Bachelor's Pad series book 11...

By maricardizonwrites

1.4M 30.5K 764

Nagulat si Trick nang pagkatapos ng isang buwang pagkawala ng kanyang ama mula nang lamunin ito ng dagat, big... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Epilogue

Part 37

42K 849 31
By maricardizonwrites


"REMEMBER Melanie Delvalle? Iyong amiga ko? Nanganak na ang manugang niya. A cute baby girl! Hay, kailan kaya ako magkakaroon uli ng baby sa bahay? Ako na lang sa mga kaibigan ko ang walang apo. I feel left out whenever we meet. Kasi puro apo ang pinag-uusapan nila. Hindi ako makarelate."

Nagkatinginan sina Anika at Trick. Si Patrick ay natawa. Si Lolo Luis naman nakisakay sa rant ng Mama ng binata. Gusto rin daw nito ng apo sa tuhod.

Tumikhim si Trick. "Mama, you know that's not possible right now. Nakalagay sa kontrata ni Anika na hindi siya pwedeng magpakasal. Lalo na ang magbuntis. Besides, inuunahan niyo naman ako. Hindi pa nga ako nagpo-propose."

Marahas na bumuntong hininga ang Mama nito. Si Anika ang binalingan. "Hay, kahit si Matilda St. Clair, ibinalita na may anak na siyang magpapakasal. Why did you agree with a contract like that?"

Napangiti siya. Alam niya na walang ill feelings ang tanong nitong 'yon. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang madiskubre ng pamilya ni Trick ang tungkol sa relasyon nila. Work in progress pa rin ang relasyon nila ng Mama nito pero masasabi niyang mas malapit na sila ngayon. Noong nakaraang buwan lang, nagbakasyon ang mag-asawa sa Caramoan Islands at dumaan na rin sa isla para pasyalan ang pamilya niya. Pagbalik ng mga ito sa maynila, mas mabait na sa kaniya ang Mama ni Trick. Nginingitian na siya at wala nang ilangan kapag nag-uusap sila. Iyon lang, umuungot na agad ng apo.

"After five years, tita," nakangiti pa ring sagot niya. Ito mismo ang nagsabi sa kaniya noon na tita ang itawag niya rito. Isa 'yon sa sign na hindi na ito galit sa kaniya.

Bumuntong hininga na naman ito. "Oh, fine. I'm just saying."

Nagkatinginan na naman sila ni Trick. Inabot nito ang kamay niya mula sa ilalim ng lamesa at pinisil 'yon. Mayamaya ay napalitan ang awiting pumapailanlang sa loob ng restaurant kung saan sila kumakain ng dinner. Sumikdo ang puso ni Anika at lahat sila sa lamesa ay natigilan at napangiti.

"Oh, this is your song, hija," sabi ni lolo Luis.

"Palagi niyang pinagkakalat sa lahat ng business associates niya na kilala niya ang rising star ng music industry," nakangising sabi ni Trick. "And I always tell everyone that Anika Lejarde is mine."

Natawa siya. Gumanti ng pisil sa kamay nito. Hindi pa siya nakuntento, yumakap pa siya sa braso nito at hinalikan ito sa pisngi. "Kahit ang pagiging possessive mo, gustong gusto ko," bulong niya sa tainga nito.

Naging pilyo ang ngiti ni Trick. "Minsan ka na lang may libreng oras, why don't we leave the oldies here and go somewhere? Your new condo unit, perhaps? Let me show you how much I miss and love you, baby," makahulugang tanong nito.

Ngumisi siya at pilya ring sumagot, "Sure. Ipapakita ko rin sa'yo kung gaano kita na-miss."

Saka sila sabay na tumayo at mabilis na nagpaalam sa pamilya nito. Kahit na nang magreklamo ang mga ito, hindi sila nagpapigil. Pareho silang tumatawa nang magkahawak kamay silang tumakbo palabas ng restaurant.

Kung tatanungin si Anika ilang buwan ang nakararaan kung sumagi ba sa isip niya kahit isang beses lang na magiging ganoon ang takbo ng buhay niya, tatawanan niya ang nagtanong at sasabihing imposible. Pero heto siya ngayon, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap. Higit sa lahat, nakilala niya si Trick Alfonso, ang lalaking mamahalin niya habambuhay.

Continue Reading

You'll Also Like

409K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
323K 6.5K 13
GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla Every woman fantasized him. Every girls desire him. Lahat sila ay magkakandarapa para lang mapansin niya. Lahat...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
8.7K 676 23
Disisais-anyos pa lang si Althea nang magsimulang tumibok ang bata niyang puso sa panganay na anak ng mga De Torres--kay Anton. Ngunit tila mga bitui...