Chapter Forty-Six

20.2K 680 20
                                    

Chapter Forty-Six

Pagkababa ko ng telepono tumakbo na kaagad ako palabas ng bahay. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa condo ni TOP. Ano namang ka-gaguhan ang ginawa ni Timothy?! Suicide? SUICIDE?!! Hindi ko naisip na gagawin nya 'yon! Kasalanan ko 'to! KASALANAN KO! Pagkatigil ng sasakyan sa tapat ng condominium, tumakbo agad ako at pumasok sa building. Sana hindi pa huli.

"Tatlong araw na syang nagkukulong sa kwarto nya. Hindi pa sya kumakain at puro alcohol lang ang iniinom nya," paliwanag ni Sweety nang tanungin ko ang nangyari.

"Yung duplicate key?"

"H-Huh? Kinuha nya eh, alam kasi nya na makikialam kami."

Kumatok ako sa pinto ng kwarto nya.

"Timothy?" tawag ko.

"Sis, may kukunin lang ako ha?" umalis si Sweety.

Kumatok ulit ako. Bakit hindi nya binubuksan? Hindi kaya?

"TIMOTHY!!"

Kinakabahan na ako.

"TIMOTHY!! TIMOTHY!!" idinikit ko ang tenga ko sa pinto. Pinapakinggan ko kung may ingay. Tahimik. "TIMOTHY! BUKSAN MO 'TO!! TIMOTHY!!"

Kinatok ko at sinipa ang pinto. Baka sakaling bumukas. Ano ba ang nangyari?

"I'm fine Sweety! I am f*cking fine!" sagot nya mula sa loob.

Oh thank God! He's alive!!

"TIMOTHY!! BUKSAN MO 'TO SABI!!"

"I'm not going to kill myself! I'm fine!"

"TIMOTHY!! OPEN THE DOOR!!"

"F*CK IT! I SAID I'M F*CKING OKAY! GO AWAY!"

Sinipa ko ang pinto nang paulit-ulit. Ayaw parin nyang buksan. Tumigil na ako. Sumandal muna ako sa pinto. Napagod ako kakasipa sa pintong 'to ha! Ang sakit sa paa. Huminga ako nang malalim. Ano ba 'tong nagawa ko? GAH! Kasalanan ko!

"Timothy! Please open the door now!" sabi ko sa nakasaradong pinto. "Timothy!"

Wala akong narinig na sagot. Biglang bumukas yung pinto at muntik na akong bumagsak sa sahig. Sinalo nya ako. Hawak nya ako sa magkabilang balikat at hinarap nya ako sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nya, bahagyang namumula na parang kulang sa tulog. Gulo ang buhok nya. Amoy alak sya.

"I told you to leave me the f*ck alone!" his voice was hoarse. "Why can't you just leave me alone?" pabulong na tanong nya.

Parang scratchy ang boses nya, tipo na medyo paos kakasigaw. He is absolutely, no doubt, drunk. Tinignan nya sandali ang mukha ko. Itinulak nya ako palayo at isinarado nya ang pinto sa mukha ko.

"T-Timothy."

*CRASH!*

May tunog na parang nabasag na bote sa loob ng kwarto.

"F*ck!" narinig kong sabi nya.

*BLAG!*

"TIMOTHY!!" Kinatok ko ulit yung pinto. "HUBBY!! HUBBY!!"

Sinipa ko yung pinto. Sinipa ko nang sinipa nang sinipa nang sinipa—

"DAMMIT!!" he hissed.

Bumukas bigla ang pinto at nasipa ko sya nang di sinasadya.

"HUBBY!! SORRY!!" napatakip ako ng bibig.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon