Chapter Forty-Two

23.1K 747 35
                                    

Chapter Forty-Two

Today is Sunday. May date kami ni TOP. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na kaming dalawa ay hindi na pwede pang magkita. Si Kuya, pinayagan nya ako na makipagkita kay Timothy para makipag-break. Ngayon ang last date namin. Kailangan kong maging matatag. Pero pano ko gagawin 'yon? Noong isang araw lang, okay na kami at ngayon naman maghihiwalay na naman kami? My life is pathetic and unfair. It's a series of unfortunate events. Alam ko may mas pathetic at unfair na buhay kaysa sa'kin. What right do I have to complain? My life was perfect until he came to my life, or atleast that's what I thought. He made me see a lot of things.

I thought I was complete. Hindi pala. May kulang pa sa buhay ko. Walang excitement. Very predictable at walang pagbabago. Nang dumating sya.. parang naging kumpleto ang buong pagkatao ko. May reason na ako para bumangon sa umaga at ngumiti. Reason para tignan parati ang cellphone ko. Reason para magbago. Reason para maniwala na fairytales do come true. Sya ang Prince at ako ang damsel in distress. Pero...mawawala rin pala ang mga 'yon sakin. At babalik na naman ako sa pagiging hollow. Pathetic. I think happiness isn't for me to hold forever. It's like a lost dog, it always goes back to its rightful owner. But happiness is also a choice. TOP is my happiness and I can't choose him. Sucks. Why can't I just be like a normal teenager?

"Look! Ang gwapo naman nya!"

"Oo nga! Tara lapitan natin!"

"Eh mukhang nakakatakot!"

"OMG. Kinikilig ako sa kanya. Ang tangkad pa nya!"

"Hwag kayong maingay. Mukhang palapit dito!"

Nagbubulungan ang mga babae na nasa waiting shed kung saan ako nakatayo. Tinignan ko kung kanino sila nakatingin. Isa lang naman ang madalas mag-create ng tilian ng mga babae sa paligid ko eh. Si TOP. At di nga ako binigo ng expectation ko. Naglalakad sya palapit sa'kin nang may ngiti sa labi.

"Sorry for making you wait," sabi nya nang nasa tapat ko na sya.

Ito ang first time na na-late sya sa date namin.

"It's okay," nakangiting sagot ko.

"For you," may bouquet of pink roses syang ibinigay sa'kin.

"This is..." tinanggap ko ang inabot nya. Tinignan ko sya pero umiwas sya ng tingin.

"Let's go." Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad.

Ito ang unang beses na binigyan nya ako ng bulaklak. Kahit dati, hindi nya ako binigyan. Bakit Timothy? Pano ako makikipag-break sa'yo kung ganito ka?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sweety's or do you want to go somewhere else? I don't really know where to take you."

"No," nakangiti kong sagot. "Okay lang kahit saan basta kasama kita."

Naglakad kami ng ilang minuto at nakarating din sa Sweety's Sweets House. Kinumusta ko sya. Nag-usap kami nang normal. Gusto kong maging memorable ang araw na ito para sa aming dalawa. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya.

"Welcome—Timothy!! Sister-in-law!!" masayang bati sa amin ni Ate Sweety.

Tumakbo sya at binati kami. Nakasuot sya ng cute na uniform at nagba-bounce ang buhok nyang naka-pigtails. Tumigil sya sa tapat namin at pinagmasdan ang magkahawak naming kamay. Biglang nag-shine ang mga mata nya.

"Uy! Kayo na ulit! Hohoho! Buti naman!" sabay hampas ng nakamamatay sa braso namin ni TOP.

"Stop hitting my Wife."

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon