nakasalubong kasi namin sya sa airport. Papunta yata sya sa Palawan. Kasama nya ang family nya."

"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Doon sila mag-papasko," bulong ko.

"May pinapasabi nga pala sya sayo Sammy."

"Ano?"

"Binitawan ka raw nya dahil alam nyang mahal mo si TOP. Pero kung mapupunta ka kay Red dela Cruz na 'yon.."

"Ano? Ano raw?" tanong ko.

"Gagawa daw sya ng paraan para mabawi ka.. At hindi ka na nya ulit ipapamigay sa iba.."

"Eh? Si Gabby talaga." (>__<)

"Oh sige na.. Tumakbo ka na Sammy!"

"Oo nga! Hanapin mo na ang Prince Charming mo!"

"Hindi sya Prince. Isa syang gangster!" pagtatama ko.

"Ang corny nyo!"

"Sige! Bitawan nyo na ako! Aalis na ako! Stupid gangster! Iniwan ang damsel in distress nya!"

Niyakap nila ako.

"Merry Christmas Sammy!" bati nilang tatlo sa akin.

"Merry Christmas din sa inyo."

"Heto oh! Tanggapin mo gift namin!"

Inabot nila sakin ang isang...

"Ito ay..." tinignan ko ang nasa kamay ko.

"Bilis Sammy!"

"Takbo ka na Samantha!"

"Hanapin mo na ang gangster mo!"

Itinulak nila ako.

"OKAY!!" tumakbo na ako.

"RUN SAMMY! RUUUN!! GOODLUCK!!"

"SALAMAT!!!"

Tumakbo na ako palayo sa stadium. Pupuntahan ko lahat ng lugar na napuntahan namin ni TOP. Baka sakaling makita ko sya sa mga lugar na 'yon. Una kong pinuntahan ang bahay namin ng Crazy Trios. Baka naghihintay sya roon. Naalala ko pa ang pagpunta nya sa bahay na 'to nang nakainom at mainit ang ulo. May pasa pa sya sa mukha non at mukhang galing lang sa pakikipag-away. Pumunta sya para sabihin na kailangan kong sagutin lahat ng tawag nya dahil kung hindi...lagot ako sa kanya.

"Dont get caught."

'Yon ang huling salita nya bago nagpaalam at umalis. Little did I know...galing sya sa pag-rescue 'non kay Audrey sa pag-aakalang ako ang nakidnap.

"TIMOTHY! NANDITO KA BA?!"

Dito rin naganap ang First Kiss namin. Ang unang Sorry nya. Ang Confession nya. Dito rin sa tapat ng bahay ko sya sinagot. Dito rin nya ginawa ang kakaibang rule.

"One slap, one kiss"

Tumingin ako sa paligid.

"TIMOTHY!!!"

Wala sya. Tumakbo ako sa next destination. Ang Park. Malayo rin ang tinakbo ko papunta sa park. Sa park. Ang tagal kong hindi nakapunta dito. Dito kami naglaro ni Timothy ng habulan noon. Pinapanood kami ng mga tao dahil sa puno kami ng ice cream sa mukha at dahil nagbasaan kami sa fountain.

"TIMOTHY!! TIMOTHY!!" Tumingin ako sa park na ngayon ay nababalot ng Christmas Lights.

'So we're friends now right?' 'Yon ang tanong nya sa'kin matapos namin magpatuyo sa bench.

Naging Official Friends kami.

'Ah shit! Forget it!' Huling punta namin dito. Nagalit sya sa'kin dahil hindi ko ma-gets ang gusto nya.

'Kisspirin at Yakapsule.' 'Yon pala ang hinihingi nya sa'kin. One last look sa paligid bago ako umalis. Saan kaya ang susunod? Tumakbo ako papuntang Pendleton High. Baka sakaling nandito sya.

'Stupid Barbie Doll!!!' Sinigawan nya ako nang madapa ako dahil hinabol ko sya noon. Matapos nya akong sigawan, tinulungan nya akong tumayo. Nagkagalit kami. Ah. Hindi. Sya pala ang nagalit sa'kin dahil may nasabi akong hindi maganda. Pumunta ako para mag-sorry sa nasabi ko sa kanya.

'Fine. I'll play along with your game' ang sagot nya sa'kin nang yayain ko syang lumabas. Akala nya niloloko ko sya. Hindi sya naniwala dahil ako mismo ang nagtataboy sa kanya noon.

"TIMOTHY!!! NANDITO KA BA?!!!" Naka-lock ang gate. Walang tao sa paligid. Pagod na ako sa pagtakbo. Umupo muna ako sa may gate. "Nasaan ka ba kasi?"

Tumingin ako sa relo ko. Thirty minutes nalang. Ilang minuto nalang at pasko na. Saan ka ba naghihintay? Kailangan ko na syang mahanap ngayon. Dahil bukas...aalis na kami. At hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Nasaan kaya sya? Tinignan ko ang regalo sa'kin ng Crazy Trios. Sa lahat ba naman ng ibibigay? Tumayo na ulit ako.

Kailangan kong magamit ang iniregalo nila sa'kin kay Timothy. Kailangan ko syang mahanap kahit ano'ng mangyari. Kailangan hindi masayang itong regalo ng Crazy Trios.

Saan ba? Tumakbo lang ako kung saan-saan. Sa cafe. Sa Sweets House. Hindi ko sya makita sa mga lugar na pinuntahan namin. Tumigil muna ako. Ang sakit na ng paa ko. At sobrang hinihingal na rin ako. Saan ba talaga. Tumunog yung cellphone ko.

"Hello?"

[Yow! Samantha! Magkasama na ba kayo?]

"Red! Hindi ko sya makita!"

[Ano?! Bakit?]

"SAAN BA TALAGA SYA NAGHIHINTAY?!!"

[Ow! Ano ba Samantha? Saan ba sya madalas naghihintay sa'yo eh di sa—] Huh?

"HELLO?! RED?!"

Tinignan ko ang cellphone ko. WATDAHEK?!! LOWBAT!! ANAK NG TINOLANG MANOK!!!

"ARGGGGHHHH!!!!"

Naibato ko ang cellphone ko sa malayo. Walang kwentang cellphone!! Umupo muna ako. Nasaan nga ba sya? Ano ba ang lugar na madalas nyang paghintayan sakin? Minasahe ko ang ulo ko. Saan? Saan ba ako madalas pumunta? Isip. Isip. Ah!

"GOSH SAMANTHA!! STUPID MO TALAGA!!" Tumayo na ako at muling tumakbo.

This time. Sure na ako na nandon sya. Ang stupid ko talaga. Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon?! Malapit na ako sa lugar na 'yon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Palapit nang palapit sa kanya.

"Timothy..." tumigil ako nang may makita akong anino.

Nakasandal sya sa gate ng St Celestine High. Nakatingin sa mga fireworks. Lumakad na ako. Twelve-oh-eight na. Nahuli ako ng eight minutes.

"Merry Christmas," bati ko sa kanya nang makalapit na ako.

Tumingin sya sa'kin. Hindi ko mabasa ang mukha nya. Masyadong madilim. Ngumiti ako at mas lumapit sa kanya. Binuksan ko ang palad ko at ipinakita sa kanya ang laman. Iyon ang regalo sa'kin ng Crazy Trios.

"Happy Birthday Timothy." Isinabit ko sa itaas ng gate ang mistletoe. "Ang sabi nila.. kailangan mo raw halikan ang taong kasama mo under the mistletoe. Pano ba 'yan Timothy? Tayong dalawa lang ang nandito."

Hindi parin sya nagsasalita. Pero nakatingin sya sa'kin. Ito na 'yon. Huminga ako nang malalim.

"Can I kiss you?" tanong ko.

Hindi sya kumibo.. Hindi sya sumagot.. Hindi sya gumalaw.. Tinitigan ko sya.. Hoping na pumayag sya. Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. Lumapit ang mukha nya sa'kin. At lumapat ang labi nya sa labi ko. Hinalikan nya ako. Hinahalikan nya ako.

Dahil sa nagulat ako hindi kaagad ako nakagalaw. Siguro napansin nya.. kaya naman tumigil sya at aktong lalayo na. Itinaas ko ang mga kamay ko at hinila ang mukha nya para hindi sya makalayo. Hinalikan ko sya. Naramdaman ko syang ngumiti at hinalikan nya ako pabalik. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg nya. Nagtip-toe pa ako para mas magkalapit kami. Niyakap nya ako sa waist. Ilang minuto din kami sa ganoong sitwasyon. Paingay nang paingay ang paligid.

Marami nang fireworks sa langit. Nang tumigil kami ni Timothy, nanatili kaming magkalapit. Wala ni isa sa amin ang gustong humiwalay. Huminga ako ng malalim at niyakap ko sya. Hinaplos nya ang buhok ko.

"Merry Christmas Miracle," he kissed my forehead.

Tinignan ko ang mukha nya. "I missed you Timothy."

"Yeah me too. Miracle, why didn't you tell me?

"Tell you what?"

"Red told me everything."

"I'm sorry," I murmured. Tinignan ko sya sa mukha. Nakatingin lang din sya sa'kin. "I thought it would be better kung magalit ka nalang sa akin. Mas madali mo akong makakalimutan. And I'm sorry ulit..."

"No don't, please." Huminga sya nang malalim. "You're leaving me again, aren't you?" mahinang tanong nya.

Niyakap ko ulit sya at tumango. Niyakap nya ako nang mas mahigpit.

"You're not coming back?"

"I'll come back. I promise." A tear fell from my eyes.

"Don't try too hard to keep that promise Miracle. I understand if you—" Di ko sya pinatapos sa sinasabi nya.

"Statue?" ngumiti ako sa kanya. "Really Timothy? Kakantahan mo ako dapat ng Statue?"

"That was the plan," bulong nya.

"Bakit kahit sa kanta ang liit ng tingin mo sa sarili mo Timothy? Bakit ang taas ng tingin mo sa isang katulad ko? Bakit ang dali para sa'yo na isipin na kaya kitang iwan?"

"I don't know."

"Ang dali mong maniwala sa kasinungalingan Timothy, pero mahirap para sa'yo na tanggapin ang totoo. Hindi kita kayang iwan nang matagal. Kahit ano'ng paghihiwalay natin, bumabalik parin ako sa'yo. Babalik parin ako sa'yo."

He stared at me. Love and hope filled his eyes. He nodded.

"Aalis lang ako sandali pero babalik ulit ako. Babalik ako Timothy," sincere na sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. Babalikan ko sya kahit na ano'ng mangyari.

Tumango sya at tipid na ngumiti bago ako yakapin nang mahigpit. "I will be waiting then."

Continue Reading

You'll Also Like

753K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
5.2K 1.1K 32
Gaia Allegre is an BSEd-English student who is cage by her parents words. She always follow the rules even if it's already crossing the line of her p...
223K 9.1K 11
A short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...