Chapter Twenty-Three

177K 2.6K 751
                                    

Chapter Twenty-Three

"KYAAAHH!!" cheer ng crowd.

Nakakagulat naman ang mga babaeng ito. Masyado kung makatili. Sino ba yung tinitilian nila?

Pagtingin ko, si JG, kumakanta ng Ordinary Song habang nakatingin sya sa'kin. Alam kong sa akin niya kinakanta 'yon. Isa 'yon sa mga paborito kong kanta. Ang ganda ng boses nya. Kahit natatakpan ng hood ang mukha nya at hindi siya nakikilala ng tao marami parin ang nag-chi-cheer sa kanya. Kahit sino siguro mai-inlove sa kanya, sa boses pa lang.

Ako kaya? In-love parin kaya ako sa kanya? Katulad noon?

Nung bata pa ako, si Gabby na ang ideal Prince Charming ko. Mabait sya, gwapo at inaalagaan ako. Sa tuwing pinapangarap ko na ako si Cinderella o si Snow White, sya palagi ang Prince. Bukod kay Kuya Lee, kay Gabby lang ako komportable. Hindi ako close sa ibang lalaki.

Naaalala ko pa nung elementary. Palagi nya akong ipinapasan sa likod nya sa tuwing napapagod ako sa paglalakad. At yung time na nabugbog sya dahil pinilit nyang bawiin ang crayons ko mula sa mga bullies sa school, na binugbog naman ni Kuya Lee nang malaman nya ang nangyari.

Habang pinapanuod ko syang kumanta ngayon, bumabalik ang lahat ng ala-ala namin nung mga bata pa kami. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda.

Iniisip ko, ano kayang magiging sagot ko sa kanya kung hindi ko nakilala si TOP? Naging kami kaya ni Gabbie? Paano kung kami pala ni Gabby ang para sa isat-isa? Itinadhana? Kung ganon bakit dumating si TOP?

Ano nga ba ang meron si TOP na wala kay Gabby? Bakit sya ang pinili ko? Mas matagal kong kakilala si Gabby pero kay TOP ako nahulog. Ano nga kaya? Bakit mahal ko si TOP? Mahal ko ba si Gabby? Oo. Mahal ko din sya. Pero mas mahal ko si TOP.

Haay.. Samantha. Ang gulo naman. Bakit ko ba iniisip 'to?

Natapos ang kanta ni Gabbie at sobrang dami ng nag-cheer para sa kanya. Ang galing talaga nyang kumanta. Ang dami na kaagad ng fans nya. Kung alam lang ng mga nanunuod na ang sikat na si John Gabriel Sy 'yan siguradong riot to!

"KYAAAH! Ang galing nya!"

"Kaboses nya si JG my loves!"

"Oo nga! Iniisip ko pa naman kanina kung sino yung kaboses nya! Si JG nga pala!"

"Umuwi na sya dito di'ba?"

"Oo girl, tapos na ung world tour nila"

"Haay... Sana makita ko sya sa personal!"

Ay, kung alam mo lang, nakita mo na sya sa personal, naka-disguise nga lang.

"Nasa back stage na yung JG look-alike! Tara papicture tayo!"

"KYAAH! Oo nga!"

"Let's go!"

Hala. Lagot na! Si JG. Tumayo ako para habulin ang fans ni JG. Pero tumama ako sa isang pader. Mali! Tao pala, pagtingala ko. Si TOP. A very angry looking TOP.

Baka naman namamalikmata lang ako. Ano naman ang gagawin ni TOP dito eh nasa practice sya kasama ang buong Lucky 13?

Tinignan ko ulit nang mabuti yung lalaki na nakabunggo ko. Matangkad. Hmmm... Mabango! Gwapo! AT NANLILISIK ANG MGA MATA! Si TOP nga! Ano'ng ginagawa ni TOP dito?!!

Lagot! Hayan na naman ang kanyang dark aura. Kakapangilabot na pwersa. Pakiramdam ko biglang dumilim ang paligid at nabalot ng kadiliman ang buong mall. Waaaahh!

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon