Chapter Thirty-Nine

20.4K 806 121
                                    

Chapter Thirty-Nine

"SAMMY!! GISING!!"

May yumugyog sa'kin. Nainis ako. Bakit ba nila ako ginigising? Hindi pa naman tumutunog ang alarm clock ko? Pinaglaruan na naman ba ni Michie kaya hindi tumunog?

"OH MY GOSH!! WHAT DO WE DO?!!"

GAHD! Ano ba?!

"STAY CALM!! TUMAWAG TAYO SA HOSPITAL!!"

"ANG INGAY NAMAN EH!! ANO BA?!" sigaw ko sabay alis ng kumot.

Ang liwanag na. Late na ako?!

"Sammy! May nangyari!" nagpapanic na sabi ni Michie.

"A-Ano?" tanong ko na nag-aalala. Ano'ng nangyari? Napatingin ako sa bintana, madilim pa naman. May kuryente na pala. Mabuti nalang bumalik na.

"Si TOP nak—"

Nairita ako bigla nang marinig ang pangalan nya. "WALA AKONG PAKIALAM!! MAG-SAMA SILA NI AMARIE!! SHIT!!" humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot.

"SAMMY!! BAKIT BA GALIT NA GALIT KA?! HWAG KA NGANG BITTER!!" sigaw ni Maggie sa akin.

"Oo nga!" sangayon ni China.

"Sa mga oras na 'to hindi dapat ito ang issue!"

"Wow Michie, matured ang line mo?"

"Napanood ko sa TV. Ang saya magkaron ng matured na lines!"

"Umalis na nga kayo Crazy Trios!" sigaw ko.

"Hindi kami aalis hanggat di ka bumabangon dyan!"

"AYOKO NGA!!" sigaw ko.

"Haay! Naiinis na ako sa'yo ah! Bakit ba ayaw mo?!"

"Ayoko makita si Timothy at Amarie!"

"Bakeeet?"

"Alam namin kung bakit ka galit kay TOP, pero kay Amarie?"

"I hate him! I hate her! I hate them!"

"Sam, friend natin si Amarie!"

Tinanggal ko ang talukbong ko at umupo.

"May tanong ako. Kayo ba ide-date nyo ba ang ex ng kaibigan nyo?"

"Huh? Ako hindi!" taas ang kamay na sagot ni Michie.

"Na uh!" iling ni Maggie.

"Para mo narin sinabi na kainin ko yung candy na iniluwa ng iba, syempre hindi," paliwanag ni China.

"Kita nyo?" sabay role ng mata.

"Pero bakit ka galit kay Amarie?"

"Dahil nagde-date sila!" sigaw ko. Ang slow naman ng mga ito!

"ANO?!" reaksyon nilang tatlo.

"Ang SLOW nyo!"

"WEH? DI NGA?" sabay sabay ulit na sabi nila.

"EWAN KO SA INYO!!" humiga ulit ako ang nagtakip ng kumot.

Wala na akong pakialam sa kanya. Wala na akong pakialam sa kanya. WALA! WALA! WALA! Kahit tamaan sya ng kidlat, WALA NA TALAGA!!

"MGA UNNIE ANG TAGAL NYO!! TUMAWAG NA BA KAYO NG AMBULANSYA?!"

"NAKU!"

"HUMIHINGA NA BA SYA?!"

"HINDI PA RIN UNNIE! PATAY NA PO BA SYA?!" malakas na hagulhol ni Amarie.

Ang ingay naman! Ano'ng patay? Bukas ang ilaw ah.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon