Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Thirty

28.7K 907 157
By Alesana_Marie

Chapter Thirty

Ang sarap ng tulog ko ah. Teka, umaga parin? Parang ang tagal ko natulog pero sunrise parin? Ilang minuto lang ba ako natulog? Five? Ang dilim parin ng paligid. At sobrang lumamig yata? Uulan ba? Kinuha ko yung digicam. Kinuhanan ko ulit yung araw. Yung clouds parang kulay orange na mapula. Pati yung dagat! Ang ganda ng repleksyon ng araw sa dagat. Tumunog na ang tyan ko. Hala. Nagugutom na ako. Makauwi na nga.

Naglakad na ako pabalik ng beach house. Kaso napatigil ako sa paglalakad dahil sa view na tumambad sa akin. Bakit may mga kotse sa tapat ng bahay? ANG DAMING SASAKYAN!!! Wala naman ang mga yan kanina ah. Sino kaya ang bibisita nang ganito kaaga? O baka naman hindi bisita? MGA TAUHAN NI KUYA LEE?!?

Pagkapasok ko sa loob ng bahay sumalubong sa akin ang napakaraming lalaki. Ang Lucky 13? Ano'ng ginagawa nila rito?!

"Pano kayo nakarating dito?!" turo ko sa mga gulat na mukha nila.

Napatingin sila sa akin at napatulala. Napatayo sila mula sa pagkakaupo sa sofa. Mukhang nakakatawa ang mga mukha nila. Nanlalaki ang mga mata at nakatingin lang sa akin. Hindi gumagalaw.

"Ang sabi ko pano kayo nakarating dito?" ulit ko.

"SAMANTHA!!!" sigaw nila.

"BAKIT?!" sigaw ko pabalik.

"Saan ka galing?!" malakas na tanong ni Red.

"Sa beach. Ang ganda ganda dun alam nyo ba?" *O*

"Sa beach?! SA BEACH?!" sumigaw ulit si Red.

"Oo! Bakit ka ba nakasigaw?!" tanong ko.

"Ano'ng ginawa mo sa beach at nagtagal ka ng isang buong araw doon?! Hindi ka pa nagsabi?!" tanong ni Red na parang galit.

"Problema mo? At anong isang buong araw?! Mga thirty minutes nga lang ako sa labas eh! Look! seven am palang oh!" turo ko sa wall clock.

"Sam," tawag ni Six sa akin.

"Bakit?"

"Tumingin ka sa labas," utos nya.

Tinignan ko. Bakit ang dilim yata sa labas? Uulan siguro.

"It's seven pm Sam. You were gone for almost twelve hours," paliwanag nya.

I was shocked! Ganon ba talaga ako katagal nawala?! Imposible! Pano nangyari yon?!

"Si Timothy?"

Nagkatinginan silang lahat.

"Si TOP nasan sya?" ulit ko. Baka kasi hindi nila kilala kung sino yung Timothy.

"Nasa labas, hinahanap ka nya kanina pa."

"Huh?" Tatakbo na sana ako palabas nang pigilan ako ni Red.

"Hwag ka nang lumabas, tinext ko na sya na nandito ka. Hintayin nalang natin sya na makabalik," sabi nya. "Ano ba ang nangyari?"

"W-Wala naman." Umiwas ako ng tingin. "Sige ha, akyat lang ako sa kwarto," paalam ko sa kanilang lahat.

Dali-dali akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto. Kinakabahan ako. Ang tagal ko palang nawala. Lagot ako kay Timothy, sigurado galit na naman sa'kin yun. Nakatulog kasi ako. Hindi pa nga kami nagkakaayos nadagdagan na naman atraso ko sa kanya. Saan kaya sya nakarating? Saan ba nya ako hinanap? (>.<)

Kumuha nalang muna ako ng damit ko at pumasok sa banyo para magpalit. Napatingin ako sa salamin habang nagpapalit ng damit, medyo mapula ang mata ko.

Naghilamos na rin ako at nagsuklay. Itinali ko ang buhok ko. Nagsepilyo na rin ako. Patapos na ako nang narinig ko na bumukas at sumara ang pinto ng kwarto. May pumasok. Lumabas ako pagkatapos sa loob.

Nakita ko si Timothy na nakaupo sa gilid ng kama. Nakapatong ang dalawang siko nya sa hita nya at naka-takip ang dalawang kamay nya sa mukha nya. Parang ang lalim ng iniisip nya.

Kinurot ang puso ko nang makita sya. Hindi pa kami nagkakaayos na dalawa. Ayoko talaga kapag nag-aaway kami nang ganito. Kung lalapit ako sa kanya.. lalayuan kaya nya ulit ako katulad nang nangyari kagabi? Ayoko naman na lumabas sya ng kwarto. Mag-sosorry nalang ako sa kanya.

Atras abante ako sa paglapit sa kanya.

"T-Timothy.."

Bigla syang tumingin sa akin. Nag-iba ang expression ng mukha nya. Mabilis syang tumayo at naglakad palapit sa akin. Bigla nya akong hinatak at ikinulong sa mahigpit nyang yakap. Naramdaman ko na hinalikan nya ang pisngi ko. Huminga sya nang malalim. Parang kinakalma nya ang sarili nya. Galit ba sya?

"I'm sorry," bulong nya sa tenga ko na ikinagulat ko. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Mas hinigpitan nya ang yakap nya sa'kin. "I'm so sorry. I'm sorry. Please Wifey.. I'm so f*cking sorry."

Niyakap ko sya at naiyak. "I'm sorry din."

Hinalikan nya ako sa pisngi, sa noo, sa ilong at sa labi. "I'm sorry Miracle. I'm sorry I hurt you. I'm so sorry." Ibinaon nya ang mukha nya sa gilid ng leeg ko. Hindi nya ako pinapakawalan sa yakap nya. "Don't ever leave me again like that okay?" Hinaplos nya ang buhok ko. "Please Wifey.. I'm really sorry."

Lumunok ako. "Okay. I'm sorry too Timothy. Hindi ko na uulitin. Sorry." Pinunasan ko ang luha ko at niyakap sya nang mahigpit.

"Where have you been? I really thought you were gone."

"Bakit? Saan mo ba ako hinanap?"

"Bus terminal."

"Haay Timothy."

Bigla syang bumigat.

"T-Timothy!"

Humiwalay sya ng yakap sa akin pero nakahawak sya sa isang kamay ko. "I'm exhausted."

Napansin ko ang itim sa ilalim ng mga mata nya. Mukhang hindi rin sya nakatulog nung gabi na mag-away kami. Hinila ko sya papunta sa kama.

"Matulog ka na muna Timothy."

"Stay here with me."

Tumango ako. "Of course. Dito lang ako, tatabihan kita."

Humiga na sya at mabilis na nakatulog. Pero kahit na tulog sya hindi nabawasan ang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Tinitigan ko ang mukha nya habang natutulog. Di ko na namalayan na nakatulog pala ako. Pagkagising ko wala na si TOP sa tabi ko. Bumangon ako sa kama at tumingin sa digital clock sa bedside table. Nine pm. two hours lang ang tulog ko. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nakain simula kaninang umaga.

"Timothy?" wala sya sa banyo nang i-check ko. Lumabas ako ng kwarto. "Timothy?" tawag ko pagkababa ko sa hagdan.

May narinig akong tawanan sa kusina. Ah! Oo nga pala, nandito sina Red sa bahay. Pumunta ako ron.

"Sam! Musta ang tulog?" tanong ni Jack.

Napatingin sa akin lahat at napatigil sa paglalaro ng baraha. Parang may inaasahan silang magic trick mula sa'kin. Bakit ba biglang tumingin sa akin ang mga 'to?

"Uh.. Hello.." nag-wave pa ako sa kanila. Awkward... Nasaan kaya si TOP? Hmm.

"Tamang tama ang gising mo Sam, may pupuntahan sana kami eh," sabi ni Red.

"Saan?" tanong ko sa kanya.

"Bar."

"Uhh.. Ok.. Si TOP?" tanong ko.

"Si TOP?" tumingin si Red sa paligid. "Anak ng tinolang manok. Kanina nandito lang yun eh. Oy Jack, si TOP?"

"Ewan, hindi ko alam kung saan nagpunta," sagot ni Jack sabay tapon ng baraha sa mesa.

"Katabi mo yun kanina pero hindi mo alam kung saan nagpunta?"

"Hindi nya ako watcher Red. Alam mo naman napakatahimik kumilos nun. Hindi mo mararamdaman, biglang mawawala at susulpot. Professional ninja yun eh. Hahaha!"

"Loko yun ah, biglang umalis. Oy kayo? Nakita nyo si Pinuno?" tanong ni Red sa iba.

"Nope!"

"Hindi eh."

"Malay ko."

"Bumili siguro ng kornik."

"Jumejebs siguro."

"Nagtago siguro."

"Check nyo nga sa mga bulsa nyo. Wala sa ref eh."

"Astig may laro ba tayo ng hide-and-seek?"

"Nyemas! Hindi ko alam may laro pala!"

"Sino'ng taya?!"

"Hwag kayong magulo! Oy Omi! Hwag kang mandaya!"

"Asa! Ako pa ang mandadaya sa gwapo kong ito?!"

At nagpatuloy sila sa pagtatalo. (~_~;)

"Mga loko talaga ang mga ito. Di makausap nang matino sa harap ng baraha," bulong ni Red.

"Hmm.." pumunta nalang ako sa sala.

Asan kaya si TOP? Umupo muna ako sa sofa. Binuksan ko yung TV. Commercial para sa concert ng BIGBANG. May concert pala sila dito, napasama ang Pinas sa tour. Saya! (^^,)

"Yow Wifey ni TOP," umupo si Red sa tabi ko. "Ano na naman ba kasi ang ginawa mo?"

"Ewan. Lagi nalang akong may nagagawang mali."

"You're not perfect, alam nya 'yon."

"Yeah. Haha!" I'm not perfect for TOP, not until I change my last name to his.

"Di rin naman si TOP."

"No. He is perfect. He will always be."

"Marami rin naman syang pagkakamali minsan."

"Yes and I like it. That makes him more perfect for me."

"Ganon mo ba sya kamahal?"

"Very much, yes," I smiled.

Natahimik kami sandali.

"Sam," sumeryoso sya.

"What?"

"I have to tell you something.."

"What is it?"

"I uh.. TOP is my friend and all but.."

"But what?"

"I have to—you need to know that this isn't the right time to take this relationship too seriously. You need to stop. Both of you. You're too intense."

"W-What?" gulat na gulat na tanong ko.

Tinignan ako ng diretso sa mga mata ni Red. Ang seryoso nya. Ano'ng ibig nyang sabihin na 'STOP'? Bakit nya kami gustong patigilin? Paghiwalayin?

"Red." May mababang boses na nagsalita sa likod namin ni Red.

Pareho kaming napalingon ni Red sa pinto. Nakatayo ron si TOP at mukhang hindi yata nya nagustuhan ang sumalubong sa kanya.

AAHHCKK!!! Lumiliyab ang mata!! Pareho kaming napatayo ni Red bigla. Para kaming dalawang estudyante na nahuli ng Principal na may ginagawang hindi kanais-nais. Principal? Isang TERROR na principal si TOP!!

"What. Are. You. Two. Doing. Behind. My. Back?" he said VERY calmly with a little tint of anger.

"T-Timothy." Ano'ng sasabihin ko?

"Tama na yan Sweetypie, aminin na natin sa kanya ang totoo," sabi ni Red, bigla nya akong inakbayan. "Pare, nagmamahalan kami ni Samantha. Matagal na kami.."

"A-Ano?" namutla ang mukha ni TOP. Halatang na-shock sya.

"RED!!" sigaw ko. Naka-drugs ba 'to? (◎_◎;)

"Bakit Sammy-my-love-so-sweet? Alam ko na ayaw mong saktan si TOP, ako rin naman eh, pero mas mabuti nang malaman nya ang totoo. Lalo na at ipapanganak mo na si Jared Dela Cruz Junior. Kekeke!"

"Waah! Red gusto mo bang mawala sa mundo nang maaga?" tanong ko at tumingin kay TOP.

"What the f*ck" kumunot ng todo ang noo ni TOP. Nagsalubong ang kilay nya.

Gulong-gulo sya at galit. Parang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya. At nang dumako ang mata nya sa braso ni Red na nakaakbay sa akin, bigla syang namula sa galit. Naging super dark at dangerous ng aura nya. Parang dumilim ang paligid. Nagkaron ng kulog at kidlat. Humampas ang malakas na hangin sa amin. Siguro naramdaman ni Red kaya lumayo sa'kin.

"WOAH!! Dude chill. Just kidding!" bawi ni Red.

Si TOP ang sama parin ng tingin kay Red. Lumayo ako kay Red. Ayoko madamay sa laser beam na tingin ni TOP. (=__=)

"Kadiri ka Dude! KADIRI!!" exaggerated na sabi ni Red matapos tumingin sa'kin at ituro si TOP. "Di ko sya type pare! Alam mo naman mga type ko di'ba?"

Binatukan ko si Red. Kung tignan nya ako parang ang pangit ko at nakakadiri.

"ARAY!!!" sigaw ni Red.

"Ulitin mo sinabi mo!" sigaw ko. "Ang yabang mo ah!"

"No offense meant Sam pero hindi talaga kita type. Walang curve ang katawan mo at mas type ko yung mga pang-one night stand. Hindi ako pumapatol sa mga walang experience."

Nalaglag ang panga ko. Ang lalaking 'to! Ang KAPAL!! (>人<;)

"Oy TOP pupunta kami sa bar. Kung gusto mo sumunod nalang kayo ni Sam," dumiretso sya sa kusina para sabihin sa iba na aalis na sila. Tumakas pa sya talaga!

Naglabasan sa kusina ang mga kaibigan ni TOP. Binati lang nila si TOP at nagtatawanan na lumabas ng bahay. Wala silang alam sa mga mangyayari. Bakit sila umalis lahat?! GULP! Naiwan kami ni TOP. Hindi ako makatingin sa kanya. Ano ba 'yan? Ano ang sasabihin ko sa kanya?

"You," tawag sa akin ni TOP. "Unfaithful Wife."

HUH?! ANO?! UNFAITHFUL WIFE?!! WAAAAAHHH!!! (╯°□°)╯︵ ┻━┻

Narinig ko ang tunog ng mga sasakyan sa labas, unti-unti na silang umaalis. Hindi naman ako mapakali dito sa pwesto ko. Si Timothy kasi masyadong... MURDEROUS ang kanyang tingin.

Kasalanan ko ba kung may sayad pala sa pag-iisip ang kaibigan nya? Magloko raw ba? Alam naman nun kung gaano kaseloso itong si TOP, ginawa parin yun. Adik ka talaga RED!!

"Come closer.." utos ni TOP sa'kin, minotion nya yung hintuturo nya na lumapit ako.

Naka-upo sya ngayon, nakadekwatro pa. Mukhang hari at ako ang alipin! Para syang maghahamon ng away sa ginagawa nya! AYOKO lumapit!! Nagkunwari akong walang naririnig. DEADMA!! Nanatili ako sa tayo ko. Hindi ko sya tinitingnan.

"I. Said. Come. Closer." he said through gritted teeth.

AYAW!! (;'༎ຶД༎ຶ')

"Are you ignoring me?"

Lumapit ako. One inch!

"Closer.." he demanded.

Lapit ulit. One inch ulit.

"Closer..."

Kaunti pang lapit. One inch.

"Closer..."

One inch ulit.

"Closer..."

One inch, ayan nakailang inches na ba ako?

"Miracle, are you testing my patience?" iritableng tanong nya. "Closer!"

"B-Bakit ba?" kinakabahan na tanong ko.

"Closer," mariing utos nya.

Lumapit ako. Mga three inches.

"Miracle... I will double your punishment if you don't come closer... I mean it."

"How close?"

"Close enough for me to reach you."

Sa takot ko na maparusahan, lumapit ako. Mga three feet away from him nalang ako. Pinaglalaruan ko lang yung dulo ng damit ko habang nakayuko. Mukha akong bata na pinapagalitan ng parents nya.

"Good. Now sit."

Huh? Sa sahig? Okay. Nang paupo na ako nagsalita ulit sya.

"Retard, not there."

"Where do you want me to sit then?"

"Here," he pulled me to him.

"Waah!" nagulat ako. Napaupo ako sa lap nya.

"Closer.." he whispered.

"Ano'ng closer? Ang lapit na kaya!" bigla nyang pinulupot ang braso nya sa waist ko at hinigit ako, nakasandal na tuloy ako sa chest nya. CHEST!! Isang TREASURE CHEST!

Ang init ng katawan nya. WARM!! Parang pandesal sa umaga. BREAKFAST?! Pwede rin DINNER!! Nakakagutom tuloy. Pwede ko kaya syang tikman? Hahaha! Buti hindi sya mindreader, dahil malaya ko syang napapag-pantasyahan sa isip ko! Ano kaya ang magiging reaksyon nya kung malaman nya ang iniisip ko?

"Hmm.. Closer.." he whispered.

"Huh?"

Hinawakan nya ako sa balikat at pinaharap sa kanya. Niyakap nya ako. Yung mukha nya nasa balikat ko. Ramdam ko yung hininga nya sa leeg ko. >///<

"Uhh... Hubby—"

"Ang lapit mo pero parang ang layo mo parin. Hindi ako makuntento, gusto kitang halikan pero ayokong lumayo nang kahit na kaunti sa'yo. Gusto ko ganito nalang, pwede bang ganito nalang tayo?"

Namula ako. Ang init ng mukha ko.

"Kahit nandito ka sa'kin ngayon, namimiss parin kita. Isipin mo nalang kung ano ang naramdaman ko nang bigla kang nawala. Nakita mo na? Kung ano ang ginagawa mo sa'kin? Nawawala ako sa sarili ko kapag wala ka sa tabi ko."

"Hubby. Sorry na? Bati na tayo. Hwag ka nang magalit sa'kin," niyakap ko nalang din sya. "Hindi na ako uulit."

"Lagi ka naman ganyan," bulong nya. "Lagi mo nalang akong sinasaktan."

"Hindi na! Swear! Hubby! Nag-sisisi na ako, bati na tayo. Hubby."

"Ewan.." bulong nya.

"Eeeh! Ikaw nalang susundin ko! Pati yung mga isusuot ko, ikaw na pipili! Gagawin ko na lahat ng gusto mo! Magbe-behave na ako, promise! Bati na tayo, sige na Timothy.. Please? Please? Please?" parang bata na sabi ko sa kanya.

Nawala na yata yung pride ko. Ano'ng magagawa ko?! Mahal ko eh! At ayoko syang mawala sa'kin!

"Really?" -__-

"Oo promise!"

"Gagawin mo kahit ano?" -__-

"Oo basta hwag ka nang magalit sa'kin!"

"Hmm.." bumuntong hininga sya. -__-

"Hubby bati na tayo."

Bigla syang humiwalay sa'kin. Ang lapad ng ngiti nya at yung mata nya may sparkle sparkle!

"Okay," he smirked. All traces of sadness gone! Just like that.

"What the—?" my jaw hit the floor, umaarte lang sya?! "Niloloko mo ba ako Timothy?"

"Now now Wifey, why would I EVER do that to you?" nagkunwari syang inosente, pero yung mga mata nya kitang-kita ang evil glint!

"You gangster," I muttered.

"Ano kaya ang unang ipapagawa ko sa'yo? Meron pa nga pala akong two wishes na hindi pa nakukuha," he smiled oh so widely.

"Hubby!"

"May reklamo?"

"WALA PO MASTER!!" I pouted.

Paano nya nagagawa sa'kin to?! Inuto nya ako!! Kainis!!

"Don't pout Wifey." 

"Grr!!" sumimangot ako nang SOBRA.

"Don't scrunch your face like that, it's hella scary."

"OPO MASTER!!"

"Ah shit! Don't scream in front of my face Slave!"

"Slave ka dyan! Tusukin ko yang mga mata mo nang mawala ang laser beam mo eh! Tignan ko lang kung may mapa-ihi pa sa tingin mo." O malaglagan ng panty!

"You are a very bad Slave, I should punish you," seryoso nyang sabi.

"Go ahead. Tinatakot mo pa ako!" Matagal na akong takot no!

"Fine!"

OH MY GAAAHD! Kiniliti nya ako sa bewang! Hindi ko ine-expect yun! NOOO!! Malakas ang kiliti ko!!

"AAAAAAHHHCKKK!!! TOP STOP IT!! AHAHAHAHA!! NO!!" nagwala ako sa lap nya.

"What? I can't hear you?"

"HAHAHAHA!!! STOP IT PLEASE!!! AHAHAHA!! AAHHCKK!! PLEASE HUBBY!!" nagpapadyak ako sa hangin para makawala sa kanya. "STO-HAHAHAHAHA!! STOP!! TIMOTHY!!"

"Aw f*ck!" bigla syang tumigil.

"Ahahaha!! Oh Gosh.." hinihingal ako. Pinunasan ko yung luha ko.

May naramdaman akong tumutusok sa hita ko. Ano ba 'yun? Wala naman 'yun kanina ah. Remote control ata 'yun. Ano naman ang gagawin ng remote sa lap ni Timothy?

"Timothy okay ka lang at saka may parang tumu—"

Biglang tumayo si Timothy at nalaglag ako sa sahig. OUCH!! Nagmamadaling umalis si TOP. Tumakbo sya papuntang bathroom. Huh? Naje-jebs ba sya? Aray ko Timothy! Iwan daw ba ako?!

***

Ang ingay sa loob ng bar as usual. May disco beat at marami ang sumasayaw. Medyo madilim nang kaunti dahil ang mga disco lights lang ang naka-ilaw. Nakita namin ang table ng Lucky 13 at may mga babae silang katabi. Ay? Ang daming bote ng beer sa mesa. Mga batang 'to, liver-not-lover. BAD Kids! BAD!!

"Oh! Ang tagal nyo ah! Ano'ng ginawa nyo sa loob ng bahay huh? Naughty kids!" bati ni Jack nang makita kami ni Timothy na lumapit.

"F*ck off Jack," sagot ni TOP na ikinatawa ni Jack. Hinila ako ni TOP, umupo ako sa tabi nya.

Kumuha ng beer si TOP at uminom. Ako? Err. Ayoko yatang uminom. Busog ako, ako ang kumain sa pizza na natira sa kitchen kanina.

"Sam ano'ng iyo?" tanong ni Seven.

"Uhh. Gusto ko ng iced tea. Meron ba sila rito?"

"Oo naman," tumawag ng waiter si Seven at um-order.

Dumating ang order ko. Uminom at nanuod lang ako sa mga nagsasayaw.

"Timothy, ito nalang yung continuation ng date natin!" sabi ko sa kanya.

"What date?"

"Yung kahapon! Di'ba dapat sa bar tayo pupunta? Kunwari ito nalang 'yun! Erase nalang natin yung drama kahapon."

Tumingin lang sya sa'kin at sa wakas ngumiti din ang loko! Ahahaha! Natutunaw na naman ako! Tumugtog ang paborito kong kanta at naghiyawan ang mga tao. Maraming couples ang sumayaw. Tumayo ako at tinignan si TOP.

"Sayaw tayo!" hinila ko ang kamay nya.

"Ayoko," hindi sya tumatayo.

"Ang KJ! Hindi kumpleto ang date natin kung hindi tayo mag-sasayaw!" hinila ko ulit sya pero ayaw nyang tumayo.

"No Wifey. I can't," tanggi nya.

"Timothy! Bilis na, please?" hinatak ko sya at sumama naman.

Pumunta kami sa gitna at nagsayaw. Ang daming tao. Siksikan. Sayaw lang ako nang sayaw nang maramdaman ko na hindi parin gumagalaw si TOP. Nakatingin lang sya sakin. Naka-ngiti habang pinapanood ako.

"What?" tanong ko. "Dance with me!"

"I-I can't dance." Mukhang hindi sya komportable.

"Huh?"

"I can't dance." Umiling sya.

"Ano?! Seryoso ka?"

"As a matter of fact, yes."

"Tch!" nag-pout ako. "Turuan kita!"

"That's a bad idea."

"But I wanna dance!" sabi ko.

"Wifey.."

"Tuturuan nalang kita! Madali lang! Gagalaw galaw ka lang nang ganito oh," nag-sample ako.

"No thank you."

"Bummer! Sa iba na nga lang ako makikipag-sayaw!" tumalikod na ako. Niloloko nya ba ako?

"No! You're not!" hinigit nya ako pabalik. "Fine, we'll dance, just wait here, I'll be back."

"Okay!" Sabi ko na nga ba marunong syang sumayaw eh. Pero saan sya pupunta?

Umalis sya. Naiwan ako sa gitna ng dance floor. Mukha akong kawawa. Lahat sila may partner. May mga nagbalak na isayaw ako pero lumayo ako. Yung kanta biglang tumigil at napalitan. Never Say Never by The Fray. Slow dancing na sya ngayon. Maya-maya nasa harap ko na si TOP na todo ngiti. Nakakasilaw. *O*

"Now, dance with me," naglahad sya ng kamay, yung tono nya parang pautos.

Tch! Hindi talaga to marunong magpaka-gentleman. (>_<)

"Di'ba dapat yayain mo muna ako? You are so bossy," ibinigay ko ang kamay ko.

Nilagay nya ang dalawang kamay ko sa may nape nya.

"You do remember that you were the one who pulled me here to dance with you and when I said no, you threatened me that you would dance with someone else. You know that I can never let that happen," he said while placing his hands around my waist, he pulled me closer. "Now tell me, why should I ask you?" he smirked.

"You are so...conceited."

"One of many reasons why you love me," he grinned like Cheshire Cat from Alice in Wonderland.

"Very true," tawa ko habang nagsasayaw kami.

Parang nasa JS prom lang. If this is a dream, then, I don't want to wake up. Pakiramdam ko nasa isa kaming cheesy romantic film. Gosh, TOP is so freakin killing me! Kailan pa sya naging romantic? Habang nagsasayaw kami nakatitig lang ako sa mukha nya. Mula eyebrows nya, his grey eyes, straight nose, red lips and strong jaw. I feel like I'm the happiest and luckiest girl in the world! Nararamdaman ko yung parang butterflies sa tyan ko. Gusto kong matunaw sa braso nya! I am so in love and I am so happy about it!

"You're staring. Why? Is there something wrong with my face?"

"Huh? Uhh.. N-Nothing! Hwag mo akong intindihin! Hahaha!" Umiwas na ako ng tingin.

"Am I ugly?"

Tinignan ko sya. "Seriously?! Tinatanong mo 'yan?" gulat na tanong ko.

"What?"

"Ano sa tingin mo?"

Hinawi nya ang ilang strands ng buhok ko para hindi matakpan ang mukha ko. Bumuntong hininga sya at tumingin sa mga mata ko.

"I don't know what you think of me Miracle, all I know is that I am not perfect."

Ngumiti ako. Mukha talaga syang clueless. Wala ba talaga syang idea kung gaano karaming babae ang magpapatayan mapalitan lang ang pwesto ko as his girlfriend?

"I am so..." bulong ko.

"What?" hindi nya yata marinig kaya nilapit nya yung mukha nya sa'kin

"I am so in love with you Timothy."

Ngumiti sya nang malapad. "So am I."

"Timothy Odelle Pendleton," ngumiti ako nang malapad. I pulled him closer and I whispered... "Will you marry me?" 

Continue Reading

You'll Also Like

17.6K 453 12
Because believe it or not, your worst possible enemy in this life is no one, but your own damn self.
223K 9.1K 11
A short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal...
2.2K 103 12
"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.