Chapter Seventeen

192K 2.8K 288
                                    

Chapter Seventeen

MIRACLE SAMANTHA PEREZ

Pinanood ko si TOP habang palayo sa'kin. Kasama nya si Red. Ang sabi nya babalik daw sya mamaya. Yung mga mata nya, may coldness na bumabalot. Ano kayang meron sa kanila nila Kuya Lee at JG? Si JG. Gahd! Sana maging magkaibigan parin kami pagkatapos nyang malaman ang tungkol samin ni TOP. Kung bakit ba naman kasi... Gumamit pa sila ng japanese para hindi ko maintindihan ang pinag-usapan nila. Shiz! Parang may masama akong kutob sa mangyayari.

Tumakbo ako. Sinundan ko sila. Parang may nagsasabi sakin na kailangan ko silang sundan. At may kinalaman sa'kin ang nangyayari sa kanila. May narinig akong mga boses sa lumang playground. Luma na yon at wala nang pumupuntang mga tao. Nagtago ako. Positibo na sila nga 'yon.

"Ten years. After ten long years, hindi ko akalain na hindi ka parin sumuko sa paghanap," Sabi ni kuya Lee.

"I told you, you can't stop me," narinig ko na sagot ni TOP.

"Kaya ba pati Japan nilibot mo para lang makita sya? I wonder, kung sinabi kong nasa Zimbabwe sya, pupunta ka parin kaya?"

"What do you want?"

"You know exactly what I want."

"Pakshet ka talaga Lee!" galit na singit ni Red.

"Shut up Jared, wala kang kinalaman dito," Sagot ni JG.

"Bulag ka ba? Kasama ko si TOP na lumibot sa mundo mahanap lang sya. Oo nga pala maiba ako, ano'ng pakiramdam ng na-basted JG? Ano'ng pakiramdam ng natalo kay TOP?"

*PUK!*

Napatakip nalang ako sa bibig para hindi makagawa ng ingay. Sinuntok ni JG si Red!!

"Hahahaha!" tumawa lang si Red habang pinupunasan ang dugo sa labi nya.

"JG, tama na."

"F*cking red head."

"HAHAHA!! You hit like a girl, man. Halatang wala ka nang practice. Kung sabagay mahirap na talaga maging involved sa labanan ngayong may reputasyon kang iniingatan."

"Damn you."

"ENOUGH! BOTH OF YOU!!"

Shiz! Kakatakot talaga kapag sumisigaw si kuya Lee. Tumahimik sila. Ilang sandali lang at nagsalita ulit si kuya.

"TOP, you better leave my cousin alone or I swear to God—"

"No," matigas na sagot sa kanya ni TOP.

Sandaling natigilan si Kuya Lee.

"Is that your final answer?"

"She belongs to me. She's mine."

"Wrong answer."

"I don't care. Mind your own f*cking business. F*ck off!"

"Don't worry, I WILL mind my business."

Ano ba yung pinag-uusapan nila? Bakit pinapalayo ni kuya Lee si TOP sa'kin? At bakit nilibot ni TOP ang Japan? Umalis na ako sa playground bago pa nila ako mahuli. Umuwi ako sa bahay at hinintay ang pagdating ni TOP. Kapag dumating sya, magtatanong ako ng tungkol sa kanila ni kuya at JG. Tumunog ang doorbell makalipas ang isang oras at mabilis akong tumakbo sa labas. Pagkabukas ko, inaasahan kong si TOP ang makikita ko pero hindi sya ang nasa tapat ko ngayon.

"Dump him," ang unang salita na lumabas sa bibig ni kuya Lee.

"Huh?"

"Your boyfriend. Dump him."

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon