Secret Nights [RATED SPG / CO...

By iamaivanreigh

17.4M 193K 20.9K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... More

Author's Note
Prologue
Secret Nights - 01
Secret Nights - 02
Secret Nights - 03
Secret Nights - 04
Secret Nights - 05
Secret Nights - 06
Secret Nights - 07
Secret Nights - 08
Secret Nights - 09
Secret Nights - 10
Secret Nights - 11
Secret Nights - 12
Secret Nights - 13
Secret Nights - 14
Secret Nights - 15
Secret Nights - 16
Secret Nights - 17
Secret Nights - 18
Secret Nights - 19
Secret Nights - 20
Secret Nights - 21
Secret Nights - 22
Secret Nights - 23
Secret Nights - 24
Secret Nights - 25
Secret Nights - 26
Secret Nights - 27
Secret Nights - 28
Secret Nights - 29
Secret Nights - C
Secret Nights - 30
Secret Nights - A
Secret Nights - 32
Secret Nights - 33
Secret Nights - 34
Secret Nights - 35
Secret Nights- A
Secret Nights - 36
Secret Nights - 37
Secret Nights - 38
Secret Nights - 38
Secret Nights - 39
Secret Nights - 40
Secret Nights - 41
Secret Nights - S
Secret Nights - 42
Secret Nights - 43
Secret Nights - 44
PASASALAMAT
Meet Zeke Anderson
Bonus Chapter

Secret Nights - 31

276K 3.9K 362
By iamaivanreigh

 

Nasundan pa nang nasundan ang pagkikita namin ni Samuel. Actually, sa ilang beses na paglabas-labas namin ay napagtanto kong wala akong definite plan kong paano maghihiganti sa kanya. Yes, he still has his family pero hindi ko naman kayang ipapatay ang alinman sa mga magulang niya. I’m not a murderer.

Kaya ang naiisip ko na lang ay pasakayin siya na tutulungan ko talaga siya sa pangangampanya niya. At kapag oras na ng eleksiyon ay bigla na lang akong magdi-disappearing act.

I’ve learned from Yuan na hindi na maganda ang estado ng mga negosyo ng mga Ortega. Naibenta na ang halos kalahati ng lupaing pinagkukuhanan nila ng mga palay na ibenebenta naman sa merkado.

Hindi rin daw maganda ang lagay ng coconut farm nina Samuel dahil hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nakakabangon ang industriya ng niyog simula nang humagupit ang bagyong Yolanda.

So basically, alam kong ginagamit lang ako ni Samuel para sa pansarili niyang interes. Kailangan niya lang ako para may magluwal ng pondo sa kandidatura niya.

But too bad, I’m not that naïve. Hindi ako makakapayag na mahuthutan niya ako. Kapag asang-asa na siyang maglalabas talaga ako ng pera ay basta na lang akong hindi magpapakita sa kanya. Ewan ko na lang kung hindi sumakit ang tumbong niya 'pag nagkataon.

Ngayon nga ay magkikita ulit kami ni Samuel dahil inimbitahan niya akong gumimik. Huling labas daw namin dahil next week na ang filing of candidacy. Hindi na nga naman siya pwedeng pumunta-punta ng mga bar dahil makakasira sa image niya.

Pagdating ko sa Leyte Part ay agad na naghanap ng ako mapa-parking-an. Naghihintay na sa akin sa loob ng isang bagong bagong bar sina Samuel. May kasama raw kasi siyang mga kaibigan.

Pagpasok ko nga doon ay agad ko silang nakita. They were about ten to fifteen. Mukhang marami na rin silang na-order at ang iba nga sa kanila ay mukhang lasing na.

“Hey! Mabuti nakahabol ka!” malakas na sigaw niya sa akin dahil malakas ang tugtog sa loob.

Kasi nga pilit ka nang pilit na sumunod ako, gusto ko sanang isigaw iyon sa kanya.

Pero sa halip ay ngumiti na lang ako at kumaway sa mga kasama niya. It seems to me like parang mga yuppies pa ang mga kasama ni Samuel. Parang mga college students na hindi ko maintindihan.

Given his status in life, I was expecting na ka-level rin niya ang mga nasa circle of friends niya.

Umorder ako ng sarili kong drinks dahil ayokong maki-share sa mga iniinom nila. Paranoid talaga ako pagdating sa mga ganitong lugar. Baka kasi mamaya ay may pampa-high na pala ang mga inuming inorder nila bago pa man ako dumating.

“So, are you alone in your hotel right now?” malanding tanong ni Samuel sa akin. Halos dikit na dikit na ang katawan niya sa katawan ko at naamoy ko na ang hininga niya na amoy alak. Nanayo yata lahat ng balahibo ko nang maramdaman kong bahagya niyang pinisil ang isang braso ko.

“Maybe you’d like some company? Sabihin mo lang at pwedeng-pwede ko silang iwanan para sa 'yo.” There was a sexual connotation at the way he delivered those words. Na para bang gusto ko naman siyang makasama sa hotel room ko.

Yuck!

Ngumiti na lang ako at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi niya. Hindi ko binitawan ang inumin ko dahil sa takot kong baka may ilagay siya doong something.

Ilang saglit pa ay niyaya niya akong sumayaw. Dahil wala naman akong dalang bag dahil wallet at keys lang ang dala ko, pumayag ako sa gusto niya. Inubos ko lang ang martini ko at pagkatapos ay hinayaan ko na siyang hilahin ako papunta sa gitna ng dance floor.

Nagsisimula pa lang kaming sumayaw ni Samuel sa saliw ng maharot na tugtog nang tila pamilyar na bulto na nakatingin sa akin. At first, I thought that it was just an apparition. Pero habang tumatagal ay mas kumaklaro na sa mga mata ko kung sino ang lalaking nasa pinakasulok ng bar at mag-isang umiinom ng alak. It was Zach.

Himala, hindi niya kasama ang fiancée niya.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagsasayaw dahil alam kong pinagmamasdan ako ni Zach. God, why am I even affected with his presence?

Dapat wala lang sa akin kung nandiyan man siya sa tabi-tabi. Cool lang ako dapat. Pero hindi ko talaga magawang magpaka-cool knowing that he’s just in the corner watching over me. Kaya niyaya ko si Samuel na bumalik na sa pwesto namin.

Pero mukhang enjoy na enjoy pa ang lintik at ayaw pang paawat sa pagsasayaw. Kaya ang ginawa ko ay iniwan ko siyang mag-isa sa dance floor. Nakita ko ang pagdidilim ng mukha niya dahil sa ginawa ko pero saglit lang iyon.

Lumapit na rin siya sa akin na nakangiti. “Eto naman napaka-KJ. Minsan na nga lang tayong magsayaw, eh.”

“I’m sorry. I’m just tired,” alibi ko sa kanya. “Anyway, mauna na ako sa inyong umuwi. May lakad pa kasi ako bukas.”

“Mamaya ka na umuwi, please?” pagpapa-cute pa ni Samuel na pinungayan ako ng mga mata. As if namang tatalab sa akin 'yon.

“I’m sorry but no. Need ko na talagang magpahinga dahil maaga pa ang lakad ko bukas,” tanggi ko.

“Thirty minutes?” huling hirit ni Samuel.

“Fine,” pag sang-ayon ko na lang para hindi na niya ako kulitin. At talagang na-shocked ako nang matapos ang thirty minutes at nagpaalam ulit ako kay Samuel ay bigla siyang humirit na kung pwede ay maghati kami sa bill.

Seriously? Isang martini lang ang nainom ko samantalang ilang bucket ng red horse ang nalaklak niya kasama ang mga kaibigan niya tapos kalahati ang hihingin niyang share sa akin?

I was so disgusted! Pero para hindi na lang humaba ang usapan at makaalis na ako ay nagbigay ako sa kanya ng dalawang libo.

After giving him the money ay mabilis na lumabas na ako ng bar. Nagngingitngit ang loob ko habang nagda-drive ako. Sa sobrang inis ko ay halos hindi ko na nakita ang isang sasakyan na sobrang tulin ng takbo at tinutumbok ang kotse ko. Mabuti na lang ay mabilis kong nakabig ang manibela at hindi iyon tuluyang sumalpok sa kotseng dina-drive ko.

Abot-abot ang paghingal ko habang pinapakalma ko ang sarili ko. After five minutes ay muli kong binuhay ang makina ng kotse. Hindi ko na itinuloy ang plano kong pagkakape dahil baka madagdagan lang ang nerbiyos ko dahil sa nangyari kanina kaya dumiretso na ako sa hotel ko.

Pagkatapos maglinis ng katawan at magpalit ng damit pantulog ay sumampa na ako sa malambot na kama. Hindi agad ako nakatulog dahil naiinis pa rin ako kay Samuel. Kapal ng mukha!

Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman kong tila may tumunog mula sa labas ng kwarto ko. Bumaba ako sa kama at nakiramdam sa paligid. Nakarinig ako ng parang pagkikiskisan ng mga metal. Then it finally hit me, someone’s trying to open the door.

Mayamaya lang ay may narinig na akong yabag ng paa ng tao. Mabilis na hinanap ko ang bag ko at kinuha ang canister na pang self-defense ko. Hinugot ko sa saksakan ang lampshade at mahigpit iyong hinawakan.

Hinding-hindi ako magdadalawang isip na gamitin ang canister at lampshade na 'yon sa sinumang intruder na pumasok sa kwarto ko.

Abot-abot ang paghinga ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang naka-bonnet tao. Dahil nasa likod ako ng pinto ay hindi niya nailagan ang paghataw ko sa kanya. Bagsak sa sahig ang kung sino mang pangahas na iyon.

Nang masigurong wala siyang kasama ay lumabas ako sa kwarto ko bitbit ang canister. At ganoon na lang ang gulat ko nang lalabas na sana ako sa main door ng hotel room ko nang bigla namang may humarang sa akin.

Pipindutin ko na sana ang teargas nang biglang nahawakan ng lalaki ang kamay ko.

“Hey! Hey!”

“Zach?” nakahinga ako ng maluwag nang makilala kong si Zach nga ang nasa harap ko. Hindi ko na napigilang yumakap sa kanya. Nang masiguro kong hindi na ako nag-iisa ay saka ko lang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko.

“Are you okay? May narinig akong kumalabog.”

“May taong pumasok sa room ko. Hinataw ko siya sa ulo kaya nakalabas ako ng kwarto ko.”

Kinuha ni Zach ang canister sa kamay ko at inakay ako pabalik sa kwarto ko. Nandoon pa rin ang lalaking nakabulagta.

Agad na idinial ni Zach ang numero sa lobby at saka nagpaakyat ng security guards. “Someone break-in into the room of one of your guests,” inis na sabi ni Zach sa kausap sa telepono.

Mayamaya lang ay may mga security guards ngang dumating. Nang tanggalin ang bonnet sa mukha ng taong nakahandusay ay bahagya pa akong kinilabutan nang makita ang mukha ng may edad nang lalaki. He’s like one of those ex-convicts na napapanood ko sa mga movies lately.

Sinamahan ako ni Zach hanggang sa presinto at hindi niya binitawan ang kamay ko kahit na noong nagbibigay ako ng salaysay sa mga nangyari. Pagdating ni Atty. Yuan ay umalis na rin kami at ipinaubaya na sa abogado ang kaso.

“Thanks Zach,” sabi ko sa kanya habang pabalik na kami sa kinapaparadahan ng sasakyan niya.

“Are you sure na walang masakit sa 'yo?” concerned na tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Bakit ka nga pala nasa hotel na pinag i-stay-han ko? At ang bilis mo pang nakapunta sa harap ng room ko.”

Iyon ang ipinagtataka ko kanina pa.

Hinawakan ni Zach ang isa kong kamay at marahan iyong pinisil. “I’ll explain everything later, okay?”

__________

Please don't forget to VOTE. :)

Continue Reading

You'll Also Like

1M 25.5K 28
(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerleading captain with a hottie boyfriend, A...
440K 11.9K 34
For Allison, her gift is a curse and she vow she will not let this curse to pass on her child... So she decided not to have a child. Her grandmother...
9M 100K 39
WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed with the Prologue because this story conta...
82.2K 1.5K 43
Jerk. That's how you will describe Steve Alex Gonzales 4 years ago. Nakukuha niya ang babaeng gusto niya in a blink of an eye. Pero mukhang mapaglaro...