Secret Nights [RATED SPG / CO...

By iamaivanreigh

17.4M 193K 20.9K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... More

Author's Note
Prologue
Secret Nights - 01
Secret Nights - 02
Secret Nights - 03
Secret Nights - 04
Secret Nights - 05
Secret Nights - 06
Secret Nights - 07
Secret Nights - 08
Secret Nights - 09
Secret Nights - 10
Secret Nights - 11
Secret Nights - 12
Secret Nights - 13
Secret Nights - 14
Secret Nights - 15
Secret Nights - 16
Secret Nights - 17
Secret Nights - 18
Secret Nights - 19
Secret Nights - 20
Secret Nights - 21
Secret Nights - 22
Secret Nights - 23
Secret Nights - 24
Secret Nights - 25
Secret Nights - 26
Secret Nights - 27
Secret Nights - 28
Secret Nights - 29
Secret Nights - C
Secret Nights - 30
Secret Nights - 31
Secret Nights - A
Secret Nights - 32
Secret Nights - 33
Secret Nights - 34
Secret Nights - 35
Secret Nights- A
Secret Nights - 37
Secret Nights - 38
Secret Nights - 38
Secret Nights - 39
Secret Nights - 40
Secret Nights - 41
Secret Nights - S
Secret Nights - 42
Secret Nights - 43
Secret Nights - 44
PASASALAMAT
Meet Zeke Anderson
Bonus Chapter

Secret Nights - 36

250K 3.8K 235
By iamaivanreigh

ZACH'S POV

Meeting Micah's parents wasn't easy. Pakiramdam ko ay haharap ako nang mag-isa sa isang batalyon ng mga sundalo not knowing if I could still leave the place dead or alive. Sa isang mamahaling restaurant somewhere in BGC kami nakatakdang magkita-kita.




 Habang lulan ako ng isang taxi papunta sa naturang restaurant ay lihim kong mine-memorize sa isip ko ang mga dapat kong sabihin sa kanila. Aminado akong may munti akong kaba na nararamdaman pero mas nangingibabaw sa puso ko ang kagustuhang matapos na ang lahat nang ito upang makasama ko na ulit si Amber.




 Pagkapasok ko sa restaurant ay agad kong namataan ang pamilya Gonzaga na nakaupo sa pinakasulok na mesa na medyo malayo sa karamihan. With them is my parents na sinadya pa talagang lumuwas para lang sa importanteng bagay na sasabihin ko.




 Nakita ko ang fiancée ko na si Micah na tumayo at masayang sumalubong sa akin. She raised her hands papunta sa leeg at akma sanang hahalikan ako sa labi pero mabilis na lumingon ako sa ibang direksiyon kaya sa pisngi ko nag-landing ang labi niya.




 Bago pa man siya makapag react ay hinila ko na siya papunta sa table kung saan naghihintay ang mga parents namin.




"Hi, everyone," bati ko sa kanilang lahat bago humalik sa parents ko at sa parents ni Micah.

 "Hijo, ano ba ang rason at bigla kang nagpatawag ng dinner na 'to?" usisa ng mommy ni Micah.




 "Oo nga, Zach. Ano ba ang rason at bigla mo kaming pinaluwas nitong daddy mo? Don't tell me buntis na itong si Micah?" susog naman ng mommy ko.




 "Oh my God! Magkakaapo na ako sa unica hija ko?" excited na tanong ulit ng mommy ni Micah.




 I cleared my throat para maagaw ang atensiyon nila. "Guys, I think it is best if kumain na muna tayo. I'm sure everyone's already hungry. Mamaya ko na sasabihin ang announcement na tinutukoy ko."




 Tumawag ako ng waiter at saka idinikta ang mga orders namin. Habang naghihintay ay saglit na nahati ang atensiyon. My father and Micah's father talked about business while our mothers talked about the latest issues faced by women like them who belongs to the elite society.




 Nang sulyapan ko si Micah ay nakita ko ang kalituhan sa mga mata. Kahit siya ay hindi alam ang rason kung bakit ko sila ipinatawag na lahat.




When the food arrived, saglit na natigil ang usapan. Natuon ang atensiyon ng lahat sa masasarap na pagkain habang manaka-naka pa ring naisisingit ni mommy ang excitement niya tungkol sa nalalapit naming kasal ni Micah.




 And the most dreadful part finally came. Tapos nang kumain ang lahat. All eyes were now on me. Huminga ako nang malalim at saka nagsalita.




"First of all, I'd like to thank you guys for coming. Alam kong mga busy kayo but you still make time for this dinner. Thank you."




 "Come on, Zach. Masyado mo kaming binibitin. Just go straight to the point. What is it that you're going to say?" medyo naiinip nang tanong ng daddy ni Micah.




 "I'm cancelling the wedding," saw akas ay nagawa kong ibulalas ang kanina ko pa sana gustong sabihin sa kanilang lahat. Nakita kong nagdilim ang mukha ng dalawang nakatatandang lalaki samantalang napanganga naman ang mommy ni Micah na mukhang maiiyak.




 Akmang tatayo si Micah pero mabilis na nahawakan ko siya kamay. "Please, stay," pakiusap ko sa kanya.




 "You can't just dump our daughter, Zach!" galit na sabi ni Mr. Gonzaga.




 "I am not just dumping her, Sir. The reason why we are all here because I want you guys to hear my reasons why I want to cancel the wedding."




 Nakita ko ang pagtatagis ng bagang ni Mr. Gonzaga at parang anumang oras ay tatayo siya sa kinauupuan niya para sugurin ako. Pero wala akong makapang takot sa dibdib ko kaya nagpatuloy ako.




 "Unang-una, hindi ko po mahal si Micah. I love someone else and I would like to spend the rest of my life with her. At kung may babae man akong gustong pakasalan at pag-alayan ng pangalan ko, siya lang 'yon.




 "Pangalawa, ayoko pong pumasok sa isang relasyon na para bang isa lang iyong business transaction. If I'm going to marry someone, I'd make sure that my reason would be because of love, and not because of money."




"You're not cancelling the wedding, Zach. You are going to marry our daughter," pagmamatigas pa rin ni Mr. Gonzaga.




 "Para ano? Para maging miserable ang buhay niya sa piling ko? Kapag pinilit niyong pakasalan ko siya, araw-araw akong magkakasala sa kanya because believe me or not, I'll always find a way to be with the girl that I love most. Do you want your daughter to end up with a guy who doesn't love? Or even care for her?" 




"Zach, that's enough!" saway sa akin ng daddy ko.




 Naramdaman kong bigla na lang kumawala sa akin si Micah at saka nagtatatakbong lumabas ng restaurant. I had no choice but to run after her. Naabutan ko siyang akmang bubuksan na ang pinto ng kotse niya pero mabilis na napigilan ko siya.




 "Micah, let's talk," sabi ko sa kanya.




 Nakita ko ang pumumula ng mga mata niya nang tumingin siya sa akin. "Do you really have to slap into my face that you don't like me, huh?"




 "Micah, why can't you just be happy with what I'm doing right now? Hindi mo na kailangang magpanggap na gusto mo ako. I am actually saving you para makasama mo ang taong totoong mahal mo," sabi ko sa malumanay na boses.




 Nagtatakang tumingin siya sa akin. "What do you mean?" tanong niya bago humalukipkip.




 "I know that you're having an affair with my friend, Niel. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa inyo."




"It was just a one night stand."




 "One night or two nights, it's still the same, Micah. You cheated on me. At sa mismong kaibigan ko pa. I admit, yes! I just had sex with the girl I love lately so basically, I also did cheat. I guess it's fair to say that we're quits."




 "But Zach... I love you."




 "Micah, I'm really sorry.  But you already know what I felt. Please don't let me say it again. I don't 'wanna hurt you anymore." And after that, I left her. Umuwi ako sa bahay ko nang medyo maluwag na ang pakiramdam.




 Pero papasok pa lang ako ng bahay ay nakita ko nang naghihintay sa akin ang parents ko sa sala. Why I wasn't even surprised.




 "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote mo para gawin ang bagay na 'yon kanina. But being your father, ako ang masusunod sa buhay mo. You are going to marry Micah Gonzaga or else—"




 "You will disinherit me, dad?" pagtatapos ko sa sinasabi niya.




 "Trust me, I can do that Zach. Kaya kong alisin ang lahat sa 'yo hanggang sa magmakaawa kang bumalik sa amin ng mommy mo," hindi kumukurap na sabi ni Daddy.




 At this point in time time ay nakaramdam ako ng matinding lungkot para sa daddy ko. Tila binalot nan g kasakiman ang buong pagkatao ng daddy ko.




 "I know that you can do that, Dad. You are even capable of doing much evil things than that. But you know what? I don't really care kung alisan mo man ako ng mana or kahit na anong bagay na mayroon ako ngayon. Mas gugustuhin kong manirahan nang simple lang kasama ang taong mahal ko kaysa mabuhay nang marangya pero hindi naman masaya.




 "There's a big difference between the two, dad. At kung tatakutin mo akong gagawin mong miserable ang buhay ng taong mahal ko, who goes by the name Amber, I'm really sorry but I'm not afraid of it anymore. Sa oras na may mangyaring mangyari sa kanya, I swear I'd kill myself just to be with her. At ikaw, ano ang matitira sa 'yo? Ang kayamanan mo?"




 Hindi na nakapagsalita si Daddy dahil sa mga sinabi ko. Ang mommy ko naman ay lumapit sa akin niyakap ako nang mahigpit. "I love you son. Do whatever makes you happy."

Continue Reading

You'll Also Like

807K 22.4K 40
"I don't believe in love at first sight, i do believe in fuck at first sight." Kelly Garcia
178K 2.1K 30
Si Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan, lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap...
392K 10.8K 35
Zoey is in love with Rome since the day he defends her from Stacey. And from there she loved him from afar. She saw how he flirt with girls around hi...
432K 11.2K 32
Aegon Jon aka as Jon Snow sa mga kaibigan niya. He is a business man with so much potential in life... He has an active life until life took his sigh...