Chapter Forty

23.3K 857 155
                                    

Chapter Forty

Crazy Trios and Anya Marie

Mga nakadikit ang tenga sa saradong pinto ng basement. Pilit na pinakikinggan ang nangyayari sa loob.

"Ooohh.. Mukhang nagkaayos na silang dalawa." - Michie

"Oo nga." - China

"Pero bakit sumisigaw si Oppa ng OW?" - Amarie

"Siguro niyakap sya ni Sammy nang mahigpit kaya ganon." - Michie *O*

"Malabo yan.." - Maggie >__>

"Whatever! Hindi na natin concern yan, ang mahalaga we did our job well. Bahala na sila. Congratulations sa atin! Job well done! Mwahahaha!" - China

"So ano na ngayon gagawin natin?" - Michie

"Eh di mag-PARTY PARTY! WOOHH!" - Maggie

"Party! Yehey! Gusto ko yan!" - Amarie

"Magpakasaya na tayo dahil after this siguradong matitikman natin ang ganti ni Sam." – China.

Kinilabutan silang apat. Sigurado silang may parusa sila galing kay Samantha.

"Uy! Ano ba yung itinurok nyo kay TOP? Mukhang effective!" - Maggie

"Ah! Yun ba? Pampatulog at pampatigil ng paghinga nang three to five minutes." - Amarie

"Saan mo nakuha yun?" - China

"Dinevelop ng isa sa mga doctors sa hospital namin sa France. Actually pang-animals lang yun eh pero hayaan nyo na.. Hahaha!" - Amarie

"Animals? Wala naman sigurong side effects 'yun diba?" - China

"Para saan naman kaya yun?" - Michie

"Di ko alam. Para yata sa hormones para sa mating season ng mga animals na ayaw makipag-mate.." - Amarie v(^____^)v

"Hormones?" - Maggie

"Mating?" - China

"Ibig sabihin?" - Michie

"LAGOOOOTT!!!" - Crazy Trios

"Huh?" - Amarie o__0?

"Baka paglabas nila dyan, tatlo na sila.." - China

"Oo nga.." - Maggie

"Sammy! AJA!" - Michie

"Huh?" - Amarie


MIRACLE SAMANTHA PEREZ

Kaasar. Nauto ako dun ah! Lechugas! Tumayo ako at pumunta sa pinto. Naka-lock! Aba't! Bakit naka-lock ang pinto?! Sino ang nag-lock?! CRAZY TRIOS!! o(>O<)o

"HOY!! BUKSAN NYO NGA ITONG PINTO!!" kinalampag ko ang pinto.

*BLAG!BLAG!BLAG!*

"CRAZY TRIOS!!! BUKSAN NYO 'TO SABI EH!! HINDI NA KAYO NAKAKATUWA HA!! HOY!!"

*BLAG!BLAG!BLAG!*

"UGH!!" sinipa ko nang sinipa ang pinto. "HUMANDA KAYONG APAT SA'KIN KAPAG NAKALABAS AKO DITO!!!!"

"Ang ingay mo. Sumasakit ang ulo ko." -___-

Napalingon ako dun sa kumag na kasama ko rito sa basement. Nakaupo sya sa sahig at nakasandal sa pader habang minamasahe ang ulo nya. Tumibok na naman nang mabilis ang puso ko. Kakainis! Bakit ba kasi patay na patay ako sa gangster na 'to?!

"So? Paki ko? Buti nga sa'yo," sagot ko sabay irap.

"Wala akong sinabing may pakialam ka," umiling sya.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon