POEMA || COMOP Special

By JackBlaireJackson

10.1K 206 42

Highest Rank for Poetry, 281K/#88 in poetry/03-26-2021 #16 as of Dec. 05, 2020 Salamin ng aking pagkatao, bak... More

FRONT MATTER
COMOP#02: Pamilya Ko, Inpirasyon Ko
COMOP#03: Ang Dapat Ipamahagi
COMOP#04: Larawan Ng Kawalan Ng Pag-asa
COMOP#05: Kadimlan
COMOP#06: Compass Of My Life
COMOP#07: The Fading World
COMOP#08: The Worth Of Time
COMOP#09: Pinakamahalagang Regalo
COMOP#10: Tuyong Dahon
COMOP#11: Naiibang Mundo
COMOP#12: Luha Sa Mukha
COMOP#13: Ang Aking Kabataan
COMOP#14: Pag-asa(Haiku)
COMOP#15: Natatanging Susi
COMOP#16: Salitang Kaibigan
COMOP#17: Pagsubok
COMOP#18: Halimuyak
COMOP#19: Pagbabago(Tanaga)
COMOP#20: Magkakaibang Mukha
COMOP#21: Huling Pahina
COMOP#22: Mapusyaw Na Liwanag
COMOP#23: H'wag Hihinto
COMOP#23: Isang Ligaw
COMOP#25: Himig Ng Panahon
NOTICE
COMOP#26: Banal Na Espiritu
COMOP#27: Ang Paglaya
COMOP#28: Bilanggo Ng Nakaraan
COMOP#29: Ang Paglipas Ng Alaala
COMOP#30: Kakaiba Siyang Talaga
COMOP#31: Katatakutan
COMOP#32: Mga Haiku
COMOP#33: Nang Mga Panahong Kasama Siya
COMOP#34: Bihag Sa Sariling Daigdig
COMOP#35: Makapangyarihan Ang Salita
COMOP#36: Paraiso
COMOP#37: Manahimik Nang Walang Masugatan
COMOP#38: Sa Ilalim Ng Bituin
COMOP#39: Naglahong Paraiso
COMOP#40: Lumang Aklat
COMOP#41: Natatagong Pag-ibig
COMOP#42: Salipawpaw
COMOP#43: Spatlait
COMOP#44: Haligi ng Tahanan
COMOP#45: Pagkilala ay Tanggapin
Author's Notes
TALAHULUGAN

COMOP#01: Salamin

695 11 17
By JackBlaireJackson


Salamin

*****

Ating isipin kahulugan ng salamin,
Katulad ay tiwala na nababasag din.
Pag-isipan ng maigi anumang sasalitin,
H’wag tulutang makabasag ng damdamin.

Anumang problema mayroong solusyon,
Sa parte ng pamilya, katoto, sa karelasyon.
Kung pag-irog, sa puso ay nakatanim,
Tiyak, ‘di mabubuwag di gaya ng salamin.

Ang pagkakaibigan, iyong pangalagaan;
Anumang hakbang, laging pag-isipan,
Ang paglingap sa lahat ng mababasagin,
Pag-ingat ay katulad katulad ng salamin.

Sapagkat nabasag, ‘di na mababalik pa,
Ang dating anyo, pakinabang ay wala na.
Hindi masisiyahan na ito’y gamitin pa,
Mapapala ay sugat lamang wala ng iba.

>>>

‘Yong tipong pinalitan ako?’

Friendly kung susuriin ang aking pagkatao, hindi rin naman kasi ako mapili pagdating sa kaibigan basta't sila ay nandiyan, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat walang bisyo o hindi magdadala sa akin ng sakit sa ulo.

Totoo, maganda ang may mga kaibigan, may kasa-kasama pag-uwi sa tahanan, sa mga hangout at marami pang iba. Ganon din naman may napagkukwentuhan at napagsasabihan ng ilang problemang ni minsan ay hindi mo na-open sa iyong mga magulang at higit sa lahat, napaghihingan ng advice sa kung sakaling gipit sa problema at naghahanap ng solusyon.

Palakaibigan, oo ako nga. Pero ako rin ang napakahirap na tao na pasukin ng buhay ko ng kahit na sino mapa makapasa sa standards para sila ay ituring bilang best friend ng buhay ko sapagkat katulad ng salamin ang aking damdamin, na kapag nabasag ni minsa'y hindi na muling maibabalik sa dating anyo mayroon ito. Walang makakapag-utos sa damdamin ng bawat isa para gawin kung ano ang gusto niya. Tiyak, kahit na advice ng magulang ay kadalasang hindi parin sinusunod ng mga anak. Sapagkat kung nabibilu pa nga lang ang desisyon, tunay na gagasto ng malaki para doon.

Nagkaroon ako ng kaibigan noon, matagal na panahon kaming nagsama. Mula elementarya pa lamang kasi ay kami na ang magkasama. Hindi ko naman siya itinuring na matalik na kaibigan ngunit habang tumatagal pakiramdaman ko ay gayon na nga.

Hanggang sa tumuntong na kami ng high school, ganon parin ang aming sitwasyon. Maayos na nagsasama bilang isang kaibigan, nagkakwentuhan tungkol sa bawat buhay. Nagpapangaralan, hanggang sa naglaon nga ang panahon na nagbago ang kapwa naming mundo. Tunay na palakaibigan ako ngunit sa likod ng aking anino ako'y sanay mag-isa. Nagkaroon siya ng ibang kaibigan at simula noon hindi na niya muli ako nakakausap. Napalitan na ba ako? Wala na ba akong puwang sa oras niya? Iyon ang mga katanungang gumugulo sa'king puso, at sinundan na lamang ng pagsang-ayon ng aking isip na wala nga talagang forever sa mundo. At tumagal pa nga iyon hanggang sa hindi na kami nagkakatinginan, hindi narin ako nakikipag-usap sa kanya marahil choice narin niya iyon para palitan ako ng ganon-ganon nalang sapagkat the gift of freedom is in our lives.

Masakit maiwan, mabasag ang damdamin ngunit mas maiging tanggapin ang katotohanan at gumawa ng bagong simula.


>>>

Talaan ng mga Salita

*Katoto - kaibigan
*'Di-mabubuwag - hindi mawawasak
*Pag-irog - pagmamahal
*Paglingap - pagpapahalaga, pangangalaga, pag-aasikaso
*Sasalitin - sasalitain
*Tulutang - payagan

A/N: Ang susunod pang mga kabanata ay naglalaman ng aking katha, ang tula. Salamat guys sa pagbabasa, hope na samahan niyo pa po ako sa pagbabahagi ng mahigit limampong tula na aking ginawa.

***

Sa mga nag-click nito maaari po kayong magbigay ng komento regarding your friendship story at gagawan ko ng tula kahit maiksi. Maaari rin po kayong magsuhestyon or simply Vote this story if nagustuhan niyo po, salamat.

See yeah in my next update...

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
381K 2K 103
Mga nadarama na hindi masabi ng harapan at personalan kaya isinusulat na lang at gawing libangan. x (Currently editing) x ~ #1 in Poetry, April 7, 20...
2.8K 70 24
dedication for those who seeks academic & career validation.
88 19 9
I'm inviting you to delve into the depths of my own mind and experience the world through my unique perspective. These book are a culmination of my i...