Iah point of view
Ngayon ang start ng Concert ng The Core dito sa Korea. Siyempre, nag kalat na naman ang mga Fans nila. Kasa-kasama din sila sa mga Balita dito.
Sila Radd at Gia ayon, mga nag eenjoy na mga yon panigurado.
Ako eto, nakaupo lang sa harap ng malaking bintana ko at tinatanaw ang baba.
Nag iisip ako kung ano na naman pwede kong gawin, pagkatapos ng halikan namin ni Drake kagabi.
' pinahirapan niya lang ako lalo'
Oo gusto ko na siyang kalimutan, unti unti na din nawawala yung pagmamahal ko sa kanya. Pero nung nakita, nakasama, nakausap, at nahalikan ko siya. Bigla nalang bumalik lahat.
Pinunasan ko yung tumulung luha galing sa mata ko. Nahihirapan na naman ako, lagi nalang akong nahihirapan ng ganito. At puro siya nalang ang dahilan.
Tumunog ang cellphone ko, nakita ko sa date ngayon na sana nag sasaya at naglilibang ako. Tiningnan ko din at 1 year and 5 months nalang ang natitira sakin, para maka move on sa kanya.
Nakakatawa man isipin na binibilang ko, pero ano gagawin ko? May mga tao akong kailangan balikan at kailangan ko na din ulit makasama. Maraming tao ang nag hihintay sakin.
Siguro nga oras na talaga para kalimutan ko na siya. Ito na talaga yung totoo, kailangan ko na talaga siyang kalimutan.
Sapat na siguro yung pinagsaluhan namin na halik kagabi para kalimutan siya.
Ayon na ang huli.
Dahil oras na mag kita na ulit kami, wala nakong mararamdaman pa sa kanya.
________________________________
Denice point of view
" Ngayon Concert ng The Core sa Korea diba?" Tanong ko kay Danielle na umiinom. Ng tubig
" Oo, kanina pa yon. Advance dun eh" sagot niya
" May chance kaya na makita nila si Iah don?" Tanong ko. Nakita ko naman na naibuga niya yung iniinom niya at agad na pinupunasan yung damit niya.
' Tanga amputa'
" Oo nga no? Paano nga kung nag kita sila don?" Tanong sakin ni Danielle
" Hahaha edi gulat ang Lola mo!" Sagot ko. Gulat talaga si Iah don. Tapos makikita niya pa Ex niya. Ohhh so sakit!
" Tapos makikita ni Iah si Zeann may kasamang babae--"
" Ano ba?! Bakit moba dinadawit sa usapan yon?!"
" Kalma lang, masyado kang defensive" natatawang sabi sakin ni Danielle. Gago amputa
" Pero maiba nga tayo ng usapan. Simula nung araw na muntik na akong masaksak at hanggang ngayon, feeling ko yung taong may gawa non, malapit lang satin." Seryosong sabi niya. Pakiramdam ko din yon. Yung feeling na malapit lang samin may kagagawan non.
" Hindi kaya ikaw talaga yon?" Nabatukan ko nalang kagad si Danielle. Gagong 'to! Pagbintangan pako!
" Tigas ng muka mo! Ako kasama mo non na tumulong sayo tapos ako pag bibintangan mo?! Eh kung ako kaya sumaksak ngayon sa ngala ngala mo?!" Humahagalpak naman ngayon ng tawa si Gago.
Nakita ko naman na gunagalaw galaw ang isang balikat niya dahil sa pagtawa niya. Pero yung isa steady lang. Hahaha
Nag kunwari akong natatawa din at bigla kong pinalo yung balikat niya. Yung may sugat
" Ahhhhhhhhhhhhh Ang sakit!" Sigaw niya kagad kaya natawa na talaga ako. Nakita ko kung paano niyang tingnan yon, akala niya yata dumudugo.
" Hahahaha nakakatawa no? Grabe Laughtrip!" Sabi ko sa kanya at tiningnan siya ng mapakla. Umalis ako don ng nag pipigil ng tawa.
__________________________________
Ken point of view
" So ano plano natin? Kelan natin sasabihin sa kanya? Naiinip nako, Ken" sabi sakin ng babaeng kausap ko.
Inakap ko siya at binulungan sa tenga.
" Malapit na, Love. Maghintay ka." Bulong ko sa kanya na ikinangisi niya
" Mag hihintay ako. Pero oras na mainip ako, uunahan na kita na ako ang mag sabi sa kanya." Sagot niya na ikinainis ko.
" Sisiguraduhin kong hindi ka maiinip. Panghawakan mo yan." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko'to. Siguro dahil gusto kona talagang bumalik sa dati. Marami ng nagugulo. Gusto ko ng maayos na'to.
' Sorry Danielle, sa ginagawa ko na'to'
___________________________________________
Aice point of view
" Hiwalayan mo na kapatid ko, kung napapagod kana. Hindi naman ako magagalit sayo" Anjhelo said. Angel's brother
" Ayoko pa."
" Aice tanggapin mo nalang na si--"
" Tanggap ko naman! Oo payag nako don. Pero wag muna ngayon. Gusto kong makipag hiwalay ng maayos sa kanya. Yung tipong maiintindihan niya lahat ng explanation ko."
" Maiintindihan ng kapatid ko yon, Aice. Sige, payag akong bigyan pa kita ng konting panahon. Pero oras na, naglitawan na lahat ng Sikreto, no choice ka. You will break up with my Little Sister" sabi ni Anjhelo na ikinatango ko.
'Sana nga, sana nga maintindihan ako ni Angel'
___________________________________
Chris point of view
'Ayoko sana, pero kailangan'
Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa ni Hana. Ayoko siyang iwan. Pero ano magagawa ko. Planado lang naman 'to.
Sana pag gising ko, sana wala ng mga sikreto na nakatago. Wala nadin sanang mga plano na kailangan gawin at sundin.
Ayokong makapanakit ng babae, lalo na kung si Hana yon. Ayokong makita na may tumulong luha galing sa mata niya. Ayokong mangyari sa kanya yon ng ako ang dahilan.
' Ayoko siyang, masaktan.'
____________________________________
Zyro point of View
Masasabi kong Lucky Guy si Zeann. Ang swerte niya, nakakainggit siya.
Why?
Kasi, siya pa din ang mahal ni Denice. Alam ko naman yon eh, una palang.
Niligawan ko siya, pero binusted niya ako. Dun palang alam kona. Na hanggang ngayon si Zeann pa din yung mahal niya.
Ang su-swerte nila sa totoo lang, kaso may mga tao talagang mga panira.
Sinira lahat ng mga taong yon ang mga taong mga nag mamahalan. Pinag hiwalay nila lahat.
' That d*mn Entertainment'
Nangangati na ang dila ko na mag salita tungkol sa kanila. Gusto ko silang pagbayarin sa lahat lahat ng nagawa nila.
Ang dami nilang sinira samin, simula nung bumalik kami at gumawa ng panibagong Grupo si Appa. At yon ang BlackMovers.
Nang dahil sa pag kaiingit nila hindi na nila naisip na may masisira sila.
________________________________
Okey, kalma.
Ilang Chapters nalang Guys, finish na. Pero hindi ko alam kung gagawa ako ng Part 3. Siguro, pag sinipag ako.
Pero dahil masipag naman talaga ako, baka nga makagawa ako. Lalo na't bakasyon na mga Besprendddddd HAHAHAA
SO YON, THANK YOU. DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT.
ILABYUUUUUU!💖
Gayak gayak kayo sa Next Chap... May POV si Gia diyan ( Kaibigan ni Iah sa Korea)
Kung itatanong niyo kung bakit, siyempre nasa Concert siya ng The Core kasama si Radd. Basta, mag abang kayo wahahahaha