Just A Little Bit Of Your Love

By ef4aRrr

213K 5.5K 2.4K

He forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na... More

AN
One
Two
THREE
Four
FIVE
SIX
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Tweleve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-Nine
Fourty
FOURTY-ONE
Fourty-Two
Fourty-Three
Fourty-four
Fourty-Five
Fourty-Six
Fourty-Seven
Fourty-Eight
Wakas

SEVENTEEN

3.8K 74 1
By ef4aRrr

Ganito pala iyon, walang kapantay ang saya. Totoo pala na kapag nanganak ka na ay mas lalo mong mararamdaman ang isang pagmamahal na walang anuman ang makakatumbas.

Nagising ako na nasa ward na kami at nang malakas na ay heto at buhat ko sa aking bisig ang aking munting anghel. Naluluha ako sa ligaya dahil sa kanya, napakaamo ng mukha niya.

"Nicollo, ikaw si Nicollo. Mahal kong anghel, pangako na gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo."saad ko sa aking anak na animo ay naiintindihan niya.

"Ang gwapong bata ate." Si Ana iyon na mula kanina ay bantay namin.

Parating na sina tiya at Arman, sabi ko kay Ana ay magpahinga na muna siya kaya tinawagan na namin sina tiya para ibalita na nanganak na ako at ito amg magbabantay sa akin.

"Oo nga kamukha siya ni Nico, kung malalaman ni Nico ito tiyak na sasaya iyon." sa gitna ng kaligayahan ko ay may kirot at pangungulila akong nadama.

"Saan man siya ngayon, sana ay makaalala na siya ate, kawawa ang pamangkin ko kung hindi niya makikilala ang tatay niya." may lungkot din sa tinig ni Ana.

"Di man siya makaalala ipapakilala ko parin si Nicollo sa kanya, karapatan nila pareho iyon." saad ko.

Lubos ko ng naisip ito sa mga nagdaang panahon, kung sakali man na hindi na talaga ako maalala ni Nico ay ipapakilala ko ang aming anak sa kanya.

At kung sakali man na hindi niya ito kilalanin ay maayos kaming aalis, hindi ko ipagpipilitan ito sa kanya. Makakaya kong palakihin ang aking anak ng mag-isa, pero alam ko naman na narito sina tiya at ang aking mga pinsan na aking pamilya para sa amin ng anak ko.

"Tama ka naman diyan ate, sigurado naman na hindi niya maitatanggi ang pamangkin ko, kamukhang-kamukha niya."  

Halos hindi ko lubayan ng tingin ang aking munting anghel, napakagwapo niya. Kay amo ng mukha niya, napakasarap titigan ng maghapon.

Kung di lang dumating sina tiya para palitan si Ana ay hindi ko pa bibitawan si Nicollo, maging si Ana ay ayaw pang umalis. Kung wala lang daw siyang exam bukas ay hindi siya magpapa palit sa pagbabantay.

"Napaka-gwapo nga naman ng apo kong ito, kaya ka hindi maiwan ni tita Ana mo dahil sobrang cute." pakikipaglaro ni tiya sa kanyang apo.

"Kamukhang-kamukha ni kuya Nico." komento naman ni Arman.

"Arman, huwag mo na muna ipa-alala sa ate Selena mo ang kuya Nico mo, kapapanganak lang niya baka ma stress sya at magka post partrum depression pa." suway ni tiya.

"Ano yun inay? Posh, pos ano?" takang tanong naman ni Arman.

"Sakit iyon na pwde danasin ng mga kapapanganak pa lamang." paliwanag naman ni tiya.

Napangiti ako sa usapan nila, kahit na kalahati nga ng puso ko ay nangungulila at nalulungkot dahil hindi parin ako binabalikan ni Nico.

Pero kailangan ako ng aking munting anghel kaya lalabanan ko ang lumbay at pupunan ko ang lungkot ng pagmamahal para sa aking anak.

"Huwag po kayong mag-alala sa akin tiya, ang aking anak ang magiging lakas po para sa lahat ng lungkot at pagsubok sa aking buhay, siya ang magiging priority ko mula ngayon." nakangiti kong sabi.

"Mabuti naman anak, walang kasing saya ang maging ina, oo at mahirap pero dahil sa pagmamahal mo sa iyong anak ay makakaya mo." nawala ang pag-aalala na nakabakas sa mukha niya kanina.

Bigla namang umungot si Nicollo, indikasyon na ito ay gutom na, kaya't ibinigay siya ni tiya sa akin para mapadede ko na.



Dahil na rin siguro sa pag-aalaga at sayang dulot ni Nicollo sa aking buhay ay hindi ko na namalayan na nakailang buwan na kami.

Hindi na ako gaanong nalulungkot, pinupuno ng kanyang ngiti nang saya ang aking buhay.

Minsan hindi ko maiwasan na maalala ang kanyang ama, siguro masaya siya kung makikilala niya si Nicollo lalo na at para silang pinagbiyak na bunga.

Pero hanggang siguro lang muna ako sa ngayon, ilang panahon pa ang hihintayin ko bago ko siya maipakikilala sa kanyang ama.

Sa ngayon ay buong-buo ang atensyon ko sa kanya, bawat oras ay hindi ko siya hinahayaan, binabantayan at inaalagaan.

Sa ngayon ay pinaplano na namin siyang pabinyagan, kaugalian na kasi sa amin na maagang ipabinyag ang mga sanggol.

Kahit na sa akin muna ipa apelido ang bata
ay ayos lang dahil hindi pa bumabalik ai Nico, at kung sakali man na maka-alala na siya sa amin ay ipapakilala ko si Nicollo at isusunod sa apelido niya ang bata.

"Napaka-gwapo ng magiging inaanak ko, nakakagigil parang hindi lang tatlong buwan dahil sa laki." hindi mapigilan ni Gelian ang panggigilan si Nicollo.

Siya ay kaibigan ko mula elementary, isa siya sa mga ninang ni Nicollo, tanging mga malalapit na kaibigan at kamag anak ko lang ang kinuha kong ninong at ninang.

At si Gelian ang nag presinta na samahan ako para ipa picture si Nicollo para sa mga invitations at tarpulin para sa binyag.

Nakasakay kami ngayon sa trycicle papunta sa studio ng kaibigan niya, doon daw ako magpagawa at may discount daw ako.

"Napakalakas niya dumede, kaya naman hindi ko hinahayaan na hindi ako busog kapag maglalatch siya, baka maubusan ako ng gatas, iniisip ko nga na i-mix feed ko na siya." pagkukwento ko rito.

"Oo mas maganda nga na i-mix feed mo na, baka sa sobrang lakas niya mag latch e mangayayat ka masyado at maubusan ng gatas, habang lumalaki siya ay lalakas siya sa kakalatch at hindi na magiging sapat ang breast milk mo." parang expert sa baby na saad nya.

"Wow mars alam na alam ah." biro ko sa kanya.

"Syempre marami akong pinsan na nauna na nganak at nakita ko na din yung hirap nila kasi lalaki din mga baby nila." medyo natatawa niyang sabi.

"Ikaw kasi mag-asawa at mag-anak ka na din." biro ko ulit dito.

"Boyfriend nga wala pa mars!" pakunwari nya pa akong inirapan, saka kami nagkatawanan.

"Oh ayan na pala yung studio andito na tayo." saad niya.

Huminto naman ang trycicle sa harap ng studio, kami ay bumaba na at dumiretso sa loob.

Pagkapasok ay agad kaming inasikaso ng may-ari at pinapili ako sa ibat-ibang team para sa tarpulin at mga invitation.

Masusi naman akong pumili at nang may magustuhan na ako ay sinimulan na nilang kuhanan ng mga pictures si Nicollo.

Naging cooperative naman ang aking bunso ni hindi siya umiyak, minsan pa nga ay ngumingiti siya sa camera na para bang sanay na sanay siyang kuhanan ng picture.

Kaya naman hindi din napigilan ng photographer na makyutan sa aking munting anghel.















"Ikaw Nicollo Cortez ay ganap na Kristyano na sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito santo. Amen! Ikaw ay humayo at maging isang mabuting kristyano!" saad ni father bilang pagtatapos sa binyag ng aking anak.

"Maraming salamat po father." saad ko ng matapos na ang seremonyas, kami ay nagmano rito at sinimulan din ang pagkuha ng ilang pictures para maging remembrance sa okasyong ito.

Ganap ng kristyano ang aking mahal na anak, napakabait na bata dahil hindi man lang siya umiyak sa buong oras ng kanyang binyag.

Dahil na rin siguro sa mga ninong at ninang niya na hindi malaman paano siya kakargahin at paano siya aaliwin.

Hanggang sa reception ay ni hindi siya umiyak, kung hindi lang siguro siya nang hingi ng dede para makatulog.

Masaya din ako dahil ang ilan kong kaibigan sa kolehiyo na matagal-tagal ko nang hindi nakikita ay nakadalo sa binyag ng anak ko.

Maraming kwentuhan at kamustahan ang laman ng aming usapan, may ilan na nagtanong sa ama ni Nicollo, naghahatid iyon sa akin ng lungkot pero hindi ko ipinapahalata.

"Nakakalungkot naman ang nangyari sa iyo Selena, pero hayaan mo at isasama ko kayo ng aking inaanak sa aking mga prayers." saad ng isa ko pang kaibigan na si Olivia.

"Salamat, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, pero sa ngayon focus at priority ko si baby Nicollo, ngayon nya ako mas kailangan." nakangiti ko namang tugon.

"Oh siya sige, change topic tayo at baka umiyak pa si Mamma Selena!" pag-iiba sa usapan ni Gelian na ikinatawa naman namin.

Natapos ng masaya at matiwasay ang araw na iyon sa buhay namin ng anak ko, mahimbing kaming natulog na hawak ang pag-asa na balang araw ay makakasama din namin si Nico.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 175 39
***RATED SPG*** READ AT YOUR OWN RISK! She left him which made him successful. He hated her without knowing the real reason. She came back aft...
36K 1.7K 44
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
19.9K 421 22
Book 2 of Ruthless Casanova: Casanova's Love
702K 8.2K 21
There is a big problem in the company. So I decided to marry a boss. I didn't know na maiinlove pala ako sa kanya. I Abigail Marie Maxwell-Stacy, is...