Unmasked Deceit (Completed) [...

By FantasticBliss03

2M 46.7K 5.2K

I love you but you took my heart for granted- Kaetlyn Julianne Warning: This story contains scenes not suitab... More

Prologue
1 : KSANALM
2 : MIKNNPSITGK
4 : YMNPPMPMO
5 : KSKBANATNRAPKUSY
6 : TPKNMAGRNS
7 : GPAPKN
8 : IPKNUUNNKNI
9 : BBPNMPSAKSKHM
10 : MADMAPK
11 : MAMGNMAONS
12 : PSPKASGNAN
13 : IKAGSNPKSY
14 : BBPNHNAL
15 : MKGSAATANK
16 : SKMAMNAU
17 : KBANPMKNPKKS
18 : SAPKMKOMA (SPG)
19 : IIKNLDSSPWRN (SPG)
20 : KSKBTNMBASNNK
21 : GKSSKNINNAKI
22 : KPADNPNPNS
23 : HNYSHMIUH
24 : AHPMKIMAKNI (SPG)
25 : KSMTNMHHKI
26 : WNAIHPSL (SPG)
27 : SMDNANPK
28 : KAMIPKHSH
29 : ANLDRBA (SPG)
30 : KSLNNAHNN
31 : KGKAMPNAUSK
Epilogue

3 : MMPNHKMMPOLBPSY

52.1K 1.5K 68
By FantasticBliss03


May mga pagkakataong hindi ko mapigilang masaktan pero okay lang basta para sa 'yo - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Maaga akong pumasok. Dati hindi naman, kailangang hintayin ko si Miggy. Ngayong umaga hindi ko na hinintay si Miggy. Kadalasan kase sabay kaming pumapasok sa school ngunit kaninang umaga lang ay inagahan ko talagang pumasok para hindi na kami magkasabay. Dumiretso na lang ako dito sa library habang maaga pa.

Maaga nga talaga dahil wala masyadong tao sa library. Mukhang ako lang at yung librarian yung meron sa library.

Inoff ko na din kase yung phone ko. Hindi ako bitter, sadyang masakit lang talaga para sa akin. Kailangan ko lang naman ng konting panahon. I just need a little time to accept everything. Konting panahon lang ang hinihingi ko. After this, I promise myself that I won't cry because of him anymore. I will move on. He's still my bestfriend. Hindi naman magbabago iyon. Siya parin ang Captain America ng buhay ko.

" Ang aga niyo naman po ma'am" Wika sa akin nung librarian. Napangiti ako.

" May assignment kase akong gagawin" Wika ko na lamang sa librarian sabay baling ko sa binabasa ko.

Assignment? Really, Jules. Anong assignment sa pagbabasa ng komiks umagang umaga, Jules. Untag ko sa aking sarili.

Naaliw ata ako sa binabasa ko dahil hindi ko napansin na 8 oclock na. Shit!

Binilisan ko ng gumalaw. Shit talaga. Five minutes nalang alas otcho na. May close door policy pa man din yung instructor ko ng first subject. Mabilis akong nagpaalam sa librarian at umalis agad.

Nagkanda ugauga na ako sa paglalakad dahil sa pagmamadali. Ni hindi ko na napapansin ang dinadaanan ko. Iyun tuloy, may nabangga ako. 

" Hala sorry po" Paumanhin ko. Nalipad na yung hawak kong papel. 

" No it's okay. I'm sorry" Napatingin ako sa lalaking nagsalita.

" Ha" Wika ko.

" Looks like you're late, Miss. Tapos nabangga pa kita." Untag nung lalaki sa akin sabay lahad nung mga papel na pinulot niya. Parang siya na yung pumulot nung mga papel na nahulog dahil nahihirapan ako. Ang taba ko kase kainis.

" Gino nga pala" Pakilala niya.

" Kaetlyn" Ngumiti parin ako kahit hinihingal na. Ang taba ko kase.

" O my gosh those bilbils are bouncing" Rinig kong saad nung isang babae. I sighed. It's okay Jules. Wika ko sa aking sarili. Dibale ng mataba basta mataba din ang puso. Hindi ko na pinansin pa yung mga babaeng nagsasalita.

" Saan ang classroom mo, tulungan na kita sa hawak mo" Untag sa akin ni Gino. Tinanggihan ko siya ngunit nagpumilit ito.

" Sige na nga" Wika ko. Ngumiti siya at sinabayan akong naglakad.

" You know what you're pretty. And pretty girls like you doesn't deserve to be bullied just because their fat." He casually said. Napatingin tuloy ako sa kanya.

" I saw and heard what those girls told you awhile back and it amazed me that you did not even bother to talk back at them. I know you don't want to be told that way. It hurts when you hear it. If you're interested, I want to help" He said.

Ngumiti siya.

" Looks could be deceiving but I'm not this fit before. I was 80 kilos two years ago." He still managed to tell me.

Gustong gusto ko talaga siyang kausapin pa ngunit late na talaga ako.

" Here's my number. Call me when you finally decided. I'm a transferee by the way. Gino Stefan Ayala." Maayos niyang pagpapakilala. Tinaggap ko iyung calling card niya bago pumasok sa klase.

" Miss Carson you're late. Get out of my class" Sabi ng prof namin. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.

" Iyan kase, ang taba masyado kaya hindi na nakatakbo" Wika nung maganda kong kaklase. Maganda naman talaga siya. Matangkad pa tapos makinis at higit sa lahat seksi.

Lumabas na ako ng klase ko. Tatambay nalang ako sa gazebo ng isang oras. Saka na ako papasok ulit sa susunod na klase ko.

Inopen ko iyung phone ko at nakita yung sunod sunod na tawag ni Miggy.

" Huy ba't di mo ako nirereplayan?"

" Galit ka ba? You're not answering my calls"

Ang dami niyang text message sa akin pero hindi ko magawang sagutan lahat. Isa lang naman kase ang sagot ko sa lahat ng text message niya.

Sana dumating iyung araw na iba nalang. Na iyung puso ko naman kumilala ng iba. Kakapagod din maghintay. Kakapagod masaktan. Minsan gusto ko ng aminin sa kanya pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Pero sa kabila ng nararamdaman ko, gusto ko parin masaya siya. Masaya na din ako kapag nakikita ko siyang masaya. His smiles are genuin when he is with Aya. Iyung mga ngiting hinding hindi ko maibibigay sa kanya.

Sabi sa akin ni Sabina noon, paibigin ko si Miggy. Pero wala na eh. Huli na ang lahat, may girlfriend ma ang kinikilalang Captain America ng puso ko.

Siguro nga hanggang kaibigan lang talaga kami.

Siguro nga hanggang dito nalang kami.

Siguro nga masmabuti ng manatiling magkaibigan kami.

Nakatunganga ako ng biglaang may umupo sa tabi ko.

It was Gino again.

" Oh bakit ka andito? Badtrip ka?" Tanong niya.

" Pinalabas ako nung prof ko, late na kasi ako" Wika ko.

" Sorry, kasalanan ko" Paumanhin niya.

" No, hindi mo kasalanan. It's just that late na talaga ako. But it's okay. Papasok nalang ako sa susunod kong klase." Saad ko sa kanya.

Napatingin siya sa malayo.

" Ang layo naman ng tingin mo" Untag ko. Nabaling ang tingin niya sa akin.

" Ano napag-isipan mo na ba? I will be at the gym later." He said. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

" Where is that gym you're saying" Tanong ko.

" Sunduhin nalang kita. If that's okay with you. Wala naman akong gagawin pagkatapos" Rinig kong saad niya sa akin.

" Bakit ang bait mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa lang siya

" Mabait naman talaga ako ah" He even joked.

Napangiti ako.

" Baka naman ginugood time mo ako. Nananapak ako ng mga taong ganon" Wika ko. Napatawa na lamang siya.

" Gusto ko lang makipagkaibigan. Puwede ba?" He asked. I nodded.

" Sure why not" Sagot ko.

" Sabi mo iyan ah. So friends na tayo" Wika niya sabay lahad nung kamay niya. Nakangiti kong tinanggap ang kamay niya

" Friends" I smiled back.

Pumasok na ako sa klase ko pagkatapos. Nang makapasok ako ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. The way they looked at me was something I don't want. Parang may ginawa akong hindi tama.

Their eyes landed on the person behind me. It was Gino. Si Gino na nasa may pintuan na nakatingin sa kung saan ako uupo. His eyes were looking at me. He was smiling at me.

" Alis ka na diyan" I muttered. Ngumiti siya bago tumango.

" Aalis na po" Untag niya bago tuluyang umalis.

" Bago?" Rinig ko agad na saad nung isang magandang babae.

" Oo daw eh. Anak mayaman. Ayala daw apilyido. Yayamanin" Rinig kong untag nung isa ulit na babae.

" E bakit niya kasama iyang tabachuy na iyan. Yuck hindi sila bagay. Balyena siya tapos hari naman si Gino. Not matched" Nasaktan ako sa sinabi nung babae pero hindi ko na siya pinatulan pa. There's no need for me to do that.

Our class went on. Pumasok narin yung susunod naming prof at nagsimula ng maglecture. Hanggang sa lunch break na ay hindi ko parin sinasagot ang mga text ni Miggy.

Nagulat ako ng paglabas ko ay nadatnan ko siyang naghihintay sa akin sa may pintuan ng class room.

Diretso ang tingin niya sa akin. Tumingin na din ako sa kanya.

" Galit ka ba? Did I do something wrong?" Magkasunod niyang tanong habang kasabay kong naglalakad.

" Hindi, bakit sana. Lowbat ako, nakalimutan ko lang magcharge kagabi kase natulog na ako. Kakapagod kaya nung ginawa nating surprise para kay Aya kahapon" Wika ko sa kanya.

" Jules!" Tawag sa akin ni Badet, kasama niya si Lyndon.

" Nagtext ako sa 'yo pero di mo naman sinasagot yung phone mo" Parang nagtatampo pa niyang wika sa akin.

" Pasensha na, nakalimutan ko kaseng magcharge kaya lowbat ako" Pagdadahilan ko. She looked at me as if I am the best liar in the world. Alam niyang imposible kase iyun.

" Ay ganun ba. Hindi ako updated" She said while smiling. She knows I'm lying.

Lumapit agad sa akin si Miggy at nilagay ang kanyang braso sa batok ko.

" Nagtatampo ba ang Jules ko? Tell me, what did I do that you don't like" Wika niya sabay harap ng mukha niya sa akin.

Nabother tuloy ako.

" Wala. Low bat lang talaga ako. At chaka maaga ako kase may ginawa ako sa library" Pagtanggol ko sa aking sarili.

" Dapat sinabi mo sa akin para inagahan ko. Hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko tuwing pumapasok" Maayos niyang wika sa akin.

" Si Aya, ba't di mo kasama?" I changed the topic. Ngumiti siya. Those smiles again.

Napansin namin si Aya na papunta sa gawi namin.

" Babe!" Wika niya ng papalapit na siya. Miggy extended his left arm to pull her for a kiss. Hinalikan niya si Aya sa labi sa harap ko. I looked away. Hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin si Badet.

" Andito na pala si Julianne" Saad ni Aya na nakangiti. Ngumiti din ako ng tipid.

" Where do we eat?" Tanong ni Aya. Tumingin sa akin si Miggy. Iyung braso niya ay nasa batok ko parin.

" Jules where do you want to eat?" He asked.

" Kayo na bahala" Magalang kong saad.

" Sa Venice nalang tayo" Saad naman ni Aya. We all agreed to it.

Ako na ang kumalas sa pagkakalagay ng braso niya sa batok ko.

Aya went closer to him. They held hands together like a normal couple.

Okay lang iyan Jules. You're ready for this right? You know that this day will come.

I looked at the both of them smiling and happily talking with each other. They look so sweet and in love. I cannot be the villain to their love story. In time, I will completely let go of him.

Konting panahon nalang, tuluyan ko ng matatanggap na ang kinikilalang Captain America ng puso ko ay hindi kailanman magiging Captain America ng buhay ko.

I love you Miggy. Mahal na mahal kita. Pero alam ko din kung saan ilugar ang sarili ko. This is my unspoken feelings for you. I will always consider you the love of my life.

I love you, Riel Joaquin Zarate.

Palihim kong pinunasan iyung luha na bumabadya sa mga mata ko.

Hindi ko na naitago dahil nakita ako ni Badet. Tumingin din si Miggy pero ngumiti na ako pabalik sa kanya.

-----

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 45K 42
How can the heart speak of what the mind cannot remember? Raven Josef Aldamante
231K 6.6K 36
Samantha's marriage with the love of her life is shaken when an uninvited guest returns to their lives. But as dirty secrets arise, can they still re...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

99.8K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
3.5M 56.2K 29
[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.