Chapter Thirty-One

25.5K 810 118
                                    

Chapter Thirty-One

JARED DELA CRUZ

"Ano'ng plano mo Red?" usisa ni Jack. "Ano ang gagawin natin sa kanilang dalawa?"

"Hindi hihiwalayan ni TOP si Samantha..." diretsong sagot ko.

"We know that already. Nakita mo naman kung paano nya dikitan si Samantha. Mukhang seryoso talaga."

"He's totally whipped."

"Wrapped around her little fingers."

Pinanuod namin sila habang nagsasayaw. Ang saya nila. Nakakakonsensya. Umiwas ako ng tingin.

"Alam nyo ba? Pakiramdam ko nagta-traydor tayo sa kaibigan natin.."

"Wala na tayong magagawa.."

Bumuntong hininga ako. "Kung hindi kayang humiwalay ng kaibigan natin kay Samantha..."

"Ano?"

"Si Samantha ang kailangan palayuin kay TOP," patuloy ko.

"At paano natin gagawin yon?"

"Mahal nya si TOP. Gagawin nya lahat para sa kaibigan natin," sagot ko.

"Hindi ko parin alam kung tama ba 'tong gagawin natin."

"Kailangan pare, para hindi sila mas masaktan sa mangyayari."

Tumingin ulit ako sa kaibigan kong si TOP at kay Samantha. Bakit ba kasi sila nag-kita?


MIRACLE SAMANTHA PEREZ

Ngumiti si TOP sa'kin. Sobra yung ngiti nya. Parang wala nang bukas pa. Ang gwapo nya pagmasdan, ang saya-saya ng mga mata nya. Nakangiti sya nang sobrang lapad habang nakatingin sa'kin. Mga isang minuto yata syang ganon.

"Is that a yes Timothy?" nangingiting tanong ko.

"Yes!" he hugged me. "Yes Miracle." he released me and cupped my cheeks. "Yes, I will marry you."

Nginitian ko sya at hinalikan sa pisngi. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg nya at niyakap sya nang mahigpit.

"Timothy, mahal kita!"

Tumawa sya. Niyakap nya ako at inangat mula sa sahig, inikot-ikot nya ako. Nakakapit lang ako sa kanya nang mahigpit.

"Aaaah! Hubby! Hahaha!" tawa ko habang umiikot kami.

"I love you so much Wifey!"

"Hihihi! I know!"

Tumigil na si TOP sa pag-ikot at ibinaba na ako. Hinila ko na sya pabalik sa table namin.

"Yow ang saya nyo ah!" umpisa ni Red.

"Oo nga. Ano'ng meron?" tanong naman ni Seven.

Umupo na kami ni TOP at hindi parin naaalis ang mga ngiti namin. Magkahawak kamay pa rin kami.

"We are engaged," sagot ni TOP.

As if on cue halos lahat sila ay naibuga ang iniinom na beer. Mabuti nalang hindi ako nabasa.

"A-ANO?!!" umuubong tanong ni Red.

Lahat sila nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa amin ni TOP.

"E-Engaged?!! To be married?!!"

"Magpapasakal-este MAGPAPA-KASAL?!!"

"Oo," masayang sagot ko.

"ANO?!?!!" sigaw nilang lahat.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon