Chapter Thirty-Four

22K 752 25
                                    

Chapter Thirty-Four

A week later kumalat ang balita tungkol kay Anya Marie at sa biglaan nyang pagkawala. Two weeks later kumalat ang Have You Seen this Girl posters sa buong city. Three weeks later tumaas ng ten million ang reward para sa makakapagturo kung nasaan sya. A month passed.. I was slowly losing my sanity. Isang buwan na simula nang mawala sya. Wala akong ibang sinisi kung hindi ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa mga kumidnap sa kaibigan ko. Galit ako sa mga taong walang pakialam. Mas galit ako sa mga taong nagkukunwaring may pakialam. A month and a week later. Nakatanggap ako ng balita. Nakita na sya. Nakita na ng mga pulis si Anya Marie.

Nahuli na din ang kidnapper nya. Pero akala ko makikita ko ulit sya.. Nalaman ko nalang na dumiretso na sila sa ibang bansa. Umalis na sila ng buong pamilya nya.

Iyon na ang huling balita ko sa kanya. At 'yon na rin ang huling beses na narinig ko ang pangalan nya. Until now.

A year later. Muling nagbalik ang alaala ko tungkol sa kanya. Si Anya Marie. At nalaman ko rin kung sino ang may gawa. Ang boyfriend ko. Ang Gang Leader. Si Timothy Odelle Pendleton. Ang kidnapper ng babaeng humingi ng tulong sa akin noon. Ang kaibigan ko. Should I believe this? I don't know.

Bakit gagawin ni TOP iyon? Nakasama ko sya nang matagal. Hindi nya ako kailanman pinagbuhatan ng kamay. Kahit kailan hindi nya ako sinaktan. Pero bakit sya? Bakit sya ang itinuturong may sala?

Alam kong nakulong sya noon, hindi ko lang alam ang dahilan. Totoo ba?

***

Lumipas ang isa't kalahating bwan. Nakulong ako sa mansion. Ikinuha ako ng tutor ni Mama. Naging mahigpit ang pagbabantay sa akin. Kahit isang bisita wala silang pinapapasok. Siguro pwera kay JG na close rin sa parents ko at itinuturing nilang parang anak na rin. Cellphone? Kinuha nila. Hindi rin ako nakakatanggap ng tawag mula sa labas.

Official na ang break-up namin ni Timothy. Nangyari 'yon isang araw nang bumisita si JG sa bahay. Itinakas nya ako. Ang hindi ko alam, tinutulungan nya ako para makita si Timothy. Sobrang saya ko non.

"This is about what happened last summer, isn't it?" tanong ni Timothy sa akin nang tanungin ko sya tungkol sa dahilan ng pagkakakulong nya.

"Y-Yes."

"They told you that story, huh?"

"Yes."

"Do you believe it?" his eyes started to shake.

"I'm asking you, should I believe it?"

He didnt answer.

"Timothy." tumayo ako sa bench at lumapit sa kanya.

Nakatingin lang sya sakin nang walang emosyon.

"Bakit hindi ka nasagot? Hindi naman totoo hindi ba?"

Tumingin sya sa ibang direksyon.

"Timothy. Sabihin mo. Maniniwala naman ako sa sasabihin mo eh. Natatakot ka ba na hindi ako maniniwala? Hindi totoo 'yon di'ba? Mali sina Mama at Papa pati si Kuya Lee. Mali sila."

Nanatili syang tahimik. Yumuko sya. Bakit ayaw nyang sumagot?

"BAKIT?! Bakit ayaw mong sumagot?! Sagutin mo ako Timothy!"

Hindi sya kumibo kahit na hinampas-hampas ko pa sya.

"Sabihin mo, hindi totoo 'yon di'ba?!"

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

"What do you want me to say?"

"The truth.."

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon