Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Thirty-Six

20.7K 763 95
By Alesana_Marie

Chapter Thirty-Six

Kinabukasan napansin ng Crazy Trios ang madilim kong aura pagkapasok ko sa classroom. Wala talaga ako sa mood. Naiinis parin ako. Napuyat din ako kakaisip kung bakit may babaeng kasama si Timothy. Ipinagpalit na ba nya ako? Imposible! Ilang weeks pa lang ba kaming wala? Months?

"Woah! Sammy.. Uhh.. Ano'ng nangyari sayo?" gulat na tanong ni China.

"Ang pangit ng aura mo today ah!" sabi ni Maggie.

"Ang laki ng eyebags mo," komento naman ni Michie.

"Alam ko," sabi ko at pasalampak na naupo sa pwesto ko.

"Di ka nakatulog?" tanong ni Michie sa akin.

"Namimiss mo na ba yung house natin?" tanong naman ni China.

"Lumipat ka na ulit kaya?" alok ni Maggie.

Gusto ko kaso...

"Di ako papayagan ni Kuya."

"Kuya na naman. Sapatusin ko yun eh!" bulalas ni China.

"Oy hwag! May masasakatan," loko ni Maggie sabay tingin kay Michie.

"Eh? May boyfriend na ako di'ba?" sabi ni Michie.

"Ewan ko. Di pa naman namin nakikita yan 'imaginary boylet' mo. Inampon mo ba yan sa Foster Home for Imaginary Friend?" hindi naniniwalang tanong ni China sa pinsan nya.

"Oo nga Michie. Sino nga ba ang boyfriend mo?" tanong ko.

"Si Mario!" malapad ang ngiti na sagot ni Michie.

"Taray teh! Lapad ng ngiti!"

"Bitter much China?"

"Che! Ikaw NBSB!"

"Eh di ikaw na ang may sawing lovelife!"

Ouch! Sawing lovelife. Naalala ko na naman si Timothy. Pati ang nangyari kahapon. Sino kaya yung babae? Ano'ng ginawa nila kagabi? Naglaro ng pitik bulag o ng bahay-bahayan? Ouch. Ang sakit ng ulo ko. Nakikisabay pa tong puso ko. (_.__")

***

Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen. Ayaw parin nila akong tigilan. Eh ano naman ngayon kung mukhang nakagat ng ipis ang mga mata ko. Inaantok ako at ang isa pa umiyak na naman ako kaninang umaga. Namimiss ko na kasi talaga si Timothy. Para syang oxygen, nahihirapan akong huminga kapag wala sya. Kailangan ko talaga sya. Kailangan ko syang makita. Gusto ko rin malaman kung sino yung babae sa condo nya. Nagseselos ako. Ayokong mapalitan sa buhay nya. Makikipag-ayos ako. Hindi ko sya kayang mawala! Pero pano kung ayaw na nya?

Hindi ako maka-concentrate sa mga klase na pinapasukan ko. Sya lang ang laman ng isip ko. Haay Timothy. Magpakita ka sa'kin today please! Bago pa ako matuluyan na mabaliw kakaisip sa'yo!

"Grabe kung makalutang ang kaluluwa ni Sammy oh," pansin ni China.

"Shut up." Nagpatuloy ako sa pagkain.

*Click* Biglang may nag-flash sa mukha ko. Napakurap ako. Sinamaan ko sila ng tingin. They enjoy my misery.

"Hihihi!" tawa ni Maggie na may hawak na camera.

"Delete mo yan!" sita ko.

"Ayoko nga. Ipo-post ko to sa facebook!"

"You wanna die?"

"Ita-tag ko nalang sa'yo Sammy!"

"Tag! Puro tag na nga ang picture ko!" inis na sabi ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Di ko na ulit sila pinansin. Napagod na sila sa kaka-inis sa akin kaya sila-sila nalang ang nag-asaran.

"UNNIE!!!" may sumigaw sa cafeteria.

Pag-tingin ko.. si Amarie. Tumakbo sya palapit sa akin nang may malapad na ngiti sa labi.

"Unnie! I missed you so much!" yakap nya sa'kin.

Nagulat ako. Nabilaukan ako bigla.

"Oopps! Mianhe Unnie. Here, drink this water muna," inabutan nya ako ng tubig.

Ininom ko kaagad. Awkward.

"Haha! It's so nice to see you again. Gosh it's been a year! How are you guys doing?" asked Amarie with a big ol smile.

"Nosebleed," bulong ni China.

"Total nosebleeding!" bulong din ni Maggie.

"We're doing fine. This is our last year here so we're trying to make happy memories! It's good to see you again Amarie!" masayang sabi ni Michie.

Nawala ako sa sarili kong mundo. Napatingin kaming tatlo nila China at Maggie kay Michie. Nag-ingles sya! Nalaglag ang panga ko. Ano'ng nangyari habang wala ako? Bakit hindi ko napansin na nag-upgrade ng memory si Michie?!

"Ayos ba?" tanong ni Michie.

"Ay! Taray! Kailan pa yan?!" tanong ni China.

"Natuto ako kay Mario! Hehe!" sagot ni Michie.

"Bakit Amerikano ba 'yan? Kailangan inglesin?" usisa ni Maggie.

"Half. Sa Thailand sya nakatira."

"Ngek! Papuntahin mo dito dali!"

"Kapag hindi na sya busy sa work nya."

"Ano ba ginagawa nya? Plumber? Haha! Mario and Luigi? Hahaha!" tawa ni Maggie.

"Artista sya."

"Oh! You mean Mario! As in Mario Maurer?!"

Nandito nga pala si Amarie Muntik ko na makalimutan.

"Yes! Yes!" tango ni Michie.

"Oh My Gosh! I so love him! You're so lucky Michie-Unnie!" sambit ni Amarie.

At nagtawanan sila. Ako na OP. >__> Sino 'yon?

***

Buong lunch break akong Out of Place. Di ko naman kasi kilala yung Mario Maurer na 'yon! Sino ba 'yon?

"Uwian na! Uwian na!" kanta ng Crazy Trios habang naglalakad kami sa hallway.

"Unnie!!"

Oh Great! Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na 'yon na parang nakakain ng asukal. Ang tamis.

"Pasabay okay?" sabi nya habang nakakapit sa braso ko.

"Marunong ka pa pala naman mag-tagalog eh!" sabi ni China.

"Hihihi! Trip ko lang mag-english kanina! Na-miss ko kayo eh!" nakatawang paliwanag ni Amarie.

"Wushu! Penge tissue Mags!"

"Oh heto tissue Chins, iyak tayo nang sabay. Nakaka-tats."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Hahaha! Grabe na-miss ko talaga kayo! Walang ganyan sa France eh."

"Sa France pala kayo pumunta?" tanong ni Michie.

"Yup!" tango ni Amarie.

Nasa may gate na kami nang mapatigil si Maggie.

"Sammy ang gwapo ng sundo mo!" sabi nya.

Gwapo? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Di kaya si..

"Si Ti—" napatigil ako.

"Hi Sammy."

"Gabby," ngumiti ako. Nakaramdam ako ng disappointment. Akala ko si TOP.

"Wow! You're the Famous Singer John Gabriel Sy, right?! JG for short?" asks Amarie with twinkling eyes.

"Yes I am," JG said with a smile. "And you are?"

"Anya Marie du Courdrey! Amarie for short!"

Nagkamay sila. Nakita ko ang pag-iba ng aura ni JG. Kilala nya ba si Amarie? Alam ba nya?

"Sam, you ready?" tanong sa'kin ni Gabby.

"Yeah. Gusto nyo sumabay sa pag-uwi?" tanong ko sa apat na kasama ko.

"Nah." iling ng tatlo. (>__<")(">__<)(>__<")

"Nandito na rin sundo ko!" bulalas ni Amarie.

Tumakbo siya sa kararating lang na kotse. Isang itim na Aston Martin. Agad na lumakas ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang kotse na 'yon. Kilalang kilala ko ang kotse na 'yon katulad ng pagkakakilala ko sa may-ari 'non.

"OPPA!!"

Lumabas ang lalaki mula sa driver's side ng kotse. Hindi ako nagkamali ng hinala. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko sya. Mas naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. He's still the same. The same style. Same hair. Same stud. Same body. But not my same Timothy. Because this Timothy has another girl in his arms. Holding her. Touching her. Kissing her. In front of me.


Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 53.1K 55
Saying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until...
746K 26.5K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
101K 5.9K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
17.6K 453 12
Because believe it or not, your worst possible enemy in this life is no one, but your own damn self.