Just A Little Bit Of Your Love

By ef4aRrr

212K 5.5K 2.4K

He forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na... More

AN
One
Two
THREE
Four
FIVE
SIX
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-Nine
Fourty
FOURTY-ONE
Fourty-Two
Fourty-Three
Fourty-four
Fourty-Five
Fourty-Six
Fourty-Seven
Fourty-Eight
Wakas

Tweleve

3.9K 82 2
By ef4aRrr

AN: this is Nico's pv, kung bakit siya ang may pv dito? Alamin 😁
Paiiyakin ko na si Selena 😈😂

Maaga akong nagising at nagbihis, sinabi ko kay Selena na sa taniman ako pupunta pero sa totoo lang ay sa bayan ako sasaglit, inipon ko kasi ang mga pa sweldo niya sa akin.

Simula kasi ng tumulong ako sa taniman at sa pag dedeliver ng mga gulay at prutas na produkto ng kanilang taniman ay hindi siya pumayag na tumanggi ako sa sweldong ibinibigay niya sa akin. Ika nga niya.

"Wala ng libre ngayon Nico. Lahat ng pinaghihirapan at pinagtatrabahuan dapat ay may kapalit."

Napangiti ako ng maalala iyong araw na mahaba naming pinag debatehan ang pasweldo sa akin. Sa huli ay tinanggap ko din iyon at dahil wala naman akong pinagkakagastusan ay naipon ko iyon.

At ngayon ay napagpasya kong ibili siya ng singsing. Minsan kaming pumunta sa bayan at pumasok sa isang mall, nakita ko ang bilihan ng alahas at may singsing doon na kaya naman ng naipon ko.

Alam ko wala pa ang ala-ala ng aking nakaraan, pero gusto ko na siyang pakasalan, gusto ko na maging akin siya at wala ng makaagaw pa sa kanya.

Kinuntsaba ko na sina tiya Isabel, Arman at Ana alam nila na susurpresahin ko si Selena ngayong araw. Inihanda na nila ang venue kung saan ako mag po-propose mamaya.

Bago ako umalis ay hinalikan ko sa pisngi ang napakaganda kong kasintahan na mahimbing pang natutulog dahil napagod siya sa ilang ulit naming pag-iisa kagabi.

Napapangiti parin ako tuwing ma-aalala ko ang unang gabi na nag-isa kami, hindi ko maikakaila na sobrang saya at proud ko na ako ang unang lalaki sa buhay niya at sisiguraduhin ko na ako lang ang una, nag-iisa at magiging huling lalaki sa  para sa kanya.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at umalis papunta kina tiyo Gabo, hiniram ko kasi ang kanyang owner jeep para madali akong maka-alis at makabalik.

"Magandang umaga po tiyo." bati ko sa kanya ng madatnan ko siyang nagkakape sa kanilang teresa.

"Magandang umaga naman hijo, napakaaga mo ha, magkape ka muna." paanyaya nito sa akin.

"Naku salamat nalang po, inagahan ko po talaga para maihanda kaagad ang aking plano. Salamat po ulit at ipagkakatiwala niyo sa akin itong jeep niyo." nakangiti kong sabi.

"E sa tingin ko naman ay mas marunong ka pa mag maneho sa akin, akala ko ng nung sinabi mong turuan kita magmaneho ay wala ka talagang alam sa pag mamaneho pero nagulat ako na natural na lumalabas ang kaalaman mo sa sasakyan." tukoy niya sa nakaraang linggo na pinuntahan ko siya at nakiusap ako na turuaan niya ako mag maneho.

Pati ako nga ay nagulat na alam ko kaagad ang gagawin, kaunting superbisyon niya lang ang kinailangan ko noong araw na iyon.

"Baka dati na po akong marunong gaya ng sabi niyo, dahil nawalan ako ng ala-ala kaya siguro akala ko ay hindi ako marunong magmaneho." saad ko.

"O sya heto ang susi ng owner jeep, humayo kana at ng mabilis kang makauwi, mag-iingat ka." sabi niya saka niya inihagis papunta sa akin ang susi na kaagad ko namang nasalo.

"Opo tiyo, salamat po ulit." nakangiti kong sabi saka lang siya nakangiti ring tumango.

Minaneobra kona ang jeep at ilang sandali pa ay nasa daan na ako, tahimik lang ang daan at medyo may kadiliman pa dahil mag-aalaskuwatro palang ng madaling araw.

Sa tantya ko ay kalahating oras lang ay makakarating na ako sa bayan, maaga pa iyon kaya uunahin ko na muna ang mamalengke para sa pagkaing ipapaluto ko kay tiya mamaya.

Habang si Ana naman ay lilibangin si Selena, kunwaring magpapatulong tungkol sa gusto niyang kuning kurso sa kolehiyo.

Masaya kong iniisip ang mga mangyayari mamaya ng bigla nalang may bumubulusok na truck ang patungo sa akin, nanlaki ang mga mata ko, mabilis kong iniliko at iniwasan ang truck. Mariin kong tinapakan ang gas at pinihit paliko ang manibela ng owner upang makaiwas sa bumubulusok na truck.

Nakaiwas ako pero dahil sa pagtapak ko sa gas ay naging sobrang bilis ng patakbo ko at huli na ng makita kong babangga ako sa isang malaking puno.

"Selena!!" pangalan ng babaeng pinakamamahal ko ang aking binanggit bago ako mawalan ng malay.

>>>>

Kanina pa ako kinakabahan, maghapon ng wala si Nico. Maaga siyang umalis kanina, tulog pa ako ng umalis sya, nagpaalam naman siya kagabi na tutulong siya sa taniman.

Kaya kampante ako na naroon lang siya, pero ng dapithapon ay dumating si tiya at Arman na tinanong ako kung dumating naba si Nico ay binundol na ako ng kaba.

"Ang sabi niya kagabi ay tutulong siya sa inyo sa taniman tiya kaya kampante ako na kasama niyo siya maghapon." kinakabahang saad ko.

"Ang totoo ate, balak kang sorpresahin ni kuya Nico, pinahanda nga niya ang batis kung saan kayo nag picnic noon. Nakahanda na iyon kaninang hapon pa, kaya nagtaka ako ng mag dadapit hapon na ay wala pa sila ni inang."

"Ako naman ay naghihintay sa kubo nina aling Geronima, doon dapat kami magluluto ng espesyal na pagkain para sa sorpresa niya sa iyo hija, pareho kami ni Arman na papunta sa isa't-isa ng magkasalubong kami sa daan at malaman na walang Nico ang dumating mula kanina." paliwanag ni tiya.

"Pero wala pong Nico ang umuwi mula kanina pang umaga tiya, nasaan na po kaya siya." nag-aalalang sabi ko.

"Relax ka lang ate, baka naman may naging problema lang pero pauwi na rin si kuya Nico." pagpapakalma naman sa akin ni Ana.

"Selena!  Selena!" humahangos na sigaw ni tiyo Gabo.

Kaagad kong binuksan ang pintuan upang makapasok siya, lalo lang lumakas ang kaba ng dibdib ko ng makita ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"B-bakit po layo humahangos tiyo?" takot man ako ay naglakas ako ng loob magtanong.

"Huwag kang mabibigla anak, pero si Nico naaksidente." pagkarinig ko ng mga salitang iyon ay nanghina ako.

"Ate!"

"Selena!"

Magkasabay na sigaw nila ng mapaupo ako sa sahig dahil sa balitang hatid ni tiyo Gabo.

"Nasaan po si Nico?! Puntahan po natin siya!" pagmamakawa ko habang bumubuhos ang mga luha ko.

"Tara dala ko iyong L300 pumunta tayo sa ospital para matignan natin amg kalagayan niya." sabi ni tiyo Gabo habang hawak ang mga kamay ko.

"Tara na Selena, kailangan tayo ni Nico." pinagtulungan nila akong itayo.

Kahit na nanghihina ay pinilit kong tumayo at maglakad patungo sa sasakyan ni tiyo Gabo.

Habang sa daan ay ikinwento sa akin ni tiyo ang mga nangyari, humiram daw si Nico sa kanya ng owner dahil pupunta nga ito sa bayan dahil may sorpresa siya sa akin.

Hindi lalo natigil ang luha ko, dahil sa gusto niya akong sorpresahin at mapasaya kaya siya umalis, kaya siya naaksidente. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Nakita daw ang owner jeep ni tiyo Gabo kaninang hapon na nakabangga sa malaking puno, sa gitna ng high way patungo sa bayan.

Pero wala na daw iyong laman na kahit sino, pero may nakakita daw sa aksidente na nangyari, muntik na daw maararo ng truck ang owner pero nakaiwas ito at bumangga sa malaking puno.

Si Nico daw ay walang malay na isinugod ng nagmagandang loob na dumaraan sa lugar na iyon. Mukhang mga dayo daw, mga turista.

Walang putol ang dasal ko na sana ay maayos lang ang lagay ni Nico, sa ospital na kami dederetso upang makita siya.

"Nico hintayin mo ako please, mahal ko malapit na ako." bulong ko sa hangin kasabay ng pagdarasal ko.

Umaasang pagdating ko sa ospital ay madatnan ko siya.

>>>>>

Nico's POV

"Finally! We found you!" bungad ni Juancho sa akin pagbukas ng pintuan pampribadong kuwartong kinalalagyan ko.

Nasa St. Micheal's Medical Hospital na ako ngayon, mabilis akong pinalipat ni Juancho ng tumawag ako sa kanya kanina.

Sabi ng mga nurse sa akin nang magising ako ay galing daw ako sa isang hospital sa probinsya, pero dahil walang sapat na makinarya doon para sa aking kalagayan ay inilipat nila ako sa pampublikong ospital sa maynila.

But i beacame conscious, at nainterview nila ako at natawagan ko ang nakatatandang kong kapatid.

"Ano pong pangalan ninyo sir? Wala po kasi kayong id para malaman ang identity nyo at hindi daw po kayo kilala ng mga tumulong sa inyo." saad ng nurse doon sa pampublikong ospital na pinanggalingan ko.

"I am Juaquin Ysmael Montereal, please call my brother Juancho Montereal and tell him I am here." mahina kong saad dahil sa panghihina.

Yun lang ang natatandaan ko, sa pag gising ko ay narito na ako sa kwarto ko sa st. Michael's.

"What do you mean by that?" sarkastiko kong sabi.

"Still a stubborn man, hinanap ka namin pero parang nagtago sa sa impyerno kaya hindi ka namin makita." sabi niya.

"I don't understand you, naaksidente ako kaninang madaling araw at nailigtas ako kaya tinawagan kita at heto ako. Ano bang pinagsasasabi mo riyan." nagtatakang tanong ko.

"I think you still need to be check." seryoso niyang sabi.

"Why i feel fine now." balewala kong sabi.

"Brother you are almost one year missing at ngayon ka lang ulit nakita dahil sa tawag mo sa akin." banayad niyang saad.

Natigagal ako sa aking nalaman, anong nangyari sa loob ng ilang buwan kong pagkakawala? Bakit parang kanina lang ang aksidenteng nangyari sa akin na noon pa pala nangyari.

"P-paano? I am on my way to our farm in Nueva Ecija when i met the accident this morning." puno parin ng pagtatakang saad ko.

"Yeah, that was almost a year ago, nakita ang kotse mo malapit sa bangin, pero wala ka na doon, halos isang taon ang lumipas hindi kami tumigil sa paghahanap sa iyo pero hanggang sa tumawag ka doon ka nalang namin natagpuan." paliwanag niya.

Napasabunot ako sa aking buhok hindi parin ako mapakali at nalilito ako sa mga nangyayari.

"Rest bro' kailangan kapa i pa check sa doctor para malaman natin kung ano ang nangyayari sa iyo." saad niya at tinapik niya ako sa balikat bago siya nagpaalam at lumabas na muli ng aking kwarto.

Nang makalabas ang kapatid ko ay muki akong humiga at sinubukan ko matulog ulit, pero hindi ko magawang makatulog dahil sa sinabi niya.

Where I Am in almost one year? I don't remember anything, what happend to me was like only yesterday.

Pinilit kong maalala kung ano talaga ang nangyari pero sumasakit lang ang ulo ko. Napailing ako at itinigil ang pilit na pag-alala sa ala-alang hindi ko alam kung ano.

I decided to sleep again and thanks to my comfortable room kaagad akong muling nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 1.1K 25
Mafia Sequel Present: Hate At First Sight Paano pala nagkagusto ka sa anak ng isang board member? Pero ang problema ay kinaiinisan ka niya at wala si...
40.6K 801 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
494K 11.9K 43
Paano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba s...