Chapter Four

396K 4.4K 597
                                    

Chapter Four

Lumabas ako ng campus nang bandang tanghali na. Napag-utusan kasi ako ng isa sa mga instructors na magpa-photocopy sa labas dahil nasira ang photocopier ng school. Syempre bilang isang mabait na estudyante pumayag ako, may extra points din kasi. Sa tapat lang naman ng school ang shop eh. Hohoho! Extra points! Extra points! ('-').。oO

"Miss!" may tumawag sa akin.

Agad akong napalingon. Nakita ko ang tatlong lalaki na naka-uniporme. Taga Charleston Academy sila base sa seal ng blue coat nila. Lumapit silang tatlo sa akin. Malapit lang sila sa height ko, mga mukhang mas bata kaysa sa akin.

"Sa St Celestine ka ba nag-aaral?" tanong ng isa sa kanila na may band-aid sa ilong.

"Oo."

"Kung ganon kilala mo naman siguro kung sino ang girlfriend ni TOP sa school mo?" usisa ng isa pa sa kanila na may malaking mata.

"Bakit?" tanong ko. Medyo umatras ako mula sa kanila. "Ano ang kailangan nyo sa kanya?"

"Kung ganon kilala mo nga sya?" tanong ng lalaking kalbo.

"Anak ng tinapa! Sikat talaga kahit saan ang gagong 'yon ah," sabi ni totoy band-aid sa mga kasama nya.

"Ate, hindi ka namin sasaktan kung sasabihin mo sa'min kung sino ang girlfriend ni TOP," sabi ni momoja na malaki ang mata.

"S-Sasaktan nyo ako?" di makapaniwalang tanong ko. Tinignan ko silang tatlo. Mga payat naman sila, mukhang mahihina at lampa. Marunong naman ako ng self defense, kaya ko sila.

"Hindi, masyado kang maganda eh," sabi ni totoy band-aid.

"Tumahimik ka nga dyan. Malalagot tayo kay boss kapag di natin nahanap yung babae. Baka di tayo makapasok sa gang nila," kontra ni totoy kalbo.

"Gang? Ang bata nyo pa ah." Nainis ako bigla. Mga lalaki talaga.

"Sabihin mo na ate, sino ang girlfriend ng TOP na 'yon?" kulit sa akin ni totoy mata.

Tinignan ko silang tatlo nang mabuti. Mukha talaga silang mahina. Patulan ko kaya? Hmm. Hwag nalang pala. Pero sino ba sa mga girlfriends ni TOP ang hanap nila? Ako o si Audrey? Hindi naman kasi dito napasok si Hershey eh.

"Si Audrey siguro ang sinasabi nyo. Kaklase ko sya."

"Ano'ng hitsura nya?" interesadong tanong ni totoy mata. Mas lumaki tuloy mata nya.

"Pangit."

Nagkatinginan silang tatlo.

"Sigurado ka ate?" tanong ni totoy band-aid.

"Nerd si Audrey, nakasuot sya ng salamin sa mata. Kapag nakakita kayo ng babaeng nakasalamin, may Gucci na bag at maraming kasamang babae, sya na 'yon," sabi ko bago ko sila iwan na nakatayo roon.

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon. Siguro dahil naiinis ako kina TOP at Audrey? Plano ba nila na isahan ako? Magkakilala pala silang dalawa, ang karibal ko at ang lalaking sinusumpa ko ay nag-sama. Bahala sila sa buhay nila.

***

"I will hit you..." ang mga unang salita na lumabas sa bibig ni TOP matapos ko syang labasin.

Alas tres ng madaling araw nang bigla nalang syang tumawag at pinuntahan ako sa bahay ko. Naiinis ako dahil naistorbo ang panaginip ko kasama si Lee Minho. Malapit ko na syang mahalikan eh! Sayang 'yun! First kiss ko dapat sya! Kasalanan ng gangster na 'to! (=__=)+

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon