Chapter Thirty-Five

21.5K 709 65
                                    

Chapter Thirty-Five

One word. Three syllables. Ang lugar na hindi ko pa napupuntahan kahit kailan. Ang lugar na tambayan ng Crazy Trios. DE-TEN-TION. Ang sakit pa ng mga sugat ko. Kumikirot. Ang hapdi! Bakit nga ba ako nandito ngayon?

"This is all your fault," Audrey hissed behind me.

"Shut up Audrey," napangiwi ako sa sakit. "Hindi ako ang nanugod na parang tigre na nakawala sa zoo."

Yung labi ko nagkaron ng cut. Ang sakit ng buong katawan ko. Milagro kung paano ako nakarating dito gamit ang mga paa ko. Ang sakit ng pisngi ko. Mas masakit manampal si Audrey kaysa manuntok.

"Stupid.. Stupid.. Stupid girl," sinipa nya yung upuan ko.

"Ms Dela Cruz, lumipat ka ng upuan. Dito sa unahan," sabi ng nagbabantay sa'min.

"Shit," Audrey cussed while standing up.

She cussed?! AUDREY DELA CRUZ CUSSED?!!

"What? Don't look at me like that Samantha. I can cuss whenever and wherever the hell I want. I'm NOT like you. I'm NOT a pretender."

"No talking!" saway samin.

Nakaupo na sya ngayon three seats away from me.

"For three hours, dito lang kayo. Bawal lumabas at bawal mag-usap. You will write what's written in the whiteboard. St Celestine High's Rules and Regulations. I want you to make fifty copies of it. Understood?"

"WHAT?!!" sigaw ni Audrey.

Kung hindi lang masakit ang bibig ko ngayon siguro napasigaw na rin ako. Fifty copies? Gaaahhdd! Dito na yata kami tatanda. (__.___")

"Any problem with that Ms Dela Cruz?"

"YES!! Why do I need to write the freakin R&R?! I memorized it since my day one in this school!" she shrieked.

"You memorized it, yes I know. Did you follow it? No and I'm very aware of that. That's why you're here."

"BUT THIS IS RIDICULOUS!! FIFTY FREAKIN COPIES?!!"

"AND SILENCE! This is DETENTION! That means you don't have any right to complain. Now do as I say before I make it a hundred! Grab your pen and start writing! NOW!"

"Eff!" Audrey huffed and started writing.

I did the same thing. Nakakatakot pala dito sa Detention. Paano kaya nakakabalik-balik dito yung tatlo?

***

After thirty minutes. Patuloy lang kami sa pagsusulat. Lihim akong nagpapasalamat at hindi nila pinapunta rito ang parents ko. Tick-Tock. Walang ibang tunog na maririnig kundi ang orasan. Tick-Tock. Ang tagal naman. Sinilip ko ang ginagawa ni Audrey. 0___0 Natutulog?! Natulog?! WHAT?! Tinignan ko yung nagbabantay sa'min. WHAT?! Nasaan na yun? Bakit biglang nawala? Iniwan nalang kami nang basta dito?!

"Eff! I'm starving!" biglang sabi ni Audrey.

Tumayo sya sa upuan at lumapit sa pinto. Pinihit nya yung knob.

"Shit. You've gotta be kidding me," sinipa nya yung pinto. "That bitch!"

Bakit ba ganito umasal si Audrey? Ganito ba sya talaga? Ako lang ba ang hindi nakakapansin? Kung sabagay kasi hindi ko naman talaga sya masyadong pinapansin. Napapansin ko lang sya kapag inaaway nya ako. Pero as much as possible talagang lumalayo ako sa kanya. Iba kasi ang tingin nya sa'kin minsan, parang alam nya kung sino talaga ako. Yung totoong ako. At tama nga ako, kilala nga nya ako.

"Eew! You're ugly," sabi ni Audrey sa'kin.

"Ganda mo?"

"Kumpara sa mukha mo ngayon? Sobra!"

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon