Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Twenty-Eight

27.2K 883 72
By Alesana_Marie

Chapter Twenty-Eight

"Hubby tingnan mo!" pinakita ko sa kanya ang damit.

Lumingon sya at tinignan ang damit na pinapakita ko. Mabilis rin syang tumingin sa kabilang direksyon. Para syang may hinahanap o may nakikita na hindi ko nakikita.

"Bagay kaya sa'kin 'to?"

"Kunin mo kahit ano. Kung nagustuhan mo, bibilhin na'tin," nababagot na sabi nya.

"Psh! Nakakainis 'to."

"You said something?"

"Wala po. Miss!" tawag ko sa sales lady.

"Yes ma'am? Nakapili na po kayo?"

"Oo. Kukunin ko ito, ito, ito, ito at pati na rin ito," kumuha ako ng ibat-ibang damit at ibinigay dun sa babae.

"Sige po ma'am." Umalis na sya dala ang mga damit.

Ang boring ni TOP kasama ngayon. Magkasalubong na naman kasi ang dalawang kilay nya. Parang naiinis na naman sya. Ang aura nya, medyo dark na naman. Ang sungit pa. Kanina pa yan nung pumasok kami sa mini mall. Problema nya? Sinabi ko naman sa kanya hwag nalang pero nag-insist sya na mag-date kami. Pero ano 'to? Bakit sya ganito ngayon?

"TOP nuod tayo ng movie!"

"Walang bagong movie dito. Puro luma."

"Ahh.. Kahit na! Tara!" hinila ko sya papunta sa second floor.

Pumunta kami sa movie hall. Ang showing palang dito is Twilight na back-to-back with New Moon. Oohh.

"Let's watch this!"

"Ang alin?" tanong nya, sa iba sya nakatingin.

"Ito oh," itinuro ko ang showing.

"Sige," sabi nya pero hindi naman nya tinignan kung alin ang palabas.

"Tara na bilis, bili tayo ng ticket."

Pumila kami. Hindi naman masyadong mahaba ang pila. Pero dahil Sunday, madaming couples ang manunuod. Pag-pila namin biglang humaba ang pila. Buti nauna kami.

"Two hundred thirty lang po ang dalawang ticket," sabi nung babae.

"What?! Bakit ang mura?!" tanong ko.

Nagulat ang ticket girl.

"Here, keep the change," abot ni TOP ng pera at kinuha ang ticket.

Hinila nya ako at mabilis na pumasok sa loob ng sinehan. Bakit ba sya nagmamadali? Nasa may bandang gitna kami pumwesto

"Bakit ang liit ng sinehan dito?" na-aamaze na tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Nasa probinsya ka Miracle. Kaunti lang ang mga nakatira dito."

"Ahh. Oo nga pala," tumingin tingin ako sa paligid since bukas pa ang ilaw, maliwanag pa sa loob. "Hubby may nakalimutan tayo."

"Ano?"

"Ang popcorn!"

"Gusto mo ba?" tanong nya sa'kin.

Sunod-sunod ang tango ko.

"Dito ka lang," hinalikan nya ako sa pisngi bago tumayo at lumabas para bumili.

Nang makaalis na sya may narinig akong usapan sa likod.

"Kyaah! Ang gwapo!"

"Oo nga! Tingnan mo kinunan ko sya ng picture!"

"Ang hot nya! Grabe! Ang tangkad pa!"

"Ang lapad pa ng balikat!"

"Pa-bluetooth ng picture ha."

"O sige."

"Grabe! Sya na ang pinakagwapo na nakita ko sa lugar na 'to!"

"Tama!"

"Ang sexy nya!"

"Inaakit nya ang mga mata ko! Hahaha!"

"Nakakasabog ng ovaries ang kagwapuhan nya!"

"Tingin palang nya mabubuntis na ako eh!"

"Walang pinipiling anggulo!"

"Grabe talaga sobrang gwapo!"

"Bagay kami!"

Shiz! Sana hindi si TOP ang pinag-uusapan nila. Pero malabo naman na hindi, si TOP lang naman kasi ang nakikita kong gwapo rito. Meron din naman iba, pero iba parin ang level ng kagwapuhan ni TOP. Sobrang nasa tuktok ang kagwapuhan nya, bagay sa kanya ang nickname nya na TOP.

Tumayo ako at kinuha ang mga paperbags. Mabilis ako lumakad paalis. Ayoko ng mga naririnig ko. Nagseselos ako.

"Miracle," si TOP may dalang malaking box ng popcorn at dalawang strawberry milkshake.

"Hubby," muntik ko na syang hindi mapansin.

"Saan ka pupunta?"

"Uhh.. Ano.. Ang tagal mo kasi kaya.." huminga ako ng malalim.

"May nangyari ba habang wala ako?" Shiz!

"W-Wala."

"You're tense."

"Huh? Ah kasi.. Ang dilim."

Tinignan lang nya ako.

"Hehe! Mag-uumpisa na yata."

Hinawakan ko sya sa braso at umupo na kami sa may hulihan.

"Are you sure you're okay? Are you cold?" inakbayan nya ako.

"I'm okay TOP." Sumandal ako sa balikat nya.

Dumilim na nang tuluyan sa sinehan at nag-umpisa na ang palabas.

***

Hinila ko sya papuntang Fun House pagkatapos ng first movie. Hindi na namin pinanuod ang pangalawa. Ang daming naglalaro sa fun house. In fairness ang laki ng place nila. Kumuha na kami ng tokens.

"Ano'ng uunahin natin?" lumingon lingon ako sa paligid.

"You choose."

"Hmm. Ito nalang Jellies!"

Umupo ako sa harap nung machine. Nasa kabila si TOP. Ang Jellies, ang rules ay kailangan ko lang makakuha ng 500 Jellies sa loob ng three minutes. Ang selection ng player ay mga Jelly Beans. Ang cute nila! Ang pinili ko ay 'ang Jelly-Pink. Girl kasi sya. Ang kay TOP Jelly-Blue. Haha! Ang cute talaga. Nag-start na kaming maglaro. Ang galing ni TOP. Ang cute talaga ng Jell-Blue nya. Kaso lagi akong dead. Kaya naubos ang tokens na ibinigay sa'kin ni TOP.

"Wow! Hubby! Ang galing mo naman!"

"Tss."

Nasa level twenty-two si TOP nang mag-game over. Wow! Samantalang ako level twelve lang. Hmp! Ang bilis ng mga mata ni TOP at ang bilis ng kamay nya.

"Game Over na," kinuha nya ang mga ticket na lumabas sa machine at tumayo. "Ano'ng next?"

Nag-isip ako ng laro. Yung ako naman ang mananalo. Pero ano kaya? Mukhang sanay si TOP sa mga games dito. Lalaki kasi sya. Tumingin ako sa paligid. Hindi nagtagal at may nakita ako. Isang game kung saan tyak na mahihirapan sya. Tumingin ako kay TOP nang nakangiti.

"Let's play ball," hinila ko sya sa kamay. "O ano? Game?" tanong ko with a wide cheshire grin.

"Why do I have this feeling that you're planning on something... not so nice?"

"Ha-ha! Ano ba ang sinasabi mo Hubby? Gusto ko lang naman mag-enjoy!"

"You enjoy torturing my pride. That's what you call fun?"

"Uhh.. Yeah?"

"Mmm hmm."

"Fine! Here's the deal! May pustahan tayo!"

"I'm listenning."

"Well, kung sino ang may mas mataas na score ang panalo at kung sino ang talo kailangan uhhmm..." nag-isip ako ng magandang parusa. I'm sure naman na ako ang mananalo.

"Kailangan mag-grant ng three wishes ang matatalo! Parang si Genie in a bottle!"

"Three wishes?"

"Yep! Yep!" tumango-tango ako.

"Deal," he smirked.

"Perfect," I smirked.

Nag-shake hands kami ng parehong naka-smirk. Psh! I'm sure naman na talo na sya. Hindi ko lang alam kung bakit pati sya ay naka-smirk. (-_-;)

"Sino ang una?"

"Ladies first?"

"Nah! Mas maganda kung ikaw ang una." Hohoho!

"Tss." Pumwesto sya sa tapat ng Shooter. Naglagay ng token at pinindot ang Go.

One minute ang time. Kailangan maka-shoot sya ng marami para manalo. Hahaha! Ano kaya ang plano nya? Huminga sya ng malalim at nag-simulang mag-shoot ng mga bola sa ring.

Sablay. Sablay. Sablay. Katulad ng inaasahan hindi nya magawang mag-shoot sa ring kapag nanunuod ako! Ako na ang panalo! Mouhahaha!

"Ah shit!" bulong ni TOP, huminga ulit sya ng malalim at inayos ang hawak sa bola.

"Hahahaha!!" tawa ko na agad ko namang tinigil nang tingnan nya ako. Scary!

Ang aura nya parang nagbago ng 180 degrees! Ang DARK ng aura nya! Ang dalawang kilay nya, magkasalubong na! Hala! At ang titig nya sa ring parang gusto nyang sirain 'yon!

"A-Alam mo Hubby hindi mo naman kailangan seryosohin masyado eh. I-It's just a game?"

"No. I have to. I want those three wishes."

"O-Okay."

Nag-shoot na ulit sya. Shoot. Shoot. Shoot. Nalaglag ang panga ko. Paano nya nagawa yun?! Puro shoot! Sunod-sunod! Walang mintis! Sa loob ng isang minuto nakapag-shoot sya ng nine na bola. Two points each.

"Your turn now."

"Uh-huh." Napalunok ako.

"What? Hurry up! I want to claim my prize already!"

"Eesh!" bulong ko.

Kaya mo to Sammy! Aja! Fighting! Eigteen ang score nya kaya dapat maka-nineteen ako or twenty! Kayang kaya ko 'to!!

"Go!" pinindot ko ang Go at nag-simula na ang timer at count ng bola na pumasok.

Shoot! Shoot! Shoot! Sa Gym class namin tinuruan din kami ng basketball, sa free throw, three point throw at lay-up. Hindi ako matatalo ng isang machine lang! Hindi ako magpapatalo kay TOP! ( ̄^ ̄)

"Hahaha! Ako ang mananalo Hubby!" tawa ko habang nag-hahagis ng bola.

"Tss."

"Mouhahaha! You'll be my Genie!"

Shoot! Shoot! Shoot!

"Am I a bad shooter?" pabulong na tanong nya.

"Hindi naman," sagot ko.

"Then..." tinitigan nya ako. Ang intensity ng tingin nya pakiramdam ko nag-jelly ang mga tuhod ko. "Why do I keep on missing you?"

Sablay! Sablay!

"WAAAH!" >///< Sumablay ako ng pasok ng bola.

Si TOP kasi eh? ANO BA TOP?!!

"Sinadya mo yun ano?!" tanong ko habang nag-coconcentrate sa pag-shoot sa bola

"Ang alin?" he smirked.

"Dine-deny mo pa! Sinadya mo na pakiligin ako habang nag-lalaro dito! Para hindi ko ma-shoot ang bola! Di bale iimagine ko nalang na ulo mo 'tong bola! Hiya!" Nag-shoot!

"Eh di mas maganda pala na hindi mo ma-shoot 'yang mga 'yan."

"Bakit? Para ikaw ang manalo?"

"Hindi," ngumiti sya ng sobrang liwanag! Nakakasilaw! "Para lagi mo akong mami-miss."

Sablay! Lagot! Sumablay na naman ako! TOP naman eeehh! Hindi ko nalang sya papansinin! TAMA!! Hindi ako magpapa-apekto sa mga linya nya! Dini-distract lang nya ako! Shoot! Shoot!

"Pagod ka na ba?"

"Hindi! Marami pa akong energy!" sagot ko.

"Nakapagtataka naman.

"Bakit?"

"Takbo ka kasi ng takbo sa isip ko."

SABLAY! WAAAH! (;'༎ຶД༎ຶ') Ayaw nya talaga akong tantanan! Di na nga lang ako sasagot.

"Wifey," tawag nya. "Wifey."

"Heh!"

"Wifey," tawag ulit nya, alam ko nakangiti sya.

"Isa pa talaga Timothy."

"Ano?"

"Tatamaan ka sa'kin! Ibabato ko sayo 'tong bola."

"Nah. You don't need to do that Miracle."

"Bakit? Tatahimik ka na ba?"

"Hindi mo na ako kailangan batuhin. Dahil hindi mo pa man nagagawa, tinamaan na ako.." he smiled. "Sayo."

SABLAY! SABLAY! SABLAY! TIME IS UP!! HINDEEEE!!! (;'༎ຶД༎ຶ') Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko! WAAAHH!!! GAME OVER!! TALO AKO!!

"TIMOTHY ODELLE PENDLETON!!!" mukha na siguro akong takure na sumisipol. Sa sobrang lakas ng sigaw ko, nagtinginan ang mga tao sakin. Pero parang walang epekto kay TOP.

"Pano ba 'yan Wifey, panalo ako?" Sa sobrang lapad ng ngiti nya kamukha na nya si Cheshire the Cat sa Alice in Wonderland.

"NAPAKA-DAYA MO!"

"Huh? What did I do?" tanong nya na parang inosenteng bata.

"DINE-DENY MO PA!! LAGOT KA SA'KIN!!! TALAGANG TATAMAAN KA SA'KIN NGAYON!" itinaas ko ang kamao ko na handang manuntok.

"Miracle, hindi mo kailangan seryosohin 'yon. It's just a game," gaya nya sa linya ko kanina, bigla syang tumakbo.

"BUMALIK KA RITO!!!" hinabol ko sya. Nakakainis talaga!!! Sneaky jerk!

"I HATE YOU!!" sigaw ko habang hinahabol sya.

"YOU DON'T HATE ME! YOU LOVE ME!"

"THAT DOESN'T MEAN I CAN'T HATE YOU!!"

"ACTUALLY IT DOES! YOU CAN'T HATE SOMEONE YOU LOVE!"

"UGH! BASTA! I HATE YOU!"

"YOU LOVE ME!!"

"LESSER AND LESSER EVERYDAY!!"

Tumigil sya sa pagtakbo at humarap sa'kin with a serious expression. Napatigil ako at naguluhan.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo?" tanong nya.

"Uh. Tungkol saan?" gulat na tanong ko.

"Na hindi mo na ako mahal? Na nababawasan kada araw?"

"Uh. Hindi. Joke lang." Totoong sabi ko.

"Good." Ngumiti sya at muling tumakbo. "Habulin mo ako Wifey!"

"WAAH!! Hubby!! Bumalik ka nga dito! Timothy!!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
3.6M 50.2K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]
2.9K 104 16
Motivational thoughts and notes to self. Come on, share your thoughts too. 🧡 Highest ranks: #1 optimism #4 motivational #2 mentality #270 life
273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.