Bachelor's Pad series book 11...

De maricardizonwrites

1.4M 30.5K 764

Nagulat si Trick nang pagkatapos ng isang buwang pagkawala ng kanyang ama mula nang lamunin ito ng dagat, big... Mai multe

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Epilogue

Part 20

34.5K 813 31
De maricardizonwrites

Katulad ng kanyang ina ay nasorpresa at naluha ang Tatay ni Anika nang makita siya. Nakahiga ito sa kama habang ang kaliwang binti nito ay nakataas, halatang matindi ang pamamaga kahit pa nakabalot 'yon ng maraming benda. Naawa siya at namasa rin ang kanyang mga mata sa sitwasyon ng Tatay niya. Niyakap niya ito ng mahigpit hanggang mahimasmasan sila pareho. Katulad ng kanyang ina hinanap din nito si Patrick. Ang sabi na lang niya busy ang lalaki kahit sa totoo lang ay hindi pa nga nito alam ang sinapit ng tatay niya. Pagkatapos ipinakilala niya si Trick.

Makalipas ang isang oras na pangungumusta napansin niyang napipikit na ang kanyang ama kaya sinabi niyang matulog na muna ito at magpahinga. Hiningi lang nila ang pangalan ng doktor na tumingin dito at saka nila iniwan ang mga magulang niya roon. Sila ni Trick ang kumausap sa doktor at nag-set ng pinakamalapit na petsa para sa operasyon. Tatlong araw mula ngayon. Sa pagkagulat niya, iginiit pa ng binata na ilipat sa isang pribadong silid ang Tatay niya para raw makapagpahinga ito ng maayos at hindi napapalibutan ng maraming pasyente. Tumanggi si Anika kasi ayaw niyang lumaki pa lalo ang bayaran nila sa ospital pero nagmatigas ito.

"Trick, huwag na sabi. Sa araw na lang bago ang operasyon niya kasi kailangan. Pero ngayon, ayos na siya sa ward. Masyado nang magastos."

Tumiim ang bagang nito at nakakunot ang noong tinitigan siya. Ilang segundong katahimikan bago ito sumagot, "Kung nandito si Papa, ganito rin ang gagawin niya. He will want the best doctor and the best accommodation for the family who saved his life."

Hindi na siya nakakibo kasi tama ito. Kinagat ni Anika ang ibabang labi at yumuko. "Hindi ko tatanggapin ang tulong ninyo ng libre. Balang araw, makakabayad din ako sa inyo."

Ilang segundo ang lumipas bago ito bumuntong hininga. "We will talk about that some other time."

Bumuntong hininga na lang din siya. "Sige na nga." Kaya makalipas lang ang isang oras, nailipat na ang Tatay niya sa pribadong kwarto. Ayos na rin kasi komportable na rin kahit silang nagbabantay. May mahaba kasing sofa at may sarili ring banyo.

Kakaupo pa lang nina Anika at Trick at inaayos pa lang niya ang bag na dala niya nang lumapit sa kaniya ang Nanay niya. "Kaya ko na rito, anak. Pero nag-aalala ako sa mga kapatid mo. Ibinilin ko sila sa kapitbahay kaso uuwi rin 'yon sa kanila pagkagabi na."

Agad na napatingala si Anika sa orasan na nakasabit sa pader. May oras pa para sa huling biyahe ng bangka papunta sa isla nila. "Sige 'Nay, uuwi na lang ako para may kasama ang mga bata." Tumayo na siya at napatingala kay Trick nang tumayo rin ito. Tipid siyang ngumiti. "Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin sa araw na 'to. Ano... kung hindi ka pa babalik ng maynila, ang alam ko may hotel sa bayan."

Umangat ang mga kilay ng binata. "What are you talking about? I'll go home with you." Sakai to yumuko at binitbit ang mga bag nila. "Let's go." Humarap ito sa kanyang ina at magalang na nagpaalam. Ganoon din ang ginawa nito sa Tatay niya. Si Anika, manghang napapasunod na lang ng tingin sa binata.

"Sasama ka talaga sa akin pauwi? Sa isla?" manghang tanong niya nang naglalakad na sila palabas ng ospital.

"Oo nga," sagot ni Trick. Ni hindi lumingon sa kaniya at pumara ng taxi. Binuksan nito ang pinto at gumilid para makapasok siya sa loob.

"Pero bakit? May hotel naman sa bayan at hindi ka magiging komportable sa bahay namin, sa totoo lang. Mas malaki pa sa bahay namin ang banyo ng kuwartong gamit ko sa bahay niyo. Hindi ko alam kung makakaya mong matulog sa amin," argumento pa rin ni Anika nang nakasakay na sila sa taxi at bumabiyahe na papunta sa port.

Inis na tiningnan siya ni Trick. "My father did it, right? He lived there for one month. Kaya kong mag-stay 'don kahit ilang araw lang. Don't underestimate me."

Napanganga siya. Ano bang nakain ng binata at nagkakaganoon ito? Ayaw nitong mabanggit niya ang pangalan ni Patrick pero ito naman banggit ng banggit sa tatay nito na para bang... nakikipagkompitensiya ito. Pero bakit?

Matagal na tumitig lang siya sa mukha nito. Hanggang bigla na lang itong marahas na bumuntong hininga at pumihit paharap sa kaniya. "Gusto kong makita kung ano ang naging buhay niya sa loob ng isang buwan. Gusto kong malaman kung bakit mula nang dumating siya ay para siyang..."

"Nag-iba?" tapos niya sa sasabihin nito.

Mariing tumikom ang bibig nito at tipid na tumango. Saka nag-iwas ng tingin.

Naiintindihan na ni Anika ang dahilan kung bakit sumama si Trick sa kaniya. Napangiti siya. "Napapansin mo pala na nag-iba na siya. Nakapag-usap na ba kayo ng masinsinan?" kaswal na tanong niya.

Humalukipkip ito. Matagal na hindi ito nagsalita kaya akala niya ayaw nito sagutin ang tanong niya. "Hindi namin kailangan mag-usap para hindi ko mapansin na may nabago sa kaniya mula nang bumalik siya. Kapag nakikita ko siya kahit sandali lang, nakikita kong iba na ang facial expression niya ngayon. Iba na ang kislap sa mga mata niya. Even the way he talks is different than before. I talked to my mother few days ago and she even told me he's acting different. Na dati palaging tungkol sa kung anu-anong party ang binabanggit niya pero ngayon daw, maraming plano si Papa na may kinalaman sa charity. Na gusto niyang magparticipate hindi tulad noon na basta makapagdonate siya ng pera okay na sa kaniya. It was weird that his personality suddenly became... deep."

Lumawak ang ngiti ni Anika. "Bakit ganiyan ang hitsura mo? Hindi ba dapat matuwa ka? Hindi ba dapat matuwa ang Mama mo?"

Mariing tumikom ang bibig nito. Naging kakaiba ang titig nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na."

"Sa tingin namin nagbago siya dahil sa'yo. And that is not a good thing. Not for my mom. Kasi kung napagbago mo siya, ibig sabihin may special feelings siya para sa'yo na hindi niya dapat maramdaman kasi may asawa na siya."

Bumuntong hininga si Anika sa narinig na pait at talim sa tono ni Trick. Ni hindi na siya nasaktan at nainsulto sa sinabi nito. Siguro nasanay na siyang ganoon ang opinyon ng mga ito sa relasyon nila ni Patrick. Tumingin siya sa labas ng bintana bago malumanay na nagpaliwanag.

"Sinabi niya sa akin kung anong klaseng tao siya bago siya napadpad sa isla namin. Inamin niya na hindi siya mabuting tao. Tapos noong nasa eroplano na kami papunta ng maynila, sinabi niya sa akin na hindi siya naging perpektong asawa at ama."

Umismid si Trick. "That is an understatement."

Nilingon niya ito. "Pero gusto niyang itama ang lahat ng naging pagkakamali niya habang may pagkakataon pa siya. Kasi raw, binigyan siya ng pangalawang pagkakataong mabuhay at gusto niyang gamitin 'yon sa paraang hindi siya magsisisi. Gusto niyang mapalapit sa'yo, Trick. Gusto niyang iparamdam na mahal ka niya. Ganoon din ang gusto niyang mangyari sa asawa niya. Gusto niyang bumawi. Kaya sana, hayaan niyo siyang gawin 'yon."

Hindi sumagot ang binata, tumitig lang sa kaniya. Tipid siyang ngumiti. "Hindi ako ang dahilan kaya siya nagbago. Marami lang siya nakita sa isla na hindi pa niya nakita buong buhay niya. Wala rin kuryente sa amin noon at walang masyado mapagkakaabalahan kaya maraming oras para magnilaynilay. Nakapag-isip lang ng husto ang tatay mo at na-expose sa buhay na sobrang iba sa nakasanayan niyang buhay kaya siya nagbago. Saka isang buwan siyang nawalay sa pamilya niya kaya mas lalo lang niya narealize na mahal niya ang asawa at anak niya."

"He told you that?" mahinang tanong ni Trick.

Tumango si Anika. Tumiim ang bagang ng binata.

"Kahit na alam niya ang feelings mo para sa kaniya?"

Natigilan siya. Napangiwi sa intensidad na nakita niya sa mga mata nito. "Oo."

"Jerk," gigil na bulong nito.

"Hindi lang talaga niya ako gusto sa paraang gusto ko siya. Hindi ba mas 'jerk' siya kung paasahin niya ako kahit wala naman kahahantungan ang nararamdaman ko para sa kaniya? Mas magagalit kayo sa akin kung ganoon ang nangyari. Saka masyado siyang mabait para gawin 'yon sa'kin at sa inyo ng mama mo," pagtatanggol niya kay Patrick.

Mukhang lalong nainis si Trick at iniwas ang tingin. "Malayo pa ba tayo?" pag-iiba nito sa usapan.

Hinayaan na lang niya ito at tumingin sa labas. "Malapit na."

Pagkatapos 'non wala nang nagsalita sa kanila hanggang makarating sila sa port. Kahit nang magkatabi na silang nakasakay sa malaking bangka papunta sa isla nila ay hindi na nagsalita si Trick. Nakatitig lang sa karagatan. Makalipas ang isang oras na biyahe bumulong ito, parang sarili lang ang kausap, "We thought he will not survive the sea that day. Walang malapit na isla sa posisyon ng yate namin at mataas ang mga alon. We searched for a month but in my mind, I have a feeling that we will never find him alive. Sometimes, I wish we can just find him, alive or not, para lang magkaroon na ng katapusan ang araw-araw na pag-iyak ni Mama."

Napatitig siya sa mukha ni Trick. Kumirot ang puso niya sa nakita niyang emosyon sa mukha nito. Hindi napigilan ni Anika na hawakan ang braso nito at nangaalo 'yong pisilin. Kumurap ito at napalingon sa kaniya. Tipid siyang ngumiti. "Hindi na iiyak ang Mama mo. Nakauwi ng buhay ang Papa mo at 'yon ang mahalaga. May mga bagay na nangyari sa nakaraan ang dapat kinakalimutan na lang para maging masaya at magaan ang buhay. Kasi hindi ba mas importante ang kasalukuyan at ang hinaharap?"

Umangat ang gilid ng mga labi ng binata. "I guess you're right."

Lumawak ang ngiti niya. "Talagang tama ako."

May tunog na lumabas sa bibig nito at nanlaki ang mga mata ni Anika. "T-tumawa ka ba?"

Tumikhim si Trick, sumeryoso ang mukha at nag-iwas ng tingin. "No."

"Tumawa ka."

"Hindi nga. Just shut up, Anika."

Natawa siya at para siyang kiniliti sa saya. Kasi kahit mahina at maiksi lang, sigurado siyang tawa ang narinig niya mula kay Trick. Iyon ang unang beses na narinig niya itong tumawa. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nagkaroon ng matinding kagustuhang mapangiti at mapatawa ang binata. Siguro kasi nawala ang takot, pag-aalala at nerbiyos niya tungkol sa nalalapit na operasyon ng Tatay niya nang makita ang ngiti nito. Siguro kasi gumaan ang pakiramdam niya at uminit ang pakiramdam niya nang marinig ang maiksi at pigil na tawa nito.

Bago sila makabalik ng Maynila, sisiguruhin niya na maririnig niya ang halakhak ni Trick. Pangako niya 'yon sa kanyang sarili.

Continuă lectura

O să-ți placă și

Infidelity De JTSOTIC

Ficțiune generală

447K 196 1
Samantha Cruz was given a chance to love Arthur Jimenez as her husband. Unfortunately, Arthur's still not yet ready into commitment. He still lives h...
413K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.1M 40.8K 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang s...
1.5M 23.8K 26
Christine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil i...