Chapter Ten

234K 3.4K 1.1K
                                    

Chapter Ten

JARED DELA CRUZ

"F*ck it! Why isn't she coming?! She's supposed to be here by now! That retard, she better get her ass here this instant or I'll drag her out," he started kicking the wall near the school's entrance.

"Kalma ka lang TOP, baka naman nagpapaganda pa 'yun. Alam mo naman ang mga babae gusto nilang maging maganda sa mata ng boyfriend nila," sabi ko para naman kumalma sya. Dismissal na kaya ang daming nakatingin na chix. Yeah. (~~,)

Simula nang dumating si Samantha mas naging kalmado si TOP pero dahil din sa kanya kaya madaling magbago ang emosyon ng kaibigan ko. Katulad nalang kanina, napikon sa instructor namin dahil kinuha ang cellphone nya habang kausap si Samantha, ang wifey nya. Hindi ko akalain na ipagmamalaki nya sa gang ang pagtatawagan nila ng wifey at hubby. Bago kami pumunta dito excited pa sya at nagmamadali, ayaw kasi nyang mahuli sa pagsundo sa wifey nya, ngayon naman nagwawala sa inip. Ito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao? Parang nakakatakot yata.

"Are you saying that my wife is f*cking ugly?" tinignan nya ako nang masama.

"Woah! Chill bro! Hindi ah! Sinasabi ko lang naman na mahilig lang talaga mag-ayos ang mga babae."

"Then... are you trying to say that my wife is f*ckin pretty?"

"Well, maganda naman talaga—"

"Shit! Do you like my wife that much to call her pretty? F*ck! Are you trying to steal your bestfriend's wife?"

(,~~) Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tokwa! Masyado na syang nagiging bipolar. Mas lumalala ang pagiging sumpungin nito. Mabuti nalang nakita kong dumaan ang tatlong weirdong kaibigan ni Sam. Sila ang palaging kasama ni Samantha. Siguro naman alam nila kung nasan ang wifey ni TOP.

"Yow! Kayong tatlo! Kasama nyo ba si Samantha?" tumakbo ako papunta sa kanila nasa likod ko naman si TOP.

Tinignan ko ang tatlong babae. Nakalimutan ko na ang mga pangalan nila. Basta malapit sa Shirley, Crystal at Madeline ang mga pangalan nila (nga ba?).

Nakatingin lang sila sa amin ni TOP. Nakatulala sila at bahagyang naka-nganga. Ang weirdo! (~__~)a

"What the hell are you staring at?! Where is my retarded wife?!"

"S-Sino?" tanong ng isa sa kanila na may dalawang buns sa ulo. Parang si Chun Li ng Street Fighter.

"Si Samantha? Asan sya?" tanong ko.

"Ohhh~ Nauna na syang umalis kanina." Di ko parin kilala kung sino yung nagsalita. Maiksi naman ang buhok nya, hanggang leeg.

"Pero ang alam ko pupunta sya sa school nyo," di ko rin alam kung sino sya. May mahaba syang buhok at mukhang slow.

"Sa school namin?!" tumingin ako kay TOP.

Pero hindi naman namin sya nakita kanina. Bigla tuloy akong may naalala. Nag-kagulo sa school namin dahil may pumasok na babae. Hindi kaya?

"Shit TOP! Sa tingin ko kailangan natin bumalik sa school. Si Samantha ang babaeng pumasok sa loob ng—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil mabilis na tumakbo si TOP sa motor nya at pinaandar iyon nang mabilis. Potek! Ang bilis masyado ng takbo ng motor nun ah.

Sumakay na rin ako sa motor ko at pinaandar pabalik sa school namin. Shit! Ano kaya ang pumasok sa isip ng babaeng iyon at pumasok sa lugar na iyon? Hindi ba nya alam na delikado para sa kanya ang lugar na yun? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya dahil kung hindi, sa tingin ko mapapatay ni TOP ang sinoman na gagalaw sa girlfriend nya.

Pagkadating namin sa school, may ilang myembro pa ng gang namin ang natira ron kaya naman ipinahanap namin si Samantha. Naghiwahiwalay kami at matagal din kaming naghanap. Pagkalipas ng isang oras nakita rin namin sya.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon