Unexpectedly In Love With The...

By MysteriousColdEyez

125K 14.8K 921

Unexpected? ~Sometimes someone comes into your life.. ~Unexpectedly take your heart by surprise and change yo... More

Prologue
Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
UIWTCH's Song MV
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 40

1.4K 266 18
By MysteriousColdEyez

Dedicated to: mariarollyve marites Jhay_marie JhanndyGurl KameCassie bitchusers Jeylalalats AndiPatchz LadyRollyve BibiChanyeol Lindseyness LeeShinJung StupidbibiGurl..

Dane's POV

"I wanna be a tutubi. Nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Nanahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!"

"Taena naman Torres e! Ang daya mo kasi!" Dinig kong sigaw ni Jan Dane.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay dahil walang pasok. Friday ngayon kaya half day. Sumama kasi yung mga boys dito para makikain. Wala naman akong nagawa kundi hayaan nalang sila. Hindi na din naman iba ang turing namin sa kanila. Dahil magkakaibigan naman na kami simula palang nung ipapakilala ako ni EJ bilang girlfriend niya. Nung nagpapanggap palang kami.

"Tumahimik nga kayo at maglaro nalang diyan kung ano yang nilalaro niyo!" Sigaw ko mula dito sa kusina. Nag aayos kasi kami ng pinag kainan namin kanina.

Naglalaro kasi sila ng I wanna be a tutubi. Alam niyo ba yun? Siguro yung mga 21th century na kabataan e hindi na. Yan yung hahanapin ng isang taya kung nakanino yung bato. Nakabilog ang mga kasali habang nasa likod ang taya. Habang kinakanta ang 'I wanna be a tutubi ' ipapasa ng mga kasali ang maliit na bato. Bawal nilang ipahalata kung nakanino yung bato, kasi hindi maa-atchoy yung taya. Dapat patago yung pagpasa.

"Bilisan niyo diyan para makasali kayo!" Sigaw ni Alex. Natawa naman ako at agad na tinapos ang pamumunas sa lamesa.

"Tapos ka na diyan Couz?" Tanong ni Chloe ng matapos niyang ayusin ang mga upuan.

"Oo.." Sagot ko.

Napatingin ako kay Nick sa lababo. Siya kasi yung maghuhugas ngayon malas lang niya dahil may nakikain kaya maraming huhugasin.

"Nick!" Tawag ko. Lumingon naman agad siya at nagpunas sa apron niya. Tapos na siyang maghugas.

"Tapos ka ng maghugas?" Takang tanong ni Couz ng makalapit si Nick sa amin. Tumango tango naman siya.

Nagtungo naman agad kami sa sala.

"Taena Sera! Kahit kailan talaga ang talas yang singkit mong mata!" Sigaw ni Alex.

"Unggoy ka kase!" Sigaw nito pabalik.

Umupo kami sa sofa at napatingin sa kanilang nag aasaran. Wala si Oppa dito dahil may condo naman siyang tinitirhan. Minsan kasi hindi siya umuuwi dito dahil maraming inaasikaso isabay mo pa ang pagiging coach niya sa basketball.

Nung una nga hindi ako naniwala ng sabihin nila EJ na si Oppa ang bago nilang coach dahil masyado siyang busy. Pero nung siya na yung nagsabi sa akin na siya ang bagong coach nila naniwala na ako knowing Oppa, he doesn't have a filter. Hindi siya marunong magsinungaling sa akin.

"I wanna be a tutubi. Nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!"

Nagsimula na naman silang maglaro.

Natawa ako ng mahulog ni EJ ang bato.

"Taena Alonzo!" Reklamo niya.

Humagalpak naman sila ng tawa.

"HAHAHAHAHA!"

"HAHAHA ano ka ngayon Torres!" Pang aasar sa kanya ni Alex.

"Taena! Hindi mo naman kasi inayos ang pagpasa ng bato sa akin e!" Naasar nitong sabi kay Alex.

"Wag kang magreklamo diyan at ikaw na ang taya.." Sabi naman ni Tristan sa kanya at umupo sa dati nitong inuupuan kanina.

"Nakakainis naman e! Ikaw talagang Unggoy ka sinadya mong bitawan yung bato!" Paninisi pa nito bago tuluyang tumayo at pumunta sa likod dahil siya ang taya.

Nanood naman kaming mga girls sa kanila.

"I wanna be a tutubi. Nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!" Pagkanta nila at ipinasa pasa ang bato.

Natawa ako ng muntik ng mahulog ni Nate ang bato. Hindi naman ito nakita ni EJ kaya pinagpatuloy nila ang laro habang tatawa tawa.

"Ano Ethan kaya mo pa ba?" Pang aasar ni Couz kaya natawa ako.

Nagsalubong naman ang kilay niya ng marinig niya akong tumatawa.

"Tinatawanan mo ba ako?!" Naiinis niyang tanong sa akin. Napailing iling naman ako.

"Hindi ah!" Sagot ko habang pinipigilang wag matawa.

Nakakatawa kasi nung itsura niya parang kasing nalugi kung makasimangot.

"Ano Torres! Hanapin mo na kung nasaan ang bato!" Pang aasar ni Jan Dane.

Natawa ako ng tingnan niya isa isa ang mga kamay ng kalaro niya.

"Ano ako tanga HAHAHA!" Sabi nito at humagalpak pa ng tawa.

"Unggoy! Sabihin mo nalang kung nakanino ang bato!" Sigaw ni Nate sa kanya.

Napangisi naman siya at tumingin kay Alex.

"Pangisi ngisi pa ang Unggoy!" Natatawang sabi ni Tristan at tiningnan ng pang aasar si Alex.

"Nakita kong muntik ng mahulog ang bato ni Nate kaya alam kong nasayo Gonzalez!" Nang aasar nitong sabi at humagalpak pa ng tawa.

Tumayo naman agad si Alex at napakamot sa batok niya.

"Taena naman kasi Sera e!" Naiinis nitong sabi at ibinato kay Nate ang hawak nitong bato.

"Taena! Nansisi pa ang Unggoy!" Pang iinis ni Nate kaya nagtawanan sila. Hindi rin naming mapigilang matawa nila Nick dahil sa itsura ni Alex.

"Ang pangit naman kasi ng linalaro niyo e!" Reklamo niya.

"You're the one who fucking suggest it!" Sagot ni EJ.

Napatigil naman siya at napasimangot.

"Ayoko na nga!" Sabi ni Nate at lumipat sa sofa para umupo.

Tumayo naman si EJ at tumabi sa akin.

"Ayoko na din!" Pang sang ayon niya.

Nagsitayuan naman silang lahat at umupo sa sofa. Nasa sahig kasi sila nakaupo kanina.

"Love.." Tawag sa akin ni EJ kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ng sobrang tamis.

"Yep.." Sagot ko. Ngumiti naman siya at sumandal sa akin. Hinayaan ko naman siya. Niyayak niya ako at inayos ayos ang nagulo kong buhok.

"Ang ganda talaga yang necklace mo.." Bulong niya sa akin. Napangiti naman ano napatingin sa hawak nitong necklace na nakasuot sa akin. Yung ibinigay niya sa akin nung monthsarry namin yung necklace na may nakalagay na may pendant infinity ring na may nakasulat na JLoveJ. Nakalimutan ko nga pa lang itanong sa kanya kung bakit JLoveJ yung nakasulat sa pendant ring. Kahit may instinct naman akong kinuha niya ito sa pangalan namin.

"Bakit nga pala JLoveJ?" Taka kong tanong kahit alam ko naman.

Humiwalay siya sa akin at natawa.

"Isang linggo mo na yang suot pero hindi mo alam kung bakit JLoveJ ang nakasulat diyan.." Sagot nito at napailing iling. Napairap ako sa kanya.

"Alam ko pero gusto ko lang itanong.." Nakapout kong tanong kaya bigla niya akong hinalikan sa labi.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko buti nalang may kanya kanya silang ginagawa kaya hindi nila nakita.

"Wag ka ngang magpout diyan. Naattemp akong halikan ka e.." Sabi nito kaya napapout na naman ako. Natawa naman siya at mabilisan niya akong dinampian ng halik sa labi.

"Ano ba!" Pabulong kong sigaw sa kanya kaya tinawanan niya ako.

"Alam mo ba kung bakit JLoveJ yung nakasulat dun?" Tanong niya sa akin. Napailing iling naman ako.

"Because I took that to my second name and your first name derived from the name James and Justin like JLoveJ.." He said while smiling. Napatango tango naman ako.

Jan Dane's POV

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila Justin. Naghahanda ng pagkain para mamaya dahil napag usapan naming magswimming. Ayaw ngang pumayag kanina si Ethan dahil tinatamad daw siya pero pinilit namin siya at wala naman siyang nagawa. Bumili nga kami ng salbabida para sa kanya kasi hindi yan marunong lumangoy. Secret lang natin yun ah wala kasing nakaka alam yun kundi kaming mga kaibigan niya lang. Takot kasi siya sa dagat at malalim na tubig dahil muntik na siyang malunod nung bata pa siya. Gusto ko mang magkwento tungkol sa kanya pero wag nalang dahil POV ko to. Swerte naman ng Unggoy na yun at ako pa ang magiging story teller niya.

"Taena naman Alonzo! Kanina pa kita tinatawag e!" Sigaw ni Alex sa akin.

Kung upakan ko kaya to kitang nagkwenkwento ako sa mga readers e.

"Ano ba yun?" Taka kong tanong ng makalapit ako sa kanya.

Nagsilabasan naman ang dalawang Unggoy na si Tristan at Ethan. Sumunod naman sa kanila si Nick at Chloe.

"Ano ba naman yan Alex. Hindi mo pa naiihaw ang barbecue at hotdog!" Sigaw ni Chloe sa kanya kaya natawa ako. Grabe talaga mga babae ngayon noh napaka bungangera.

"Sinabi ko kasing tulungan ako ni Alonzo e!" Paninisi niya. Napatingin naman sa akin si Nick.

"10k sa akin Alonzo ilista mo na.." Dinig kong sabi ni Ethan kaya napalingon ako sa kanila.

Taena! Pinag pustahan na naman nila kami ni Nick.

"Taena kayong mga Unggoy kayo! Pinag pupustahan niyo na naman ako!" Sita ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.

"10k din sa akin ramdam kong mananalo ako kapag sila ang pinag pupustahan.." Panggatong ni Tristan sa kanila at naglabas ng pera mula sa wallet niya at ibinigay kay Alex.

Nakita ko pang may nilista lista si Alex sa pamaypay niya. Napailing iling nalang ako. Kailan pa ba nagtino yang mga yan sa kalokohan nila?

"Ikaw Chloe? Pupusta ka? Mamaya magsasabong na ang dalawang yan.." Baling ni Alex kay Chloe. Napailing iling naman ito sa pinag gagawa nila.

"Wag niyo nga akong isali diyan sa pustahan niyo!" Sagot nito at inakay si Nick papuntang pool. Nasa garden nga kasi kami.

"HAHAHAHA Paano ba yan hindi nagsabong ang dalawa kaya walang nanalo!" Dinig kong sabi ni Tristan at kinuha ang pera kay Alex.

Ganun din naman ang ginawa ni Ethan.

"Ginawa niyo pa talaga akong manok!" Sigaw ko sa kanila. Humagalpak naman sila ng tawa at tumingin sa akin ng pang aasar.

"Mukha ka naman kasing manok e kaya wag ka ng magreklamo.." Sabi ni Ethan at inakbayan ako.

"Fuck you! Ginawa mo pa talaga akong mukhang manok.." Sagot ko dito. Natawa naman siya at umalis papunta sa loob ng bahay.

Lumapit naman ang dalawang Unggoy sa akin.

"Ethan's right. Wag ka ng magreklamo dahil mukha ka na talagang manok HAHAHAHA!" Pang aasar niya at humagalpak pa ng tawa tsaka umalis.

Naiwan naman kaming dalawa ni Alex dito. Nag papaypay siya sa iniihaw niya habang nakangisi. Ano naman kayang binabalak ng Unggoy.

Napatingin siya sa akin kaya nabahala ako dahil sa ngisi niya. Mukhang may binabalak ang isang to.

"May sasabihin ako sayo dali.." Bulong nito sa akin kaya nag aalinlangan naman akong lumapit sa kanya.

"Ano ba yun?" Nakakunot noong tanong ko. Mas lalo naman siyang napangisi.

"Gusto mo bang magrevenge sa kanila?" Tanong niya habang patawa tawa na parang sinasaltik.

Nakita kong naghalo halo siya ng ketchup at linagyan ng maraming chili oil ang bowl na pangpahid sa iniihaw niya. Parang ayoko tong binabalak niya. Gusto pang mandamay ang Unggoy.

"Kung ano man yang binabalak mo. Wag mo ng ituloy.." Sagot ko.

Ngayon na nga lang may oras para magsaya dahilbusy sa pagpra-practice ng basketball. Buti na nga pinagbigyan kami ni Coach Dale para magpahinga kundi para na kaming gulay dahil sa pagkalanta kaka-practice.

Coach Dale na talaga ang tawag namin kay Kuya Dale dahil nasanay na kami. Si Nate lang naman ang hindi marunong makinig kasi Hyung pa din ang tawag niya kung nagkakausap silang dalawa. Wala naman sa amin yun dahil close naman sila. Si Ethan lang ang nagrereklamo sa amin siguro nagseselos lang yun.

"Napaka kontrabida mo naman!" Naiinis nitong sabi. Napailing naman ako.

"Ano ba yang binabalak mong ka-KaUnggoyan?" Di ko mapigilang magtanong.

Kahit naman na against ako kanina gusto ko rin malaman kung anong gagawin niya. Malay niyo magbago isip ko at magustuhan ang binabalak niya. *Evil laugh*

"May pa-swiper swiper ka pa kanina gusto mo rin naman pala!" Pangaasar niya. Swiper?

"Swiper?" Nakakunot noong tanong ko. Humagalpak naman siya ng tawa.

"Unggoy! Yung pinanood natin kahapon!" Natatawa niyang sabi. Napakamot naman ako sa batok.

"Taena! Si Dora yun e!" Sigaw kong maalalang yun ang pinanood namin kahapon nila Ethan.

"HAHAHAHA!" Humagalpak siya ng tawa kaya napataas akong kilay.

"Tanga si swiper yun yung kontrabida sa Dora the exposure!" Sagot niya. Exposure ba yun?

"Bakit naman swiper?" Tanong ko.

"Ang slow mo naman Alonzo!" Pang aasar niya kaya binato ko siya ng stick na agad niyang nailagan.

"Mas slow kang mag-isip Unggoy!" Sigaw ko. Natawa naman siya. Exposure daw? Ang alam ko explorer yun e!

"Ganito yun oh!" Pwumesto muna siya at tumingin sa akin ng pang aasar.

"Swiper! Wag kang lalapit. Swiper wag kang lalapit.." Panggagaya nito kay Dora at ginawa pa talaga ang ginagawa ni Dora tuwing nakakaharap nila si swiper.

Bigla namang dumating ang tatlong Unggoy at humagalpak ng tawa dahil sa ginagawa ni Alex kaya hindi ko ring mapigilang humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHA!"

"HAHAHA Taena Alonzo! Bagay sayong maging Dora!" Pang aasar namin at humagalpak ulit ng tawa with matching hawak sa tiyan na.

Ethan's POV

"Nasaan na ba ang mga girls?" Takang tanong ni Nate sa amin.

Nandito na kasi kami sa labas. Tapos na din kaming nagswimming kanina. Nakaligo na din kami. Yung mga girls nalang ang hinihintay namin dahil naligo pa sila at may linuluto daw na especialty nila.

"Mag inuman muna tayo.." Suggest ni Tristan kaya tumango nalang kami.

Inumpisahan na naming uminom.

"Maglaro nalang muna tayo.." Sabi ni Jan Dane at tumingin kay Alex.

Napailing nalang ako. Ano na naman kayang naisip tong dalawang Unggoy na to.

"Ano na naman ba yan?" Takang tanong ni Nate.

"Tanong katatawanan HAHAHAHA!" Sagot ni Alex at humagalpak pa ng tawa. Kahit kailan talaga tong Unggoy na to. Pinsan ko ba talaga to?

"Ako muna mauuna!" Natatawang sabi ni Jan Dane.

Nagtinginan naman kaming tatlo nila Tristan at Nate.

"Siguraduhin mong maganda yan Alonzo!" Banta ko. Natawa naman siya.

"Anong hayop ang marunong manggulat?" Tanong niya.

"Ano?" Tanong ni Tristan.

"Sumagot kayo lahat para mas exciting!" Reklamo niya kaya binatukan ko siya. Ang daming arte di nalang sabihin.

"Ang dami mong arte.." Sabi ni Nate at binato pa ng isang hotdog kaya nagtawanan kami.

"Nakalimutan niyo na bang may moral support tayo sa isa't isa!" Pagpapaalala ni Alex kaya nagsitanguan nalang kami.

"Repeat repeat!" Sabi ni Tristan kaya natawa ako.

Kapag talaga moral support ang napag uusapan e. May multa kasi kapag nagreklamo ka tungkol sa moral support.

"Ayaw lang magmulta e!" Pang aasar ko kaya natawa siya.

"Wala namang may gustong magbayad sa atin kaya Jan Dane ituloy niyo na ang laro.." Naiinip na sabi ni Nate. Isa din tong buraot.

"Anong hayop ang marunong manggulat?" Pag uulit niya sa tanong niya kanina.

"Ano?!" Sabay sabay naming tanong. Natawa naman siya bago sumagot.

"Edi.. Booo-tiki!" Sagot niya.

Nagkatinginan naman kami at humagalpak ng tawa. Moral support ba.

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"Ako naman ang sunod.." Sabi ni Alex kaya tumango kami.

"Anong pagkain ang marunong manggulat?" Tanong niya.

"Ano?!" Tanong namin.

"Edi sabaw at kanin!" Sagot nito.

"Sabaw at kanin?" Takang tanong ko habang inisang lagok ang hawak kong beer.

"Paanong naging sabaw at kanin?" Tanong din ni Tristan.

Bigla namang tumayo si Nate at pumasok sa loob ng bahay pero hindi nalang namin binigyan pansin.

"Kasi nga Soup-rice!" Nakangisi nitong sagot kaya natawa kami.

Napailing iling naman ako at tumayo. Napatingin pa sila sa akin pero umalis na ako dun. Naiihi ako e.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa banyo. Alam na namin ang pasikot sikot dito dahil palagi naman kaming pumupunta dito tuwing may group project.

Nang makapasok ako umiihi na agad ako at nagsabon bago lumabas. Nadatnan ko pang palabas na rin sina Chloe at Nicole kaya napalingon ako sa loob. Andun pa si JD.

Papasok na sana ako sa loob ng kusina ng makarinig ako ng ingay. Hindi ko ugaling makinig ng usapan pero bigla kong marinig ang boses ni Nate.

"Marunong ka ng magluto.." Dinig kong boses nito.

Lumapit naman ako at sumilip sa loob ng kusina. Nakita ko si Nate at JD. Anong ginagawa nila?

"Marunong na nga ako pero tingnan mo nga nasugat tong kamay ko!" Sabi ni JD.

Mas lumapit naman ako para makita ang pinagagawa nila.

Nakita kong lumapit si Nate kay JD at hinawakan ang kamay nito. Nagsalubong naman ang kilay ko at nakaramdam ng inis.

"Diba sinabi ko namang mag ingat ka kapag nagluluto ka at tuwing gumagamit ka ng kutsilyo.." Panenermon nito. Nakita ko namang napanguso si JD.

"Mahapdi!" Reklamo ni JD ng diinan ni Nate ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Kailangang ilabas yung dugo Justin.." Sabi ni Nate na tinaguan naman niya ito.

Inilapit niya ito ang labi sa sugat ni JD atsaka sinipsip ang dugo. Nakaramdam ako ng selos. Napakuyom ako at umalis dun.

Bakit ako nagseselos kay Nate? Ilang ulit ko ng nakitang sweet sila sa isa't isa pero nakakaramdam pa rin ako ng matinding selos.

What the fuck!

"What the heck I'm feeling this way!" Sigaw ko.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at tinadyakan ang batong nasa paanan ko.

"Fuck! Fuck! Fuck!"

Napatigil ako at kinuha ang isang paso na may halaman atsaka ibinato sa sobrang inis.

"Fuck this feeling!" Sigaw ko.

The hell!

Ginulo gulo ko ang sarili kong buhok.

"Nakakainis!"

Patuloy lang akong naglakad hanggang sa namalayan kong nasa pool area na pala ako.

Umupo ako sa may upuan at tinanggal ang pagkaka butones ng polo ko.

Napatayo ako ng may makitang parang ipis sa paanan ko.

The heck!

"What's that?" Takang tanong ko.

Napaatras ako ng bigla itong dumapo sa damit ko.

"Fuck! Let go!" Sigaw ko at inalis ang polo ko at itinapon kung saan.

Napatingin tingin ako sa gilid ko. Napaatras na naman ako ng makitang lumilipad palapit sa akin ang ipis.

"Taena! Lumayo ka sa aking ipis ka!" Sigaw ko.

Napaikot ikot ako at isinangga ang kamay ko sa mukha.

Naramdaman kong dumapo ito sa buhok ko kaya napatalon talon ako.

"Ahhh!!!" Sigaw ko ulit at napaatras.

Hindi ko namalayang malapit na pala akong mahulog sa pool kaya umatras ako pero nung makita ko ang ipis na dumapo na naman sa tenga ko napaatras ulit ako at nahulog sa pool.

"Shit!" Mura ko ng makainom ako ng tubig.

Naramdaman ko ding nasa malalim na akong parte ng tubig.

"Help! Help!" Sigaw ko at itinaas taas ang kamay ko pero nahihirapan na akong makahinga.

I can't swim.

Napapikit ako ng mariin ng maramdamang nanghihina na ang katawan ko dahil sa takot.

To be Continued..

Continue Reading

You'll Also Like

16.5K 917 36
"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang...
30.5K 1K 56
Sometimes we fell inlove in an unexpected time,unexpected place and most of all to an unexpected.. "Everything Is Unexpected"
590K 11.4K 71
Highest achieve in rank #9 in teenfiction Dalawang taong pinaglayo dahil sa isang pagkakamali ng isa... Pero ipinagtagpo ulit para sa isang kasund...
68.6K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023