Just A Little Bit Of Your Love

By ef4aRrr

212K 5.5K 2.4K

He forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na... More

AN
One
Two
THREE
Four
FIVE
SIX
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Tweleve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
SEVENTEEN
EIGHTEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-Nine
Fourty
FOURTY-ONE
Fourty-Two
Fourty-Three
Fourty-four
Fourty-Five
Fourty-Six
Fourty-Seven
Fourty-Eight
Wakas

NINETEEN

3.8K 84 2
By ef4aRrr


Kinakabahan ako, hindi ko malaman ang mararamdaman ko. Mula kanina na sabihin ni manang na malapit na ang mga Montereal.

Makikita ko na ulit si Nico, mayayakap ko na siya, walang pagsidlan ang saya ko pero may halong kaba iyon.

At ilang sandali ay napatayo ako mula sa kina-uupuan ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng mansyon.

"Welcome home Senyorito Juancho at Senyorito Juaquin." dinig kong bati ni manang at ng mga kasambahay na kasama niyang sumalubong sa kanila.

"It's nice to see you all again manang." tinig siguro iyon ni Juancho.

Napapisil ako da aking mga palad at daliri ng marinig ko ang mga yabag na patungo na sa kinaroroonan ko.

At nang makita ko na ay awtomatikong namilibis ang mga luha ko sa aking mga mata.

"Siya ba ang sinasabi niyo sa akin manang?" dinig kong tanong ng nagngangalang Juancho.

"Oo Senyorito."

"Who's she?" tinapunan ako ni Nico ng tingin pero blangko sa emosyon ang kanyang mukha.

Pero kahit ganoon ay hindi ko na napigilan ang tumakbo palapit sa kanya at basta ko nalang siya niyakap.

"Nico.. " tanging nasambit ko.

Sa una ay nagulat pa siya kaya nanigas siya sa kinatatayuan niya, pero nang makabawi siguro ay hinawakan niya ako sa maglabilang braso at inilayo niya ako sa katawan niya.

"Hey miss, please don't hug me." naiirita niyang saad sa akin. Masakit iyon pero naiintindihan ko, hindi parin niya ako maalala.

Napayuko akong lumayo sa kanya, napahiya dahil sa naging agresibo ako sa mga galaw ko.

"Juaquin! Don't be rude to her!" saway ni Juancho sa kanya.

"Psss, ok. I am sorry." bigkas niya pero hindi iyon sinsero.

Umiling ako at linakasan ang loob na tignan siya. "Hindi, huwag ka mag sorry, kasalanan ko naman, dahil bigla nalang kitang niyakap. Ako ang dapat magsorry."

"She's your savior years ago, nung mawalan ka ng ala-ala." saad nito at nakangiti itong lumapit sa akin saka inilahad ang kanyang kamay.

"It's nice to finally meet you Miss. Selena Cortez, I am Juancho Montereal and thank you for saving my brother years ago." nahihiya man ay tinggap ko ang pakikipag kamay niya.

"Nice to meet you po sir." pormal kaming nagkamay.

"So why are you here by the way miss? Manang, hindi ba sabi ko noon na kapag may nagpakilala na sila ang sumagip sa akin noon ay bigyan ng pera?" napalunok ako dahil sa talim ng mga salita ni Nico.

"Nico--"

"My name Is Juaquin Montereal!" putol niya sa akin.

Muli akong napayuko, di kinakaya ang mabibigat niyang titig. "Sorry, J-Juaquin. Hindi ko tinanggap ang pera, dahil hindi naman ako nagpapabayad sa pagtulong ko sa iyo noon." paliwanag ko.

"Please Juaquin, be polite to her, you owe your life to her." may diing sabi ni Juancho.

"Kuya, I know, I am just asking these lady here. Get to the point miss. What do you need from us if it's not about the money?" suplado parin niyang sabi.

Parang umatras ang dila ko, hindi ko alam kung paano sasabihin, parang gusto ko nalang tumakbo paalis.

Tanggapin niya kaya ang sasabihin ko?

Pero naalala ko si Nicollo, kailangan niyang makilala ang kanyang ama.

"Magkasintahan tayo bago ka nawala noon." lakas loob kong sambit.

Hindi sila nakapagsalitang magkapatid dahil sa sinabi ko. Nagkatinginan sila na para bang nagtatanong kung totoo ang mga sinabi ko.

"W-well, I am not shocked at all, she is so gorgeous. No wonder if you'd fell in love with her." si Juancho ang unang nakabawi.

Inilabas ko ang aking lumang modelo na android celphone at ipinakita sa kanila ang mga larawan namin ni Nico o Juaquin man siya.

"I can't believe this." tinitigan niya akong mabuti.

"Patawad kung binibigla kita ng ganito, baka makasama sa iyo, alam kong hindi mo ako nakikilala, pero totoo ang mga sinasabi ko Ni-- Juaquin." buong pusong saad ko.

"Ah hmm, I think you need to talk privately, but that can wait, we all need to rest for a while, I suggest na mag usap kayo mamaya pagkatapos ng dinner." singit ni Juancho.

Tumango lang ako, nagtawag na ng mga kasambahay si manag upang kunin ang mga bagahe ng magkapatid.

Naiintidihan ko naman na kailangan na muna nilang magpahinga dahil ilang oras din sila sa biyahe.

Nang oras na ng hapunan ay nagkusa ako na tumulong sa paghahanda, ayaw man ni manang ay nagpumilit ako.

Nahihiya ako na ako ang pinagsisilbihan hindi ako sanay, kaya ginawa ko ang maitutulong ko sa paghahanda para sa hapunan.

"Tapos na tayo, sige na Selena at maupo ka na riyan, ipatatawag ko na ang mga Senyorito para makakain na kayo."

"Opo manang." magalang kong tugon saka na naupo sa isa sa mga upuan sa harap ng hapag.

Ilang sandali lang ay bumaba na sina Juancho at Juaquin, hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin kay Juaquin.

Ibang-iba ang Juaquin na narito ngayon sa Nico na inalagaan at minahal ko noon, napakapalangiti ni Nico at palakaibigan, minsan ay tahimik pero masiyahin at maalahanin.

Pero ang Juaquin Montereal na kaharap ko ay ibang tao, arogante at suplado, napakataas at parang napakahirap maabot.

Para bang iisa lang ang kanilang mukha pero magka-ibang tao at magka-iba ng pagkatao.

Nag-iwas ako ng tingin ng mapadako ang mga mata niya sa akin, mga matang halata ang pagkadisgusto sa akin.

"I've miss filipino foods!" deklara ni Juancho pagka-upo niya sa kanyang silya.

"Kumain na kayo at magpakabusog, tawagin niyo lang akonkung maybkakailanganin pa kayo." masayang sambit ni manang.

Magana silang kumain, habang ako naman ay halos hindi magalaw ang aking nasa plato at napansin iyon ni Juancho.

"Don't be shy, kumain ka lang." saad niya.

Tumango lang ako at yumuko, pinilit na kumain at hindi na sila muling tiningnan pa, pakiramdam ko kasi ay lulubog na ako sa kina-uupuan ko ngayon dahil sa sobrang pagka-intimidate sa sitwasyon.

Na para bang napakabagal ng oras para sa hapunan na ito, si Juancho lang ang nagsasalita at kinakausap ako.

Nagtatanong ng mga simpleng bagay na agad ko naman sinasagot, at kapag napapasulyap naman ako kay Juaquin ay agad ko namang binabawi ang tingin.

Kung ganito siya ka intimidating kahit kaharap namin ang kapatid niya paano pa kaya mamaya kapag nag-uusap na kaming dalawa lang?!

Baka malunok ko ang dila ko at di na makapagsalita!

Naunang matapos kumain si Juaquin sa amin, tumayo siya at nag paalam na magpapahinga na.

"I'm done, mauna na ako gusto ko na magpahinga." saad nito, agad naman akong napatingin sa kanya.

Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Juancho.

"I thought mag-uusap kayo ni Selena?" tanong nito.

"You can wait till tomorrow, right?" walang emosyong saad niya sa akin.

"Uh.. O-oo, sige magpahi---" di ako natapos sa gusto kong sabihin dahil sa bigala niyang pagtalikod at tuluyang pag-alis sa hapag kainan.

Natahimik ako at napayuko, nasasaktan ako sa mga ipinapakita niya pero sinusuway ko ang aking sariling damdamin.

He forgot me and the memory of our love, kailangan kong lawakan ang pang-unawa ko para sa kanya.

"I'm sorry for his attitude towards you, Selena." pawi ni Juancho sa katahimikan.

Napa-angat ako ng tingin saka umiling. "Ayos lang, natural lang na maging ganyan ang kilos niya, nagulat siya sa akin." pilit kong pinasigla ang aking boses.

"Hindi pa kita gaanong kilala pero magaan ang loob ko sa iyo, I am sure you are a good person, tinulungan mo noon ang kapatid ko kahit hindi mo siya kilala, sapat na iyon para masabi ko na mabuti kang tao." sinserong saad ni Juancho sa akin saka niya ako nginitian.

Nakakataba ng puso ang mga sinabi niya, kaya naman gumaan qng pakiramdam ko at lumakas ang loob ko, dahil alam ko sa sarili ko na mabuti ang intensyon ko kaya ako narito ngayon.

"Salamat, kahit sino naman siguro ay tutulungan si Juaquin kung makita ang sitwasyon niya noon." sagot ko.

"Believe me, hindi lahat. May mga tao na nasa ibaba ka na o nasa bingit kana ng panganib pero hindi ka parin nila bibigyan ng tulong." bigla ang pagseryoso niya.

Marahil ay tama siya, hindi lahat ng tao ay tutulungan ka sa oras ng iyong pangangailangan.

Natahimik ako sa sinabi niya, ramdam ko kasi na may pinaghuhugutan ang mga salita na lumabas sa kanyang bibig.

"So pwde naman tayo nalang ang mag kwentuhan kung ayos lang sa iyo. Tell me everything para naman alam ko ang pinagdaanan ng kapatid ko." pag anyaya nya sa akin.

"Oo sige, tapos na din naman akong kumain." nakangiti kong sagot.

Lumipat kami sa salas at nagpatimpla siya ng tea para sa aming dalawa, doon ko ikinwento ang lahat mula sa simula.

Syempre pwera ang mga nangyari sa amin ni Juaquin na para lamang sa aming dalawa!

Hindi ko pa din binanggit kay Juancho na may anak kami ni Juaquin, saka ko na ipapakilala si Nicollo.

Saka na. Pag maayos na ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

372K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
104K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
167K 2.9K 39
Maye Concepcion isang babaeng wala yatang pangarap kundi maging isang asawa at Ina. Hindi nya nakikita ang sarili nya bilang isang may propesyong tao...